Class 1-A

By classicbluepink

304K 14.1K 1.4K

At Royal International High School, where luxury and extravagance reign supreme, section 1-A is the envy of a... More

Sulat ng May-akda
Synopsis
1
❤️chapter 2❤️
❤️chapter 3❤️
❤️ chapter 4❤️
❤️chapter 5❤️
❤️chapter 6❤️
❤️chapter 7❤️
❤️ chapter 8❤️
❤️chapter 9❤️
❤️chapter 10❤️
❤️chapter 11❤️
❤️ chapter 12❤️
❤️chapter 13❤️
❤️chapter 14❤️
❤️chapter 15❤️
❤️ chapter 16❤️
❤️ chapter 17❤️
❤️chapter 18❤️
❤️ chapter 19❤️
❤️chapter 20❤️
❤️chapter 21❤️
❤️ chapter 22❤️
❤️chapter 23❤️
❤️chapter 24❤️
❤️chapter 25❤️
❤️chapter 26❤️
❤️chapter 27❤️
❤️chapter 28❤️
❤️chapter 29❤️
❤️chapter 30❤️
❤️ chapter 32❤️
❤️ chapter 33❤️
❤️chapter 34❤️
❤️ chapter 35❤️
❤️ chapter 36❤️
❤️chapter 37❤️
❤️chapter 38❤️
❤️chapter 39❤️
40
❤️Epilogue❤️
❤️Book 2!❤️

❤️chapter 31❤️

4.9K 256 8
By classicbluepink

Pizza

Fia pov,

"Miguel may gusto---"

Naibuga ni Miguel ang iniinom niyang apple juice at gulat na tumingin kay Ace, "Ano Ace? May gusto ka sa'kin? Alam ko namang gwapo ako pero ghad, hindi ko alam na kahit ang isang Royal Kings mapapa-ibig sa kagwapuhan ko. Okay lang naman samin na bakla ka pero ghad, ace! Hindi tayo talo--- aray. Akala ko ba gusto mo'ko? Bakit mo'ko binatukan."

Hinilot ni ace ang sentido niya. Natawa naman kami ng mag ugok sa bangayan ng dalawa.

"Fuck you, Miguel! Wala akong gusto sayo. What I mean is, may gusto akong sabihin sayo. Tanga!"

Namula ang mukha ni Miguel sa kahihiyan. "Sorry naman, tao lang nagkakamali din."

"Hindi ka tao, pagong ka. Kasing slow ka ng pagong. Bobo!" Sigaw ni Francis.

Ngumuso si Miguel at pumunta sa'kin. "Fia, oh! Tingnan mo pinagkaka-isahan ako nila. Balian mo ng braso isa-isa."

Ngumisi ako ng may naalalang kalokohan.

"Mimi, anong ngisi yan huh?"

"Anong iniisip mo?"

"Katakot ka fia. Para kang gagawa ng krimen."

Lumapad ang ngisi ko. Wala naman talaga akong naalala na kalokohan. Trip lang. Paki niyo ba!

"Sige fia, balian mo sila ng buto, huh?" Parang aso na naka hanap ng amo si Miguel base sa tono niya.

"HOY KAYO! BAKIT NIYO INAAWAY SI MIGUEL HUH?" sigaw ko sa kanilang lahat. Ngumiti ng abot hanggang langit si Miguel samantalang ngumuso ang mga ugok.

"Patay, nagalit si amazona."

"Kayo kasi eh!"

"Pinagkaisahan niyo si Miguel, ayan tuloy,"

Tumayo si Miguel at pumustura na parang nag aabang sa kaaway. "Ano? Pinagkaka-isahan niyo ko huh? Tingnan niyo napala niyo, pinagalitan kayo ni fia. Bwahahahahaha."

Nakita ko naman ang walis tambo sa gilid ng sofa at binato ko iyon sa ulo ni Miguel. Karindi sa tenga ng boses niya. Akala mo baboy na sisimulan ng lechonin.

"Boom sapol!" Sigaw ng mga ugok.

Napatakip ako sa bibig ko ng matumba si Miguel sa sahig. Napasobra ata ang paghagis ko ng walis tambo sa ulo niya.

"Lagot ka fia!"

Lumapit kaming lahat kay Miguel na nakahalandusay sa sahig.

"Pag bilang ko ng tatlo---"

Dinugtungan ni Carl ang sinabi ni Francis. "...dapat naka tago na kayo."

Binatukan siya ng mga ugok. "Pagbilang ko ng tatlo, bubuhatin natin si Miguel at ihihiga sa sofa. Maliwanag?" Tumango ang mga ugok sa sinabi ni Francis.

"1---"

"Wait, after three of before three?" Tanong ni Kev.

"Pagkatapos tanga!" Sigaw sa kaniya ni Ram.

Puwesto silang bubuhatin ulit si Miguel na wala paring malay. "1, 2---"

"Ang gulo eh! Ano ba ang Ingles ng pagkatapos? Before ba?"

"Ang talino mo naman, Thor." Sarcastic na sabi ni Mykel.

"Kingina, buhatin niyo na! Ang rami pang sat-sat." Umirap ako.

Ano ba ang nakain ng mga ugok na'to?

"1,2,3!" Binuhat nila si Miguel at inilatag sa sofa nila spade.

Kakatapos palang namin mag lunch dito sa bahay nila. Nagpractice na kami para sa pageant. At kung anong kanta ang kakantahin ko. Nagtanong ang mga ugok kanina kung anong title ng kanta pero hindi ko sinabi. Secret lang muna.

Nag hire na rin sila ng make up artist. Nag renta narin ng dress na susuotin ko sa pageant.

"Sayang!" Pumitik pa ng may pagka-dismaya si Ace sa kawalan.

Hanep. Lalim ng iniisip ah. Akala mo naman may isip. Kung mind reader lang ako baka nabasa ko na, na puro babae lang ang laman ng isip niya. Kinakalawang na nga siguro ang turnilyo sa utak niya.

"Anong sayang huh?" Tanong ni Adones.

"Tatanungin ko sana si Miguel kanina tungkol sa number ng babaeng nakita namin sa bar kagabi. Kaso pinatulog naman ni fia." Sinamaan niya pa ako ng tingin.

Umirap ako. Babaero talaga ang gago! "Makulam ka sana, Ace. Ang daming babae ang pinaiyak mo. Makahanap ka sana ng katapat mo. Makulam ka sana." Para akong nagbibigay ng sumpa kay Ace kung makapagsalita.

"Actually nahanap ko na katapat ko," ngumisi si Ace.

"Ows talaga?" Tanong ng mga ugok.

"Sino?" Tanong ni Jin.

Hindi na nakasagot si Ace nang bumukas ang pinto at pumasok si Spade, Alex at Xharles. Pumunta sila sa rentahan ng mga dress, para mag renta.

Kumunot ang noo ko ng makitang may dala silang malaki at lima na shopping bag na may nakasulat na GUCCI.

"Bakit yan ang dala niyo?" Tanong ko.

"Si spade kasi. Ayaw mag renta, kaya bumili nalang kami ng Gucci dress." Alex.

Umangal naman ang mga ugok.

"Wala kaming pang ambag sa ginastos niyo diyan."

"Tama, hindi pa ako binigyan ng karagdagang allowance ni dad."

"Bakit yang brand pa ang binili niyo? Ang mahal niyan."

Uminom ng tubig si Spade. "Tss, kahit hindi niyo na'ko bayaran sa gastos ko. It's just money."

Bumuntong hininga ang mga ugok.

"But.." naghintay kami sa kasunod ng sinabi ni spade. "Make sure, na mananalo kayo fia ni Ace sa pageant. 'kung hindi, kayong dalawa ang mag babayad niyan."

♥♥♥

"I'll drive you home." Walang ganang sabi ng hari ng mga ugok.

Alas singko na ng matapos ang practice namin. Uwian na ngayon.

Umiling ako, "Kay Khanz ako sasabay."

"Tss, no."

Wala na'kong nagawa ng higitin niya ang wrist ko at pinapasok sa kotse niya. Lechugas!

Pinaandar na niya ang kotse pero wala paring umimik saming dalawa.

"Kayo na ulit ni Yuwence?" Mahinahon tanong niya.

"Hindi ah!"

"Bakit ka nagpahalik sa kaniya?!" Sigaw niya.

"Hindi ako nagpahalik, sinubukan---"

"Ghad! Fia! Sinubukan? Sinubukan mo lang!"

"Eh anong gusto mong gawin ko? Depotaa. Mas malakas siya sa'kin. Pano ko siya matutulak?"

"I don't know how to say this shit but let me say this... Your a whore! Nagpahalik ka sa'kin and now your targeting your ex!"

Umakyat lahat ng dugo ko papunta sa utak ko. I'm a whore?  Napatawa ako na hindi makapaniwala. Sinabihan niya ako ng whore. WHORE!

Tumigil ang sasakyan niya ng dumapo ang palad ko sa pisnge niya. "PAKYU! BAKIT HINDI MO NALANG SINABI NA SLUT AKO? BAKIT KAILANGAN PA'NG WHORE?! LECHUGAS KA!"

Kinalas ko ang seatbelt at lumabas sa kotse niya. Kingina! Buti nalang malapit na ang bahay namin. Mabilis na linampasan ako ng kotse niya. Sobrang bilis ng pagpapatakbo nun.

Mabunggo ka sana sa puno. Walangya!

"Kingina mong hayop ka!" Sigaw ko. Mag Isa akong naglalakad dito sa kalsada. Kunti lang din ang dumadaan na kotse.

Ako? Whore?

Siguro tama ang gagong yun. I'm a shit whore!

Nagtakang pinagbuksan ako ng guard ng gate. Pag pasok ko sa bahay nadatnan ko si Yuwence at ang lima niyang lalaking kaibigan sa sofa. May canned beer at pagakin sa harap nila.

Okay lang naman sa'kin kung magdadala siya ng kaibigan niya dito. Hindi ko naman bahay to.

Nasapo ko ang noo ko ng maalalang nasa kotse ni spade  pala ang pouch ko. Shiting kalabaw. Naiwan ko!

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa hagdan para hindi maistorbo ang tawanan nila. Napahinto ako sa paglalakad ng tinawag ako ni Yuwence.

"Naomi!"

Bumaling ako sa kanila at ngumiti ng awkward. Nakita ko pa ang pagtaghoy nung isa niyang kaibigan. Yung chinito naman nginitian ako at kinindatan. Ang cute niya. Yung isang may dimple ngumisi sa'kin. Yung isang katabi ni Yuwence pinasadahan ako ng tingin. Yung Isa naman parang walang pakialam. Naalala ko tuloy sa kaniya si spad--- ba't ko ba iniisip ang gagong iyon?

"Hi!" Kumaway ako sa lima niyang kaibigan at lumapit sa gawi nila.

"Pasensya na kung andito ang mga kaibigan ko, nagulat nalang ako ng nasa pinto na sila." Natatawang saad ni Yuwence.

"Ok lang." Ngumiti ako.

"I'm Nick!" Nakipagkamay sa'kin ang chinito.

"Keiko," Yung tumaghoy kanina.

"Paul," pakilala nung katabi ni Yuwence.

"Dave," Yung may dimple na nakangisi parin.

Nag angat sa'kin ng tingin ang yung Isa kanina na busy sa cellphone. "Hindi niyo sakin sinabi na may diwata pala sa harap natin, by the way I'm Bethan," Kumindat siya sakin.

"Fia,"

Kumunot naman ang noo nila sa sinabi ko. "Akala namin Naomi ang pangalan mo."

"Pangalan ko narin yun. Aakyat na'ko sa kwarto ko. Bye!"

Hinigit ako ni yuwence at lianupo sa tabi niya. "Mamaya na please!" Nag puppy eyes pa siya.

Bumuntong hininga ako at tumango.

"Here," binuksan ni Keiko ang isang canned bear at binigay sa'kin.

Tinanggap ko iyon at tinungga.

"Sayo pala naka assign itong si yuwence?" Tanong ni Nick.

"Oo,"

"Ikaw pala ang boss niya," natatawang saad ni Paul.

Umiling ako. "Sila kuya lang. Hindi ako kasali."

"Your a Karizou right?" Dave.

Tumango ako bago uminom ulit ng alak. Hindi mataas ang alcohol tolerance ko baka madali lang akong malasing nito.

Sinuntok ko sa tagiliran ni Yuwence ng hahawakan niya sana ang beywang ko. Pinanlisikan ko pa siya ng mata.

"So, are you single? Ms, Karizou?"

Nagulat ako sa tanong ni Bethan pero tumango rin.

"That's good,"

hindi ko maintindihan ang sinabi ng may dimple na'to pero tumango parin ako.

"Kumusta ang pagiging teacher?" Tanong ni Yuwence kay Nick.

Teacher pala siya?

Si Dave ang sumagot, "Ayon marami paring nagkaka-gusto sa loko na'to. Pati estudyante na in love na sa kaniya."

Ngumisi si Paul. "You can't blame Nick, he's a handsome talented, and gentleman." He chuckle.

Tuamwa si Nick at tumingin sa'kin, "ikaw fia, balita ko naging ex mo si Yuwence."

Nabigla ako sa tanong niya. "Hehehe oo."

"May gusto ka pa ba sa kaniya?" Tanong ni Bethan.

Tahimik lang si Yuwence na nag aabang ng sagot ko. Tumawa ako. "Wala na."

Tumingin ako kay yuwence na parang nasaktan sa sinabi ko.

"Hahaha, hindi na pala ikaw pare eh!" Humalakhak silang lahat sa sinabi ni Dave.

"Tch!" Singhal ni Yuwence.

"Uhm, aakyat na'ko sa kwarto ko." Paalam ko sa kanilang lahat. Ang sakit na ng ulo ko. Naka ilan na kasi akong inom ng beer. Ayokong malasing.

"Oh sige."

Tumango nalang ako sa kanila. Pagdating ko sa kwarto. Naligo at nag tooth brush muna ako. Kumain na'ko kanina kela Spade kaya matutulog na'ko ngayon.

Yung pouch ko, nasa kotse ni Spade, andun pa naman ang cellphone ko. Haiyst. Andun din ang credit card ko. Kainis niya gago!

Ako? Whore? Edi tangina! Whore na'ko. Kingina niya! Gago siya! Walang filter ang bibig niya!

Makatulog nalang.

♥♥♥

High waist jeans, white shoes at black t-shirt ang suot ko ngayon. Pupunta ulit dito ang mga ugok, ngayong sunday kami magluluto ng mango pie at gagawa ng fruit juice sa bahay nila Francis.

Hinati ni Khanz sa dalawa ang mga ugok. Ang team nila Spade ang gagawa ng booth namin sa school, pupunta sila ngayon doon. Buti nalang nasa grupo ako nila Khanz, kami ang magluluto ng pie at gagawa ng juice.

Napahinto ako sa pag susuklay ng buhok ng makita ang pouch ko sa coffee table dito sa kwarto ko. Agad ko itong pinuntahan at tiningnan kung may kulang. Walang kulang. Pano 'to napunta dito?

May box na kulay pink sa gilid nito. Kinuha ko iyon at binasa ang sticky note sa itaas.

Sorry         

  -Spade

Binuksan ko iyon. Limang chocolate cupcakes, gusto ko sanang tikman kaso galing pala yun sa hari ng mga ugok. Gago, whore daw. Manigas siya.

Lumunok ako ng pinag sadahan iyon ng tingin. Shit natakam akong kainin. May sprinkles, frosting---

"Wala naman masama kung titikman ko kahit Isa lang," paalala ko sa sarili ko.

Kinuha ko ang isang cupcake at kumagat. Ang sarap. Hindi ko namalayan na naubos ko na pala ang limang cupcakes.

May naka dikit na sticky notes sa ilalim ng box. Namilog ang mata ko ng binasa iyon.

Sabi mo isang kagat lang. Tss. Bakit mo naubos ang limang cupcakes? :-)

-Spade

"Ay potaa!" Napatakip ako sa bibig ko.

Kingina lang. Pano niya nalaman na naubos ko ang cupcakes?

Napalunok nalang ako at lumabas ng kwarto. "Nasan si Yuwence?" Tanong ko sa kasambahay namin na nag lilinis ng vase.

Hinanap ko lang ang gago. Baka kasi patay na.

"Magandang umaga ho. Nasa kwarto niya pa po si Sir Yuwence." Sabi ni Linda. (Siya yung babaeng pinag papantasyahan ni Lawrence, Ace at Xharles.) Tumango nalang ako.

Kumakain ako ng cereal sa kusina ng may  pumasok na mga ugok.

"Morning fia!"

"Good morning Mimi!"

"Morning milady!"

"Pa-almusal, gutom ako!"

Napa sapo nalang ako ng noo ko, feeling at home amp. 

Si Carl at Francis kumuha ng pagkain sa ref. Si Ramon naman nilagay ang cheesecake sa microwave. Si Kev at Micco naka suot na ng apron at nagpi-prito ng itlog. Si Khanz naman nagtitimpla ng kape. Si Adones kumuha ng isang sachet ng tsaa. Lawrence gumagawa ng burger. Mykel at Jack naman kumuha ng waffles at tooth pick, ginawa nila itong bahay.

Potaaa! Feeling at home ang mga gago! Nagpalinga linga ako. Nasan na si Lawrence?

"Khanz, asan na si Lawrence?" Tanong ko sa kaniya na nagkakape.

"Andun sa living room niyo, kasama si Linda." Natatawa niyang saad.

Ay potaa lang!

"Naomi---" napahinto sa pagsasalita si Yuwence na bagong gising palang. Tiningnan niya ang buong kusina na nakakunot ang noo. "Anong nangyayari dito?"

Nagulat ako ng lumingon ako kela Kev at Micco.

"Sabing 'wag mo isali ang shell ng itlog sa pag prito. Gago!" Sigaw ni Kev kay micco at binato ng itlog.

"Kasalanan ko ba? Na hindi ako marunong mag luto?" Sigaw pabalik ni Micco at binato siya ng itlog. Napa yuko si Carl nang muntik na siyang matalsikan nito.

"Oo kasalanan mo, kasi hindi ka nag aaral!" Sigaw ulit ni Kev at kumuha na naman ng itlog sa tray at binato si Micco.

Yumuko si Micco kaya ang natamaan si Carl na nasa tapat ng ref. Lumingon sa kanila ang nanlilisik na mata at may itlog na basag sa ulo si Carl.

"Ulol! Nandamay pa kayo!" Sigaw ni Carl at binato si Micco at Kev ng kamatis. Yung pulang pula na kamatis. Sapol! nagmukhang may dugo sa katawan ang dalawa.

"Ito pa!"

"Kala niyo ha!"

"Pa abot ng Isa pang kamatis!"

Natamaan ng kamatis si Mykel at Jack na kumakain ng waffles. Sa inis nilang dalawa nakisali narin sila. Ponkan na nasa mesa ang binato nilang dalawa kay Carl, Kev, Micco, at Francis.

"TUMIGIL KAYO!"

Sa taranta ni Micco sa lakas ng sigaw ni Yuwence, nabato niya Ito ng itlog. Napatakip ako ng bibig at kinagat ang pang ibabang labi. Bwahahahahaha gusto kong matawa sa hitsura niya.

Hinaplos ni Yuwence ang mukha niya dahil sa egg white at egg yolk na nasa mukha niya. Sakit nun!

"Ikaw kasi!"

"Anong ako? Ikaw kaya Kev ang unang nag hagis sa'kin ng itlog."

"Bobo ka kasi Ramon---"

"Eh hindi nga ako marunong magprito,"

"Gago kayong dalawa, kumakain lang ako dito ng waffles ta's may tomato na sa mukha ko!"

Natahimik sila ng pumasok sa kusina si Lawrence at Lumi na nagtatawanan. Sumama naman ang mukha ng mga ugok.

"Bwahahahahaha--- anong nangyari dito sa kusina Mimi?" Tanong ni Lawrence.

Hindi ako sumagot,

"Fight!" Sigaw ni Khanz at nag simulang batuhin si Lawrence ng lansones. Sumunod naman si Kev at Micco na binato siya ng itlog. Si Carl at Francis na binato rin siya ng kamatis. Binato rin ni Mykel at Jack si Lawrence ng ponkan. Si adones naman nakahawak ng sibuyas kaya binato niya si Lawrence nito.

"Ayan ang bagay sayo!"

"Babaero! Ulol!"

"Oh Ito pa!"

"Shit tumigil kayo. Ang sakit ng pinagbabato niyo!"

"Hahaha. Manigas ka!"

Mukha na siyang pizza na may lansones at ponkan flavor. Ilagay nalang sa oven puwede nang kainin. Bwahahahahaha.

♥♥♥

Classicbluepink ❣️

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 75.1K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
638K 16.8K 84
A school that is full of mysteries. What will happen if four brave girls transfered to their school. Will the mysteries may reveal? Or it will stay a...
1.6M 42.4K 74
I want a normal life. A life far from trouble War Guns Gangsters Mafia Reapers Assassins But I think I can't escape this now. Coz Im Fallen , the EMP...
8.8K 112 20
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...