Love, The Second Time Around

By HippityHoppityAzure

618K 14.2K 912

Isang babaeng nadala. Isang lalaking nagsisisi. Isang masakit na nakaraan. Paano kung muli silang magkita? Ma... More

Love, The Second Time Around
Chapter 1: Crossing Paths
Chapter 2: That Past
Chapter 3: News
Chapter 5: Her Future
Chapter 6: She Will
Chapter 7: Independence
Chapter 8: His Side
Chapter 9: Doomed
Chapter 10: Confrontation
Chapter 11: Their Setup
Chapter 12: Chances
Chapter 13: Alannah
Chapter 14: A Mother's Favor
Chapter 15: Something Surprising
Chapter 16: Losing It
Chapter 17: What She Doesn't Get
Chapter 18: A Secret
Chapter 19: One Sunday
Chapter 20: Together
Chapter 21: A Night of...
Chapter 22: One Step At A Time
Chapter 23: After All
Chapter 24: Parents
Chapter 25: Magic
Chapter 26: Plans
Chapter 27: Bitter Thought
Chapter 28: Hate, Love
Chapter 29: Fighting Back
Chapter 30: At del Valle's
Chapter 31: Well Enough
Chapter 32: Getting Better
Chapter 33: Plea
Chapter 34: Family
Chapter 35: Surprise
Chapter 36: Happiest Birthday
Chapter 37: Yell
Chapter 38: Make It All Okay
Chapter 39: Rejection
Chapter 40: Sorry
Chapter 41: Acceptance
Chapter 42: Give Up
Chapter 43: Beg
Chapter 44: Back
Chapter 45: In A Hurry
Chapter 46: That Bitch
Chapter 47: Yvette
Chapter 48: Hold On
Chapter 49: Promise
Chapter 50: Smile
Epilogue

Chapter 4: Some Unexpected Things

19K 402 17
By HippityHoppityAzure

Dedicated to @Ayeshaclaire20 – “Absence might make the heart grow fonder.” Naks Yeye! Haha! Thanks sa support hanggang dito~ Labyu~ :* :)

 

----

Chapter 4: Some Unexpected Things

NAGSIMULA ANG PANIBAGONG araw ni Monic nang magulo ang isipan at pakiramdam niya. Although unlike yesterday, hindi negatibo o mabigat ang nararamdaman niya. Basta nalilito lang siya—kung dapat ba siyang matuwa sa nalaman niyang civil status ni Marky o hindi.

            “Arghhh!” Sigaw niya sabay takip ng unan sa mukha at nagpagulong-gulong ng higa sa kama.

            Natatangahan na si Monic sa sarili niya. Mahigit apat na taon ang ginugol niya sa pagmu-move on tapos ngayon, nalaman lang niya na nag-back out pala noon si Marky sa pagpapakasal kay Yvette sa kadahilanan na siya pa rin daw ang mahal nito, ay parang unti-unti nang bumabalik ang pagmamahal niya rito?

            Bumabalik? Matapos kong magdusa sa ginawa niyang pagtataksil sa akin noon? Ano ba namang katangahan ‘yon!

            At ‘yung dahilan niya na mahal pa rin niya ako? Noon lang ‘yon! Noong magpapakasal dapat siya kay Yvette! Pero ngayong apat na taon na ang lumipas? Nako. Paniguradong lumipas na rin ang pagmamahal niya para sa akin. Malaki pa ang tsansa na may girlfriend na siya ngayon. Sa itsura ba naman ni Marky ngayon... napakalabong hindi siya makahanap ng bagong mamahalin.

            Napatigil na si Monic sa pagpapaikot-ikot sa kanyang kama at tumitig na lang sa kisame. Hindi niya ide-deny sa sarili niya, nasaktan siya sa huli niyang naisip.

            Wait. Ako, nasaktan?

            “Arghhh!” Sigaw niya ulit at nagpatuloy sa pagpapagulong-gulong sa kama hanggang sa mahulog na siya sa sahig. “Aguy!”

                        Tamad siyang umupo nang yaka-yakap pa rin ang kanyang unan at saka nagpakawala ng isang malalim na hininga. Buti na lang Sabado ngayon. Walang pasok at hindi niya makikita si Marky. Pay day pa. Tamang-tama dahil kailangan na niyang mamili ng susuotin sa graduation ng mga batang estudyante nila na sa darating na linggo na magaganap.

            So after lunch, umalis si Monic sa tahanan nila ng mga magulang niya—mga magulang na parehas namang nasa ibang bansa. Ang mga kasama nga lang niya sa tahanan nila ay ang ilang mga taga-silbi na matagal nang naninilbihan sa pamilya nila.

            Nagpunta si Monic sa isang mall at agad na naglibot para maghanap ng dress. Dress na comfy, medyo conservative at siyempre, cute—kasing-cute ng mga tinuturuan niyang bata.

            She smiled as she thought of her students’ cuteness. Pero nalulungkot din siya. Napalapit na kasi siya sa mga ito at nakakalungkot isipin na magkakahiwalay na sila.

            Nagbuntung hininga si Monic sa gitna ng pagtingin niya sa isang set ng mga dress na naka-hanger. Nalulungkot nga siya, pero okay lang. Pangatlong beses na niyang mararanasan na mapahiwalay sa mga batang halos isang taon rin niyang nakasama. Makakasanayan niya rin ito bilang isang guro.

            Pagkatapos niyang makabili ng dress, sandals naman ang sunod niyang hinanap at binili. Then a pouch bag, some accessories, and a few make-up refills. Halos three-fourth din ng suweldo niya ang nalagas. Napaka-gastos talaga niya. Minsan nga parang hindi na magkakasya ang suweldo niya sa mga luho niya at pang-allowance sa trabaho niya. It was a very good thing na wala na siyang ginagastos sa bahay nila. No house rents, no utility bills.

            Kahit mag-isa lang siyang nag-shopping, hindi naman halatang nag-enjoy siya. Inabot ba naman kasi siya ng limang oras sa pag-iikot at pamimili.

            Dinner—she thought of that nang may madaanan siyang fast food chain sa paglalakad niya palabas ng mall. At that moment lang din niya na-realize na gutom na pala siya. She stared at the burger steak meal na nasa menu and her stomach growled for it. Geez! Buti walang tao malapit sa kanya kundi, may nakarinig ng pagkalam ng sikmura niya.

            Sa halos paglalaway niya sa burger steak, tiniis niyang pumila roon kahit maraming taong nakapila. Nilubos na lang niya ang pag-order nang sa wakas ay nasa counter na siya. Bukod sa 2-piece burger steak, umorder na rin siya ng fries, sundae, mashed potato, at peach-mango pie.

            Ngiting-ngiti siya nang hawak na niya ang isang tray ng mga pagkaing in-order niya. Kaya nga lang... wala naman na siyang table na mapupuwestuhan!

            Kahit saan siya tumingin, puro okupado ang mga mesa at masayang kumakain ang mga tao.

            Masasaya sila... Samantalang siya, nakatayo lang dun, may shopping bags na nakasabit sa magkabilang braso at may hawak na isang tray na puno ng pagkain. Gutum na gutom na siya. Gustung-gusto na niyang kumain. Pero walang-wala naman na siya table na puwede pagkainan!

            Ughhh!

            Gusto na niyang magpapadyak dun dahil sa inis.

            “Nix!” Sigaw bigla ng isang lalaki na sa boses pa lang ay alam niya nang si Marky,

            Bumilis ang pagtibok ng puso niya kasabay ng muli niyang paglingon-lingon sa paligid upang hanapin si Marky. Agad naman niya itong nakita dahil bukod sa nakatayo ito malapit sa entrance ay kumakaway rin ito sa kanya—kumakaway nang naka-manly grin.

            Oh that grin...

            She smiled back at him, then quickly noticed his child, Alannah, na nakaupo at abalang kumakain sa table na nasa likuran nito.

            “Dito ka na sa’min!” Marky loudly said at lumapit ito sa kanya.

            Medyo nag-panic siya. It was the same feeling she used to feel nung high school pa lang siya—ayun bang nahihiya siya at gustong magtago dahil lalapitan siya ng crush niya.

            What the heck? Crush?

            She looked away, fighting the urge to bang her head against a table or a wall.

            “Nix,” nasa harapan na niya si Marky. Kinuha nito ang tray niya. “Tara.”

            “Uh eh, o-okay. Thanks.” Ngumiti ulit siya—nang pilit.

            “Tsk tsk. Buti na lang nahagip ka ng paningin ko.” Salita ni Marky habang naglalakad sila palapit sa table kung nasaan ang anak nito.

            Hindi naman alam ni Monic kung sasang-ayon ba siya sa sinabi nito. Was it really a good thing na nakita siya nito? Uhm, yeah, it was? Because somehow, she wanted to see him. And it was also not, because she didn’t like what she was feeling at the moment. Naiilang siya, nahihiya, kinakabahan, nalilito, nanghihinayang—nanghihinayang sa relasyon nila noon na nasayang lang.

            Ang table ng mag-ama ay para sa dalawang tao lang so lalo siyang nakaramdam ng hiya. But Marky made a way to have her sit in with them. Lumapit siya sa isang table na pang-apatan at kasalukuyang gamit ng tatlong tao—ng tatlong babae na nursing students to be exact. Marky asked one of them if he could take the vacant seat away, and the girl nodded, blushing, while the other two was giggling.

            That feeling, Monic knew what it was. Kilig. She knew it dahil nararamdaman niya rin ‘yun sa mga oras na iyon.

            Napangiti lang siya nang ipuwesto na ni Marky ang upuan sa table nila ni Alannah. Inayos pa nga nito ang mesa nila para magkasya ang tray niya.

            “Uhm, thank you talaga ah, Marky.” Pilit niyang salita pagkaupo niya.

            Marky chuckled. “Welcome.”

            “Uy Alannah, hi!” Bati naman niya sa anak nito na enjoy na enjoy sa pagkain ng spaghetti.

            Nginitian siya nung bata. “Hello po, Teacher Nix!”

            Monic’s heart fluttered at the young girl’s expression. Halatang-halata na napakasaya nito, most probably because her dad was spending a quality time with her which was alam niyang madalang lang mangyari dahil nga nag-iibang bansa si Marky. And now, she was feeling happy as well—very much happy for Alannah.

            Smiling, tumingin siya kay Marky. Nahuli niya itong nakatingin at nakangiti rin sa kanya. Pero nang magtama ang mga mata nila, nilipat nito agad ang tingin sa pagkain niya.

            “Ganyan ka pa rin pala kalakas kumain?” Marky sounded amused while Monic was a little impressed. Hindi pa pala nito nalilimutan kung gaano siya kalakas kumain. Malakas talaga siya kumain eh, pero— “Pero hindi ka naman tumataba.” Pero ayun na nga. Kahit gaano kalakas pa siya kumain, hindi siya tumataba.

            Halos matawa siya. “Gutum na gutom lang ako ngayon kaya ganito karami ang pagkain ko.” At sinimulan na niyang kainin ang burger steak meal niya.

            “Hmm, pansin ko nga rin na ang dami mong pinamili.” Bati pa ni Marky sabay kagat sa sarili nitong pagkain na burger.

            “Pay day eh. T’saka para ‘yan sa graduation ng mga bata.” Dahilan niya. “Kayo rin, mukhang maraming pinamili.” Balik niyang bati dahil kanina, napansin niyang maraming paper bag ang nasa tabi ng upuan ni Marky.

            “Ah, ganun din, namili kami ng pang-graduation ni Alannah. At mga laruan na rin. Alam mo na, reward dahil naka-second honor ang prinsesa ko.” Nginitian nito si Alannah. And somehow, their conversation made Monic feel a little pain in her heart.

            Prinsesa ko raw. Kung kami ang nagkaanak, ganun din kaya niya tatawagin ang anak namin?

            Pasimple siyang nagbuntung hininga bago muling nagsalita.

            “Oo nga pala, naka-second honor si Alannah. Baka magulat si Yvette ‘pag makita niya ko sa graduation.” Natatawa siya, bitterly. She was wondering how Yvette would react kapag magkita silang muli, more than four years after ng ginawa nito sa kanya.

            “Ah, don’t worry. Hindi makaka-attend si Yvette. Masyado siyang busy sa trabaho niya.”

            “Trabaho?” She repeated, curious. Hindi lang niya maisip kung anong trabaho nito para hindi maka-attend sa graduation ng sarili nitong anak.

            “Model siya.” Sagot ni Marky sabay sipsip sa inumin nitong softdrink.

            “Ah...” It was all Monic could say. Hindi na siya magtataka kahit ba wala namang kinalaman ang modeling sa kursong tinapos ni Yvette na HRM. Maganda’t matangkad naman kasi ito. Kaya nga hindi na rin siya nagtaka noon kung madali nitong naakit si Marky.

            Geez. Let’s not go back to the past, Monic!

            “In-demand si Yvette sa mga fashion show eh. Kung saan-saang bansa na nga rin ‘yun nakapunta para lang rumampa.” Kuwento pa ni Marky habang kumakain ng fries. “Ngayon nga nasa Singapore siya.”

            “Pero sana man lang, maka-attend siya sa graduation ng anak niyo.” Tunog nanghihinayang siya.

            Marky smiled at her. “Wala eh. Mas mahalaga kasi sa kanya ang career niya.”

            Tumingin siya kay Alannah and her heart hurt. Alam niya kasi ang pakiramdam ng binabalewala lang ng mga magulang. Yes, Alannah still had Marky but still, iba pa rin kapag parehong magulang ang makakasama nito sa ganung okasyon.

            Monic had to calm herself down. Lumalala kasi ang galit na nararamdaman niya para sa dati niyang best friend.

            Nagtanung-tanong pa siya kay Marky about Yvette. She found out na in good terms naman ang mga ito ngayon sa kabila ng mga nangyari noon. Kinailangan lang din talaga nitong magtrabaho dahil ulila na ito, which she already knew. She knew that Yvette had been orphan since third grade, at pinalaki lang ito ng tita nito who unfortunately was not treating her very well back then.

            Dahil pagtatrabaho ang inatupag ni Yvette pagkapanganak nito, at dahil ganun din ang inatupag ni Marky mula pa ng mabuntis ito, naiwan si Alannah sa pangangalaga ng ina ni Marky. That explained why lola ang laging nakikita ni Monic na naghahatid-sundo sa bata sa school.

            So ganun na lang pala talaga ang relasyon nila ngayon... Monic thought. May anak, pero walang namamagitan...

            Patuloy na nagkukuwento si Marky, pero kung anu-ano na ang naiisip ni Monic.

            There was never love between them... Marky never loved Yvette... Ang nangyari sa kanila noon, isa lang talagang pagkakamali... Pinilit lang iyon mangyari ni Yvette ‘cause she’s that kind of woman—a bitch...

            Sinisimot na lang ni Monic ang iniinom niyang softdrink, nang bigla at halos mapatalon siya mula sa kinauupuan niya dahil sa pag-ring at pag-vibrate ng cellphone niyang nasa bulsa ng kanyang pantalon.

            “A-ah, saglit sagutin ko muna ‘to.” Nakangiting paalam ni Monic nang makuha niya ang kanyang cellphone.

            Ngumiti’t tumango naman si Marky.

            Calling... House

            Landline sa bahay nila ang tumatawag. Medyo nagtaka si Monic, since napakadalang ng may tumawag sa kanya na kasambahay nila.

            “Hello?” Sagot niya sa tawag.

            “Ma’am Monic, si Berta po ito.” Ang mayordoma pala nila ang tumawag.

            “Oh, bakit po?”

            “Nandito po sina senyora sa bahay. At gusto raw po nila kayong makasamang maghapunan.”

            Naestatwa siya sa narinig niya. Narito raw ang mga magulang niya at gusto siyang makasamang maghapunan?

            Nagulat siya, but she felt more excited than that. Mag-iisang taon na rin kaya mula nung huling beses na binisita siya ng mga magulang niya.

            “Okay po, uuwi na po ako.” Nakangiti niyang sagot sa mayordoma. “Sige po, bye.”

            Pagkababa ni Monic sa tawag ay agad siyang napatayo.

            “Marky, uhm, sorry pero mauna na ko ah?”

            “Uuwi ka na?” Mukha namang nabigla ito. “Teka, hatid ka na namin.” Tatayo na sana ito pero pinigilan ito ni Monic.

            “Hindi. Thanks, but no need na Marky. May sarili akong kotse.” Ngumiti siya’t nagpunas ng bibig gamit ang tissue, bago binitbit ang mga shopping bag niya.

            Sa totoo lang, nanghihinayang siya. Gusto niya sanang ihatid siya pauwi nina Marky pero may sarili na nga siyang kotse. She couldn’t just leave it parking the whole night sa labas ng mall.

            “Ah. May driver ka?” Marky had an uneasy tone, na para bang isang threat ang pagkakaroon niya ng driver. “Or uhm, marunong ka nang mag-drive?”

            “Marunong na akong mag-drive—for two years na.” Medyo proud namang sagot ni Monic, sabay pakita ng wallet niyang may driver’s license. “See?”

            “Wow,” Marky, looking impressed, chuckled. “Ang babaeng takot na takot mag-bike noon, isang licensed driver na ngayon.”

            “Well like they say, change is the only constant thing in the world.” Sa sinabing iyon ni Monic, parang naging awkward ang atmosphere sa paligid nila. She did not intend to express bitterness, pero bakit parang ganun ang kinalabasan?

            “That’s right,” sumang-ayon na lang si Marky with a smile. “And I’m glad you changed—for the better.”

            Ngumiti lang siya at medyo tumango.

            “Ah, so, ingat sa pagdrive ah, Nix?” Marky reminded her, which sounded a little sweet to her ears.

            “I will. Ingat din kayo ah?” She patted Alannah’s head. “Bye Alannah. See you on Monday.”

            Alannah smiled. And for the first time, napansin niya na kapareho pala nito ngumiti si Yvette. “Bye po Teacher Nix!”

            Tumingin siya kay Marky for the last time, and mouthed, “Bye.”

—TBC

Continue Reading

You'll Also Like

1.1K 103 45
(Eleazar Cousin's Series #3) Paggusto mo ang isang tao, su-supportahan mo, ipapakita mo kung anong nararamdaman mo, ipagmamalaki mo at higit sa lahat...
17.8K 661 64
Louise Sevilla is a free soul with a hard shell. Kaya imbes na makapagtapos ng pag-aaral ay mas pinili niyang magtrabaho na at mag-ipon para matupad...
741K 22.7K 61
Mikee Lacsamana.Isang taong lumaki sa ampunan.Hindi nakapagtapos ng pag aaral.Subalit malaking pagbabago ang nangyari sa pagsugal niyang ibigin ang i...
2M 40.6K 33
(Finished) You're 19. He's 28. What's really the deal of having a relationship with an older guy? Unless it didn't start with a simple relationship...