Something New

By cia_stories

73.5K 2.6K 234

Aurora Samantha King can get everything that she wants, her life is a constant cycle, formal gatherings, scho... More

Something New
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty Four
Epilogue
Author's Drama
Special Chapter
Special Chapter 2
Special Chapter 3

Ten

1.3K 46 2
By cia_stories

Nagising ako na sobrang dilim at tahimik na ng paligid. When I looked at my watch, it says 12:00.

"Malapit na ba tayo?" Tanong ko habang humihikab pa na tinakpan ko lang ang bibig.

He looked at me once before focusing again and nodded.

"Thanks for the answer, napakainformative, saya mo sigurong kakwentuhan no? Parang nakikipagusap sa hangin." Sabi ko pero hindi na naman sya umimik.

Argh! Ang bilis ko talagang mainis sa lalaking to, although he really saved me for tonight though, pero nakakainis pa rin sya sa pagiging tahimik nya, kapag naman nagsalita sya, mas naiinis lang din ako sa lumalabas sa bibig nya.

"Nandito na tayo." Sabi nya maya-maya at true enough. I saw the familiar entrance towards Tita May's house.

Bumaba na lang ako sa sasakyan na bitbit ang bag ko at nagulat pa ako ng gising pa si Tita May na mukhang may iniintay.

"Tita May!" I said and her eyes widened as she saw me.

"Naku ikaw bata ka! Kamusta ka na?" She asked me while checking me from head to toe.

But I just laughed a little and smiled at her.

"Okay na okay Tita May, just homeless for the time being but I'm okay!" I said and she just shook her head.

"Ba't po pala gising pa kayo?" Tanong ko.

"Eh kasi tinawagan ako nitong si George, di na ako mapakali. Nagaalala ako sayo nung nalaman kong nakita ka nito ah." Sabi nya sabay nguso ng bahagya sa taong nasa likod ko.

"Mabuti na lang at napaaga ang delivery ngayon ni Tay Eman, ginabi na nga lang kayo ano?"

Ahh..so totoo pala sinabi nya kanina.

"Mamaya na kayo magkwentuhan, gabing-gabi na." Sabi ni Archival sa likod ko na naglakad na papasok, papunta sa dulo kung saan yung bahay nila.

"Ay oo nga! Naku! Magpahinga ka na muna Aurora." Sabi ni Tita May na natigilan din pagkatapos bago napakamot sa ulo nito.

"Kaso may problema pala, naku. Nandito si Buboy saka yung tatay nya." Sabi ni Tita na nahihiya pa.

"Oh no no, it's okay Tita May. I can sleep on the floor. Ako pa nga po ang nahihiya dahil nakakaabala po ako." I said and its true though, I'm kinda shy, even for Archival that was kind enough to bring me here again.

Pero nakakainis pa rin sya.

"Hindi naman ako makapapayag nyan, malamig na at baka magkasakit ka pa. Mabuti pa makikisuyo muna ako kina George, may isa pa naman silang kwarto na pwede mong tuluyan pansamantala." Sabi ni Tita May habang iginigiya na nya ako papunta sa bahay nina George Archival.

"Ho? Eh baka---"

"Naku wag kang mag-alala, harmless yong si George saka nandoon naman si Em-em. Ano ba kasing nangyari sayong bata ka? Okay ka lang ba talaga?" Sabi ni Tita na bakas mo din ang pag-aalala.

I was touched by that, to think na hindi naman talaga nila ako obligasyon o kapamilya para tulungan. I am just a stranger to them and yet they really helped me find a place to stay.

"I'm really sorry for being a burden Tita May, nanakawan po kasi ako kanina lang. I was too careless. Balak ko ho sana kasing pumunta naman ng Pangasinan pero ayon po, ang bilis lang ng pangyayari." Sabi ko na hindi na maiwasang makagat ang pangibabang labi sa hiyang nararamdaman.

"Oh Aurora, ipagpasalamat na lang natin na hindi ka nasaktan, bahala na ang Diyos sa magnanakaw na iyon. Mabuti din na nakita ka ni George, welcome na welcome ka dito Aurora." Sabi ni Tita bago hinaplos ang likod ko na ikinangiti ko sa kanya.

"Thank you po talaga." Sabi ko na nginitian lang nya bago umiling at saka kumatok sa pinto nina George.

Nakapasok na pala kami sa bakuran nila ng hindi ko namamalayan. Mukhang gising pa naman si George dahil bumukas din naman ang pinto, yun nga lang hindi ko inaasahan na wala na syang damit pang-itaas at nakasampay na lang sa balikat nya ang isang tshirt na puti.

Kaagad akong napatakip sa mga mata ko pero parang wala lang naman kay Tita May ang itsura ni Archival.

I looked stupid so I simply put my hand down and looked somewhere else while crossing my arms. Hindi nga lang nakaligtas sa akin ang pagtaas ng kilay ni Archival. Tss.

Like what the fork Aurora? Hindi ka naman ngayon lang nakakita ng topless man!
You have a lot of men in the family for goose's sake!

"George, pwede bang dito muna sa inyo manuluyan itong si Aurora? Nawala sa isip ko na nandito nga pala sina Buboy pati yung tatay nya. Ayoko namang sa sahig mahiga si ganda." Sabi ni Tita May na ikinatingin ko kay Archival.

Wala akong nakitang pagtango sa kanya o ano pero binuksan nya ng mas malawak ang pinto at hinigit na ako ni Tita May papasok.

Sumunod na lang ako at parang mas bahay pa ni Tita May na pumasok sya sa loob ng bahay.

"Sa kwarto na lang sya ni Mikko, buhatin ko lang." Sabi nya bago umalis pero natigilan sya ng tanungin sya ni Tita May.

"Hindi ba--wala pala. Pasensya ka na George." Sabi ni Tita at tumango lang naman ang kausap nya.

Sa maliit na hallway, nakita kong lumabas si George sa pinto sa kaliwa na buhat na ang tulog na tulog na si Em-em saka sya pumasok sa pinto sa kanan.

Nung lumabas sya saka nya kami nilapitan.

"Kayo na ang bahala Tita May, magpapahinga na ho ako." Sabi nito bago pumasok ulit sa kwarto na nilabasan nya.

"Salamat George!" Sabi ni Tita May bago ako iginiya papasok sa kwarto ni Em-em.

"Tita okay lang po ba talaga? Parang di kasi okay kay George Archival." Sabi ko na tinawanan lang ng mahina ni Tita May.

"Kung hindi okay dun, hindi nya bubuksan ng malawak ang pinto nya. Saka isinama ka nya dito diba? Dun pa lang nag-aalala na yun ng makita ka." Sabi nito na hirap naman akong paniwalaan.

Napakamot ako sa gilid ng leeg ko bago ngumiti na lang sa sinabi ni Tita.

"Di ka naniniwala no? Hay, saka na yan. Ang mahalaga makapagpahinga ka na." Sabi nya bago nilapitan ang kama ni Em-em. Mukhang alam na alam na talaga nya ang bahay dahil kumuha lang sya ng bagong bedsheet at ilang unan bago itinabi ang ginamit ni Em-em.

She even fixed the bed for me and my heart just melted. I suddenly miss my mom.

Uwi na kaya ako?

But nah, 6 months diba? 4 weeks pa lang pinanghihinaan ka na ng loob. You chose this so bear with it. It's just the start Aurora!
Fighting!

"Thank you po talaga Tita May." I said while looking gratefully in her eyes.

She smiled and tap my head softly before going near the door.

"Wag ka ng mag-alala. Matulog ka na okay? Bukas tayo magkwentuhan pa." Sabi nya bago tuluyang nagpaalam.

"George, uuwi na ako." rinig kong sabi nya sa labas ng pinto.

I sigh and look around Em-em's room. It was small but you can't tell if a child owns this room or not. Napakalinis, walang dumi ni nakakakalat na laruan.

Daig pa yata ni Em-em mga kapatid ko pagdating sa kalinisan nung same age nila ang bata.

Aside from an old teddy bear and the acitivity books that I gave lying on the small wooden table in the corner. Wala na, the room screams simplicity lalo na't gawa sa wood ang kabuuan ng bahay.

May electric fan and bintana din that gives the room a comfy feeling.

When everything was silent, I just opened my bag and get clothes to change. Dahan-dahan ko pang binubuksan ang pinto ng kwarto ni Em-em para makalabas ako't mahanap ang CR para makapagpalit man lang.

Tahimik na ang kabahayan, sarado na din yung ilaw kanina sa salla, siguro si Tita May ang nagsara pero nang liliko na ako papunta sa maliit na kusina, nabunggo ang ilong ko sa matigas na bagay.

"Aww." Mahinang angal ko habang hawak ang ilong.

Pader ba yun? I guess not when I heard someone 'tsk'. When I looked up, it was George Archival looking down at me.

Edi sya na ang tall! Duh, my eyes is just the same level as his adams apple that made me step backwards when I realized how close we are.

"Doon ang banyo," turo nya sa may likod nya, "pagkatapos matulog ka na." Sabi nya bago ako nilagpasan.

Napakibot-kibot na lang ang mga labi ko bago sinunod ang direksyon na sinabi nya.

Psh, pasalamat sya pinatuloy nya ako dito kundi nakuu-! Napakasungit! Di man lang ngumiti!

~~

I was able to sleep peacefully around midnight, kaya hindi na ako nagtaka why I woke up late this time at pag-gising ko, wala akong naabutang tao sa bahay.

I realized that it was Monday today so maybe Em-em has school and his brother might be in Tay Eman's shop.

Almost lunch time na din and I have no idea what to do now. Now I am totally lost, with no money and it was more frustrating pala.

Before when I need it, I can just grab my cards and withdraw some or even use my debit cards to buy anything that I want. But now, I have none, and that's the real challenge I guess? Itinago ko na kasi ang 300 pesos kong natitira, di ko pa alam kung saan ko yun gagamitin, maybe to find work?

Naligo ako at nagbihis ng mas presentable na damit panglabas, just a white shirt and maong shorts just above my knee.

I looked around the kitchen and dining area, my eyes immediately light up when I saw some food.

Aba~thoughtful din naman pala si sungit.

Nevermind.

I just ate the food Tita May brought according to her note. I should really thank her after all this, she's a savior to my hungry tummy.

Hinugasan ko yung pinagkainan ko before going out. I want to go to Tita May's house pero nakasalubong ko na din naman sya na papunta pa lang sa bahay nina George.

"Oh! Sakto gising ka na, may dala akong umagahan at tanghalian dahil baka kako gutom ka na." Sabi ni Tita na ikinakunot ng noo ko saglit.

"Diba po may dinala na kayo kanina?" Tanong ko na ikinakunot din ng noo nya.

"Ha? Ngayon pa lang ako sana pupunta gawa ng nalate din ako ng gising." Sabi nya na ikinangiti ko na lang.

"Wala po pala, hehe. Dadalhin nyo po ba yung tanghalian sa shop? Tulungan ko na kayo ta." Sabi ko at tumango naman sya kaya sabay na kaming naglakad papunta sa shop ni Tay Eman.

Pagdating namin don, binati ko sina Tay Eman na nagulat ng makita ako, pati sina Kuya Popoy at Kaloy na natuwa din.

"Hello po Tay Eman! Wazzup mga kuya!" Bati ko na ikinatawa nila bago ako nilapitan.

"Aba'y may nagbabalik!" Tuwang-tuwa na sabi ni Kuya Popoy bago nakipag-high five.

I laughed and did the same with Kuya Kaloy.

"Opo, pasensya na kung magpapaampon po muna ako sa inyo Tay Eman, Tita May." Sabi ko sa dalawa na iwinasiwas lang ni Tita May ang isang kamay para sabihing wala lang yon.

"Wag mo ng isipin yon Aurora, tanggap ka namin dito at naaalala ko sayo si Mayette noon kaya hangga't kailangan mo ng matutuluyan, nandito kami." Sabi ni Tay Eman na ikinangiti ko ng may pagpapasalamat.

"Lalo na tong si George."sabat ni Tita May na ikinaangat ng tingin ni George mula sa kina-cut nitong wood.

"Huh?"

"Eh diba, sa bahay nyo nanunuluyan si Aurora ngayon?" Binalingan nya kami ni Tay Eman, "doon ko muna pinatuloy pansamantala si Aurora Tay, nandito na kasi sina Buboy at yung makulit nyang tatay, ayaw ko namang pahigain sa lapag yang si ganda. Baka magkasakit." Sabi ni Tita May na tinanguan ni Tay Eman.

"Tama iyon, para naman may makasama itong sina Em-em at George na makakapagpabalik ng sigla ng bahay." Sabi ni Tay Eman na hindi ko masyadong nagets kung bakit nya nasabi yun.

Actually, I think he never intended for me to hear that, I just happen to hear it that made me think but was distracted again when Tay Eman tap my shoulder and told me to join them eat.

"Kamusta naman ang naging byahe mo Aurora?" Tanong sa akin ni Kuya Popoy habang kumakain sila ng tanghalian, medyo busog pa ako dahil kakakain ko nga lang kaya hindi na ako sumabay.

"Ayos naman po Kuya, masaya, kundi lang ako nanakawan." Sabi ko na napapakamot sa huli kong sinabi.

"Ay nako, nagkalat na talaga ngayon ang mga kawatan. Ipagpasalamat na lang natin na walang nangyari sayong masama at nakita ka nitong si George." Sabi naman ni Kuya Kaloy at tumango naman ako bago inilibot ang tingin sa kabuuan ng shop.

"Wala ho yung ibang tauhan nyo Tay?" Tanong ko at nakita kong napabuntong hininga si Tay Eman bago tumango.

"Hindi daw makakadating si Renaldo gawa ng may sakit ang asawa, si Cardo naman tinanggal ko na dahil palagi namang hindi pumapasok. Sya pa naman ang nakatoka sa paggawa ng mga paso eh kaso nadedelay lang kami dahil palagi syang wala." Pagkwento nito na ikinaangat ko ng tingin sa kanya.

"Balita namin Tay, nangapit-probinsya yong si Cardo, dun daw kinuhang laborer." Sabi ni Kuya Kaloy.

"Eh pano yan Tay yung mga orders sa inyo? Sino gagawa?" Tanong ni Tita May na halatang nababahala na.

Hindi man halata kay Tay Eman pero mukhang nag-iisip din ito.

"Pagtutulungan na lang namin nitong si George hangga't kakayanin." Sagot ni Tay Eman sabay tapik kay George na tahimik lang na kumakain sa tabi nya.

"Eh pano yung mga ginagawa nyong mga upuan at lamesa? Kakayanin ba nina Kaloy at Popoy? Magtatawag na ba ako ng pwedeng pansamantalang manggagawa?" Tanong ni Tita May kay Tay Eman na ikinailing lang ng huli habang natatawa na sa kaseryosohan ni Tita.

"Wag ka ng mag-isip pa Mayette, kaya namin yan. Saka wala din akong ipapasweldo pa sa dagdag na tauhan kaya ayos na ding may iba ng nakuhang trabaho si Cardo."

"Eh kayo naman ang mapapagod nyan---"

"Pwede po akong tumulong tay, maalam po ako ng basic pottery. Turuan nyo na lang po ako paano yung sa binebenta nyo." Hindi ko mapigilang sumabat sa usapan nila na ikinatingin nila sa aking dalawa. Pati sina Kuya Kaloy at Popoy napatingin din sa akin.

Pero ngumiti lang si Tay Eman kahit na may panghihinayang sa mga mata nito.

"Hindi na kita kakayaning paswelduhin Aurora."

"Hindi na po kailangan, ang kailangan ko lang naman po ay matutuluyan pansamantala habang naghahanap pa ako ng iba pang mapagkakakitaan at makaipon ulit para makaalis." Sabi ko na ikinanganga nila.

"Well, pati po pala pagkain." Dagdag ko na napapakamot sa gilid ng leeg ko dahil sa hiya.

"Ayun pala Tay!" Masayang bulalas ni Tita May na ikinatawa ko na din bago nya ako harapin ulit, "sigurado ka ba dyan Aurora? Mapapagod ka din dun." Sabi ni Tita May at tumango ako saka nagthumbs up.

"Kayang-kaya ko yan Tita, maalam na po ako ng basic, turuan nyo na lang po ako kung paano yung sa mga pasong ginagawa nyo dito."

"Nakuu, kahit ako na bahala sa pagkain mo Aurora." Tuwang-tuwa na sabi ni Tita May bago tinulak ng bahagya sa braso nya si George kaya napaangat ito ng tingin kay Tita.

I think I saw George's face ask 'what' to Tita May using his face and Tita May kept moving her lips as if she's telling him to tell me something. Kaya nag-abang ako at hindi naman ako nabigo, George looked at me poker faced before talking.

"Sa bahay ko naman na ikaw tumutuloy, walang bago." Kibit-balikat na sagot nya bago bumalik sa kinakain.

Oh-kay. Guess I have to stick with his attitude for the mean time.

"Ayos pala tong si Aurora eh. Kunin mo na Tay, kakailanganin natin tulong nya." Sabi pa ni Kuya Popoy kaya napatingin na ako sa kanya.

"Sigurado ka ba talaga hija? Nakakahiya naman na wala akong--"

Umiling na ako bago pa maituloy ni Tay Eman ang sinasabi nya.

"Ayos lang po talaga Tay. Marami akong time." Sabi ko na ikinatawa ni Kuya Kaloy.

"Uy rhyme!" Sabi nya bago ako inalok ng high five na tinanggap ko naman habang natatawa.

"O sige, kung ganoon, George, ituro mo kay Aurora kung paano natin ginagawa ang mga paso natin pagkatapos kumain."

"Tay ba't ako na naman--sabi ko nga." Naiiling na lang si George nang tignan sya ni Tay Eman.

Oh! Maalam din palang magreklamo tong si George Archival? Or ngayon lang dahil ayaw nya naman talaga akong makasama sa kung saang malapit sa kanya.

The feeling's mutual then, ayaw ko din namang mapalapit sa kanya dahil baka mahawa pa ako ng kasungitan nya at pagka-dull nya.

Pagkatapos nilang kumain, ganon nga ang napagkasunduan.

"Tayo na." Maikling sabi ni George na sa sobrang bilis iba yata narinig ko. Akala ko ako lang ang iba ang pagkakarinig nang magsalita si Kuya Kaloy.

"Aba George! Ang bilis mo naman!" Tukso ni Kuya na sabay naming ikinatingin sa kanya.

"Sabi ko nga joke lang." Bawi ni Kuya Kaloy nang makita nya siguro ang itsura naming dalawa.

Naiiling na lang na lumakad si George at sumunod naman ako sa kanya. He handed me an apron na sinuot ko naman. It's kinda big though, but it's okay.

"Isa lang ang turning table dito, since alam mo naman ang basic katulad ng sinabi mo. Simulan mo na, ito ang gagayahin mo." Sabi nya bago ilapag ang kinuha nyang isang sample ng pot sa tabi ng turning table.

"So much for teaching me how." Sagot ko na ikinataas ng isang kilay nya.

"Hindi mo kaya?" Tanong nya na ikinaikot ng mga mata ko bago naupo sa maliit na wooden footstool sa harap ng turning table.

Akala ko aalis sya, but looks like he'll watch what I can make first before actually teaching me, well that's what I assume so I looked at the pot he gave.

All the materials are laid before me and all I need to do is make the pot.

I took note of its shape, probably 3 pounds of clay was used since it's a big pot for plants. So I fetched some clay and measured it using the scale before putting it at the center of the turning table. I soak my hands in the water just to make sure it won't stick in my hands and opened the turning table with the speed I can remember using before.

When the clay's following the pressure my fingers are applying, I started to gently guide it to make a cone, then I gently made a hole with my thumb at the center so I can press it down gently too and applying the right pressure to make a wide opening like the sample pot near me.

I tried following its shape and it's not that close and perfect but after awhile, I was able to make one that made me smile.

I used a string to cut the bottom and remove it before stopping the turning table.
Nang mag-angat ako ng tingin kay George na nakangiti dahil satisfied ako sa ginawa ko, nawala din agad dahil nakatingin lang sya sa akin.

"Tapos na." Sabi ko at doon sya umayos ng tayo at tinignan ang malaking wall clock na nakasabit sa dingding.

"Ang tagal mong gumawa para lang sa isang paso." Sabi nya na ikinakibot-kibot ng labi ko bago nagbaba ng tingin sa gawa ko.

"Maliit pati, lakihan mo pa sa susunod. Lawakan mo din ang buka dahil liliit pa yan kapag nailagay sa hurno." Sabi nya na ikinatango ko na lang.

At least I was able to make one though, kaya ko pa pala at tanda ko pa ng slight kung paano gumawa.

"Ba't di mo kasi ako pinigilan kanina ano? Nung nakita mo na may mali na pala sa ginagawa ko." Sabi ko na ikinailing nya bago naupo sa maliit na wooden footstool din sa tabi ko.

"Hindi ko sinabing mali, maalam kang gumawa at kinulang ka lang sa sukat." Sabi nya bago kumuha ng clay ulit sa lalagyanan na malapit. Hindi na nya sinukat, siguro dahil sanay na sya na gawin to.

For all I know, in-on na nya yung turning table and started making a pot, his eyes focused on what he was doing and his long slender fingers were like water flowing effortlessly to make a shape. But I was startled when he grabbed my hand while his other hand was guiding the clay pot inside so it wouldn't collapse.

Nakuha ko naman ang ibig sabihin nya kaya ginawa ko din ang ginawa ko kanina. I applied the right amount sa isang kamay na hawak nya, tinuturuan ako kung paano ang tamang gawin at nakaalalay naman sa malapit ang kaliwa kong kamay.

His hands were warm as he holds my hand to guide me. Nang mapatingin ako sa kanya sinenyasan nya akong ilapit ang kaliwa kong kamay, maybe to replace his hand on the inside part of the pot so I can do it on my own now.

I finish the rest the way he told me so, this time mas malaki na nga ng kaunti sa gawa ko kanina and we both put it in the kiln, he told me that I need to make 9 more pots before I'll be able to rest for awhile and make another batch again if the end result of the first two pots we made is okay.

I did what I was told and just happily made pots. Nakakawala sya ng stress actually, but I focused more because I don't want to waste Tay Eman's supplies into nothing.

---------
#unedited.

Continue Reading

You'll Also Like

38.2K 806 31
She want to Forget... She want to let go all the memories They have But forgetting Caleb Is hard than solving a math problem What should Chloe do? Ku...
2.2K 174 38
[COMPLETED] ✓ Isa siyang babaeng hindi alam ang salitang pagmamahal , madilim ang kanyang mundo at walang paki alam sa mga nangyayari sa paligid. An...
28.5M 854K 79
Every embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book...
278K 6K 52
Gabriel Smith, the known adopted son of two of the prominent people in the country and in Asia. He's not just rich at such a young age because of his...