NAMELESS: WHO AM I? (COMPLETE...

بواسطة MaidenDione

19.1K 610 79

NAMELESS BOOK #1 Synopsis: Si Diana ay isang normal na tao na naninirahan sa mundo. Katulong sa bahay na tin... المزيد

Prologue
Full Moon
Chydaeus
Dicio
Not A Typical Day
Geminus
Fear
Ability
I Look At You
Build?
New Dorm
Lessons
Light Enchantress
Diwata?
Mission
Preparation
Crustallus
Viceroy
Wait For Me
Island of Syreni
Underwater
The Villain's Progeny
Assumptions
Perfect Night
Memory
Fake
Anger, Pain, and Discourage
Cresent Night
Chydaeus Attack
Traitor
Sorrow
War
The Truth
Back Story
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

Typical Day

897 27 1
بواسطة MaidenDione

Chapter 1 

Diana's POV

"Diana punta ka na rito at kakain na tayo ng agahan." rinig kong sigaw ni Tita na nasa kusina.

  Nandito ako sa kwarto at nagaayos para pumasok. College na ko ngayon at kinuha kong kurso ay Accountancy.

  Inayos ako ang uniform ko at nagsuklay ng buhok. Nagmadali na ko para di rin ako mahuli sa school.

  Bumaba na ko para pumunta sa kusina, amoy na amoy ko ang linulutong bacon ni Tita Icy. Kahit anong luto talaga lutuin ni tita masisigurado kong masarap yon.

 Pagkababa ko dumiretso na ko sa kusina, andun na si Tita Icy. Kaya't umupo na ko sa upuan at sunod ko'y bumaba na rin si Thylane.

 "Mom, sasabay ako kay Hailey papuntang school today. Pupunta siya rito mamaya." sabi ni Hailey pagkaupo nya para kumain.

"Sabay ka nalang kay Diana, fisrt day of school ngayon kahit ngayon lang magsabay kayo. Itour mo rin sya since bago lang sya sa school nyo." sagot ni Tita Icy.

"Why would I? That's not my responsibility mom. Bakit ako sasabay sa katulong natin?" pataray na sagot ni Thylane at inirapan ako.

  Yeah, you heard it right, katulong ako sa bahay na ito at hindi ako kamag-anak nila Tita Icy pero Tita ang tawag ko sa kanya kasi tinuring na nya kong pamangkin. Pero si Thylane? Katulong na ang turing nya sakin simula pa nung napadpad ako dito. Magkaibang magkaiba kami, magkaiba kami sa maraming bagay.

  Natapos kaming kumain ng may marinig kaming kumatok sa pinto. Pinuntahan at binuksan ito ni Tita Icy at lumabas ang isang babae.

"Hi Auntie, sasabay daw sa amin si Thylane right?" sabi nung babae na hula ko ay si Hailey.

"Tapos na ko Hail. Mom alis na kami a.", sabi ni Thylane at dali daling pinuntahan si Hailey.

"Thy, hindi nyo ba pwedeng isabay rin si Diana? Kawawa naman siya kung magkocommute sya.", habol ni Tita sa anak.

"Mom, napagusapan na natin to diba? Hayaan mo syang magcommute. Para san yung mga pinapasweldo mo sa kanya kung di niya gagamitin? Dito na nga siya nakatira sa bahay pati ba naman papuntang school? Tara na Hailey.", sagot ni Thylane at hinila na si Hailey palabas ng bahay.

Napabuntong hininga nalang si Tita Icy at tinignan ako, "Pasensya ka na Diana a, di ko alam kung bakit parang sobrang galit sayo si Thylane."

Ngumiti nalang ako, "Ayos lang po Tita, nasanay na po ako."

"Kahit na, di ko man lang siya nadisiplina. Oh siya, baka malate ka na eto o gamitin mo pangcommute.", sabi ni Tita at nagabot ng pera.

"Nako Tita, huwag na po. Tama naman po si Thylane na sayang kung di ko gagamitin yung sweldo ko wala naman ako ginagastos." sagot ko at ngumiti nalang.

"Buti nalang talaga at matalino ka at di ka gagastos para sa college mo. O siya mauna ka na at ako na maghuhugas ng pinagkainan." sagot ni Tita.

   Umalis na ko sa bahay at nagantay ng jeep papunta sa University na papasukan ko. Scholar lang ako, kahit pamangkin ang turing sa akin ni Tita hindi siya nagbabayad ng tuition ko ngayong college. Elementary to Highschool kasi sa public ako nag-aral, ngayon lang ako nagprivate at scholar naman ako.

   May dumaan na na jeep kaya agad ako sumakay, ayoko naman malate sa first day ng school.

   Nagbayad ako sa driver at naglagay ng earphones at tumingin sa dinadaanan namin.

   Nagkaron ako ng memory loss nang 10 years old ako. I'm note even sure kung 10 ba talaga ako nun kasi nagising nalang ako sa hospital. Hindi ko rin alam kung bakit ba ko nandun. Ang alam ko lang ay pangalan ko, Diana, yan lang at wala rin akong idea sa surname ko. 

   Pumara na ko nang nasa tapat na ko ng University na pinapasukan ko. 

   Pagkababa ko pumasok agad ako. Marami akong nakasalubong, halatang mga anak mayaman ang mga nandito, ito kasi ang may pinakamahal na unibersidad sa buong Pilipinas. 

   Scholar ako dito kaya wala ako binabayaran. Di ko matatanggi na matalino ako. Simula elementary lagi akong Highest Honor at Valedictorian ng school ko. Lagi rin ako linalaban sa mga contest at kahit walang pera, nakakapunta ako sa ibang bansa.

   Di ko rin alam kung bakit ang bilis ko lang pagaralan ang mga bagay bagay. Basahin ko lang ang isang libro ay alam ko na lahat ng nilalaman non kahit unang basa pa lang. Marami rin akong alam na banyagang wika dahil nagaral ako nito noong highschool.\

   Ang laki pala nitong University na to, sampung school ata ay eto nang university na.

   Dahil naliligaw ako napagisipan kong magtanong sa mga dumadaan. Pinaghandaan ko pa ang sasabihin ko kasi di talaga ako mahalubilo sa mga tao.

"Miss, san po dito ang Accountancy Department?", tanong ko sa isang studyanteng dumaan.

Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa, pagkatapos, tinignan ako nito sa mata at bakas dito ang pandidiri. 

"Are you a new student? Halata nga, ngayon lang ako nakakita ng isang pangit na tulad mo. Don't talk to me uglyface!", saad niya at umalis.

   Napatungo na lamang ako. Di ko rin matatanggi na tama siya. Matalino ako pero hindi ako kagandahan. Hindi ako maiitim pero di rin ako kaputian, maraming tigyawat ang aking mukha, balbunin ako, maikli ang buhok at lahat na ata ng kapangitan ay nasa akin. Marami akong flaws and imperfection.

   Maya maya may lumapit sa aking babae. Nakalugay ang mahaba niyang buhok at nakasalamin ito na ubod nang kapal, alam niyo yung nerd? ganun.

"Accountancy ka rin diba? Tara sabay na tayo, Accountancy rin kasi ako.", sabi niya at ngumiti. Nakabraces din siya.

   Tumango nalang ako at sumama sa kanya. Kinakausap niya ko pero di ako sumasagot, tumatango lang ako sa mga sinasabi niya.

"Eto na pala ang yung Accountancy Department. Tara pasok na tayo...", sabi niya pero di niya ito maituloy.

"Diana.", sabi ko at ngumiti.

"Nagsalita ka rin haha, ako nga pala si Angel. Kanina pa kita dinadaldal di mo pa alam pangalan ko. Tara na Diana.", saad niya at pumasok na kami.

*****

Nandito na ako nakaupo sa room. Pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko at alam ko ang dahilan. Lahat sila mga mukhang mayaman at kaaya-aya ang itsura, ibang iba ako buti na lamang at kaklase ko si Angel, may kumakausap pa sa akin.

"Di ka ba naiilang na pinagtitinginan ka ng mga kaklase natin?", tanong ni Angel sa kin.

Tipid akong ngumiti. Inaasahan ko na rin na pagtitinginan ako ngayon. Ibang iba ako sa mga kaklase ko, lahat sila may mga magagarang bag, may mga kolorete at mga may itsura, di tulad ko na pinaglumaan pa mga gamit.

"Di mo talaga ako sasagutin mga tanong ko no? Puro ngiti ginagawa mo e.", saad ni Angel na parang nagtatampo pa.

Kinuha nalang ni Angel ang mga gamit niya. Halatang may kaya rin tong si Angel base na rin sa mga gamit niya. Yung pagiging nerd niya lang siguro yung dahilan kaya di rin siya lapitin ng mga tao. Maya maya lang may pumasok na babae.

Isang magandang babae ito. May salamin siya pero di makakaila ang angking kagandahan nito. May kurba rin ang katawan nito. Sa tingin ko ito ang prof namin dahil sa mga gamit na dala na gamit nito.

"Good Morning BSA 101, I'm the professor assign in BSA 101 named Ms. Akira Seraspi, you students can call me Ma'am Seraspi and I'll be teaching Fundamentals of Accounting this 1st semester. I hope you'll learn a lot from me.", nakangiting saad nito.

To be honest hindi siya mukhang teacher, mukhang kaedaran lang namin siya. Maputi ang kutis nito at bagsak ang mahaba at itim nitong buhok. Di ito katangkaran pero hindi rin naman ito pandak.

"Since it's our first day, we'll just have our orientation. Therefore, I would like you to introduce yourselves infront of the class.", sabi nito.

As expected, first day may introduce yourself agad. Ayoko sa ganto kasi di wala naman ako balak makihalubilo sa mga kaklase ko, at alam kong ganun din sila sakin.

Nagsimula nang magpakilala ang mga kaklase ko. Marami sa sa kanila ay magkakakilala na dahil medyo maingay kanina nung wala pa ang prof. Ilang sandali lang ay si Angel na ang magpapakilala sa harap.

"A good day to everyone. My name is Angel Gapito, 18 years old and I studied senior highschool at *** University and I'm glad to meet you guys.", nakangiting pagpapakilala ni Angel.

"2020 na pero uso pa rin pala mga nerd.", bulong yon pero rinig pa rin ng buong klase.

Nagtawanan naman ang lahat non. Nagulat ako nang napaiyak si Angel habang bumabalik na sa kanyang upuan.

"Stop it students." saway ng prof. Tumigil naman ang tawanan.

Nagaalala akong tumingin kay Angel. "Ayos ka lang?"

Pilit na ngumiti si Angel habang pinupunasan ang luha, "Nagsasalita ka pala, pero okay lang ako."

Tumango na lamang ako. Mababaw pala ang luha nito ni Angel. Pero feel ko rin nararamdaman niya, masakit mapagtawanan ng tao.

Tumingin sa akin si Ma'am Seraspi na hudyat na ako na magpapakilala. Tumayo ako at pumunta sa harapan na nakatungo.

"My name is Diana."

Kunot noong tumingin sa akin si Ma'am Seraspi.

"And?"

"17 years old, studied at *** Senior High School"

Mas lalong nagtaka ang mukha nito. Kahit mga kaklase ko ay nagtataka na rin.

"What about your surname?", tanong ni Ma'am Seraspi.

"I don't have one Ma'am.", sagot ko.

Mas lalong kumunot ang noo nito. Tinignan nito ang isang papel na hula ko ay masterlist ng klase. Tumango ito nang may mabasa dun.

"That's weird, wala ka ngang surname dito. You may sit na.", bago pa man ako makaupo may narinig akong sigaw.

"Ano skin care mo sis?"

Nagtawanan naman ang buong klase. Napayuko na lamang ako sa hiya at dumiretso sa upuan ko. Sinaway na naman sila ni Ma'am Seraspi kaya't tumahimik na.

Nagdiscuss lang si Ma'am ng mga rules and regulation. Binigay niya rin sa amin ang schedule namin. Pinagadvance reading din kami para may alam na kami sa mga lesson.

Natapos ang orientation at lumabas na kami ni Angel. It's already 12 noon at lunch time na. Dumiretso na kami sa cafeteria. Onti pa lang ang mga tao dun, maaga kasi kaming pinalabas ng prof.

Nagorder na kami ng lunch ni Angel. Nagorder ako ng Carbonara habang siya naman nagorder ng Lasagna. Umupo na kami sa mga bakanteng lamesa. Like what I said earlier, maraming bakante since onti pa lang ang tao.

"Nagulat ako kanina Diana, wala ka palang apilyedo.", biglang sabi ni Angel habang kumakain kami.

"Wala naman kasi akong magulang.", sagot ko at sumubo ng carbonara.

"Kahit na, marami namang tao mga ulila pero may apilyedo pa rin."

"Di ko rin kilala mga magulang ko."

Kumunot ang noo ni Angel, "Ha? Pano yun? Magisa ka lang?".

"Nagtatrabaho ako bilang katulong pero dun ako nakikitira.", sagot ko.

Tumango na lamang si Angel. Naramdaman siguro niya na ayaw ko pagusapan ang bagay na iyon.

Maya maya may pumasok na tatlong babae. Nakita ko si Thylane kasama si Hailey at isa pang babae. Umupo sila sa isang bakanteng lamesa at luminga linga na para bang may hinahanap. May tinuro si Hailey na isang lalaki at nagtawanan silang tatlo.

"Hays, meron talagang mga babaeng adik na adik sa gwapo." bigalng saad ni Angel.

Kunot noo ko siyang tinignan, "What do you mean?"

Tinuro niya yung gawi nila Thylane, "Yang mga babaeng yan, Naghahanap yan ng mga gwapo, tignan mo may tinuturo yung isa na lalaki.", sabi ni Hailey.

Tinignan ko yung lalaking sinasabi niya. Di naman siya ganun kagwapo, maputi lang tas maayos manamit.

Hindi ko nalang pinansin iyon. Nagpatuloy na lamang ako sa pagkain ko.

"Diba 17 ka palang? Ang bata mo para maging college.", tanong ni Angel.

"Malapit na rin naman ako 18.", sagot ko.

"Kelan?"

"August 27."

Lumaki ang mata niya, "Malapit na! 20 na ngayon. Bat di mo sinabi?"

"Ngayon ka lang naman nagtanong.", sagot ko.

"Sabagay, pero sama ako sa debut mo a."

"Di naman ako maghahanda."

Lumungkot ang mukha niya, "Bakit? Once in a lifetime lang yon. Sayang naman."

"Sayang pera lang yan. Sanay naman akong di naghahanda.", sagot ko.

"No no no, kailangan natin maghanda. Kahit ngayon lang. Ako bahala sayo.", sabi niya habang nakangiti.

"Di na kailangan Angel. Nakakahiya naman." sagot ko.

"No, kaibigan mo ko. Sa bahay tayo sa birthday mo."

Tumango na lamang ako, wala mapilit siya e.

*****

Uwian na namin ngayon. Nagkahiwalay na rin kami ni Angel dahil may sumundo na sa kanya. Sumakay na ko ng jeep pauwi ng bahay. Magaadvance reading na ako para alam ko na ang mga pagaaralan. Di pwedeng bumaba ang grades ko dahil scholar ako.

Nakauwi ako ay handa na ang hapunan. Kumain na lamang kami nila Tita Icy at Thylane. Di rin ako pinansin ni Thylane kaya hinayaan ko nalang siya. Pagkatapos naming kumain ay ako na ang naghugas. Kasama ito sa trabaho ko since katulong ako rito.

Pagkatapos ko maglinis ay dumiretso na ko sa kwarto. Inaral ko na lahat ng maaari naming pagaralan. Pagkatapos non ay nagayos na ako para matulog.

*****

Chapter oneeee! Sana magustuhan niyo. First Story ko to kaya sorry po kung  hindi ganun ka ganda.






واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

20.9M 767K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
5.2K 194 34
He's living in a dark world but it's not a hindrance to have a normal life. He's an assassin, merciless and kill anyone in a snap of his fingers. He...
193K 6.2K 33
Genre: Action, Adventure, Random, (chaos, war, gangster, academy, university, red, blood) Language: tagalog, English Date started: April 30, 2016...
The Given Gift of Curse بواسطة S A M M Y

الخيال (فانتازيا)

4.2K 1.8K 29
Dayne Avril Adeamus doesn't know that she was a princess, until she was found wandering at a poor land called 'Mederia.' She was kept hidden because...