Legend of Divine God [Vol 5:...

By GinoongOso

935K 92K 12K

Tapos na ang kaguluhan sa Ancestral Continent. Pero, hindi ibig sabihin nito ay tapos na ang pakikipagsapalar... More

Legend of Divine God [Vol 5: Dark Continent]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
Chapter LXI
Chapter LXII
Chapter LXIII
Chapter LXIV
Chapter LXV
Chapter LXVI
Chapter LXVII
Chapter LXVIII
Chapter LXIX
Chapter LXX
Chapter LXXI
Chapter LXXII
Chapter LXXIII
Chapter LXXIV
Chapter LXXV
Chapter LXXVI
Chapter LXXVII
Chapter LXXVIII
Chapter LXXIX
Chapter LXXX
Chapter LXXXI
Chapter LXXXII
Chapter LXXXIII
Chapter LXXXIV
Chapter LXXXV
Chapter LXXXVI
Chapter LXXXVII
Chapter LXXXVIII
Chapter LXXXIX
Chapter XC
Chapter XCI
Chapter XCII
Chapter XCIII
Chapter XCV
Chapter XCVI
Chapter XCVII
Chapter XCVIII
Chapter XCIX
Chapter C
NOTE

Chapter XCIV

7.8K 795 67
By GinoongOso

Chapter XCIV: Seeing them again, Wingman

“Divine Beast King…? Mayroon kang awra ng lahi ng mga dragon pero masyado kang mahina. Isa pa, ang bayaning Divine Beast King kasama ang kanyang magiting na katuwang ay matagal nang namatay,” seryosong sabi ni Dayang sa isip ni Munting Black. Bakas din sa kanyang tono ng pananalita na hindi siya lubusang naniniwala sa sinasabi ni Munting Black. “Tungkol naman sa iyo, kasama ka ng binatang iyon at hindi ko alam ang iyong orihinal na sadya sa akin.”

Kung malalaman lang ni Finn Doria ang usapan nina Munting Black at Dayang, siguradong magugulat siya sa totoong pagkatao ni Munting Black. May hinala na siyang isang Divine Beast si Munting Black, ganoon pa man, hindi niya naisip na isang dragon ito dahil sa kakaiba nitong hitsura.

Tama. Isang dragon si Munting Black, at hindi lang siya basta ordinaryong dragon dahil siya ang hari ng mga Divine Beast—hindi lang hari ng mga lahi ng dragon.

At noong henerasyon niya, isa siya sa pinakamalakas na emperor sa labing dalawang emperor sa Divine Realm.

“Alam kong hindi madaling paniwalaan ang aking mga sinasabi, ganoon pa man, hayaan mong ipaliwanag ko sa iyo ang lahat,” taimtim na tugon ni Munting Black. Iminulat niya na ang kanyang mga mata at marahang nagsalita muli sa kanyang isip, “Papasukin mo ako, at kung may utang na loob ang henerasyong ito sa henerasyon pinagmulan ko, hahayaan mo akong ipaliwanag ang lahat ng nais kong iparating sa iyo.”

Sandaling natahimik si Dayang; malinaw na nag-aalinlangan at nag-iisip pa siya tungkol sa mga sinasabi ni Munting Black.

Sa totoo lang, hindi takot si Dayang kay Munting Black dahil ramdam niya naman na mahina ito kumpara sa kanya, ganoon pa man, nag-iingat lang siya sa maraming posibilidad dahil unang-una, isang Divine Beast si Munting Black—at hindi maganda ang relasyon ni Dayang sa mga Divine Beasts o kahit alinman sa puwersang namumuno sa Divine Realm.

Pagkatapos ng ilang minutong pag-iisip, narinig ni Munting Black ang pagbuntong-hininga ni Dayang kasabay ng dahan-dahang pagbubukas ng pinto.

Muling naglabas ng liwanag ang pintuan, pero, hindi nasilaw si Munting Black. Taimtim lang siyang tumingin sa liwanag at hindi nagtagal, pumasok na rin siya rito.

Agad na sumarado ang pinto, at muling nabalutan ng makapal na puting usok ang buong paligid.

Huminto sa paglutang si Munting Black sa harap nina Dayang at Malina. Tama, nasa kubo rin si Malina katabi si Dayang. Pinagmasdan naman ni Munting Black ang kabuuan nina Dayang at Malina. Tahimik lang siya, at hindi siya agad nagsalita habang ang kanyang mga mata ay nakatupn lamang sa naggagandahang mga mata ni Dayang.

Dahan-dahang inihilig ni Malina ang ulo niya upang sulyapan si Dayang. Malumanay ang kanyang ekspresyon at walang makikitang kahit anong emosyon sa kanyang puting mga mata.

“Kailangan mo pa ba ang aking presensya, kaibigan?” malumanay na tanong ni Malina kay Dayang.

Hindi agad sumagot si Dayang. Ilang segundo siyang nag-isip pero hindi nagtagal, bahagya siyang umiling at marahang tumugon habang nakatitig kay Malina. “Kaya ko na ito, kaibigan. Hayaan mong ako na ang makipag-usap sa ating panauhin.”

Bahagyang tumango si Malina bilang tugon kay Dayang. Sinulyapan niya muna si Munting Black at hindi nagtagal, ang katawan ni Malina ay unti-unting naging puting usok hanggang sa tuluyan siyang maglaho.

Naiwan ang dalawa ni Dayang at Munting Black sa simple ngunit napaka-maaliwalas na loob ng kubo.

Nakatitig si Munting Black sa lugar kung saan naroroon kanina si Malina. Mapapansin sa kanyang mga mata na malalim siyang nag-iisip dahil wala kay Dayang ang kanyang atensyon.

“Guardian Spirit… ang nilalang na iyon ay ang iyong Guardian Spirit, tama ba? Kakaiba siya,” taimtim na sambit ni Munting Black habang dahan-dahang bumabaling kay Dayang. “Hindi lahat ng adventurer ay may kakayahang magkaroon ng Guardian Spirit pero ikaw—”

“Si Malina ay aking matalik na kaibigan. Hindi lang siya basta Guardian Spirit para sa akin,” malumanay na putol ni Dayang kay Munting Black. Ilalahad niya sana ang kanyang kamay sa malapit na upuan pero napagtanto niyang lumulutang si Munting Black kaya bahagyang napangiti na lang siya at marahang nagwika, “Ano ang rason kung bakit ka nandito, ‘Divine Beast King’? Marahil hindi naman si Malina ang dahilan, tama ba?”

Napansin ni Munting Black na hindi pa lubusang naniniwala si Dayang sa kanya. Hindi niya naman ito masisisi dahil unang-una, ibang-iba ang anyo niya ngayon kumpara sa dati. Ito ang pinahina niyang anyo—at sa totoo lang, malayong-malayo ang anyo niya sa isang munting dragon.

“Hindi kita pipiliting maniwala sa akin na ako ang dating Divine Beast King na si Grogen,” seryosong hayag ni Munting Black. At taimtim niyang mga mata ay naging malumanay at muli siyang nagpatuloy, “Hindi ko maipapakita sa iyo ang anyo kong tao dahil hindi pa ako lubusang gumagaling. Pero, upang mapatunayan sa ‘yo na ako ang dating Divine Beast King, hahayaan kitang basahin ang ilan sa aking alaala.”

Nabigla si Dayang sa sinabi ni Munting Black. Nanlaki ang kanyang mga mata at nag-aalinlangan siyang tumingin dito.

“Hahayaan mo akong basahin ang ilan sa iyong mga alaala..? Sigurado ka ba sa iyong gustong mangyari, Divine Beast King..?” hindi mapigilang tanong ni Dayang. Makalipas ang ilang minutong katahimikan sa pagitan nilang dalawa, muling nagtanong si Dayang, “Bakit..? Ano ang dahilan mo..?”

Sensitibo ang paksang ito kung saan ipapabasa ni Munting Black ang kanyang alaala kay Dayang. Imposibleng hindi malaman ni Dayang ang ilan sa sikreto ni Munting Black, at ito ang labis na ipinagtataka ni Dayang.

Naguguluhan siya kung bakit handang ipabasa ni Munting Black ang kanyang alaala sa isang emperatris; para na ring ipinaubaya ni Munting Black ang buhay nito sa kanya.

Sa sandaling katahimikan, muling nagsalita si Munting Black at tumugon sa mga tanong ni Dayang.

“Gusto kong malaman ang kasalukuyang sitwasyon sa Divine Realm. Kung mapapatunayan ko sa ‘yong ako ang Divine Beast King na si Grogen, mas makukuha ko ang iyong tiwala,” malumanay na tugon Munting Black. “Huwag mo akong ituring na katunggali o kaaway, Dayang. Marahil isa kang emperatris sa Divine Realm, at natural lang na kaaway ang tingin mo sa ibang lahi, pero, dapat mong malaman na hindi na lang ito sa pagitan ninyong mga kasalukuyang emperador at emperatris… Ito ay sa pagitan na ng sanlibutan at ng mga diyablo.”

“Bilang emperatris, marahil alam mo naman ang delubyong dala ng mga diyablo, hindi ba?” taimtim na tanong ni Munting Black kay Dayang.

Hindi na nakatugon si Dayang. Nanatili na lang siyang tahimik habang nakatingin kay Munting Black dahil malinaw sa kanya ang tinutukoy nito patungkol sa mga diyablo.

Mapanganib ang mga diyablo. Ang mga kasumpa-sumpang nilalang na ito ang kilabot ng buong sanlibutan. Minsan nang tinangka ng mga diyablo na patayin at wasakin ang buong kalawakan, pero, dahil sa mga magigiting na adventurer, hindi sila nagtagumpay.

Nang mapansin ni Munting Black ang katahimikan ni Dayang, napanatag siya dahil alam niyang nagtagumpay na siya sa kanyang balak. Tama ang kanyang hinala na may malasakit si Dayang sa sanlibutan.

Nagkaroon ng malumanay na ekspresyon sa mga mata ni Munting Black, tumitig siya sa mga naggagandahang mata ni Dayang at malumanay na nagsalita, “Basahin mo ang ilan sa aking alaala… at kapag nalaman mo ang lahat ng gusto kong sabihin, malalaman mo rin kung ano ang gusto kong mangyari.”

Ipinikit ni Munting Black ang kanyang mga mata, at ilang saglit pa, may lumitaw na liwanag sa pagitan ng kanyang mga mata. Mabilis na kumawala ang liwanag kay Munting Black at agad itong bumulusok patungo sa pagitan ng mga kilay ni Dayang.

Hindi iniwasan ni Dayang ang liwanag kahit kaya niya naman. Hindi niya rin pinrotektahan ang kanyang isip at hinayaan niya lang ang liwanag na pasukin ang kanyang isipan. Ipinikit niya lang ang kanyang mga mata at hinayaan niyang pumasok sa kanyang utak ang maraming alaala.

Pagkatapos tanggapin ni Dayang ang kapiranggot na alaala ni Munting Black, para bang napunta siya sa isang napakagulong lugar. Wala siyang naririnig na kahit ano pero nasa gitna siya ng malaking digmaan kung saan nagkakaroon ng mga pagsabog at sigawan.

Gulat na gulat ang ekspresyon ni Dayang habang pinagmamasdan ang digmaan. Napalingon siya sa kanyang paligid at doon niya nakita ang malabong pigura ng dalawang lalaki.

Isa sa lalaki ay nag-anyong malaking itim na dragon at ito ay sumugod sa mga diyablo. Nagsimula ang mas madugo at magulong digmaan pero agad din namang nagbago ang lugar na kinaroroonan ni Dayang.

Napunta siya sa iba’t ibang lugar at eksena. Nasaksihan niya ang bawat pangyayari at para bang ang lahat ng ito ay nangyari sa isang iglap lamang. Madugong digmaan, labanan at katapusan ang kanyang nasaksihan.

Marami siyang nakitang pamilyar na pigura at kasuotan, pero, lahat ng mga pigura ay may malabo mukha. Pamilyar lang si Dayang sa ilan sa mga ito dahil nakita niya na ang larawan ng mga pigura noon.

Kung hindi siya nagkakamali, ang mga pigurang nakikita niya ay ang dating mga emperador at emperatris.

Patuloy na nagbago ang paligid ni Dayang hanggang sa mapunta naman siya isang kagubatan kung saan nakahilata ang isang pamilyar na binata. Nakita niya muli ang paglitaw ng Myriad World Mirror at ang paglitaw ni Munting Black. Dumagsa sa kanyang isipan ang mga impormasyon at ang mga kasunod na nangyari.

Gulat na gulat si Dayang at hindi siya nakapag-usal ng salita kahit pa noong mabalik siya sa realidad. Nagkaroon ng pagbabago sa kanyang mga mata, ang natural niyang walang emosyong mga mata ay nagkaroon ng komplikasyon. Napatitig siya sa kawalan at hindi niya alam ang kanyang sasabihin.

Hinayaan naman siya ni Munting Black sa ganitong estado ng halos limang minuto. Pinagmasdan niya lang ito pero hindi niya agad ito inabala sa pag-iisip. Alam niyang gulat si Dayang sa kanyang mga nakita, lalong-lalo na sa mga huli niyang nasaksihan at nalaman.

Maging siya ay nagulat din noon, at hindi na nakapagtatakang maging si Dayang ay gulat sa kanyang mga nalaman. Siya man ay emperatris sa Divine Realm, hindi ibig sabihin nito ay hindi na siya magugulat sa kanyang mga nasasaksihan.

Makalipas ang ilan pang sandali, dahan-dahang bumaling si Dayang at tumitig muli sa mga mata ni Munting Black. Iba na ang tingin niya kay Munting Black ngayon. Makikitaan na ito ng pinaghalong paghanga at paggalang.

“Ngayon na nasaksihan mo na ang dapat mong masaksihan, ano ang iyong desisyon? Mapagbibigyan mo ba ang aking hinahangad?” seryosong tanong ni Munting Black.

Bahagyang tumungo si Dayang. Yumuko siya at nang makaayos siya muli ng upo, marahan siyang nagsalita, “Handa akong pagbigyan ang hinahangad ng bayani ng sanlibutan. Ako, si Dayang—ang Enchanted Empress ng Divine Realm ay handang tulungan ka na maisakatuparan ang iyong pinaplano, Black Dragon Emperor.”

--

Habang sina Dayang at Munting Black ay masinsinang nag-uusap, sina Finn Doria, Eon at Migassa naman ay kasalukuyan pa ring lumilipad at nililibot ang Myriad World Mirror.

Napagtanto ni Finn Doria na malapit na sila sa kanilang destinasyon dahil mayroon na siyang nararamdamang mga presensya. Dumaan sila sa bulubundukin at mga tipak ng kayamanan. At sa pagitan ng maraming bundok, sa isang patag at madamong espasyo ay nakita ni Finn Doria mula sa itaas ang pigura ni Poll na nakaupo habang nakapikit.

Huminto si Finn Doria sa paglipad, ganoon din sina Eon at Migassa. Napansin nilang hindi kalayuan kay Poll ay naglalaban sina Oyo at Eduardo. Nagtatagisan ang dalawa ng lakas gamit ang kanilang kamao at binti. Hindi sila gumagamit ng enerhiya at skills, bagkus, parang natural na paglalaban lang sa pagitan ng dalawang mandirigma ang ginagawa ng dalawa.

Nang bumaling naman si Finn Doria sa salungat na bahagi ng malawak na espasyo, nakita niya sina Mina at Leila na tinuturuan sina Alejandro at Sanya na bumasa at sumulat.

Seryosong nagsusulat si Alejandro habang si Sanya naman na karga-karga ang sanggol na si Ninia ay mabagal na nagbabasa habang nakakunot ang noo.

Pasensyadong tinuturuan at ginagabayan nina Mina at Leila ang mag-ina. Nakangiti sila habang pinapalakas nilang dalawa ang loob ng mag-inang beastmen.

‘Ito na marahil ang pinaka maganda kong nakita magmula nang dumating ako sa Dark Continent..’ sa isip ni Finn Doria.

Hindi napigilan ni Finn Doria na mapangiti sa kanyang nakikita. Hindi na siya nagsayang ng oras pa dahil agad siyang bumaba kung saan naroroon sina Mina, Leila at mag-iinang beastmen.

Nabigla sina Mina sa biglang paglapag ni Finn Doria sa kanilang tabihan. Agad na napatayo silang lahat at napatitig kay Finn Doria. Dahan-dahang gumuhit ang ngiti sa kanilang labi at hindi na nila napigilan ang kanilang sarili na mapasigaw.

“Finn!”

“Ginoong Finn!”

“Kuya Finn—”

“Uwaaa!”

Dahil sa lakas ng pagkakasigaw ng apat, nagising si Ninia at agad itong umiyak habang karga siya ni Sanya. Mabilis namang idinuyan ni Sanya si Ninia sa kanyang mga bisig at mapagmahal ito pinatahan.

“Paumanhin, Gi—”

Agad na umiling si Finn Doria at tinanguhan si Sanya bago pa nito maituloy ang paghingi nito ng dispensa. Ngumiti si Finn Doria sa kanila at bago pa siya tuluyang makapagsalita, si Poll, Eduardo at Oyo naman ay mabilis na lumipad at pumalibot sa kanya.

Agad na sinenyasan ni Finn Doria ang tatlo na huwag maingay. Itinuro niya ang sanggol na si Ninia kaya naman agad na naunawaan ng tatlo ang gustong ipahiwatig ng binata.

Masayang-masaya ang mga naroroon nang makita muli nila si Finn Doria. Ang mga bago sa Myriad World Mirror ay mas lalong humanga at lumaki ang respeto kay Finn Doria magmula nang malaman nila kung gaano kamangha-mangha ang mundong ito.

Lahat sila ay nagulat at hindi makapaniwala nang malaman nila na ang mundong ito ay punong-puno ng mga pambihirang kayamanan na hindi nila inaakalang makikita nila sa buhay nilang ito.

Sobra silang nagulat sa kayamanang pag-aari ni Finn Doria, pero, ang mas ikinagulat nila ay malaya nilang magagamit ang ilan sa mga ito. Mayroon pang mga libro na talaga namang nagbibigay ng kaalaman sa kanila. At dahil sa lahat ng ito, hindi sila nagsisisi na sumang-ayon sila sa alok ni Finn Doria.

“Guro,” bahagya at magalang na pagbati ni Poll kay Finn Doria.

Bumaba na rin sina Eon at Migassa mula sa itaas ngunit hindi sila umimik. Si Migassa ay nasa isang tabi lang habang si Eon naman ay tumabi kay Finn Doria habang taas-noong hinahamak ng tingin ang nasa paligid ng kanyang master.

Napangiwi na lang si Finn Doria at napailing. Napansin niyang wala roon si Erwan kaya napakunot ang kanyang noo at nagtaka siya.

“Binigyan ako ng isang araw ni Munting Black para bisitahin at kumustahin kayo. Masaya akong makita kayong abala—pero, asan sj Erwan?” tanong ni Finn Doria.

Pagkasabing-pagkasabi ni Finn Doria ng mga salitang ito, isang napakabilis na karwahe ang patungo sa kanilang direksyon. Huminto ang karwahe at halos madapa si Erwan dahil sa kanyang pagmamadali upang makababa sa kanyang kinauupuan.

“Boss..?” nangingilid-matang singit ni Erwan sa mga naroroon. Katawa-tawa ang kanyang hitsura. Halos hindi siya makilala dahil ang buong katawan ni Erwan ay nababalutan ng baluting armament. Nakasuot siya ng buong baluting Top-tier Epic Armament at tanging mukha nalang ang nakalabas sa kanya.

“Ikaw ba ‘yan, boss? Hindi ba ako namamalikmata, boss?” nananabik na mga tanong ni Erwan.

Karamihan sa mga naroroon ay tulala at binigyan si Erwan ng kakaibang tingin dahil sa kanyang hitsura. Mayroon pang naglalaglagang pills sa kanyang baluti at ang mga ito ay nagkalat sa lupa.

Suminghal si Eon at matalim niyang tiningnan si Erwan. Nanginig naman sa takot si Erwan at bahagya siyang napaatras dahil sa masamang tingin sa kanya ni Eon.

Natatawang pinagmasdan ni Finn Doria si Erwan. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang hitsura ni Erwan kaya agad niya itong tinanong, “Bakit nakasuot ka ng ganyan, Erwan? Para kang sasabak sa isang madugong digmaan dahil sa iyong kasuotan.”

Napakamot si Erwan sa kanyang ulo. Mabagal pa ang kanyang pagkilos dahil sa rami at bigat ng mga suot niyang armaments. Naiilang na tumawa si Erwan at marahang tumugon, “Ah… eh kasi boss sabi ni boss Eon kailangan daw naming sumabak sa kanyang malupit na pagsasanay… naghahanda lang ako boss kasi natatako—”

Huminto si Erwan sa pagsasalita. Napapikit siya at nanginginig na napayuko dahil sa takot. Napasimangot si Finn Doria, napabaling siya kay Eon na kasalukuyong sumisipol-sipol at hindi nakatingin sa kanya.

“Eon,” mariing tawag ni Finn Doria sa pangalan ni Eon.

“Bakit, master? May kailangan ka sa akin?” nakangiting tugon ni Eon kay Finn Doria.

Napaawang na lang ang bibig ni Finn Doria. Napailing siya at marahang nagsalita, “Huwag mo silang pilitin na magsanay. Hayaan mo sila sa gusto nila, maliwanag ba, Eon?”

Napasimangot si Eon at magsasalita pa sana siya pero nakita niya na naman ang naiinis na mukha ng kanyang master kaya pilit na lang siyang tumango at dismayadong tumugon, “Maliwanag, master.”

Matalim na tiningnan ni Eon si Erwan na kasalukuyang nagtatago sa tabi ni Finn Doria. Mas lalo pa siyang sumimangot dahil dito.

“Hindi ako magtatagal sa mundong ito dahil babalik din ako upang magsanay. Nagkaroon ako ng kaunting problema at kung inyong mapapansin, bumaba ang aking antas dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari.” paliwanag ni Finn Doria. Inilantad ng binata ang kanina niya pa hawak na interspatial ring at nagpatuloy, “Mayroon din akong ipapakilala sa inyo na bago ninyong makakasama. Sana ay alagaan niyo siya at huwag pabayaan.”

Nagkatinginan sina Oyo at Eduardo. Nabigla sila sa ipinaliwanag ni Finn Doria. Hindi nila alam ang tungkol sa nangyari kay Finn Doria kaya hindi nila maintindihan kung bakit bumaba ang antas ng kanilang tagapagligtas.

Habang ang ilan ay nahihiwagaan sa kung sino ang kanilang bagong makakasama, agad namang inilabas ni Finn Doria ang hawla mula sa loob ng interspatial ring.

Napatitig sina Erwan, Poll at ang iba pa sa ibon. Tanging ang dalawa lang ni Migassa at Eon ang walang pakialam sa paglitaw ng Night Bloodhawk.

“Boss… isang ibon ang bago naming makakasama? Tsaka boss… bakit parang sisiw pa lang ang ibon na iyan? Boss, nahuli mo ba iyan sa gubat, boss?” mausisang mga tanong ni Erwan.

“Mahabang kuwento, pero para paikliin, nakuha ko siya sa isang subastahan. Ipapaubaya ko na sa inyo ang pag-aalaga sa kanya dahil hindi ko siya maaalagaan sa aking gagawing pagsasanay,” paliwanag muli ni Finn Doria. Sandali siyang napaisip, napalingon siya sa paligid at marahang nagsalita, “Isa pa, mas mabuti kung dito na lang muna siya.”

Binuksan ni Finn Doria ang hawla at bigla na lang nagising ang Night Bloodhawk. Agad itong kumawala sa hawla at lumipad sa himpapawid. Hahabulin na sana ito nina Oyo at Eduardo pero pinigilan sila ni Finn Doria.

“Hayaan na natin siya. Sigurado naman akong babalik din sa inyo ang Night Bloodhawk na iyon dahil wala namang ibang nilalang dito,” nakangiting sabi ni Finn Doria habang nakatingala sa himpapawid.

“Night Bloodhawk..? Parang narinig ko na ang tungkol sa ibon na iyon..” pabulong na sambit ni Oyo.

Hindi tumugon si Finn Doria. Hinayan niya lang ang kanyang mga kasama na mag-isip at magkuwentuhan. Napalingon lang siya nang marinig niyang magsalita si Leila.

“Finn, bakit hindi ka gumamit ng mga kayamanan sa mundo mong ito para maibalik ang nawala mong antas..? Pag-aari mo naman ang mundong ito,” nahihiyang sabi ni Leila.

Umiling si Finn Doria at tumugon, “Sisikapin kong ibalik ang nawala kong lakas pero hindi sa pamamagitan ng mga kayamanan dito. Kasalanan ko naman kung bakit nangyari ito sa akin..”

“Pero kayo, maaari ninyong gamitin ang mga kayamanang naririto kailan man ninyo gustuhin. Pero, limitahan ninyo rin dahil hindi maganda ang naidudulot ng purong kayamanan na lang sa pagsasanay,” nakangiting paalala ni Finn Doria. Sinulyapan niya ang mga naroroon at tumango, “Bumalik na kayo sa inyong ginagawa. Huwag na ninyo akong alalahanin. Babalik din ako sa kontinente makalipas ang isang buong araw. Pero sa ngayon, panonoorin ko muna kayo dahil alam kong matatagalan muli bago tayo magkita-kitang muli.”

Hindi sumang-ayon sina Oyo—lalong-lalo na si Erwan sa gusto ni Finn Doria. Gusto pa nilang makausap si Finn Doria pero tinatanggihan sila ng binata. Sa huli, kahit anong pagpupumilit at pagmamakaawa ni Erwan, wala siyang nagawa kung hindi ang lubayan si Finn Doria.

Dismayadong bumalik ang bawat isa sa kani-kanilang ginagawa. Muling nagkaroon ng paglalaban sina Eduardo at Oyo. Pareho silang nasa 9th Level Legend Rank kaya naman pantay na pantay lang ang kanilang lakas at enerhiya.

Nagpatuloy sina Mina at Leila sa pagtuturo sa mag-ina ni Sanya at Alejandro. Si Erwan na ang bumuhat kay Ninia habang nakikinig din sa pagtuturo nina Mina at Leila.

Naiwang magkakasama sina Migassa, Poll at Eon. May namumuo pa ring tensyon sa pagitan nina Eon at Poll habang ang bawat isa sa kanila ay nagtatalo kung sino ang nararapat kumausap kay Finn Doria.

Nginitian lang ni Migassa ang dalawa at agad na lumipad patungo sa tabi ni Finn Doria na kasalukuyang nagmamasid sa mga nangyayari sa paligid.

“Ramdam na ramdam ko ang pagka-dismaya sa ‘yo, Finn Doria. Ito ba ay dahil sa hindi mo pagtatagumpay na makuha ang kakaibang bangkay ng wingman?” mapaglarong tanong ni Migassa kay Finn Doria.

Agad na napabaling si Finn Doria kay Migassa. Nabigla siya ngunit agad din naman siyang nakabawi. “Medyo. Pero, kasalanan ko naman dahil masyado akong naging mapusok. Hindi ko dapat minamadali ang lahat.”

Nakangiti si Finn Doria habang sinasabi ito, pero, agad din itong naglaho at napalitan ng pagtataka, “Nabanggit mo na isang Wingman ang bangkay na iyon… may alam ako sa mga wingman pero bakit purob puti ang kulay ng pakpak ng isang iyon? Hindi ba’t ang normal na kulay ng pakpak ng mga wingman ay kayumanggi o abo?”

Ngumiti si Migassa at mas lumapit pa kay Finn Doria. Ibinuka niya ang kanyang bibig at marahang nagsalita, “Dahil hindi naman pangkaraniwang wingman ang isang iyon. Mas komplikado ang bloodline noon at sigurado ako riyan.”

‘Kung malalaman mo, siguradong magugulat ka,’ sa isip ni Migassa. Mapaglaro niyang tiningnan ang binata at hindi na niya binanggit ang tungkol dito.

Nahiwagaan si Finn Doria dahil sa kumpyansang nakikita niya sa mukha ni Migassa. Bahagya rin siyang ngumiti at marahang nagtanong, “Paano mo nasisiguro na kakaiba ang isang iyon sa karaniwang wingman? Pero, totoo namang kakaiba ang isang iyon dahil sa kulay at kaibahan ng kanyang pakpak.”

Napahawak si Migassa sa kanyang baba. Mapapansin ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha pero sa huli, tumugon pa rin siya, “Sigurado ako dahil hindi ko na mabilang kung ilang wingman na ang napatay ko dalawang libong taon na ang nakararaan. Milyon na marahil ang napatay ko sa isang Upper Realm…”

Nagulat si Finn Doria at nanlaki ang kanyang mga mata. Nabura ang ngiti sa kanyang labi at hindi niya napigilang magtanong, “Pumatay ka ng maraming wingman..? Bakit?”

Pilit na ngumiti si Migassa kay Finn Doria at naiilang na tumugon, “Naiirita ako sa magandang pagkpak nila. Noong binisita ko ang upper realm na pinamumunuan nila… nairita ako kaya…”

“Hindi mo dapat ginawa iyon!” hindi mapigilang maisigaw ni Finn Doria.

Kung noon, siguradong hindi magpapaawat si Migassa. Hindi niya papalampasin ang pagsigaw ni Finn Doria sa kanya pero nagbago na siya, mahigit isang libo na siyang nagdusa at medyo natuto na siya sa kanyang leksyon.

“Alam ko. Natuto na ako. Alam kong mali ang nagawa ko pero… wala na akong magagawa pa tungkol doon,” nakasimangot na sabi ni Migassa. “Alam kong napakarami kong nagawang kasumpa-sumpang mga kasalanan… kaya ako nagdusa ng mahigit isang libong taon at kaya ako umabot sa puntong ito. Malaya pero nakakulong pa rin…”

Hindi magawang maawa ni Finn Doria kay Migassa. Natahimik na lang siya dahil naisip niya ang mga naging biktima ni Migassa. Sa kanila siya nakaramdam ng awa.

Hindi na ipinagtanggol ni Migassa ang kanyang sarili. Hinayaan niya na lang si Finn Doria at lumipad na pabalik sa nagtatalo pa ring sina Eon at Poll.

Nang makabalik siya, huminto sa pagtatalo ang dalawa. Walang pasabing umalis si Poll habang si Eon naman ay suminghal at susunod na sana. Hindi lang siya natuloy dahil mayroon siyang naramdamang kakaiba kay Migassa.

“Ikaw ba iyan, Migassa? Mukha kang kaawa-awa,” nang-aasar at nanghahamak na sabi ni Eon.

Napalibutan silang dalawa ng Sound Concealing Skill at tanging sila lang ang nagkakarinigan sa kanilang mga sinasabi.

“Hmph. Huwag mo akong kausapin kung ayaw mong bumaon sa lupa, uhuging bata,” inis na sabi ni Migassa habang masamang nakatingin kay Eon.

Hindi pinansin ni Eon ang pagbabanta ni Migassa, nakangisi pa rin siya habang pinagmamasdang mabuti si Migassa. Bumaling siya sa direksyon ni Finn Doria at Poll at marahang nagtanong, “Maging si master ay nag-iba ang timpla. Ano’ng sinabi mo sa kanya?”

“Wala ka na roon. Ganoon pa man, binabalaan kita, alalahanin mo ang mga paalala ni Munting Black sa atin,” malamig na sabi ni Migassa. “Huwag mong sasabihin ang tungkol sa wingman.”

“Pangahas ka talaga para tawagin sa ganiyang pangalan ang aking guro,” nakasimangot na sabi ni Eon nang makalingon siya kay Migassa. “Ganoon pa man, hindi ba’t dapat lang malaman ni master ang tungkol sa nilalang na iyon? Malalagay sa panganib ang buhay ni master kapag hindi niya agad sinolosyunan ang tungkol sa nilalang na iyon.”

Makahulugang ngumiti si Migassa at marahang nagsalita, “Bahagi iyon ng pagsasanay ng iyong master—at sang-ayon ako sa plano ni Munting Black. Marahil tauhan lang siya ng aking ama pero mayroong kakaiba sa kanya na nakakakuha ng aking paghanga.”

Humalakhak si Eon sa mga salitang binitawan ni Migassa, pero, hindi siya tumugon sa mga huling sinabi nito. Makikita lang ang inis at panghahamak sa kanyang mga mata habang nakatingin siya kay Migassa.

“Hindi ako magsasalita tungkol sa bagay na iyon hindi dahil sinabi mo. Nirerespeto ko ang desisyon ni guro kaya mananatili akong tahimik kahit maaaring malagay sa panganib ang buhay ni master dahil sa nilalang na iyon,” sabi ni Eon. Tinalikuran niya na si Migassa at nawala na ang Sound Concealing Skill.

Nakasimangot siyang lumipad patungo kina Finn Doria at Poll. Natuon ang kanyang atensyon kay Poll na nakangiti at masaya.

Pinagmasdan ni Migassa ang pag-alis ni Eon. Agad siyang lumipad palayo sa lugar na iyon at nagtungo sa kinaroroonan ng kanyang katawan. Naupo siya sa ulo ng kanyang pisikal na katawan at niyakap niya ang kanyang mga tuhod. Makikita ang lungkot at pagsisisi sa kanyang mga mata habang nakatungo.

--


Continue Reading

You'll Also Like

1.6K 232 22
Sa kalagitnaan na paglalakbay ni Ziwin hindi niya sinadya matuklasan ang daan patungo sa mga Assassin. Sa kaniyang pag pasok sa Assassin ay nag simu...
666K 140K 142
Synopsis Sa pagpapakita ng Land of Origins o ang tinatawag ding mundo ng pinagmulan ng lahat bagay, si Finn at ang New Order ay naghahanda na para sa...
675 91 12
Metaverses are immersive three-dimensional virtual worlds in which people interact as avatars with each other and with software agents, using the m...
63.2K 3.3K 39
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.