Class 1-A

By classicbluepink

304K 14.1K 1.4K

At Royal International High School, where luxury and extravagance reign supreme, section 1-A is the envy of a... More

Sulat ng May-akda
Synopsis
1
❤️chapter 2❤️
❤️chapter 3❤️
❤️ chapter 4❤️
❤️chapter 5❤️
❤️chapter 6❤️
❤️chapter 7❤️
❤️chapter 9❤️
❤️chapter 10❤️
❤️chapter 11❤️
❤️ chapter 12❤️
❤️chapter 13❤️
❤️chapter 14❤️
❤️chapter 15❤️
❤️ chapter 16❤️
❤️ chapter 17❤️
❤️chapter 18❤️
❤️ chapter 19❤️
❤️chapter 20❤️
❤️chapter 21❤️
❤️ chapter 22❤️
❤️chapter 23❤️
❤️chapter 24❤️
❤️chapter 25❤️
❤️chapter 26❤️
❤️chapter 27❤️
❤️chapter 28❤️
❤️chapter 29❤️
❤️chapter 30❤️
❤️chapter 31❤️
❤️ chapter 32❤️
❤️ chapter 33❤️
❤️chapter 34❤️
❤️ chapter 35❤️
❤️ chapter 36❤️
❤️chapter 37❤️
❤️chapter 38❤️
❤️chapter 39❤️
40
❤️Epilogue❤️
❤️Book 2!❤️

❤️ chapter 8❤️

7.2K 368 16
By classicbluepink

Race

Fia pov,

"Get your fucking notebook then go to the library then copy this shit!" Isinulat ni spade sa blackboard ang page ng libro sa Entrep.

Wala kasi ngayon ang lecturer namin sa Entrep, may sakit.

Kinuha ko na lahat ng gamit ko at nag unang mag lakad papuntang library. Sumunod naman yung mga ugok.

Ayaw kong makisabay ang mga ugok sa paglalakad dahil ang dami nilang fans. Ang sakit sa tenga.

Pagpasok ko sa library, pinakita ko sa librarian ang Library ID ko. Sumunod naman ang mga ugok. Hindi na'ko nahirapan mag hanap ng libro sa Entrep. By category naman kasi ito. Kinuha ko ang libro at pumuwesto sa bakanteng area.

Binukalat ko ito at nagsulat hanggang sa matapos ako. Tiningnan ko ang mga ugok. Mga seryoso habang nagsusulat. First time na hindi sila gumawa ng ingay.

"Tapos na'ko."

"Ako rin."

"Haiyst salamat."

"Whoo na gutom ako, Tara canteen."

Sunod sunod na sigaw nila.

Napa-face palm nalang ako sa hiya. Lahat ng nagbabasa nasa amin ang paningin ngayon.

"Section 1-A. GET OUT!" sigaw nung librarian.

Dali dali kong kinuha ang bag at notebook ko. Nakayuko lang ako habang naglalakad palabas dahil sa hiya.

"Kayo kasi ang iingay niyo."

"Hoy hindi ako."

"Bahala kayo."

"Yan tuloy napagalitan tayo."

"Canteen tayo gutom na'ko."

"Tss."

Ang ingay talaga nila.

Napagpasyhan ko na pumunta nalang sa Music Hall.

"Hi idol."

"Hello." Nilampasan ko na sila.

Pumasok ako sa music hall. Buti nalang walang tao.

May nakita akong gitara kaya kinuha ko ito. Nagsimula akong gumawa ng musika.

Bata palang ako ng tinuruan ako ni daddy mag gitara. I miss him. Napapikit ako ng may tumulo na mainit na tubig sa kabila kong pisngi. Umiiyak pala ako.

Iginilid ko ang gitara. Inayos ko muna ang sarili ko dahil may pumasok sa loob.

May magkaklase pala dito ngayon sa music subject. Lumabas na'ko don.

Bumalik nalang ako sa classroom, naabutan ko silang maingay, na naman.

"Mykel saluhin mo."

"Thor pasa mo sa'kin."

Umupo nalang ako sa upuan ko at hindi pinansin ang ingay.

Ang boring. Wala pa kasi kaming teacher.

"Mag laro tayo. Tagu-taguan." Para  naman masaya diba?

"Game."

"Sali ako."

"Ako rin."

"Hindi puwedeng walang gwapo sa laro kaya sasali ako."

"Spade tara na." Si spade nalang kasi ang nakaupo.

"Tss." Tumayo siya at lumapit samin.

Inilagay namin ang kamay namin. Patong patong. Sumigaw kami ng "Maiba taya."

"Yes alis ako." Apat nalang silang natitira...

At sa huli si Carl ang taya.

Tumalikod ito sa amin at nagsimulang magbilang.  "Pagbilang ko ng sampu dapat nakatago na kayo... Isa.."

Mabilis kaming lahat na tumakbo palabas. Yung iba umakyat sa kisame para di makita.

Hindi ko alam kung saan ako tatago.

"Stack room." Basa ko sa nakalagay na karatola sa pinto. Lagayan ito ng mga panlinis tulad ng walis.

Dito ko naisip na tumago. Madilim ang loob ng stack room pag walang tao. Kaya safe ako. Hindi ako makikita. Pagpasok ko sa loob. Sinara ko ang pinto. Umupo ako sa sahig at sinandal ang likod sa pader.

"Tss...are you following me?"

Ay multo.

Sisigaw na sana ako kaso may tumakip sa bibig ko at sinandal ako sa pader. Nasa likod kami ng pintuan.

Hindi ko kilala kong sino itong kasama ko.

"Ace. Thor. Nasan na kayo." Rinig kong sigaw ni Carl sa labas ng stack room. Maya maya pa bumukas ang pinto. Binuksan ni Carl ang ilaw. Kaya nakita ko kung sino ang tumakip sa bibig ko.

Si spade.

"Walang tao." Pinatay muna ni Carl ang ilaw bago sirahan ang pinto. Ang kamalian lang niya, nilock niya ang pinto sa labas.

Pano ako makakaalis dito?

"Carl, paki bukas ng pinto oh!" Kinalampag ko pa ang pinto kaso walang sumagot. Nakaalis na siya.

"Tss." Napalingon ako sa nakahalukipkip sa likod ko.

"Hoy ikaw! Hindi mo ba ako tutulungan?  Nakita mo naman na nilock tayo dito tas may nalalaman kapang tss. Tss tssin ko kaya mukha mo." Inirapan ko siya.

Ang hari ng mga ugok tumawa lang.

♥♥♥

Carl Pov,

"Boom! Huli ka balbon."

Nahulog naman sa puno si jin sa sigaw ko.

Hindi ko mapigilan na tumawa. "BWAHAHAHAHAHA."

Napakamot nalan siya sa ulo.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya ng mapansin na liliko ako .

"Sa canteen. Bibili ng pagkain. Nagutom ako sa kakahanap sa inyo."

Si fia at spade nalang ang di ko pa nahahanap. Nasan kaya yun?

"Kakatapos mo palang kumain, kakain ka na naman." Napakamot ako sa ulo.

"Ganiyan talaga basta gwapo." I chuckled. "Di ba miss?" Tanong ko sa isang chics na dumaan sa harapan ko.

"Huh? Aahhh . Oo." Namula pa ang pisngi nito. Binalingan niya ng tingin ang kasama niya. "Napansin ako ni Carl. Yeiih." Rinig kong sabi niya.

"Tss. Tara na nga." Inakbayan ako ni jin at hinila papuntang canteen.

"Inngit ka lang." Inirapan ko siya.

"Fuck you."

Nakabalik na kami sa classroom. Binilhan rin namin sila ng pagkain.

"Oh Ito sayo."

"Salamat."

"Wow. Pahingi."

"Ito pa."

"Akina ng sa'kin."

Ubos na. Tinapon ko na ang supot.

"Asan sina fia at spade?" Tanong ni Alex.

"Ewan. Di ko nahanap." Nagkibit balikat nalang ako.

"Hala baka nagtanan--- aray."

Agad na binatukan ni Lawrence si jack. "Gago."

"Sus selos ka lang." Sinamaan niya ako ng tingin. Kaya tumiklop ang bibig ko.

"Is this the room of Marco Naomi Sofia Karizou?"

Pumasok si Aldin, ang campus vice president.

"Oo bakit?" Lawrence.

"Promissory note." Binigay niya kay Lawrence ang papel.

"Para saan?" Lawrence.

"Para sa paglabag niya. Dahil hindi one week na siyang hindi nag susuot ng uniform. Pakibigay nalang yan sa kaniya." Ngumiti muna ito bago umalis.

"Tara hanapin na natin sila."

"Hanapin na lang natin."

"Oh sige tara."

"Wait."

"Hintay."

Nilibot na namin ang buong campus wala parin. Bawat sulok chineck rin namin.

"Baka nakidnap na?"

"Gago!"

"Fia! Spade! Nasan na kayo?" 

♥♥♥

Fia pov,

"Laro tayo?" Tutal hindi pa naman kami makakaalis dito.

"What game?" Mabilis na kumunot ang noo nito.

"Hmm." Hinawakan ko ang baba ko na parang nag iisip. "Magtatanong ako ng isang beses, kailangan totoo ang sagot mo. Pagnasagot mo yun ako naman ang tatanungin mo game?"

"Tss. Fine." Ang tipid naman ng sagot mo. Hari ng mga ugok.

"Ako muna magtatanong." Ano kaya ang magandang itanong sa kaniya?
"May kapatid ka?"

"Wala." Ang haba naman ng sagot mo.
"My turn. Are you the legendary gangster?"

Bakit ba hindi nalang siya tumahimik? May atraso ba ang gang ko sa kaniya? Brilyante ng lupa. Inuutusan kita na kainin mo ako ngayon din.

"Ahm---" naputol ang sasabihin ko dahil sa sigaw ni carl.

"Fia! Spade! Nasan na kayo?"

Mabilis kong kinalampag ang pintuan. "Carl, ikaw ba yan?"

Naramdaman ko na may pumihit sa doorknob kaya umatras ako.

"Halughugin ang buong stack room. Baka makatakas ang kidnapper."

Agad namang sumunod ang mga ugok kay Carl.

"Negative nakatakas." Micco.

Ay potaa. Sino ang kinidnap?

Piningot ko ang tenga ni Carl. "Kingina mong batang ugok. Nilock mo kami ng hari ng mga ugok sa loob ng stack room tapos ngayon may nalalaman kapang kidnapper. Asan utak mo? Nang madukot ko na."

"Aray naman fia. Ang sakit. Mahiya ka naman. Maraming nakatingin sa'kin. Hindi ko naman sinasadya na malock yung stack room. Akala ko kasi walang tao. Sorry na..."

Gago. Binitawan ko ang tenga niya ng nasa classroom na kami.

"Oh." Naguguluhan na kinuha ko ang papel na binigay sa'kin ni Lawrence.

Promissory note. Ay depotaa.

"Para saan toh?"

"Kailangan mong mangako na magsusuot ka na ng uniform sa lunes, kung hindi maaari kang masuspende or worst ma kick out sa campus na'to." Inayos ni alex ang salamin niya sa mata at bumalik sa ginagawa.

Ganun pala yun? Ang slow ko naman.

♥♥♥

"Fia. Samin ka rin matutulog?" Inayos ni ace ang kaniyang seatbelt at tiningnan ako.

Sa bahay ako nila, spade, khanz, Alex, Lawrence, xharles, ace natulog kagabi. Kung tinatanong niyo kung baket. Wala lang trip ko lang.

"Hindi. Sa bahay na'ko." Inayos ko rin ang seatbelt ko. "Sure kayo?"  Baka kasi magbago pa ang isip nila.

"Ay naku fia! Wag makulet. Yung first time mo kami ipagdrive, akala ko mamamatay na kaming lahat. Pag ikaw umulit magdrive, siguradong katapusan na ng mga gwapo."

Hanep sa gwapo!

This time si xharles na ang nagdrive.

"Fine!"

♥♥♥

"Gusto niyong pumasok?" Kinalas ko na ang seatbelt para makalabas sa van. Andito na kami sa empyerno.

Kung pwede lang hindi umuwi sa bahay. Naglayas na naman sana ako.

"No thanks."

"Thanks mimi, pero sa sunod nalang."

"Ayoko. Marami kayong baril sa bahay niyo."

"Mag aaral pa ako."

"Tss."

Ok. Kung ayaw niyo edi wag!

Pagpasok ko palang sa pintuan, as always, binati na naman ako ng mga katulong.

"Princess!" Mabilis na niyakap ako ni kuya mar na sinundan naman ng kambal.

"Galit ka pa samin?"

"Hindi." Napairap ako.

Ang dahilan kong baket ako nakitulog sa bahay ng mga ugok ay dahil,nag away-away na naman sila kuya.

Yun lang ang napag usapan namin. Nagpa dala nalang ako ng dinner sa kwarto ko. Pagkatapos kong kumain napag isipan ko na mag log in sa mga social media accounts ko. Inuna ko ang Twitter sunod ang IG.

Nag scroll ako hanggang sa huminto ang kamay ko sa picture ni icy. Si Icy Bond ang girlfriend ni kuya mar. Straight ang buhok nito na hanggang balikat. Mahahaba ang pilik mata. Para siyang isang model sa Victoria secret. Mabait rin. Kapatid siya ni ace.

Nilog out ko ang account ko sa IG at sinunod naman sa fb. Tiningnan ko ang nag friend request. Puro ugok ang andito. Isa isa ko silang inaccept.

Pinuntahan ko ang messages. Inadd agad ako ni ace sa section 1-A group chat. Kahit group chat ang iingay parin nila. Maya't maya ang pagtunog ng phone ko dahil sa notification ng gc. Haiyst buhay.

Makatulog na nga lang.

♥♥♥

Paggising ko, agad akong naligo, nag-tooth brush, at sinuklay ang buhok ko.

Naabutan ko sa kusina ang mga kuya ko. Si kuya mar nakatutok sa laptop. Si kuya markier nagbabasa ng dyaryo. Uso pa ba yan? Si kuya mark umiinom ng kape.

Humigit ako ng isang upuan at umupo roon. "Oh." Ipinadulas ko sa mesa ang promissory note papunta kay kuya mar.

Tumigil siya sa pagtipa ng keyboard at tiningnan ang papel. "Hmm." Kumuha siya ng ballpen tas ewan kung anong sinulat niya. "I put my signature on it. Means, start from monday you will always wear your uniform."

Namilog ang mata ko. Pano na ang tattoo ko? Masyado pa namang maiksi ang skirt.

Haiyst.. gagawan ko nalang ng paraan.

Mabilis na tinapos ko ang pagkain. Bumalik ako sa kwarto para mag suot ng pang race na outfit. Nang nakuntento na bumaba na ako.

"Where are you going princess?" Panandaliang hinold ni kuya markier ang tawag.

"Kela blaze!" Kukumustahin ko lang ang pinsan kung unggoy.

"Ok. Be carefull." Hinead to toe niya ako.

Mabilis kong sinuot ang helmet at pinaharurot ang motorbike ko.

Pupunta ako sa bahay ng pinsan kong unggoy, tatanungin ko siya kong gusto niya sumama sa race.

Pinark ko ang motorbike sa gilid.

Pagpasok ko, agad akong napansin ni manag na may dalang tray na puno ng pagkain. Ang kaisa isang katulong nila blaze.

"Manang morning. Asan po yung pinsan ko?"

"Morning rin ihja. Nasa sala, kasama ang kaklase niya." Tumango ako.

Nagkuwentuhan pa kami ni manang. Natapos lang ang usapan namin ng maalala niya na mag paplantsa pa siya ng uniform ni blake.

"Ihja, paki bigay nalang itong snack nila. Baka masunog kasi yung sinaing ko."

Mabilis ko naman kinuha ang tray na may nalaman na cookies at isang pitsel ng juice, may disposable na baso rin sa gilid. At syempre hindi mawawala ang paborito ng unggoy kong pinsan. Ang...

Saging.

Binuksan ko ang malaking pinto na malapit sa kusina. Tumambad sa'kin si blake at ang kaklase niya.

Maraming nagkalat na papel sa lamesa. Nasa sahig ang pinsan kong unggoy nakaupo habang nasa lamesa ang kamay. Tiningnan ko ang mga kaklase niya. May babae. May lalaki rin. Pero mas marami ang lalaki.

Hindi nila ako makita dahil nakatagilid ang mahabang couch sa pinto at busy sila sa pinapanood na anime.

"Ohayo gozaimasu, itoko!" Masayang bati ko.

('ohayo gozaimasu' means 'good morning' while, 'itoko' means 'cousin' in Japan.)

Agad namang tumingin sa gawi ko yung kaklase niya. Dalawa ang nakilala ko sa kanila.

Yung isa si jeneil, yung bumato sa'kin ng bola sa gymnasium, at ang isa naman yung tumulong sakin makatayo. Na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang pangalan.

"Witwiw. May chicks."

"Whoa. Ang lupit ng porma."

"Hyper. Pare."

Kumunot ang noo ni blake dahil sa pinagsasabi ng kaklase niya. Agad naman silang nanahimik.

"Anong ginagawa mo dito?" Ang aga-aga Ang stress ng pinsan kong unggoy.

"Dumadalaw." Inilapag ko sa tapat ng kaklase niya ang snack. Nakatingin sa'kin si jeneil kaya inirapan ko siya.

"Hindi ako pasyente."

Pasyente lang ba ang puwedeng dalawin?

Tumingin si blake sa kaklase niya na tumulong sakin. "Aldin, paki check naman netong isa."

Mabilis naman na lumapit si aldin sa kaniya at umupo sa sahig. "Sure."

Aldin pala ang pangalan niya!?

"Anong pakay mo?" Tanong ni blake habang binabalatan ang saging.

Wow deep.

"Ano kasi, tatanungin ko lang kong gusto mo sumama sa race ngayon." Kaso halata naman na hindi ka puwede.

"Wow cool."

"Marunong ka rin pala magrace."

"Bihira lang sa babae ang ganiyan."

"Your one of an ideal girl."

Mga chismoso rin pala ang kaklase niya?

"Hindi ako puwede marami ang gagawin ko. Nasan na ang promissory note?"

Malamang nasa bahay! "Hindi ko dala."

"Oh ikaw pala si Marco Naomi Sofia Karizou."

Pano nalaman ni aldin ang complete name ko? Tumango ako sa tanong niya.

"I'm aldin. The campus vice president." Nilahad niya ang kamay niya kaya tinanggap ko iyun.

Ahh. Siya pala ang nagbigay ng promissory note.

Tumikhim si blake kaya mabilis kong tinanggal ang kamay ko.

"Mag pasama ka nalang sa iba. Marami akong gagawin." Ibinalik ni blake ang kaniyang paningin sa papel.

I nodded. Umupo ako sa couch. Katabi ni jeneil.

Hmmp. Wala siyang magagawa, pamamahay to ng pinsan ko. Hindi niya ako puwede pagtripan dito.

Kumuha ako ng cookies at kinagat ito. Nagsalin rin ako ng juice sa baso. Maganda naman yung anime na tintingnan nila. Kahit hindi ko na basahin ang subtitle, naiintindihan ko naman. Japanese kasi ang language.

"Marunong ka pala mag Japanese?" Tanong sa'kin nung lalaking Ewan.

"Yeah." Siguro narinig niya kanina yung pag good morning ko kay blake

"Whoa. Sino nagturo?" Kailangan kanang dispatsyahin, masyado kang matanong.

"Walang nagturo sa'kin. Half Japanese ako at sa Japan rin ako lumaki kaya natutunan ko nalang ang lengguwahe nila." Uminom ako ng juice.

"Magpinsan kayo ni blake diba?" Tanong nung babae.

"Yeah."

"So it means may lahing hapon rin siya?"

Ay potaa common sense.

"Oo. Bakit hindi niya ba nabanggit sa inyo."

"Ano ka ba. Parang hindi mo kilala ang pinsan mo. Hindi yan palakuwento."

Tama siya. Masungit rin si blake. Pati ang mga kuya ko may lahi ring masungit. Pinaglihi sa high blood.

Bakit hindi nila subukan mag enervon? para always happy tulad nina Ann Curtis at eklavu chuchuchu.

Buti nalang pinaglihi ako sa saya kaya I'm always happy.

"Otaku ka rin ba?" Tanong nung isa. Umiling naman ako.

Porket nanunuod ng anime, otaku agad? Di ba puwedeng wala lang talaga ako choice dahil hindi ko hawak ang remote? Gamitin niyo kokote niyo! Dyusko!

♥♥♥

ATOONY RACING Hill. Andito ako sa lugar na'to. This is an illegal racing place dahil masyadong delikado ito. Pero no worries, tago naman ang lugar na'to kaya hindi pa natutunton.

"...in 1..." Sigaw ng babaeng nasa gitna ng line. Nagsisimula na ang race kaya hinanda ko na ang motorbike ko sa laban.

"2...3... Go!!!" Winagayway niya ang flag. Pinaharurot ko ang alaga ko.

Masyadong lubak lubak ang daan. Hindi rin ito sementado para may thrill. Kailangan kong palinisan ang motor ko pagkatapos ng race dahil sa putik.

Nasa pangalawa na ako. Mas binilisan ko pa kaso may humahabol sa'kin. Pilit niyang binabangga ang alaga ko para matanggal ako sa line.

Parati kong iniiwas ang alaga ko dahil ayaw kong magasgasan ito pero ang hayop binabangga pa rin.

Ok fine. Kalma. Hindi ko na talaga kaya. Sasabog na'ko. Gusto mo pala ng bungguan huh? Humanda ka.

Pataas na kaya mas binilisan ko pa. Pag saktong, paglipad ng motor ko tumambling ako sa ere at sinipa ang alaga niya. Hindi naman yun offense.

Tumalsik siya sa gilid. Paglanding ko deretso sa motorbike prineno ko ng kunti. Pababa na kasi.

Malapit na ang finish line. Malapit ko ng malampasan ang nasaunahan. Minax ko ang pagpapatakbo.

In

3

2

1

Yes panalo ako!!!!!!

♥♥♥

Xharles pov,

Ang yabang naman. Malapit ko ng maabot ang finish line kaso peste natalo pa!

Nakahalukipkip ako at nakasandal sa motorbike ko. Nakatingin lang ako sa kaniya ng nakipag shake hand siya sa mga ibang motorbiker.

Hindi ko alam kong babae ba siya o lalaki. Dahil nakahelmet parin ito. Masyado ring malaki ang jacket niya.

Pero kung ako ang tatanungin, siguro lalaki ito dahil wala naman sigurong babae ang makakatalo sa akin.

Nasa harap ko na siya. Inilahad niya ang kamay niya. Tinanggal ko muna ang helmet ko. Kahit labag sa loob tinanggap ko ang kamay niya.

"Xharles?!" Namilog ang mata ko. Kilala niya ko?

Sikat na talaga ako. Well, sa gwapo kong ito, hindi na yun nakakagulat.

"Yeah, im xharles."

Muntik na'kong mahimatay sa gulat ng tinanggal niya ang helmet niya. "Fia? Ikaw? Ikaw ang nakatalo sa'kin?" Tumango siya at niyakap ako.

Shit. All this time, babae ang nakatalo sa'kin?!

Natapakan ego ko dun ah!! Si fia pa talaga. Hanep. Sa tagal ko ng racer ngayon pa'ko natalo. Babae pa talaga. Kilala ko pa.

♥♥♥

A/N: OTAKU is the name of group of people na mahilig magbasa ng comics, manga, or manuod ng anime.

Classicbluepink ❣️

Continue Reading

You'll Also Like

253K 8.5K 52
Ililipat ka raw sa isang all-boys school kasi nga deliquent ka raw. Tapos biglang marami nang gustong pumatay sa'yo. Shet. Ang saya 'di ba?
659K 14.7K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
81.7K 1.9K 38
For someone who has lived her life with a blood on her hands, she wished for a normal life. She disguised herself as an innocent student and went to...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...