Legend of Divine God [Vol 5:...

By GinoongOso

935K 92K 12K

Tapos na ang kaguluhan sa Ancestral Continent. Pero, hindi ibig sabihin nito ay tapos na ang pakikipagsapalar... More

Legend of Divine God [Vol 5: Dark Continent]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
Chapter LXI
Chapter LXII
Chapter LXIII
Chapter LXIV
Chapter LXV
Chapter LXVI
Chapter LXVII
Chapter LXVIII
Chapter LXIX
Chapter LXX
Chapter LXXI
Chapter LXXII
Chapter LXXIII
Chapter LXXIV
Chapter LXXV
Chapter LXXVI
Chapter LXXVII
Chapter LXXVIII
Chapter LXXIX
Chapter LXXX
Chapter LXXXI
Chapter LXXXII
Chapter LXXXIII
Chapter LXXXIV
Chapter LXXXV
Chapter LXXXVI
Chapter LXXXVII
Chapter LXXXVIII
Chapter LXXXIX
Chapter XC
Chapter XCI
Chapter XCII
Chapter XCIII
Chapter XCIV
Chapter XCV
Chapter XCVI
Chapter XCVII
Chapter XCIX
Chapter C
NOTE

Chapter XCVIII

6.8K 858 59
By GinoongOso

Chapter XCVIII: Reward

Makalipas ang ilang minutong paghilata ni Finn Doria sa sahig, agad ding huminto ang kanyang malalim na paghinga. Huminto rin sa pagtibok ang kanyang puso at malinaw naman na binawian na siya ng buhay.  Sa huli, kahit nanalo siya sa kanyang kalaban, namatay pa rin siya dahil sa pinsalang natamo niya. Namatay siyang may bahagyang ngiti sa kanyang labi, marahil nasiyahan siya kahit papaano sa kanyang bahagyang pagkapanalo.

Makaraan ang ilang saglit matapos tuluyang malagutan ng hininga si Finn Doria, mayroong namuong liwanag na may hulmang pigura sa paanan ng binata. Nawala ang liwanag at lumitaw si Dayang na kasalukuyang nakangiti. Lumitaw rin sa tabi niya si Rosei at bahagya itong yumuko sa magandang babae.

“Master,” bati ni Rosei kay Dayang.

Matamis na nginitian ni Dayang si Rosei at bahagyang tumango. “Rosei. Masaya ako na nasisiyahan ka sa iyong ginagawa.”

Natigilan si Rosei at napaisip siya. “Ano’ng ibig mong sabihin, master?”

Bahagyang tumawa si Dayang at umiling. Bumaling siya kay Finn Doria at pinagmasdan niya ang kalunos-lunos na sinapit ng binata.

“Nakikita kong hinahangaan mo ang binatang ito. Mas nagsisikap ka pa na tulungan siya dahil sa iyong munting hamon sa kanya,” malumanay na sambit ni Dayang.

Napabungisngis si Rosei at lumipad-lipad siya patungo sa balikat ni Dayang. Umupo siya rito at nakangiting nagsalita, “Mayroon siyang kakatuwang katangian. Gusto ko ang pag-uugali at paraan niya ng pag-iisip. Isa pa, mabuti siyang adventurer gaya n’yo, master.”

Bahagyang umiling si Dayang at tumugon, “Sa mundong ito, walang mabuting adventurer, at alam mo iyon, Rosei. Bawat isa ay may kanya-kanyang kasamaang itinatago. Hindi ako mabuting adventurer dahil pumapaslang ako, ganoon din ang binatang ito.”

“At dapat mong malaman na hindi magtatagal, sa oras na maghari ang galit at poot sa kanyang puso, ang tanging gugustuhin niya na lamang ay pumatay ng mga nilalang na kumakalaban sa kanya,” dagdag pa ni Dayang.

Naintindihan ni Rosei ang ibig sabihin ni Dayang kaya hindi na siya nagtanong pa. Pero, hindi niya alam na may dahilan at ibang kahulugan pa pala ang mga sinabi ni Dayang.

“Pero, master, para sa akin ito ang ibig sabihin ng mabuting adventurer.” Lumipad si Rosei at tumapat siya sa mukha ni Dayang. “Kahit na pumapatay ang isang nilalang, basta nagsusumikap at sumusugal siya dahil mayroon siyang gustong protektahan, mabuti na siyang adventurer para sa akin.”

“Sa lakas niya, maaari siyang maging sakim o masama. Maaari niyang gawin iyon para sa mga kayamanan at katanyagan. Madali niyang maaalipin ang mga nilalang na naririto dahil ang lahi at kapangyarihan niya ay makapangyarihan. Ganoon ka rin, master.” Sandaling huminto si Rosei sa pagsasalita. Nawala sandali ang ngiti niya pero agad din itong nanumbalik. “Madali lang para sa ‘yo na magsimula ng malawakang giyera kung nananaisin mo, master.”

Nakangiting tumitig si Dayang kay Rosei. Marahan niyang ibinuka ang kanyang bibig at malumanay na tumugon, “Masaya ako na ganyan pa rin ang tingin mo sa akin, Rosei. Ganoon pa man, huwag na nating pag-usapan ang tungkol sa bagay na ito.”

“Nakikiusap ako sa ‘yo na buhayin mo ulit ang binatang ito dahil mayroon akong mga sasabihin sa kanya.” Sambit ni Dayang.

Sandaling natahimik si Rosei, ganoon pa man, matamis siyang ngumiti at tumango. “Masusunod, master!”

Pinaikutan ni Rosei ang ibabaw ng katawan ni Finn Doria. Nagsaboy siya ng mga mahiwagang alikabok at dahan-dahang nanunumbalik sa dating ayos ang katawan ni Finn Doria. Gumagaling na muli ang mga sugat ng binata at nagkakaroon na ng senyales ng buhay sa kanya.

Nakangiting iminulat ni Finn Doria ang kanyang mga mata at nagulat siya nang makita niya si Dayang pagkamulat na pagkamulat niya ng kanyang mga mata.

Kanina lang ay nagtataka siya kung bakit nagtagal siya sa kadiliman at kung bakit hindi pa siya binubuhay ni Rosei. Pero, ngayong nakita niya si Dayang, nagkaroon na siya ng ideya kung bakit.

‘Marahil nag-usap sila sandali habang wala akong buhay.’ Sa isip ng binata.

Agad na ngumiti si Finn Doria at bumangon sa kanyang hinihigaan. Pinagpagan niya ang alikabok at dumi sa kanyang kasuotan at tumingin kay Dayang.

“Binibining Dayang.” may paggalang na pagbati ni Finn Doria.

Sobra ang pasasalamat ni Finn Doria kay Dayang dahil sa tulong nito sa kanya. Sobrang nananabik siya dahil nakakapagsanay siya ng ganito katindi.

“Nakikita ko na masaya’t nananabik ka sa iyong unang pagkapanalo, Finn. Masaya ako para sa ‘yo,” nakangiting hayag ni Dayang. Tutugon pa sana si Finn Doria pero dinagdagan pa ni Dayang ang kanyang sinasabi. “Ganoon pa man, sobrang nadismaya ako sa iyong pagkapanalo.”

“Sinakripisyo mo ang sarili mong buhay para lamang matalo ang iyong kalaban; hindi iyon magandang hakbang sa realidad ng buhay,” dagdag pa ni Dayang.

Naglaho ang ngiti ni Finn Doria at napalitan ito ng seryosong ekspresyon. Sumulyap siya kay Rosei at nakita niya naman na umiiling ito sa kanya. Napabuntong-hininga na lamang siya at nagsalita, “Alam ko.”

“Kung alam mo, bakit itinuloy mo pa rin ang iyong ginawa? Kung nasa totoong mundo ka, patay ka na ngayon,” malumanay na sambit ni Dayang. Bumuntong-hininga siya at marahang umiling. “Dapat mong malaman na kahit panaginip lamang ang lahat ng ito, dapat mo pa ring isipin na ang lahat ng nangyayari rito ay totoo. Dapat mong isipin na kailangan mong manalo nang buhay, hindi manalo nang patay. Paano mo pa mapagtatagumpayan ang iyong mga hangarin kung patay ka na, Finn?”

“Ang nais ko lang ipabatid sa iyo ay hindi masama ang matalo ka nang matalo, basta buhay ka. Dahil kung natalo ka pero buhay ka, nagkaroon ka ng karanasan na maaari mong magamit sa susunod para manalo ka.”

Nanatiling walang kibo si Finn Doria sa kanyang kinatatayuan. Makikita ang hiya sa kanyang mukha habang pinakikinggan ang mga pangaral ni Dayang.

Huminga ng malalim si Finn Doria at tumungo. “Paumanhin, Binibining Dayang. Naging mainipin ako at nagpadala ako sa bugso ng aking damdamin… nairita lang ako sa ngisi niya kaya ko nagawang magsakripisyo para lamang matalo siya… Nangangako akong hindi ko na uulitin ang bagay na iyon.”

Napailing si Dayang at ngumiti. “Ang iyong rason ay pang isip-bata.”

Huminto si Dayang sa pagsasalita. Sinulyapan niya si Rosei na tahimik bago muling bumaling kay Finn Doria. “Pero nangyari na ang nangyari. Nanalo ka kahit hindi katanggap-tanggap ang iyong pagkapanalo. At dahil nanalo ka, mayroon akong sasabihin sa iyo.”

Biglang naging masigla ang ekspresyon ni Finn Doria. Makikita ang pananabik at umaasang ekspresyon sa kanyang mga mata habang nakatingin kay Dayang.

“Bibigyan mo ba ako ng pabuya, Binibining Dayang?” umaasang tanong ni Finn Doria.

Marahang tumawa si Dayang at matamis na ngumiti. “Mukhang pinahahalagahan mo talaga ang tungkol sa mga pabuya’t kayamanan kahit na hindi ka naman talaga nagkukulang sa mga ito.”

Biglang napakunot ang noo ni Rosei. Tumingin siya kay Dayang at mababakas ang pagtatanong sa kanyang ekspresyon sa mukha. Mayroon siyang gustong itanong sa kanyang master pero ipinagpaliban niya muna ito.

Samantala, natigilan si Finn Doria at napaisip siya nang marinig niya ang mga sinabi ni Dayang. Mayroong pumasok sa kanyang isipan at naalala niyang kung nagagawa ng lugar na ito na kopyahin siya, ibig bang sabihin ay maging ang alaala at kaalaman niya ay alam din nina Dayang at Rosei?

“Hindi mo kailangang mag-alala. Hindi sakop ng kakayahan ng mundong ito na gawin ang iniisip mo.” Marahang sambit ni Dayang.

Nang marinig ito ni Finn Doria, nakahinga siya ng maluwag. Muli siyang ngumiti dahil napagtanto niyang ang kanyang pag-aalala ay nabalewala lamang.

“Kung gano’n, bibigyan n’yo nga ako ng pabuya? Ano iyon? Kailangan ko bang mamili?” sunod-sunod na tanong ni Finn Doria kay Dayang. Halatang-halata na nananabik siya.

Umiling si Dayang at tumugon, “Hindi kita papapiliin. Mayroon na akong naisip na bagay na ibibigay sa ‘yo bilang pabuya at sigurado akong magugustugan mo iyon dahil makatutulong iyon sa iyo ng sobra.”

Magsasalita pa sana si Finn Doria pero nagpatuloy si Dayang sa pagsasalita, “Pero, bago ko ibigay sa iyo ang iyong pabuya, mayroon lang akong katanungan sa iyo, Finn Doria.”

Napakunot-noo ang binata. Tumingin siya kay Dayang na nakangiti pa rin at marahang nagsalita, “Katanungan? Ano iyon? Kung kaya kong sagutin ay sasagutin ko, Binibining Dayang.”

“Kanino at paano mo natutunan ang iyong mga Foundation Art at skills?” direktang tanong ni Dayang na ikinahinto ni Finn Doria.

Natigilan siya dahil tinatanong siya ngayon ni Dayang tungkol sa kanyang mga Foundation Art. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin kaya natahimik na lang siya habang nakatingin kay Dayang at Rosei.

“Ang iyong Foundation Art ay talaga namang kakaiba. Kung hindi mo pa nakikilala ang iyong mga magulang, paano ka nagkaroon ng ganyang mga skill at Foundation Arts? Paano mo iyan natutunan?” magkasunod na tanong ni Dayang. “Dapat mong malaman na kahit sa Divine Realm, ang iyong Foundation Arts at skills ay hindi pangkaraniwan. Hindi ko pa nakikita ang kabuuang lakas ng mga ito pero masasabi kong may potensyal ang iyong mga ginagamit na skills at Foundation Arts na mapabilang sa pinakamalalakas.”

“At isa pa, ang iyong kaalaman sa maraming propesyon. Sobrang kakaiba na ang tungkol sa bagay na ito.”

Hindi makasagot si Finn Doria sa mga tanong ni Dayang. Hanggang ngayon ay wala pa ring nakakaalam ng tungkol sa system at alaala ni Kurt kaya naman natural lang na hindi rin alam ni Dayang kung saan talaga nagmula ang kanyang mga kayamanan; kahit si Munting Black ay nagtataka kung saan galing ang kanyang mga kayamanan at minsan na rin siyang tinanong nito tungkol sa mga kayamanang iyon.

Hindi kalaunan, umiling si Finn Doria at pilit na ngumiti. “Binibining Dayang… ang tungkol sa bagay na ito ay… sikretong hindi ko maaaring sabihin. Paumanhin.”

Napangiti na lang si Dayang at tumugon, “Naiintindihan ko. Hindi ka rin naman obligadong sabihin sa akin ang tungkol sa mga bagay na tinanong ko. Nahihiwagaan lang ako kung bakit at paano mo nagagawa ang mga bagay na nagagawa mo.”

“Hindi ko na dapat sinasayang ang bawat sandali mo sa mundong ito. Ibibigay ko na ngayon sa iyo ang iyong pabuya para sa iyong unang pagkapanalo, Finn.”

Muling nanumbalik ang pananabik ni Finn Doria nang marinig niya ang pahayag ni Dayang. Napakuyom ang kanyang kamao at napalunok siya habang nakatingin sa mga mata ni Dayang.

Ngumiti naman ang magandang babae sa binata at hindi nagtagal, inilahad niya ang kanyang kamay at ikinumpas pakanan. Pagkatapos gawin ni Dayang ang kilos na ito, bigla na lamay may lumitaw sa kanyang kanan at nang makita ni Rosei at Finn Doria ang bagay na ito, pareho silang sobrang nagulat.

Nabura ang ngiti ni Rosei at para bang huminto ang kanyang paghinga. Nanlaki ang kanyang mga mata at hindi siya makapaniwala habang nakatingin sa bagay na malapit sa kanya.

Agad na bumaling si Rosei kay Dayang at nangangambang napabulalas, “Master… ang bagay na iyan..!”

Napaatras naman si Finn Doria at napatingala habang gulat na gulat na nakatingin sa bagay na tinutukoy ni Rosei. Sa totoo lang, hindi basta bagay lang ang inilabas ni Dayang, isa itong nilalang na pamilyar na pamilyar si Finn Doria.

Tama, ang inilabas na pabuya ni Dayang ay isang bangkay… at ang mas kagulat-gulat pa, isa itong bangkay ng demonyo!

Isang totoong demonyo!

Ang demonyong ito ay maihahalintulad lang din sa pigura ng isang tao. Mapula ang balat nito at mayroon itong malaking bibig na animo’y nakatawa. Nakamulat pa ang demonyong ito at makikita ang anim na itim nitong mga mata.

Matipuno ang katawan ng demonyo. Wala itong suot na pang-itaas kaya naman kitang-kita ang pagkapino ng mga mala-batong kalamnan nito. Patilos din ang dalawa nitong tenga at mayroon itong maikling itim na buhok. Matutulis ang kuko nito sa daliri at ang mga paa nito walang mga daliri.

Nararamdaman ni Finn Doria ang kakaibang death energy sa katawan ng bangkay. Napakahina nito pero ramdam na ramdam niyang may kakaiba sa kalidad ng death energy ng bangkay. Napanganga si Finn Doria at hindi siya makapaniwala.

“I..isang bangkay ang pabuya mo sa akin..?!” gulat na gulat ngunit sobrang sabik na sambit ng binata. Halos magningning ang kanyang mga mata habang sinusuri ang napakagandang bangkay sa kanyang harapan.

Si Rosei naman ay tahimik pa rin habang nakatingin kay Dayang. Gusto niyang magsalita pero alam niyang sa kilos ng kanyang master, mayroon itong binabalak.

“Tama. Isang bangkay ng totoong demonyo ang pabuya ko sa iyo. Ano’ng masasabi mo? Nagustuhan mo ba ang aking pabuya?” malumanay na tanong ni Dayang. Tumingin si Dayang sa isang direksyon ang ngumiti bago bumaling kay Finn Doria. “Maganda ang kalidad ng bangkay na ito. Kahit pa mawasak ang katawan ng bangkay na iyan, babalik at babalik ulit iyan sa dati.”

“Sobrang nagustuhan ko! Sobrang nagustuhan ko! Sa wakas, magkakaroon na ulit ako ng manika!” nananabik na hayag ni Finn Doria habang tinitingala ang pigura ng demonyo. Sandali pang nagtagal ang kanyang pananabik pero pagkatapos nito, biglang nag-alinlangan ang ekspresyon sa mukha ng binata, “Pero… napakanipis ng death energy nito… halos hindi ko na maramdaman at parang maikukumpara lang sa isang 1st Level Bronze Rank ang isang ito..”

Nalungkot si Finn Doria habang pinakikiramdaman ang death energy na tinataglay ng bangkay. Halos masaid na ang death energy nito kaya naman napakahina na nito at hindi rin magagamit sa laban. Siguradong kakailanganin niyang pumaslang ng marami para lamang mapalakas ang bangkay na ito.

Ngumiti si Dayang at tumugon, “Hindi mo kailangang alalahanin ang tungkol sa bagay na iyan.”

Inilahad ni Dayang ang kanyang kamay at ipinakita sa binata ang kanyang palad. May lumitaw na itim na maliit na bilog na bagay sa palad ni Dayang at pinagmasdan itong mabuti ni Finn Doria.

“Death Energy Crystal!” bulalas ni Finn Doria muling nagningning ang kanyang mga mata habang pinakikiramdaman niya ang hawak ni Dayang na pabilog na itim na kristal.

Ikinabigla ng bahagya ni Dayang ang pagbanggit ni Finn Doria sa kanyang kayamanan.

‘Talaga bang walang nakapagbanggit sa binatang ito tungkol sa mga kayamanang hindi matatagpuan sa Lower Realm..? Interesante talaga.’ Sa isip ni Dayang.

“Mabuti naman dahil alam mo na ang tungkol sa bagay na ito. Kung gano’n, hindi ko na kailangan pang ipaliwanag sa ‘yo,” nakangiting sabi ni Dayang.

“Bahagi ba ng iyong pabuya ang kayamanang iyan?” umaasang tanong ni Finn Doria.

Bahagyang tumawa si Dayang at umiling, “Ang sobra ay nakasasama. Hindi ka dapat maging ganid at abusado, Finn.”

Itinago na ni Dayang ang Death Energy Crystal at muling nagpatuloy, “Kung nais mong makuha ang Death Crystal, kailangan mong paghirapan iyon. Kailangan mong manalo sa iyong sarili pero hindi na maaari ang pagbubuwis ng buhay para lamang manalo. Kailangan mong manalo nang hindi namamatay at kapag nanalo ka, bibigyan kita ng Death Crystal Energy na may katumbas ng isang antas.”

“Ang hangganan ay 9th Level Heaven Rank kaya ibig sabihin, kakailanganin mong manalo ng maraming beses, Finn.”

Napaisip sandali si Finn Doria. Tumango siya kay Dayang at seryosong nagsalita, “Naiintindihan ko, Binibining Dayang. Ang kailangan ko lang naman ay manalo ng maraming beses. May labing isang buwan pa ako at kayang-kaya kong gawin iyon.”

Tumango si Dayang kay Finn Doria at ngumiti, “Gusto ko ang kumpyansa mo sa iyong sarili. Sana lang ay mapanindigan mo iyan hanggang huli.”

“Maaari ka na muling magpatuloy sa iyong pagsasanay. Babali—”

“Sandali, Binibining Dayang.” Pigil ni Finn Doria kay Dayang. “Nais ko lang itanong… marami ka pa bang bangkay na gaya nito..? Kung sakaling mapapaabot ko sa 9th Level Heaven Rank ang bangkay na ito… kakailanganin ko pa ng dalawa dahil sa totoo lang, kaya kong kumontrol ng tatlong bangkay nang magkakasabay.”

Napataas ang kilay ni Dayang at nasurpresa siya sa sinabi ng binata. Ganoon pa man, ngumiti siya at tumango rito, “Mayroon pa akong itinagong ilan dito. Gusto ko sanang gawing tropeyo ang mga ito pero dahil mas kailangan mo ang mga ito.. ipipili kita ng pinaka magagandang klase ng bangkay. Hindi mo na kailangang paabutin pa sa 9th Level Heaven Rank ang isang ‘yan. Kailangan mo lang manalo ng dalawang beses at ibibigay ko sa ‘yo ang dalawang bangkay na hinihingi mo.”

“Tama. Ang pangalan ng demonyong iyan noong siya ay nabubuhay ay Reden. Maaari mong palitan kung nais mo.” Paliwanag ni Dayang.

Umiling si Finn Doria kay Dayang at tumitig muli sa bangkay. Makikita ang pananabik sa kanyang mukha at mapapansing ang napakalapad niyang ngiti. “Kung mayroon na siyang pangalan, mas mabuti iyon. Ako at si Reden ay sisiguruhing mababago ang kontinenteng ito.”

Hindi pa rin nalilimutan ni Finn Doria ang paghagis niya sa bangkay ng wingman para lang matakasan si Hugo. Dismayadong-dismayado pa rin siya dahil sa nangyari pero ngayong mayroon na siyang bago at mas malakas na bangkay, siguradong makagagawa na siya ng malakas na manika.

At kung totoo man ang sinasabi ni Dayang, malaki ang posibilidad na hindi magaya si Reden kay White na nawasak dahil kay Alisaia. Mayroon na siyang bagong manika, at sisiguruhin niyang magkakaroon pa siya ng dalawa pa.

“Ikaw ang bahala sa iyong nais. Maaari mo nang gamitin ang kung ano mang technique na iyong ginagamit upang makontrol ang bangkay na iyan,” nakangiting sambit ni Dayang. “Tungkol naman sa akin, kakausapin ko lang sandali si Rosei dahil mukhang may nais siyang sabihin sa akin.”

Tumango-tango si Finn Doria at hindi na nagtagal pa. Inilagay niya sa kanyang interspatial ring si Reden at agad na naglakad palayo.

“Maiwan ko muna kayo.” Sabi ni Finn Doria habang naglalakad siya palayo.

Nang makaalis na si Finn Doria, lumipad si Rosei papunta sa harap ni Dayang at hindi makapaniwalang inilahad ang kanyang mga braso.

“Master. Bakit ninyo ibinigay kay Finn Doria ang bangkay na iyon? At bakit ninyo itinago ang totoong katauhan ng bangkay na iyon..?” nangangambang tanong ni Rosei.

“Mayroon akong pinaplano. Ipapaliwanag ko na lang sa ‘yo kapag nakabalik na tayo sa Divine Realm, Rosei.” Nakangiting sambit ni Dayang.

“Pero… kung ilalabas niya ang bangkay na iyon sa Divine Realm… mamamatay siya! At sigurado ako roon!” nag-aalalang sabi ni Rosei.

Bahagyang tumawa si Dayang at umiling, “Huwag mo siyang maliitin, Rosei. Maliit na pagsubok lamang ito sa kanya at isa pa, hindi ako naniniwalang kikilos ang isang iyon ‘pag nakita niyang nasa kamay ni Finn Doria ang katawan ni Reden.”

Natahimik saglit si Rosei. Seryoso siyang tumingin kay Dayang at marahang nagsalita, “’Yung dalawa pang nais niyang makuha na bangkay… ang ibibigay mo ba master ay kapantay lang din ni Reden..?”

Ngumiti si Dayang at hindi direktang tumugon, “Aasa ulit ako sa ‘yo, Rosei. Huwag mong masyadong ilapit ang iyong sarili kay Finn Silva dahil may posibiliad na darating ang araw ay makakalaban natin siya.”

“Lalabas na ako, Rosei. Sigurado akong kailangan na ako ng Black Dragon Emperor.” Sabi ni Dayang habang kumakaway kay Rosei. Unti-unting naglalaho ang pigura ni Dayang.

Napabuntong-hininga na lang si Rosei at agad na lumipad patungo sa pinuntahan ni Finn Doria. Naabutan niya ang binata na sabik na sabik na sinusuri pa rin ang bangkay. Nakita siya ng binata at kumaway-kaway pa sa kanya ito.

Pilit na ngumiti si Rosei kay Finn Doria at pabalik na kumaway. Nilapitan niya ito at kinausap tungkol sa mga balak nitong gawin sa mga susunod na araw.

Samantala, sa labas ng Spring of Dreams, nakaharap si Dayang kina Munting Black at Malina. Taimtim ang tingin ni Munting Black kay Dayang habang si Malina naman ay hindi makikitaan ng ekspresyon.

“Magsalita ka, Enchanted Empress,” panimula ni Munting Black. “Ano ang demonyong iyon?”

--

Continue Reading

You'll Also Like

4.1K 466 6
NOTE: 'On Hold' does not mean I would stop updating this. I mean i will, for the mean time, but not forever. Just give me more time guys, I'll be bac...
555K 32.3K 42
Nang makapasok si Finn Doria sa Sacred Dragon Institute, ang tanging gusto niya lang ay malaman ang katotohanan sa pagkamatay ng kanyang tiyuhin. Mat...
564K 114K 102
Synopsis: Sa bagong yugto ng buhay ni Finn, isang panibagong pakikipagsapalaran at paglalakbay ang kanyang mararanasan kasama sina Poll, Eon, at Paul...
2.2K 311 29
[ S Y P N O S I S ] Staleria- is a State where society takes the political, economy, socioeconomic, and racial inequality, this movement is called St...