Something New

By cia_stories

73.5K 2.6K 234

Aurora Samantha King can get everything that she wants, her life is a constant cycle, formal gatherings, scho... More

Something New
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty Four
Epilogue
Author's Drama
Special Chapter
Special Chapter 2
Special Chapter 3

Fourteen

1.2K 52 6
By cia_stories

I was so excited for Saturday na nagawa kong magising ng maaga to help Tita May in preparing our foods.

Si Tay Eman, George, Em-em at ako ang sa pick-up while Kuya Jun seems to be trying to win Tita May's heart again dahil nagpapakitang gilas ito.

Nang mabanggit pala ni Tita May ang plano sa sabado kahapon kina Buboy at Manong Jun, umalis agad si kuya para kuhanin ang kotse nito. Kaya doon silang mag-anak pati na sina Kuya Kaloy at Popoy na tuwang-tuwa din nang malaman ang trip namin ngayon sa Pangasinan.

"Nandito na ba ang pamalit mo Em-em? Towels? Is it already in here?" Tanong ko sa bata habang hawak ang maliit nitong backpack na bago pa tumango ay nakasagot na si George Archival.

"Nandyan na lahat." Sabi nya bago lumabas bitbit ang cooler na ipapalagay nya sa likod ng sasakyan nina Tita May. Doon namin ilalagay lahat ng pagkain para safe dahil hindi naman pwede sa pick-up.

I smiled and ruffled Em-em's hair before telling him to go out. I just checked the house and my canvass tote bag if my things are there. Yung maliit kong cellphone, coin purse na hindi ko alam kung may mabibili ba, some spare clothes, a bottle of water and my polaroid camera.

Nakatingin lang ako doon sa loob ng bag habang palabas nang tumama ako sa kung saan, saka ko lang narealize na sa tao pala when George put his arm around my waist so I wouldn't fall because of the impact.

"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo. Palagi kang kung saan-saan nakatingin kapag naglalakad." Sermon na naman nya na ikinakibot-kibot ng mga labi ko.

"Sorry po tatay." Nag-bow pa ako ng bahagya dahil sa kasungitan nyang taglay.

Daig pa si Papa eh kung manermon, but my father's more scary when super serious I'll give him that. Specially when I don't know what's running inside my father's head.

He just raised his brow at me saka naiiling na pumasok sa loob. Iniwan ko na sya doon at sumakay na sa may backseat ng pick-up ni Tay Eman sa tabi ni Em-em.

"Good morning po Tay Eman." Bati ko at binati din naman nya ako pabalik bago napunta kay George ang atensyon namin na pumasok na sa sasakyan dahil sya ang magda-drive.

He's wearing a black shirt this time and his usual walking shorts and black slippers. Wallet lang ata ang dala nito or di ko din sure kung may dala nga ba sya. For sure wala din yang balak makiligo mamaya sa dagat na pupuntahan namin para pag-picnic-an. Di nya talaga alam ang salitang fun. Tsk tsk tsk.

"Sundan na lang namin kayo George!" Sabi ni Kuya Jun na syang driver naman nina Tita May.

Tumango naman si George at nagmani-obra ng sasakyan para sya ang unang lalabas sa area.

While were on the road, I opened the radio and even encourage Em-em to sing with me. Natatawa na lang sa amin si Tay Eman, kahit ako natatawa na lang din dahil nauto ko si Em-em na ipakita yung sayaw nya.

"Come on Em-em, show Tay Eman and your Kuya the dance." I said and he giggled before shaking his head.

"Dali naaa, pakita mo yung opening program nyo na pinapractice mo sa bahay." Sabi ko at maya-maya nakumbinse ko nga sya, nagulat pa ako na kahit gumagalaw yung sasakyan, tumayo sya sa maliit na space saka sumayaw. Yung step kasi ay parang yung kay Jollibee na "kinekendeng" as what Tita May's term—yung pwet habang yung dalawang arms nya ay nasa magkabilang gilid nya na parang may hawak na invisible chicken drumstick both hands.

Natawa na lang ako at kaagad na sinalo na si Em-em nang mapadaan kami sa humps ata yon at pinaupo na sa tabi ko ulit. I secured her with my arms dahil hindi na gumagawa yung seatbelt sa likod according na din kay Tay Eman.

It was actually the first time that I saw George Archival smile because he saw what Em-em did through the rear view mirror and by his side.

"Good job Em-em, pero dito ka na ulit at baka kung saan ka pa mauntog." Sabi ko na natatawa na ikinangiti lang nya.

"Ate nauuhaw po ako." Sabi nya maya-maya na ikinangiti ni Tay Eman.

"Napagod ata sa kakasayaw, hala eh pano yan, nandoon kina Mayette ang mga pagkain?" Sabi ni Tay Eman pero ngumiti lang ako.

"May bottled water po ako sa bag ko Tay, ako na pong bahala." Sabi ko saka iyon binuksan para ibigay kay Em-em.

Pinainom ko na sya doon at nang masatisfy sya, ibinalik nya din sa akin saka tahimik na inabala na ang sarili sa pagtingin sa labas habang nakasandal sya sa akin.

"Mukhang sanay na sanay kang mag-alaga ng bata Aurora? Pansin ko lang, kahit noong mga unang araw mo dito palagay agad ang loob nyang si Em-em sayo." Sabi ni Tay Eman kaya napatingin ako sa kanya.

"Mahilig po kasi ako sa mga bata Tay, saka ako ho ang pinakamatanda sa aming magkakapatid kaya lumaki ho akong binabantayan sila pag wala mga magulang namin." Sabi ko na ikinatango nina Tay Eman, pansin ko din na napatingin sa akin si George Archival mula sa rear view mirror at nagtama ang tingin naming dalawa pero kaagad din nyang ibinalik ang tingin sa daan.

"Ilan ba kayong magkakapatid hija?" Tanong ulit ni Tay Eman.

"Tatlo ho, ako po ang panganay at nag-iisang babae." Nakangiti kong sagot.

"Aba'y kita mo nga naman. Siguradong maraming nakaatang na responsibilidad sayo nyan bilang ikaw ang panganay." Sabi ni Tay Eman at tumango naman ako.

"Opo, kaya po magliliwaliw muna ako bago kumuha ng responsibilidad." Biro ko sa huli na ikinatawa ng bahagya ni Tay Eman.

It's actually true though, a part of me is scared and a part of me just wants to enjoy first. This time I'm going to enjoy first.

The whole ride was almost an hour pero hindi ko masyadong napansin kasi nagkukwentuhan lang kami nina Tay Eman at Em-em. Si George Archival tahimik lang at sumasagot lang kapag tinatanong ni Tay Eman.

I guess he's more of a listener than the talker. Pagdating namin sa shrine, madami ding tourist at tao na nagdadasal, papatapos na yung mass so we just listened to it till the end.

I silently prayed for Him to guide me and my family and thanked Him too with all the blessings I still get. For being able to wake up each day and for letting me meet genuine people that are willing to help me discover things.

I smiled after that and followed them when they went out of the church along with other people.

"Em-em, punta ka dun. I'll take a picture of you." Sabi ko sa bata para tumayo sya sa isang clear spot.

He stood there and smiled as I took the picture. Kaagad din naman syang lumapit dahil tuwang-tuwa sya sa polaroid ko nung kinuhanan ko sya kanina sa sasakyan.

Sya ang nagpaypay so the picture would come out before he gave me back the picture and I kept it then we followed Tay Eman and Tita May.

"Masyadong maraming tao no? Gusto mo bang pumunta na don sa bilihan ng puto calasiao Aurora?" Tanong ni Tita May after we tour around the area.

"Deretsyo picnic na tayo Mayette, nakabili na kami nina George ng puto." Sabi ni Kuya Jun na ikinagulat namin.

"Aba'y kelan? Di ko kayo napansin." Sabi ni Tita May na ikinatawa ko ng bahagya habang pinapanuod sila.

"Busy kasi kayo kanina." Sagot ni Kuya Popoy. Maybe he's pertaining to when Tita May and I are writing our wishes and prayers that we will drop in the box.

Kino-collect daw yun ng mga sisters tapos isasama nila yung prayers mo sa pagpray nila sabi ni Tita May. There's a donation box too and I put my last 300 pesos in there secretly.

I guess I need to start really thinking on how to earn too.

After that, bumalik kami sa sasakyan and went to the nearby sea that Tay Eman knows. This time sya na ang nagdrive and George Archival is in the passenger seat.
Nakasunod sa amin sina Tita May at nang makarating kami doon, tabing dagat nga.

Mukhang nagpapakitang gilas talaga si Kuya Jun kay Tita May, kasi nilibre nya kami ng entrance fee lahat. Although I was surprised that it was still affordable though.

May mga nippa hut doon na pwedeng rentahan, sinagot din nya yun.

"Halatang may bumabawi!" Parinig ni Kuya Kaloy na ikinatawa namin nina Tay Eman. Kahit si George nakita kong napailing na lang.

"Nanay, pwede na po kami maligo ni Em-em?" Tanong ni Buboy kay Tita May kaya napatingin ako sa kanila.

"Ha? Eh hindi pa tayo kumakain. Mamaya na pagkakain ng tanghalian." Sabi ni Tita May at wala na ngang nagawa si Buboy kundi sumunod.

Pagkatapos naming kumain, mga ilang oras lang pagkatapos, wala ng nakapigil dun sa dalawa.

"Aurora bakit hindi ka makisabay sa kanila doon? Kami ng bahala dito sa mga gamit natin at hindi yang puto calasiao ang pinagkakaabalahan mo lang." Sabi ni Tita May na ikinatakip ko sa bibig kong may puto pa ring laman hanggang ngayon.

Natatawa akong tumango at dinala na lang ang polaroid ko para makuhanan ko si Em-em at Buboy.

"Ang sarap kasi Tita May eh. Pero eto na po, pupunta na." Sabi ko habang natatawang tumayo.

Nang makalapit ako sa may tabing dagat, kita kong tuwang-tuwa sina Em-em at Buboy sa tubig na kalaunan ay pumunta sila sa may parteng mabuhangin para gumawa na ng sandcastle. Kasama nila sina Kuya Jun at sina Kuya Kaloy na nanatili sa tubig di kalayuan din sa mga bata. Doon ko lang din napansin na nakaupo pala sa buhanginan si George Archival habang nakatingin sa kapatid nya.

I don't know what got into me but I took a photo of him secretly. When I look at the outcome, hinahangin ang buhok nya sa picture habang natatamaan sya ng sinag ng araw. He was so serious, like thinking deeply about something but there was a hint of a small smile on his lips, probably because of Em-em having fun.

Kaagad akong nag-iwas ng tingin at itinago sa case ng camera ko ang picture nya after I saw him look at my direction. I pretended to be busy taking a picture of the sea.

Para naman hindi ako mukhang kahina-hinala na I took a picture of him, I walked towards his direction and sat beside him with the right amount of personal space between us.

Pinagkaabalahan ko na lang pagtingin sa camera ko hanggang sa lumapit si Buboy sa akin.

"Ate Aurora, ano po yan?" Tanong nya sa akin na tinuturo ang hawak ko.

"Camera ito Buboy." Sagot ko sa kanya ng nakangiti.

"Paano po yan ginagamit?" Tanong nya sa akin na ikinatawa ko ng mahina kasi ang cute ng pagiging curious nya.

Tinuruan ko sya kung paano gamitin ang camera, nagulat na lang ako na tumayo sya bitbit ang camera bago kami sinabihan na lumapit pa sa isa't-isa ni George Archival.

"Sige na Kuya, kuhanan ko po kayo!" Sabi ni Buboy nang tanungin sya ni George kung bakit kami pinaglalapit.

Mukhang napipilitan lang si George Archival nang napapakamot sa batok nyang nag-lean sya ng kaunti palapit sa akin.

I did the same but our shoulders has a slight space.

"Say pera!" Sabi ni Buboy na ikinataka ko.

"Wait, pera?" Takang tanong ko kay George na napatingin din sa akin na nakataas ang isang kilay dahil nagtanong ako, the same time Buboy clicked the camera.

"Sabi ni nanay Ate Aurora, kapag inisip ng tao ang pera. Automatic, ngingiti sila." Sabi ni Buboy na ikinatawa ko ng mahina bago pinagmasdan ang bata.

"Hindi lahat masaya dahil lang may pera Buboy. Kailangan ang pera para mabili ang mga kailangan natin, pero hindi dapat natin isipin na ito lang ang magpapasaya sa atin." Sabi ko sa bata and he nodded before scrunching his nose then gave me back the camera. Natawa na lang ako bago inilapag sa tabi ko yun at pinanuod silang maglaro.

Not that I'm not happy with my life, it's just that, my grandma always tells me that. But maybe Buboy is not in for a pep talk kaya natawa na lang ako sa bata bago kinalikot ulit ang camera na hawak ko.


"Em-em seems so happy the past few days." sabi ko habang nakangiting nakatingin kay Em-em na tumatawa kahit pa pilit inaagos yung sand castle na ginagawa nila ni Buboy.


"Halata nga. Salamat sa pagtingin-tingin sa kanya kapag wala ako kahit hindi mo naman yon kailangang gawin." sabi niya na ikinatingin ko kay George Archival. It was one of the longest things he said.

Pansin ko na dumadami na ang mga salita nya minsan, nakatingin din sya kay Em-em nung sinabi nya yon pero nang mapansin nyang nakatingin ako sa kanya, binalingan nya din ako saglit bago ibinalik ang tingin sa dagat.


"Pero mas mabuti kung umuwi ka na sa inyo kesa nagtitiis ka sa lugar na'to." sabi nya na parang binabawi nya yung pag-thank you nya sa efforts ko kay Em-em.


I pouted my lips and rolled my eyes before looking at the sea in front of us. I actually miss my parents and brothers too, but then..


"Ayaw ko pa, natatakot pa ako." sagot ko na lang matapos lumanghap ng sariwang hangin. I smiled as I close my eyes just feeling the sea breeze.


"Natatakot? Matatakutin ka pala." he scoff that made me open my eyes. Nang tignan ko sya, nakita ko syang nakatingin sa akin at itinaas nya ang isa nyang kilay.

Inirapan ko sya ulit saka ibinalik ang tingin sa dagat.

"Lahat naman ng tao may kinatatakutan. Anong akala mo sa akin? Manhid?" balik kong sagot na ikinaangat ng isang gilid ng labi nya.


"Hindi ka pa takot sa lagay na yan, pansin ko lahat na lang ng tao kinakausap mo pati nagtitinda sa tabing kalsada." sabi nya na ikinakibit-balikat ko na lang.


"Well, Lola was nice and she was the only one working for her apo's. Saka hindi naman nakakatakot si lola, the man on my first step here in this province was the one who's scary." sabi ko.


"Saka I always trust my gut feel, hindi naman lahat nilalapitan ko. When my body is giving me signals that I should stay away from a person, lumalayo ako." dagdag ko.


"Hindi ka parati isasalba ng gut feel mo." sabi nya na ikinakibit-balikat ko ulit.


"Well, so far, hindi pa naman ako pumapalya. Ikaw? May kinatatakutan ka ba?" tanong ko nang tignan ko sya.

He looked at the sea, then to his brother before looking at me in the eyes.


"Wala." maikling sagot nya na ikinakibot-kibot ng mga labi ko.


"Alam mo, uso ding magpakita ng emotions minsan. Try mo, libre yon." sabi ko pero tumayo na sya at pinagpag ang pang-upo nya bago tinawag si Em-em.

Sabay silang naglakad pabalik sa kubo at siguro para magpalit dahil nakita ko na din sina Kuya Kaloy at Popoy na karga si Buboy. Pagtingin ko sa relo ko, almost five na din pala.


"Aurora halika! Maghapunan muna tayo bago umuwi!" sabi ni Tita May kaya napatingin ako sa likod ko. 

Tumango ako at ngumiti bago tumayo at tinignan muli ang dagat sa harapan ko, papalubog na din ang araw na ikinangiti ko na lang.

I stretched my arms and waist before taking a picture of the sea in front of me while my other hand was formed in a peace sign. I used one hand to take the picture and when I am satisfied with the picture I caught, saka ako bumalik sa kubo and ate with them.


Mga six na din namin napagpasyahan na umuwi na since may kahabaan din ng kaunti ang byahe. Maybe an hour and a half. The guys were putting back our things in the car kaya naiwan kami ni Em-em dito sa kubo para bantayan ang ilang gamit na hindi pa nakukuha.

"Em-em, tara na?" I ask the kid who was sitting on the kubo, his eyes sleepy. Napagod siguro sa paglalaro, napaliguan na sya kanina ni George Archival at kakatapos lang kumain kaya siguro ayan.


Bago pa sya bumagsak, sinalo ko na yung ulo nya at kakargahin ko na sana pero naramdaman ko si George na yumuko, our cheeks were almost touching when he fix Em-em before carrying him. I don't know why I suddenly gulp because of that, hindi na lang ako nagpahalata.


"Ako na, mabigat na si Em-em." sabi nya and I just nodded my head, kinarga nya ang kapatid at inayos ko na lang yung sapin sa likod ng bata bago bitbitin yung maliit nyang bag.


"Ay halatang nag-enjoy si bagets, knock out!" sabi ni Kuya Popoy dala ang huling gamit na ikinatawa lang namin ni Tita May.


"Si Buboy din nauna na sa sasakyan eh." sabi ni Tita May.


"Parang pamilee, ang cute naman." tukso ni Kuya Kaloy na nangunguna palagi sa tuksuhan. 


"Kuya Kaloy talaga, daming alam." sabi ko na naiiling na ikinatawa lang nito. 


"Ako na magdadrive George--"


"Hindi na ho Tay, ako na po, gabi na." sabi ni George bago ako tinignan at sinenyasan akong sumakay na sa sasakyan.


"O sya, ikaw ang bahala." binalingan ni Tay Eman sina Tita May, "Oh pano, sumunod na lang kayo ah? Sabihan mo yang si Jun na mag-ingat pagmamaneho." 



"Opo Tay, ingat din. George ikaw na bahala." sabi ni Tita May at ganon nga ang napagpasyahan.

Naunang sumakay si Tay Eman sa passenger side, ako sa likod at kaya pala nakasunod sa akin si George para ibigay sa akin si Em-em. That dumb feeling again when his cheek was almost touching the tip of my nose because he put Em-em down near me.


"Ako na bahala." I said and smiled awkwardly before carefully putting Em-em's head on my lap.

Pumasok na din naman sya sa driver's seat at nagsimulang magmaneho pauwi.


The drive home was easy, nakatingin lang ako sa labas ng bintana at si Tay Eman naman ay nakatulog din. I was still thinking about that strange feeling I felt when we were inches apart. 

It was new to me and it's scary, parang hinahalukay yung tummy ko when I'm not even watching some chick flick shows or reading some books. 

Oh my gosh! Is this what I think it is??

No way!

But why??

Napabaling ang ulo ko sa kanan habang nilalaro ng isang kamay ko ang labi.


"Okay ka lang?" I was out of my reverie when George Archival asked that.

Nakataas ang isang kilay na tanong nya sa akin gamit ang rear view mirror.


"Ha? Ah yes, of course. I'm okay." sabi ko bago umayos ng upo at mas inayos na lang ang pagkakahiga ni Em-em.


When we reached home, ako na ang nagkusang bumitbit kay Em-em at lumabas ng pick-up ni Tay Eman just so we won't be in a close proximity just like a while ago.


"Can I have the keys?" tanong ko kay George Archival dahil busy sya pagtulong kina Tita May pagbitbit ng mga ginamit namin. 


"Ako na--"


"Uhm, no! Haha! Ako na, baka magising lang si Em-em kung papalit-palit." sabi ko at tinignan nya muna ako saglit bago ibinigay ang susi sa akin.


"Thanks." sabi ko bago tumalikod.


Nang mabuksan ko ang bahay nila, saka ko inilapag si Em-em sa kama nila. I tuck him to bed before placing the keys on the bed side table and went to my own room. Kinuha ko kaagad yung toiletries ko so I can shower. Hindi ko alam kung bakit ako nagmamadali, just when I was already done tying my hair into a bun, halos mapatalon pa ako sa gulat nang makasalubong ko si George Archival na umiinom ng tubig paglabas ko ng cr.


"Para kang nakakita ng multo." sabi nya bago naiiling na pumasok sa kwarto niya. 


I just sigh and slightly tap my forehead, hindi ko alam kung anong pinaggagagawa ko.

Mukha akong tanga.


_________________________________

#unedited.





Continue Reading

You'll Also Like

98.4K 1.8K 45
When all you have is your mother and you're willing to risk everything... until it gets good, bad, and best, forever. Ganoon talaga kapag kinuha mo a...
343K 6.8K 45
One Runaway Duchess who wants to have a freedom, left her palace to find a new homey place. Napadpad sa Pilipinas at namuhay bilang ordinaryong tao...
3.5M 150K 16
(Yours Series # 1) Nileen Riviera thought that after getting her degree in medicine, she'd easily check off the next thing on her list-to have a boyf...
3M 130K 21
(Yours Series # 2) Julienne Salvacion definitely didn't think that she'd reach the age of 32 and still be unmarried. She was sure that she'd, at leas...