Legend of Divine God [Vol 5:...

By GinoongOso

935K 92K 12K

Tapos na ang kaguluhan sa Ancestral Continent. Pero, hindi ibig sabihin nito ay tapos na ang pakikipagsapalar... More

Legend of Divine God [Vol 5: Dark Continent]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
Chapter LXI
Chapter LXII
Chapter LXIII
Chapter LXIV
Chapter LXV
Chapter LXVI
Chapter LXVII
Chapter LXVIII
Chapter LXIX
Chapter LXX
Chapter LXXI
Chapter LXXII
Chapter LXXIII
Chapter LXXIV
Chapter LXXV
Chapter LXXVI
Chapter LXXVII
Chapter LXXVIII
Chapter LXXIX
Chapter LXXX
Chapter LXXXI
Chapter LXXXII
Chapter LXXXIII
Chapter LXXXIV
Chapter LXXXV
Chapter LXXXVI
Chapter LXXXVII
Chapter LXXXVIII
Chapter LXXXIX
Chapter XC
Chapter XCI
Chapter XCIII
Chapter XCIV
Chapter XCV
Chapter XCVI
Chapter XCVII
Chapter XCVIII
Chapter XCIX
Chapter C
NOTE

Chapter XCII

6.9K 911 82
By GinoongOso

Chapter XCII: Dayang

Natigilan si Finn Doria nang marinig niya ang isang magandang malumanay na tinig. Para bang ang mga salitang binitawan ng tinig ay ibinulong malapit sa kanyang tenga dahil dinig na dinig niya ang bawat tono ng salita. Minsan nang nakarinig ng ganoong tinig si Finn Doria. Narinig niya ang ganitong kalumanay na paraan ng pagsasalita kay Auberon, pero, kumpara sa tinig ng babae na kanyang narinig, mas malumanay ito.

Bumaling si Finn Doria sa ginintuang usa na tinawag ng babae sa pangalang Malina. Sandali siyang nag-alinlangan bago magsalita.

“Ang iyong kaibigan ba ay isang tao?” interesadong tanong ni Finn Doria kay Malina.

“Mahalaga pa ba ang bagay na iyan?” balik na tanong naman ni Malina.

Napakunot ang noo ni Finn Doria dahil sa sagot ni Malina. Napangiwi na lang siya at bahagyang umiling.

“Hindi naman. Gusto ko lang malaman, at mukhang wala namang mali roon, hindi ba?” kibit-balikat na tugon ni Finn Doria.

Ilang segundong tumitig si Malina kay Finn Doria bago tuluyang maglakad patungo sa maliit na kubo.

“Inaanyayahan ka na ng aking kaibigan. Huwag ka nang magtanong nang magtanong. Magpasalamat ka na lang dahil buhay ka pa hanggang ngayon,” sabi ni Malina habang naglalakad.

Naiwang nakangiwi si Finn Doria. Malamig ang pakikitungo ni Malina sa kanya, at ramdam niya iyon. Marahil iniimbitahan siya nito, ganoon pa man, pakiramdam niya ay hindi talaga siya dapat naririto sa lugar na ito.

Naalala niya tuloy si Munting Black dahil kay Malina. Parehong malamig ang pakikitungo ng dalawang kakaibang nilalang sa kanya, pero, kumpara kay Munting Black na lagi siyang minamaliit at inuutusan, mas mabait pa si Malina.

Hindi na nagsalita pa si Finn Doria at sumunod na lang siya kay Malina. Nakarating siya sa simpleng bakod ng kubo at doon sa malawak na kalupaan, bumungad kay Finn Doria ang maliliit na halamanan at gulayan na hitik na hitik sa bunga.

Pero, hindi ang napakaraming iba’t ibang uri ng gulay at prutas ang nagpahanga kay Finn Doria, ang lubos na nagpamangha sa kanya at nagpanganga sa kanya ay ang kalidad ng mga ito.

Ang lahat ng halaman, prutas, herbal at gulay ay mayroong napakataas na kalidad! At ang bawat isa rito ay talaga namang naging dahilan upang tumulo ang laway ni Finn Doria.

‘Napakaraming kayamanan! Kung makakakuha ako ng kahit isa…’

“Huwag mo nang balakin pa ang iyong binabalak, bata. Marahil nais mo namang mapanatiling kompleto ang iyong mga braso, tama ba?” sambit ng tinig sa tenga ni Finn Doria.

Dahil sa mga salitang narinig niya, nanginig ang katawan ni Finn Doria. Ang kanyang kamay na lalapat na sana sa isang animo’y dahon ng luya ay napahinto. Napangiwi siya at napatingin sa kubo. Napabaling din siya kay Malina na kasalukuyang nakatitig sa kanya.

“Hindi ba ako maaaring bumunot ng kahit isa nito?” tanong ni Finn Doria habang nakaturo sa halaman na dapat niyang bubunutin.

Lumipas ang ilang segundo. Umihip ang malamig na simoy ng hangin at walang natanggap na tugon si Finn Doria. Tumalikod na ulit si Malina sa kanya at muling naglakad papalapit sa harap ng pinto ng kubo.

Nanghihinayang na bumuntong-hininga si Finn Doria. Napakamot siya sa kanyang ulo at napailing na lang dahil sa pagka-dismaya. “Napapalibutan ako ng mga totoong kayamanan pero hindi man lang ako makakuha kahit isa.”

“Mas nakapanghihinayang pa ito kaysa sa pagkawala ng akin sanang manika at ng aking mga kayamanan…” mas lalong nakaramdam ng panghihinayang si Finn Doria nang maalala niya ang tungkol sa nawala niyang mga kayamanan.

Nakapaloob sa dalawang singsing ang ilan sa mahahalagang armaments ni Finn Doria; mga Heaven at Pseudo Heaven Armaments. Doon niya rin inilagay ang lahat ng kanyang pera at mga kausotan. Ang inihiwalay niya lang ay ang mga libro na naglalaman ng Foundation Arts, ilang Heaven Armaments, interspatial ring na naglalaman ng batang Night Bloodhawk at iba pang mga bagay na hindi niya kailangan sa pang-araw-araw.

Mabuti na lang dahil hindi tuluyang nasira ang suot na pantalon ni Finn Doria. Nagkaroon ng pinsala ang suot niyang pantalon pero hindi naman nasira ang kanyang mga bulsa na naglalaman ng iba niyang interspatial rings.

Isinantabi na muna ni Finn Doria ang kanyang panghihinayang. Lumapit siya sa tabi ni Malina at humarap din sa simpleng kahoy na pinto ng kubo. Nakasara pa ito kaya napakunot ng noo si Finn Doria.

“Maa—”

Creaaak!

Magsasalita pa sana si Finn Doria pero kusang bumukas ang pinto. Nang tuluyang magbukas ang pinto, naiharang na lang ng binata ang kanyang palad sa kanyang mga mata.

Isang nakakasilaw na liwanag ang tanging nakikita ni Finn Doria. Hindi niya makita ang loob ng kubo at hindi niya rin makayanan ang liwanag na nagmumula sa loob nito.

“Pasok na, bata. Hinihintay ka na niya,” malumanay na sabi ni Malina.

Bumaling si Finn Doria kay Malina at nagtanong, “Ikaw? Hindi mo ba ako sasamahan..?”

Umiling si Malina at tumalikod. Naglakad siya palayo at habang naglalakad siya, nagsasalita siya, “Sinundo’t sinamahan lang kita rito. Maglilibot pa ako kaya maiwan na kita.”

Pinagmasdan ni Finn Doria ang unti-unting paglayo ni Malina. Sandali siyang nag-alinlangan bago muling bumaling sa nagliliwanag na pintuan. Nagdadalawang-isip si Finn Doria, ganoon pa man, sa huli dahan-dahan siyang humakbang pauna habang nakaharang pa rin ang kanyang palad sa kanyang mga mata.

Lumusot si Finn Doria sa liwanag at pagpasok niya rito, agad niyang napansin ang pagkakaroon niya ng isang maayos na pangkaraniwang kasuotan. Agad na sinuri ni Finn Doria ang kanyang kabuuan. Nagkaroon siya ng purong kulay-itim na pang-itaas na may mahabang manggas. Bumalik din sa dating ayos ang suot niyang pantalon at balat na bota.

Disente na siyang tingnan ngayon dahil hindi na siya hubad-baro gaya noong magising siya sa lugar na ito.

“Talaga ngang mahiwaga ang lugar na ito…” pabulong na sambit ng binata habang pinagmamasdan ang kanyang mga palad.

Hindi nagtagal, nakaramdam ng ilang si Finn Doria dahil napansin niyang may pares ng mga mata ang nakatingin sa kanya. Agad niyang hinanap ang pinagmumulan ng tingin at doon, natigilan si Finn Doria nang makita niya ang babaeng mala-diwata sa sobrang ganda.

Nakatayo ito malapit sa isang simpleng kahoy na mga upuan at lamesa. Ganoon pa man, hindi sa mga upuan at lamesa nakatuon ang atensyon ni Finn Doria. Nakatuon ang kanyang atensyon sa kagandahan ng babae.

Ang gandang tinataglay ng babaeng nakatayo hindi kalayuan sa kanya ay masasabi niyang hindi pangkaraniwan. At sa totoo lang, ang babaeng ito na marahil ang pinakamagandang babaeng nakita ni Finn Doria sa dalawampung taong pag-iral niya.

Nababalutan ng puting liwanag ang kabuuan ng babae. Naglalabas din ito ng maharlikang awra na ngayon pa lang din naramdaman ni Finn Doria. Malaki lang ng kaunti ang babae sa kanya pero pakiramdam ni Finn Doria ay napakalaking nilalang ang kaharap niya.

Nakaramdam siya ng paghanga, takot at kagustuhang maglingkod. Ang maharlikang awra ng babae ay para bang inuutusan siyang yumukod at magbigay galang.

Pilit na umiling si Finn Doria. Pinilit niya ang kanyang sarili na labanan ang kagustuhan niyang yumukod. Sandaling nanginig ang kanyang katawan pero hindi nagtagal, bumalik na rin naman siya sa normal.

‘Ano’ng nangyayari sa akin..? Sino ang babaeng ito at ano’ng klaseng awra iyon?!’ gulat sa isip ng binata habang nakatitig sa babaeng nakatayo hindi kalayuan sa kanya.

Nawala ang maharlikang awra ng babae. Wala ng nararamdamang kakaiba si Finn Doria sa babae, bagkus, pakiramdam niya ay isa na lamang itong normal na tao.

Bahagyang ngumiti ang babae kay Finn Doria at malumanay na nagsalita, “Maupo ka muna.”

Hindi agad nakatugon si Finn Doria. Nakatingin siya ngayon sa mga pamilyar na patusok ng tenga ng babae. Nakita niya na ito noon kaya naman hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na magtanong.

“Isa kang fairy?” tanong ni Finn Doria.

Nakangiti pa rin ang babae kay Finn Doria. Ibinuka niya ang kanyang bibig at marahang tumugon, “Mayroon ba akong pakpak na katangian ng isang fairy?”

Natahimik si Finn Doria habang pasulyap-sulyap siya sa mga tenga ng babae. “Wala pero…”

“Hindi lahat ng may ganitong uri ng tenga ay fairy. Nariyan pa ang mga elf, duwende at kung ano-ano pa,” putol ng babae kay Finn Doria.

“Alam ko pero… ang iyong taglay na kagandahan ay nagbibigay sa akin ng ideya na isa kang fairy…” pabulong na paliwanag naman ni Finn Doria.

“Hindi mo na dapat inaalam pa kung ano ako dahil hindi naman makatutulong iyon sa ‘yo, bata.” Bahagyang umiling ang babae. Inilahad niya ang kanyang kamay at nagsalita, “Maupo ka muna dahil mayroon akong mga bagay na nais sabihin sa iyo.”

Sandaling nag-alinlangan si Finn Doria, ganoon pa man, sinunod niya pa rin ang sinabi ng babae. Marahan siyang humakbang pauna at umupo sa upuang ini-a-alok sa kanya ng babae.

Umupo ang babae sa upuang malapit sa kanya. Umupo na rin si Finn Doria at pagkaupo niya, mayroong lumitaw na iba’t ibang uri ng prutas sa ibabaw ng lamesa.

Nanabik si Finn Doria sa paglitaw ng mga prutas. Naalala niya ang mga prutas sa labas kaya naman hindi niya napigilan ang kanyang sarili. Inabot niya ang isang prutas at nang suriin niya ito, napangiwi siya nang mapag-alaman niyang ordinaryong prutas lamang ito na makikita sa mga ordinaryong punong-kahoy.

“Ordinaryong prutas..? Napakarami ninyong prutas pero bakit ordinaryong prutas lang ang inahanda mo..?” dismayadong tanong ni Finn Doria habang nakatitig sa prutas na hawak niya.

Ngumiti ulit ang babae kay Finn Doria at malumanay na nagsalita, “Bakit gustong-gusto mong makuha ang aming mga kayamanan? Wala ka bang kayamanang pag-aari, bata?”

Nang marinig ito ni Finn Doria, agad siyang nagulat at kinakabahang napaisip.

‘Alam niya ba ang tungkol sa aking mga kayamanan na nasa loob ng Myriad World Mirror..?!’ sa isip ng binata.

Umiling-iling ang babae at marahang nagsalita, “Hindi ka dapat nag-iisip ng kung ano-ano lalo na’t ako ang kaharap mo, bata.”

Agad na mayroong napagtanto si Finn Doria. Napangiwi siya at dahan-dahan niyang ibinalik ang prutas sa lalagyan nito.

‘Nababasa niya ang iniisip ko… Kung gano’n, kailangan kong mag-ingat.’ Sa isip ni Finn Doria. Pinilit niyang kumalma at marahang nagsalita, “Kung mayroon akong kayamanan na gaya ng mga nakikita ko sa inyong teritoryo, hindi na sana ako mag-aabala pang magpakahirap para lang makakuha ng kahit isa.”

“May punto ang iyong sinabi. At dahil sa iyong mga salita, mayroon akong naalala,” nakangiting hayag ng babae. “Pero, hindi kita inanyayahan sa aming tahanan para lang sa mga walang kuwentang bagay na ito. Inanyayahan kita dahil sa nakikita at nababasa ko sa iyong mga iniisip kanina pa, mukhang wala ka pang ideya sa iyong totoong pagkatao, tama ba?”

Napakunot-noo si Finn Doria. Bahagya siyang napasimangot at nagsalita, “Tama ka. Hindi ko talaga alam kung ano at sino ako… Alam mo ba? Bakit hindi mo sabihin sa akin?”

“Bakit ko sasabihin sa ‘yo?” balik na tanong ng babae habang makahulugang nakangiti. “Wala akong balak na makialam sa iyong lahi. Hindi kami magkakampi o magkaibigan, at wala akong balak na makipagkaibigan sa iyong kinabinilangang lahi.”

Natahimik si Finn Doria at naging taimtim ang kanyang ekspresiyon. Sa ngayon, apat na nilalang na ang kilala niyang may alam sa kanyang lahing kinabibilangan. Ang una ay ang Fire Phoenix na si Sierra, pangalawa ay si Munting Black, pangatlo ay si Auberon at pang-apat ay ang magandang babae sa kanyang harapan.

Sina Sierra, Munting Black at ang babaeng ito ay ayaw ipaalam sa kanya ang kanyang pagkatao. Si Auberon naman ay limitado lang ang alam tungkol sa kanyang totoong ama kaya wala rin siyang makuhang matibay na impormasyon kung sino at ano nga ba ang totoong siya.

“Kung gano’n, magpapakilala na lang ako sa iyo bilang si Finn Doria, miyembro ng dating ordinaryong angkan sa Sacred Dragon Kingdom sa Ancestral Continent,” pakilala ni Finn Doria. Sandaling nag-alinlangan ang binata bago tuluyang itanong ang nais niyang itanong, “Kayong dalawa ba ng iyong kaibigan ang nagpagaling sa akin? Sa pagkakatanda ko, naputulan ako ng dalawang braso at nasa bingi—”

“Ikinagagalak kitang makilala, Finn Doria, ganoon pa man, hindi kami ng aking kaibigan ang tumulong sa ‘yo,” putol ng babae. “Ang iyong kakaibang Divine Artifact na may anyong salamin ang nagpagaling sa iyo.”

“!!!”

Nanlaki ang mga mata ni Finn Doria dahil sa pagkabigla. Sinubukan niyang tumayo mula sa kanyang kinauupuan pero hindi niya magawa. Pakiramdam niya ay nawalan siya ng mga binti. Hindi niya mapakiramdaman ang kanyang mga paa. Wala na rin siyang maramdamang lakas dahil maging ang kanyang enerhiya ay hindi niya na maramdaman.

“Ano’ng ekspresiyon iyan?” nakangiting tanong ng babae. “Kahit na interesadong-interesado ako sa iyong pag-aaring Divine Artifact, na ngayon ko lang nakita, nais kong sabihin sa iyo na hindi ako magnanakaw—hindi ako ganid, Finn Doria.”

“Ako si Dayang, at kasama si Malina—ang aking kaibigan, ang iyong kinatatayuan ay aming teritoryo. Narito ka sa lugar na tinatawag nilang ‘Enchanted Mountain’, at dahil nandito ka sa aming teritoryo, ibig sabihin ay hawak ko ang iyong buhay,” pagpapatuloy na sabi ng babaeng nagngangalang Dayang.

Pinilit ni Finn Doria na kumalma, hindi niya ito tuluyang magawa dahil nakararamdam pa rin siya ng matinding pangamba.

“Kung gano’n, ano’ng iyong dahilan kung bakit mo ako inanyayahan sa iyong tahanan? Hindi ba maaaring ibalik mo na lang ako sa Dark Continent?” maingat na tanong ni Finn Doria.

Bahagya namang ngumiti muli si Dayang at marahang tumugon, “Hindi mo kailangang magmadali. Pakinggan mo muna ang aking sasabihin bago ka magdesisyon dahil mayroon muna akong i-a-alok sa iyo.”

Sandaling huminto si Dayang sa pagsasalita. Pinagmasdan niya ang reaksiyon ni Finn Doria at nang makita niyang nakikinig ito, muli siyang nagpatuloy, “Gusto mong mahawakan at makuha ang aking mga kayamanan, hindi ba? Kung ganoon, magpa-alipin ka sa akin.”

Hindi napigilan ni Finn Doria ang pagtaas ng kanyang kilay. Seryoso siyang tumingin kay Dayang at tumugon, “Ayoko.”

“Huwag kang magpadalos-dalos sa iyong desisyon. Maraming mamamayan ng Divine Realm ang gustong maglingkod sa akin. At karamihan sa kanila ay handang talikuran ang lahat ng mayroon sila para lamang maging alipin ko.”

“Iyon ay para lamang sa mga mamamayan ng Divine Realm, at nais kong ipaalam sa iyo na hindi ako mamamayan ng Divine Realm, Binibining Dayang,” seryoso ngunit may paggalang na tugon ni Finn Doria.

“Kahit na itanggi mo, hindi pa rin maikakailang ang iyong tahanan ay ang Divine Realm. Sa mundong iyon ka nababagay—hindi sa maliit at nakakawalang-ganang mundo na ito.”

“Sumama ka sa akin, Finn Doria. Ipapakita ko sa iyo ang totoong mundo at gagawin kitang malakas na mandirigma. Bilang alipin ko, lahat ay magagawa mo,” nakangiting paliwanag ni Dayang.

Sandaling nag-isip si Finn Doria. Naniniwala siyang kayang gawin ni Dayang ang sinasabi niya, pero, hindi siya magpapaalipin sa kahit na sino.

Isa siyang mapagmalaking adventurer, at dahil sa mga sinabi sa kanya ni Munting Black, mas gusto niyang lumakas gamit ang sarili niyang kakayahan hindi dahil sa tulong ng iba.

Gusto niyang maging malakas na adventurer para makapaghiganti at mabawi niya si Ashe Vermillion mula kay Alisaia ng Ancient Phoenix Shrine, pero gusto niyang paghirapan iyon. Hindi niya gustong umasa na lang palagi sa iba at sa kanyang mga kayamanan.

Darating din naman ang araw na magagamit niya ang mga iyon, pero sa ngayon, kailangan niya munang magsikap gamit ang sarili niyang kakayahan.

Hindi na tumugon si Finn Doria kay Dayang. Nanatili na lang siyang tahimik habang nakaiwas ng tingin.

Makalipas ang ilang minuto, bumuntong-hininga si Dayang at naghihinayang na nagsalita, “Nakakapanghinayang kung ganoon. Gusto ko pa namang makita ang ekspresiyon ng iyong ina sa oras na malaman niyang ina-alipin kita.”

“Nakakapanghinayang talaga. Sigurado akong susugurin niya ako sa oras na marinig niya ang tungkol dito,” marahang tumawa si Dayang.

Nagulantang naman si Finn Doria. Nakaramdam siya ng kaba habang nakatingin kay Dayang. Mayroon siyang gustong itanong. Kilala ni Dayang ang kanyang ina at gusto niyang itanong dito kung sino at ano ang kanyang ina; kung ano’ng hitsura nito, kung magkahawig ba sila o kung ano ang katungkulan nito sa kinabibilangan niyang lahi.

Ang Celestial. Nasabi na ito sa kanya ni Munting Black noon, ganoon pa man, ito lang ang binanggit sa kanya ni Munting Black. Dahil sa mga bituin sa kanyang soulforce coil, ibinunyag ni Munting Black na kabilang siya sa lahi na tinatawag na Celestial. Hindi alam ni Finn Doria kung anong klaseng lahi ito; walang nakapagsasabi sa kanya kaya naman wala pa rin siyang ka-ide-ideya hanggang ngayon.

‘Nagmula ako sa Divine Realm… sinabi na sa akin ni Sierra at Munting Black ang bagay na ito… pero, ano’ng silbi ng bagay na iyon kung mahina ako at selyado ang kapangyarihan ko? Isa pa rin akong mahinang nilalang na kabilang sa maliit na planetang ito,’ sa isip ni Finn Doria.

Dahil alam naman ni Finn Doria na walang pupuntahan kung tatanungin niya ang tungkol sa kanyang ina, ibang paksa na lang ang binuksan ng binata.

“Dahil nabanggit mo na ang tungkol sa iyong alok… at dahil naibigay ko na ang aking tugon, maaari na ba akong makaalis sa lugar na ito, Binibining Dayang? Kailangan ko pang magsanay dahil mayroon pa akong misyon na kailangang gawin sa kontinente,” magalang na paliwanag ni Finn Doria.

Tumingin si Dayang sa mga mata ni Finn Doria, at ilang sandali pa, matamis siyang napangiti at napatango.

“Hm? Maaari mo bang sabihin sa akin ang iyong misyon sa kontinenteng ito? Hindi ko nais basahin ang iyong isipan dahil may kung anong humihigop sa aking kapangyarihan. Hindi ako komportable sa bagay na iyon,” nakangiting hayag ni Dayang.

Sandaling napakunot ang noo ni Finn Doria, pero, naalala niyang mayroong system sa kanyang isipan. Marahil iyon ang dahilan kung bakit hindi komportable si Dayang na basahin nang basahin kung ano ang nasa isip niya.

Dahil ayaw na ring pahabain pa ni Finn Doria ang lahat, agad niyang ipinaliwanag kay Dayang ang kanyang misyon. Binanggit niya ang tungkol sa kagustuhan niyang baguhin ang kontinenteng ito, na gusto niyang gawing payapa ang kontinenteng puro gulo at digmaan ang mayroon.

Mas lalong naging matamis ang ngiti ni Dayang nang marinig niya ang mga sinabi ni Finn Doria. “May mabuti kang puso, pero, hindi sapat ang iyong kasalukuyang lakas para mapagtagumpayan ang iyong binabalak.”

“Kahit na espesyal ka, ang iyong totoong kapangyarihan naman ay selyado. Masyado ka pang mahina kaya ang ipinapayo ko sa ‘yo, magsanay ka muna bago mo simulan ang iyong misyon.”

Tumango si Finn Doria bilang pagsang-ayon. Alam niyang kakailanganin niya pang magsanay para maibalik ang nawala niyang lakas. Malaki ang posibilidad na magtagal ang kanyang paglakas pero wala na siyang magagawa pa.

Habang pinagmamasdan naman ni Dayang ang seryosong ekspresiyon ni Finn Doria, nahagip ng kanyang mga mata ang kakaibang kwintas ng binata. Kanina niya pa napapansin ito pero ngayon niya lang ito pinagtuunan ng atensyon. Napatitig siya sa gasera, pinakiramdaman niya rin kung ano ito dahil mayroon siyang kakaibang nararamdaman dito.

Makalipas ang ilang sandali, nagbago ang kanyang ekspresiyon. Naging taimtim ang kanyang ekspresiyon. Napaiwas siya ng tingin sa gasera at dahan-dahan, mayroong tumulong dugo mula sa gilid ng kanyang labi.

“Ang bagay na iyan… ano ang bagay na iyan..?” nagtatakang tanong ni Dayang.

Nagulat si Finn Doria nang makita niyang may tumutulong pilak na likido sa gilid ng labi ni Dayang. Nagtaka siya kaya hindi niya napigilan ang kanyang sarili na magtanong, “Ayos ka lang ba, Binibining Dayang..?”

Bahagyang umiling si Dayang. Pinahid niya ang dugo sa gilid ng kanyang labi at bahagya siyang ngumiti, “Hindi mo kailangang mag-alala, Finn Doria. Ayos lang ako.”

“Kung ganoon… maaari na ba akong umalis sa inyong teritoryo?” direktang tanong ng binata.

Tumango si Dayang at marahang nagsalita, “Kung nais mong umalis, hindi kita pipigilan. Ganoon pa man, kung nais mong manatili rito ng ilang araw, malaya kang gawin ang gusto mo maliban sa pagkuha ng aking mga kayamanan. Mas mayaman at makapal ang natural na enerhiya rito kumpara sa labas… mas mapapadali ang iyong pagsasanay kung dito ka magsasanay.”

Nabigla si Finn Doria, pero, agad din siyang nakaramdam ng labis na pananabik. Gustong-gusto niya talagang magsanay rito, pero, pakiramdam niya ay hindi siya hahayaan ni Dayang dahil malinaw namang hindi ito kaibigan o kakampi ng kanyang totoong ina.

Tutugon na sana si Finn Doria at magpapasalamat pero itinaas ni Dayang ang kanyang palad at sinenyasan si Finn Doria na huminto.

“Isipin mo na lang na ang desisyon kong ito ay dahil sa iyong kabutihan. Kung ikaw ay may masamang kalooban, hindi ako magdadalawang-isip na paslangin ka at agawin ang iyong Divine Artifact,” nakangiting hayag ni Dayang. “Makakaalis ka na. Kailangan ko pang magpahinga.”

“Maraming sa…lamat,” napangiwi si Finn Doria dahil hindi niya pa man natatapos ang kanyang sasabihin, napagtanto niyang wala na sa harapan niya si Dayang. Wala na rin siya sa loob ng kubo dahil kasalukuyan na siyang nasa kalagitnaan ng mahiwagang kagubatan kung saan siya nagising.

“Hindi ba siya tumatanggap ng pasasalamat…? Binibining Dayang… sino kaya siya at ano kayang kaugnayan niya sa totoo kong lahi at ina..?” tanong ni Finn Doria sa kanyang sarili habang nakatitig sa kawalan. “Kung ayaw nilang sabihin, walang problema. Darating ang araw na malalaman ko rin naman.”

--

Continue Reading

You'll Also Like

9.8K 186 19
She's been rejected by their expectations, she can't cope up with her brother who loves her dearly. Parents' decision can't decide her freedom. She r...
829 127 16
THE FIFTH VOLUME OF THE NOVEL ENTITLED "War Of Ranks Online". Please read the previous volumes in sequence in order to understand the smooth flow of...
4.1K 466 6
NOTE: 'On Hold' does not mean I would stop updating this. I mean i will, for the mean time, but not forever. Just give me more time guys, I'll be bac...
564K 114K 102
Synopsis: Sa bagong yugto ng buhay ni Finn, isang panibagong pakikipagsapalaran at paglalakbay ang kanyang mararanasan kasama sina Poll, Eon, at Paul...