I am a Huntres (HIATUS!)

By marbetti

1K 573 110

Demetria Huntres is a teenage girl with a complicated life. She used to live in a place where 'survival of th... More

Prologue
1. Demetria
2. Basilio
3. Martina
4. Aneng and Andeng (The Hunt)
5. Abo and Gray (The Hunt Part 2)
6. Josefa and Perceta
7. Teresita
8. Isla Cordia
9. Isla Cordia (Part 2)
10. Classroom
11. Tatlong Isla
12. Drill on Isla Cordia
13. Mine
14. Baliw
15. Pagkatao
16. Mama
17. Gamot
19. Sandro
20. Joe
21. No Name
22. Kapatid
23. Pangalan
24. Dream Catcher
25. Rose and Benedict
26. Heart Stopper
27. Opo, Mama

18. Josefa

16 5 0
By marbetti

Chapter 18

Isang araw, muli akong nagising na animo'y nagmula ako sa isang napakahabang tulog. Ramdam ko ang panlalambot ng katawan ko pero sa pagkakataong to, alam kong nakakontrol ko na ang katawan ko.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Tanging katahimikan at tunog ng makina sa gilid ko ang siyang sumalubong sakin.

Ilang ulit akong napakurap-kurap hanggang sa pinilit kong ibuka ang mga bibig ko.

"Aaa-aah." pagtawag ko pero animo'y hindi ko pa kontrolado ang dila ko. Pero marahil ay may censor silang nilagay sa kwartong ito dahil nung sandaling magsalita ako ay siyang pagtunog ng alarm sa gilid ko.

"VIP room. Room 11. Patient has woken up. I repeat. VIP room. Room 11. Patient has woken up."

Kalmado akong napalingon sa pinto. Inaabangan kung sino ang mga papasok mula roon. Ngunit sa hindi inaasahan, gulat lang akong napatitig sa mukha ng babaeng huling nanloko sakin bago ako makulong mula sa isang mahabang pagtulog.

Josefa!

" Ho— ho ahh. " pilit na pagtawag ko sana sa pangalan ng babaeng papalapit sa higaan ko pero hindi ko manlang masabi ang tamang mga salitang gusto kong sabihin.

"I'm glad you're now awake, Demetria." nakangiting sabi nito bago ito naglabas ng panyo mula sa bulsa nito at masuyong pinunasan ang laway na kanina'y lumabas na pala sa mga labi ko.

"Huwag mo munang pilitin ang sarili mong magsalita. Aabutin pa ng isang linggo bago tuluyang bumalik sa dati ang kondisyon ng katawan mo. Isa pa, magaling narin naman ang saksak sa tagiliran mo kaya wala kang dapat ipangamba." anito bago tinignan ang kondisyon ko mula sa mga mata ko, dila at palapulsuhan ko. At habang tinitignan ni Josefa ang kondisyon ko, doon ko lang napansin na nakasuot ito ng doctor's robe.

Maya-maya pa'y narinig kong tumawa si Josefa pagkatapos niyang tignan ang kondisyon ko.

"Naninibago ka ba sa ayos ko, Demetria?" nakangiting sabi nito bago ito umikot na animo'y natutuwang ipakita sa akin ang suot nito.

"Mukha bang may bago sakin?" ngiting-ngiti na tanong nito habang nakapameywang na animo'y isang modelo sa harap ko.

Napatitig lang din naman ako rito dahil alam ko, tulad ng dati, magki-kwento lang ito ng magki-kwento kahit di ko na siya sagutin pa. At tama nga ko dahil hindi ako nito hinintay na sumagot. Muli na naman itong nagsalita.

"Alam mo ba kung bakit? Kase malapit ko ng malaman kung saan matatagpuan ang tatlong isla!" natatawang sabi pa nito bago ito muling lumapit sakin at naupo sa gilid ng kama ko. Unti-unti ay minasahe nito ang mga braso ko. "Cordia, Briedo at Aphro. Diba iyon ang mga pangalan ng tatlong islang pinagdalhan sa inyo noon?" matamis itong ngumiti. "Alam mo bang matagal ko ng hinahanap ang lugar ba yon? Ang lungga nina Freya at Rick." sandali itong tumigil at animo'y may naalala. " Hindi kita pipiliting maalala kung saan matatagpuan ang mga lugar na yon Demetria dahil kapatid kita at alam mong mahal kita, hindi ba? " kinapa nito ang mukha ko tsaka niya ito ilang beses na hinaplos." Kaya nama'y nung makita kita noon, nilapitan agad kita para sana sa impormasyon ukol sa tatlong isla. Minalas lang at wala ka na palang ilang mga alala ukol sa mga islang yon. Marahil ay ginusto mong kalimutan ang mga yon o ano, hindi ko alam. Pero ngayon, ayos lang yon, Demetria. Dahil sa wakas, tatlong Huntres na ang natagpuan ko dahil sayo. "

Nanlalaki ang mga matang napatingin ako kay Josefa dahil sa mga sinabi nito.

Talagang niloloko lang ako nito noon!

Interesado lang pala siya sa tatlong isla. At ngayon, mukhang pati ang ibang nga Huntres ay idadamay pa nito sa mga plano nito.

"Bakit ganyan ang mga tingin mo, Demetria?" nangunot ang noo nito. "Wala kang dapat katakutan dahil hindi kita sasaktan. Tandaan mo, sila ang kalaban natin. Sila ang may gustong saktan ka! Muntik ka ng mapatay ni Martina, naaalala mo pa ba?"

"Uhhwaahh ahh ha! Ha! Waah!"

'Hindi totoo yan! Hindi ako papatayin ni Martina!' pilit na sigaw ko tsaka sana babangon nung nagmamadaling inalalayan ako nito at animo'y pinapakalma.

"Demetria, ano ba?! Wag kang tanga pwede ba?!" iritang tanong nito bago nito mahinang niyugyog ang mga braso ko. "Walang ibang tutulong sayo kundi ako lang! Ako lang dahil kapatid mo ko!" mariin ang mga salitang sabi nito sakin pero hindi na ako maniniwala pa rito.

Si Josefa! Isa siyang malaking sinungaling! Manggagamit! Isang malaking baliw!

"Kumalma ka muna pwede ba?" buntong-hininga nito tsaka ako binitawan at umupo sa upuang nakapwesto sa malapit sa kama ko. "Pasensiya na sa kung anuman ang nangyari nung nakaraan bago ka mawalan ng malay, okay? Nung mga panahong yon..." sandali itong natigilan. "Nung mga panahong yon ay hindi maayos ang lagay ko." may pag-aalinlangang sabi nito na hindi ko lang inimik. Dahan-dahan lang akong tumigil sa ginagawa ko kanina tsaka muling maayos na humiga sa kama ko.

" Patawarin mo ako at ikaw ang napagbuntunan ko ng galit ko sa ating ina. Hindi ko yun sinasadya." animo'y sabi nito sa malungkot na boses. Pero agad ding nawala iyon nung tila animo'y may galit na muli itong nagsalita. "Pero hindi mo naman ako masisisi, Demetria. Kamukhang-kamukha mo ang demonyong siyang dahilan kung bakit ako nagkaka-ganito ngayon! Ang taong siyang dahilan kung bakit ang tingin sakin ng mga tao ngayon ay isang baliw!"

Tulalang napatitig nalang ako sa puting kisame ng kwartong to.

Hanggang kailan ba ako hahabol-habulin ng animo'y bangungot na nakaraan dahil lang sa kamukha kong sinasabi ni Josefa na siyang aming ina?

Hanggang kailan ba ako gagamit-gamitin ni Josefa na siyang animo'y isang baliw na ngang talaga?

Napapagod na ako...

Nakakapagod na to.

Napabuntong-hininga ako' t napapikit sa mga isiping iyon pero agad ko rin iyong minulat muli nung makita kong muli ang imahe ni Josefa na nakadungaw na pala sa sakin habang nakatayo sa gilid ng kama ko.

Sobrang lakas ng naging kalabog sa dibdib ko nung makita ko ang mga matatamis na naman nitong mga ngiti na pamilyar sa alaala ko. Ang mga ngiti niya na siyang kamukha nung mga ngiting binibigay niya sakin nung mga panahon bago ako nito turukan ng 'di ko malamang gamot.

"Buhay ka pang talaga matapos mong nakatanggap ng ganon karaming gamot?" nankangising tanong nito dahilan para kabahan ako.

Ano itong pakiramdam na 'to na tipong ngayon lang niya nalaman na nagising ako?

"Hanga talaga ako sa talento ni Josefa. Naibalik niya pa sa dating hugis ang katawan mo kahit pa'y isang buwan ka ng nakaratay sa kamang yan." nakangising turan nito dahilan para namutla ako.

Isang buwan? Isang buwan na akong nakaratay rito? Pero sandali...

Bakit parang ibang tao ang pagtukoy niya sa sarili niya? Bakit parang—

Parang hindi siya si Josefa na siyang kausap ko kanina?!

Nahihintakutang napausog ako palayo rito.

"Shi— oo ahh!"

'Sino ka?' sigaw ko rito dahilan para mapahalakhak lang ito.

"Masyado ka naman atang takot sakin, Demetria? Hindi ba't tatlong taon mo rin naman kaming nakasama ng mama Josefa mo? Bakit pakiramdam ko'y mas gusto mo pang kasama si Josefa na minsanan mo lang naman makasalamuha? Porke ba animo'y tinatrato ka nito ng tama?" sarkastikong sabi nito tsaka may kinuhang syringe sa bulsa nito dahilan para lalo akong mamutla at makaramdam ng panginginig sa takot mula rito.

Sino bang hindi matatakot? Si Josefa— yung mama Josefa o kung sino pa man ang tawag sa katawang siyang nakasama ko noon, isa lang ang masasabi ko. Isa siyang baliw!

Kung baliw si Martina sa pagpatay ay masasabi kong kalahati lang ang pagkabaliw ni Martina kumpara kay Josefa na hindi ko maapuhap ang takbo ng utak.

Mabuti pa si Martina at animo'y may trigger point lang sa sentido. Pero itong si Josefa? Animo'y isa itong baliw na bigla-biglang nagpapalit ng pagkatao!

Ano ba namang mundo 'tong meron ako. Wala ba talagang normal sa mga taong nasa paligid ko?

"Hmm. Mukhang pampalakas 'tong gamot na dala ni Josefa para sayo ah?" animo'y nag-iisip na ani nito habang tila sinusuri ang laman ng syringe na hawak niya.

Maya-maya pa'y kumibit balikat ito. "Nevermind. You don't need this thing, Demetria. Mamamatay ka kung mamamatay ka. Papaniwalain ko nalang si Josefa sa ganong paniniwala." sabi nito bago tinungo ang basurahan sa gilid ng kwarto at maingay na tinapon niya ang syringe doon.

"Ay oo nga pala." nakangiting humarap itong muli sakin na animo'y may naalala. "Gusto ko lang sabihin sayo na Centenary ang tawag sa lugar na to. Ang lugar na pinamumunuan ni Josefa. Kaya sakali man, huwag ka ng mag-aksayang tumakas pa. Tsaka isa pa pala! Hindi ko parin nagagantihan ang Martinang yon. Magmula kase nung mawalan ka ng malay ay si Josefa nalang palagi ang nagko-kontrol ng katawang 'to. Kaya nama'y wala akong t'yansang harapin si Martina. Pero huwag kang mag-alala. Dahil pinangako ko na sa mama Josefa mo na gagantihan ko si Martina, sisiguraduhin kong mangyayari 'yon. "

Sandali itong muling tumingin sa basurahan na tinapunan niya ng gamot bago siyang muling naglakad pabalik sa pwesto ko. Pagkatapos ay ngumisi muna sakin bago ako nito tinabihan sa kama at nahiga rin.

" Matutulog na muna ulit ako, Demetria. Hanggang sa muli nating pagkikita." malambing sa sabi nito sakin bago ito tumagilid patalikod sa pwesto ko.

Ilang sandali ko pang kinalma ang kabado kong dibdib. Hanggang sa ilang minuto lang ang lumipas ay naramdaman ko ang muling pagbangon niya sa tabi ko.

Tahimik itong umupo. Bumaba ito ng kama at pagkatapos ay pinasadahan ako ng tingin. Ilang sandali lang ako nitong tinitigan bago ito naglabas ng isang syringe mula sa bulsa nito tsaka iyon sinuring mabuti bago tinusok sa ugat ko sa pulso ng kaliwang kamay. Pagakatapos nitong gawin yon ay tumalikod na ito at tahimik na lumabas ng kwartong yon.

Mabilis lang ang mga nangyari. Ngunit kanina, nung sandaling makita ko ang malamig nitong mga matang nakatuon sa akin, doon lang ako may nakumpira.

Si Josefa Lavigne...

May iba't ibang katauhan ang katawan niyang iyon at masasabi kong hindi lang isa o dalawa ang naroon. Dahil marami. Marami sila.

Continue Reading

You'll Also Like

694K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...