Seducing My Crush [Alluring S...

By maentblack

1.9M 79.3K 49.1K

Alluring Series #1 Eris Julian Monterico Started: March 30, 2020 Finished: June 30, 2020 All rights reserved... More

Seducing My Crush
01
02
03
04.
05
06.
07.
08.
09.
10
11.
12.
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
40
41
42
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

39

38.2K 1.4K 1.2K
By maentblack



Memories



I still remember the day Eris and I grow apart from each other.

The reason why he hated me that much and turned into someone who's not completely him.

Loathed me by the fact that he's being aloof, heartless, insensitive, distant, emotionless and unconcerned from my personal standpoint.

We're like thick as thieves when at the age of six. He's considerate, gentle, affectionate and soft-hearted on me better than I do.

He's like a brother who will protect you from any harm, friend that you can run and asked for a shoulder to cry on, and a boyfriend that will love you unconditionally.

Those blast from the past are fresh from my mind and it's impossible for me to neglect every single of the circumstances.

From the day he left me, to the phase our puppy love come to an end.

It started the day after his 7th birthday. Hindi ko alam na aalis sila sa Batangas at lilipat ng Manila. Nalaman ko lang sa Mama n'ya ang tungkol doon.

Tita was thought Eris already been mentioned about this pero hindi. Nagtampo ako n'on kay Eris dahil hindi ko man lang alam. Hindi n'ya ako sinabihan kahit alam n'yang ako 'yung pinaka-apektado kapag umalis s'ya.

We're kids back then but Eris behaviour is already matured, especially the way he thinks. Maybe the reason why he didn't tell me is for my own sake also. He didn't want me to become lonely and sad that day because it was my father's birthday.

Pero gaya ng dati, hindi ako nakinig sa explanation n'ya. My mind and ears are closed for his reason and apologies. That was the time that I'm barking up the wrong tree, I made the wrong choice.

Halos hindi ko na s'ya kausapin n'on. Pumupunta s'ya sa bahay araw araw, dala yung paborito naming candies pero hindi ako lumalabas ng kwarto para harapin s'ya.

Kapag umalis na s'ya pagkatapos ng ilang oras na paghihintay sa salas namin, I tend to cry. Kinausap ako ni Mama na magbati na kami ni Eris dahil huling araw na 'yon ng pagpunta n'ya pero matigas ako, hindi ko pa rin s'ya kinausap n'on.

And then, it happened. It's exactly 4 in the afternoon, they squirreled away. Lumabas ako ng kwarto n'on pero huli na ang lahat.

Nadatnan ko na lang na sarado na ang bahay nila at wala na sila Eris. Umiyak na naman ako at sinisisi ko ang sariling katangahan kung bakit nagmatigas ako at hindi nagpaalam.

Hanggang sa makita ko 'yung pendant ng moon na binigay ko sa kan'ya noong birthday n'ya. Mas lalo akong naiyak habang pinupulot ko 'yon sa lupa.

I guess he's that mad because he throw away the gift I send to him. The last present I will give him upon the following years.

Pero nawala rin naman ang tampo ko noong umalis sina Eris after one day. Humiram ako kay Mama noon ng cellphone pero limited lang ang paggamit ko. Doon kami madalas mag-usap.

Hinahayaan naman ako ni Mama and that was the happiest day ever that happened again. Having communication with the boy you value the most, that's all I wanted.

In a couple of years, tumatanda na kami at 12 years old ako noon nang matutong gumamit ng cellphone, which is touchscreen.

Hindi ako pinagamit agad ni Mama dahil pinagfocus n'ya muna ako sa studies. While Eris got his phone at the age of 10. Hindi naman na ako nagtaka noon because he was smart and someone who is regarded having highly intelligence.

Marami kaming pinagkwentuhan n'on. We're talking using video calls and such.

Hanggang sa maging Grade 9 students na kaming dalawa. Mas naging matured na si Eris n'on, so am I.

At doon nagsimula ang lahat.

It was my damn fault.

I didn't intend to fall in love with the basketball player on our school.

Nakafocus ako n'on sa studies at sinabi ko sa sarili kong si Eris lang ang gusto ko, all the way through, from soup to nuts and from the very beginning to it's end, I will choose him.

But it didn't happened... hindi ko alam kung paano nahulog ang loob ko sa lalaking 'yon.

His name is Wren Xanthos, a varsity player. Nakilala ko rin si Maddy dahil ni Wren. They are cousin but it's quiet far-flung from their blood-- second cousin, I guess.

Wren is not that famous but he's thoughtful and he always making me laugh.

Inumpisahan n'ya na rin akong ihatid n'on sa bahay, manood ng mga games n'ya, sumama sa mga teammates n'ya kasama si Maddy, kumain at makipag-date sa kan'ya.

He filled the space where Eris wasn't. Parang s'ya yung naging sandalan ko dahil wala si Eris sa tabi ko ng mga panahong 'yon.

Doon din nawala ang oras ko kay Eris. He's calling me, flooding text messages from different social medias but I only ignore him. Halos ilagay ko na nga ang pangalan n'ya sa 'Archive' and worst, 'Ignore Chat'.

And that's how callous, heartless and cruel I am.

Dumating pa ang araw noon na pumunta si Eris sa bahay.

I was shocked that time because Wren is also in the house. Kakatapos lang namin na mag-usap n'on about exams and there is Eris... standing at the front door, my favorite food is in his hand and a wide smile, but it changed when he saw Wren.

Galit at may halong pagtataka ang mga mata n'yang nakatingin sa'min. His hands tightened into fist and clenched his jaw. He almost punch Wren on the face when he put his arm on my shoulder.

Hindi naman ako nakagalaw noon sa kinatatayuan para alisin ang kamay ni Wren sa balikat ko.

Eris was disappointed, upset and hurt as he took a sharp breath and inched backward.

Hahabulin ko sana s'ya noon pero pinigilan ako ni Wren. Hindi n'ya ako binitawan hanggang sa mawala si Eris sa paningin ko.

Halos sampalin ko na noon si Wren para lang pakawalan ako at nang makawala ako sa kan'ya, tumakbo ako papunta kay Eris pero huli na naman ako.

Nakasakay na s'ya ng bus at hindi ko na 'yon kayang habulin pa.

I was stunned and sobber that day.

That was the first time I saw how mad he is... the face of a man who got hurt because of my stupidity.

I tried to message him and explain but I got nothing. No replies, doesn't have time to seen my messages and he blocked me on his social media accounts.

Nabalitaan ko rin na nagpalit s'ya ng cellphone number and all I had is nothing. I don't know how to contact him.

Our connection had lost because of what I did.

Kaya noong magsi-senior high school na kami, sinabi ko kay Mama at Papa na kung maaari ay sa Manila na ako pumasok. Same school where Eris was.

I was lucky because Maddy is with me. They are planning to transfer shool also. Pumayag naman si Mama at Papa dahil sa pag-aalala sa'kin.

At doon ko napagpasyahang ibalik ang dating Eris kahit na masaktan ako nang sobra pa sa sobra. I should accept both the good and the bad that might happens.

I also deserve this because I hurt him without telling... I abandoned our love for the man who I met for some weeks. And I hated myself because of that shit.


A MONTH HAS PASSED



"You sure you want to help? Puwede namang hindi na. Nagpaiwan ka na lang sana sa inyo para makapagpahinga ka." Eris commented while I'm busy laughing on the memes at my phone.

Napatingin naman ako sa kan'ya, "Tutulungan ko lang ng kaunti si Mama, tsaka magpapakita lang ako. She texted me and she said she want to see me. May ibibigay daw."

I was pertaining to his Mother. Mama na kasi ang tawag ko sa Mama ni Eris kahit hindi pa kami noon. Gan'on kakapal ang mukha ko.

"Ah, I see. Just don't tire yourself, marami namang katulong si Mama..."

"Okay, okay, okay." Natatawa kong sambit kay Eris.

Papunta kami ngayon sa condo nina Eris sakay ng kotse at kakatapos lang namin ihatid si Mama sa condo.

Kasama namin si Eris kanina pagpunta kay Papa sa sementeryo. It's Father's Day so we made a visit. Kahit naman hindi Father's Day, pumupunta pa rin ako kay Papa lalo na kapag nami-miss ko s'ya.

Kaya rin maghahanda sila Eris dahil dadating ang Papa n'ya galing California.

This will be the best day for him and I want to be with him at the end of the day.

Ipinarada ni Eris ang sasakyan sa car park at pumunta kami sa likod ng kotse para kuhanin ang pinabili sa'min ng Mama n'ya kanina.

Mga kulang at nalimutang ingredients lang ang dala namin dahil 'yun lang naman 'yung hinabilin ni Mama.

Si Eris na ang nagdala n'on at nakabuntot lang ako sa kan'ya hanggang makataas.

Pagpasok namin ng condo, nadatnan namin na nagpapatugtog sina Mama at sumasayaw kasama ng mga kumare n'ya.

She gave me a hug when she saw me.

"Finally, you're here! Maupo muna kayo r'on sa salas, maghuhugas lang ako ng kamay." Sambit ng Mama ni Eris sa'kin pagkatapos naming magbeso.

"No worries, Mama. Kahit mamaya na lang po." Sagot ko dahil mukhang abala pa ito sa pagbe-bake ng cakes.

Ipinatong naman ni Eris ang eco bag sa lamesa at lumapit sa'kin.

"Gonna change my clothes, don't go anywhere without me." Bulong n'ya sa tenga ko na ikinangiti ko naman.

Akala mo naman aalis ako nang wala s'ya.

"Wait!" Hinawakan ko ang damit n'ya. "Pasama. I volunteer myself, ako na magbibihis sa'yo." I giggled and teased him.

He crossed his arms over his chest and stared at me for a second.

Nakangiti lang ako sa kan'ya habang kinukurap ang mga mata ngunit nagulat ako sa ginawa n'ya.

He held up my hands and pulled me closer. Isinama n'ya ako sa pagtaas ng hagdan at napakagat labi ako nang sabay kaming pumasok sa kwarto.

Nagbibiro lang naman ako pero bakit n'ya sineryoso?!

He handed me the white t-shirt after picking from his closet.

Napatingin ako sa kan'ya at mukhang seryoso nga ito. I bit my lips and about to get his shirt but he took it away.

"Just trying to take the Mickey," he said and jerked his back.

Napasimangot naman ako nang hubarin n'ya patalikod ang suot na damit bago isuot 'yung bago.

Hinampas ko ang balikat n'ya bago ako pumunta sa harapan n'ya.

"Kahit kailan talaga napakapaasa mo! Tago tago ka pa, nakita ko naman na 'yan!" Turo ko sa tiyan n'ya.

Ngumisi lang naman s'ya at nilampasan ako.

"You're being naughty these past few days..." Eris said while looking at the mirror and shoved his hair using his fingers.

He brushed down his bangs that make him more attractive.

I sat at the bed and crossed my legs.

"Ayaw mo n'on? Naughty girlfriend mo?" Biro ko habang pinapanood s'yang ayusin ang book shelf n'ya.

"Gusto."

Napangiti naman ako sa sagot n'ya.

"Gusto mo pala, bakit hindi mo 'ko pinapatulan?" I'm just poking fun at him, bumabawi lang ako.

"Nagpipigil lang ako."

Mas lalo akong tumawa dahil sa sagot n'ya. "Why? Buti nakakaya mo?"

"Sometimes, I can... but often, it was hard for me." Nilingunan n'ya ako at sinulyapan. "You're driving me crazy and I keep telling myself to stop what's on my mind..."

Hindi ko alam kung matutuwa ako sa mga sinasabi n'ya o malulungkot. He's tough on controlling himself not to touch me.

Kiss pa nga lang yung nagagawa namin kahit malapit na kaming magdalawang buwan!

"No, Eris! Dapat hindi mo na pinipigilan ang sarili mo. Besides, I'm not stopping you." Muli kong saad matapos tumawa.

Ilang sandali pa, napatingin ako sa kan'ya nang bigla s'yang humakbang papalapit sa kinauupuan ko.

Nasa magkabilang bulsa ang kamay nito at diretso lang ang tingin sa'kin.

Napalunok ako nang dahan dahan n'yang iyuko ang sarili. Napaatras ako ng bahagya sa kama nang ipatong n'ya rin sa kutson ang isang kamay.

Our face is one inched closed. Nakita ko pa ang pagbaba ng tingin n'ya mula sa mata ko papunta sa mga labi ko.

"Don't let out the beast inside me..." he paused and stare again on my lips. "I really want to kiss you and not just on the lips... if you turn me on, I'm not responsible for what happens next..."

Pagkasabi n'ya noon, mabilis n'ya ring inalis ang kamay na nakapatong sa kama.

Ilang beses akong napalunok matapos s'yang tumalikod.

"Let's go downstairs..."

Rinig kong sambit n'ya bago ako iwan sa kwarto.

Naiwan pa rin akong tulala at halos ipapaypay ko na ang sariling kamay sa nag-iinit kong mukha.

Masyado akong pinagpawisan sa sinabi n'ya at pakiramdam ko, makakaubos ako ng isang galong tubig.

Akala ko itutuloy n'ya na pero hindi!

Gusto kong gawin namin ni Eris pero ayoko..., pero parang gusto ko..., pero ayoko kasi lagot ako kay Mama..., pero gusto ko talaga..., pero lagot din ako kay Papa!

Hay! Hindi ko alam, basta gusto ko na pero ayaw ko pa!

Matapos kong ayusin ang sarili, bumaba na ako sa salas. Nadatnan ko ang Mama ni Eris na naghihintay sa'kin habang kausap ang anak.

"Dem, anak! Lumapit ka rito at may ibibigay ako." Sambit ng Mama ni Eris nang makita ako.

Nakangiti naman akong tumakbo papunta sa kanila. Tinignan naman ako ni Eris at siniko ko s'ya ng bahagya.

May hawak si Mama na pulang paper bag at inabot sa'kin.

"I bought this dress last week, nakita ko kasing suot ng mannequin at naalala kita. Mukhang bagay sa'yo itong binili ko... buksan mo bilis." Natutuwang sabi ni Mama.

Nahiya naman ako matapos kong malaman na dress pala 'yon.

Gaya ng sinabi ni Mama, inilabas ko sa paper bag ang mukhang branded na damit.

"Wow, ang ganda naman nito Mama." Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko matapos makita ang damit.

I was so amazed because of the silk fabrics that used in it. It was a plunge neck satin mini dress at mukhang saktong sakto lang ang sukat nito sa katawan ko.

Sleeve less and above the knee iyong damit. Hulmang hulma ang pagkakatahi sa bewang na lalong nagpaganda sa damit!

"I agree! Para ngang kasing payat at sexy mo lang 'yung mannequin na pinagsuotan n'yang damit... nagustuhan mo ba? I want to see you wearing that dress later!" Sabi ni Mama at masayang nakangiti sa'kin. She almost clapped her hands.

Tumango ako at magsasalita na sana nang marinig namin ang boses ni Eris sa tabi ko.

"Hindi ko gusto..." Kunot ang noo nitong nakatingin sa damit habang nakalagay pa rin ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa.

Nginusuan ko naman s'ya at tinaasan ng kilay, "Hindi naman ikaw ang magsusuot!"

Pagkasabi ko noon, lumipat ang matalim nitong tingin sa'kin.

"Hindi ko gusto para sa'yo." Nagulat ako nang kuhanin n'ya sa'kin ang damit at isilid muli sa paper bag. "Wear another dress but this... puwede mong isuot pero ako lang dapat ang makakakita."

He walks towards the door together with the dress and the paper bag.

"Manang mana talaga s'ya sa kan'yang Ama!" Sambit ni Mama habang tumatawa matapos akong tapikin sa balikat.

PAGKAHATID sa'kin ni Eris sa condo, hindi pa rin mawala sa ekpresyon ng mukha ko ang panghihinayang.

Nasa tapat na kami ng pinto nang iabot n'ya sa'kin ang paper bag.

"Pumasok ka na." Sambit nito.

"I'm going to wear this!" Inis kong sabi rito.

Kumunot naman ang noo n'ya at umayos ng tayo. "Ikaw bahala,"

"Ha? Akala ko ba ayaw mo? Kanina lang kung makatingin ka sa damit, parang gusto mo ng sunugin, bakit pumapayag ka na ngayon?" Naguguluhang sigaw ko rito.

Ang gulo n'ya pa rin talaga!

"Wala naman akong magagawa kung gusto mo talagang isuot... but I prefer not to," he paused and opened the door for me. "Pumasok ka na sa loob."

Ngumuso naman ako at sinunod ang sinabi n'ya.

"Basta isusuot ko pa rin 'to!" Muli kong sigaw.

Naramdaman ko ang katahimikan sa paligid bago s'ya magsalitang muli. He heaved a sigh and looked at me.

"Basta huwag ka lang magpapakita sa'kin," he stopped from talking and turned back. "Because I could fuck the hell outta you."

Umalis na si Eris matapos n'yang sabihin 'yon at naiwan na naman akong nakatulala sa pinto, my mouth parted and all I could think is how hot he is at that moment!

I'm not the one who's being naughty... he is!

MAAGA pa naman at alas kwatro pa lang ng hapon. Susunduin ako ni Eris dito ng alas sais kaya naman naglagay muna ako ng nail polish sa daliri.

Nang matapos ko 'yon, tinawag ako ni Mama dahil may kumakatok sa pinto.

"Wait lang..." sigaw ko habang hinihipan ang daliri.

Maingat kong pinihit ang door knob at binuksan ang pinto.

"Handsome boy, delivery!"

Halos mapatalon na ako nang biglang sumigaw ang lalaking nasa labas ng pinto.

Pumasok na agad s'ya sa loob dala ang tatlong kahon ng pizza.

"Ang tagal mong magbukas, nangalay ako!" Reklamo ni Matt matapos akong lampasan.

Inis ko s'yang sinundan. "Kapal ng mukha, sinong handsome boy ang tinutukoy mo?!" Biro ko rito.

"Malamang ako, alangan namang ikaw!" He walk towards on Mama who's at the kitchen. "Hi, Tita! Pizza galing sa gwapo n'yong Attorney!"

Inirapan ko lang s'ya matapos kong umupo sa sofa at ipagpatuloy ang pagpapatuyo ng puting nail polish sa daliri.

Habang tumatagal, lumalala ang hangin ni Matt sa ulo!

Tinawanan lang s'ya ni Mama sa kalokohan at pagkatapos n'on ay ako naman ang ginulo ni Matt.

"Ano 'yan, pintura?" Tanong n'ya nang makalapit.

"Akala ko ba matalino ka? Bakit ang bobo mo?" Singhal ko rito.

Tinawanan naman n'ya ako at ginulo ang buhok. "Aray! Nagbibiro lang naman. Ano, kumusta?"

Inilingan ko rin naman s'ya at tumawa. "Eto, masaya pala ang buhay may asawa..."

"Wow! Speed lang lods? Asawa agad?! Ibang klase!"

"Epal ka! Palibhasa wala kang girlfriend!"

"Excuse me? Kelan pa ako nawala ng 'girlfriend'?" Pagmamayabang n'ya at umayos pa ng upo sa tabi ko.

"Send proof nga!" I dared him.

Natahimik s'ya saglit pagkatapos ay tumagilid. "Next time... kapag napasagot ko na."

Ikinalingon ko naman ang sinabi n'ya, "Oh? Seryoso ka talaga? Meron?!"

He just shrugged and didn't answer my question. Napakapamisteryoso ng gunggong.

Ilang sandali pa, matapos ang pananahimik namin habang kumakain ng pizza, nagsalita ako.

"Pupunta ka mamaya?" I asked him without turning my head.

"Sa condo ng boyfriend mo?"

Tumango naman ako sa sagot n'ya. "Invited ka naman, a. Tara! Shot shot!"

"Ayoko." He answered after bitting the pizza.

Napalingon naman ako sa kan'ya. "Ha? Bakit ayaw mo? Ang KJ mo naman."

Hindi sumagi sa isip ko na bitter pa rin si Matt dahil noong nalaman n'ya na kami na ni Eris, he supported me from the bottom of his heart. Wala akong nakitang selos o inggit no'n at tanging masayang mukha lang ang pinakita n'ya sa'kin.

"Hindi naman sa ayoko... what I mean is, I'm a busy person. Tinakasan ko lang yung case study para magrelax muna." He shrugged again and took another slice of pizza.

"Holiday naman! Huwag ka munang magtrabaho." I suggested.

Ilang beses naman s'yang umiling. "There's no holidays for lawyers, Ms. San Mateo."

"Okay fine, Attorney!"

Hindi naman na ako nagsalita pa dahil ayaw din naman ni Matt. Wala akong magagawa kahit ilang beses ko pa s'yang pilitin na sumama.

Ilang minuto lang nang makaalis si Matt ay ang pagdating ni Eris. Sakto naman noon na nakapag-ayos na ako ng sarili.

Natagalan pa ako dahil ginugulo ako ni Matt kanina. Ginagamit n'ya yung mga lipstick at kung ano ano pang ginagawa.

Nang makarating kami ni Eris sa kotse n'ya, nakita ko ang ginawa nitong pagngisi.

"Anong nginingisi-ngisi mo d'yan?" Inis kong tanong matapos n'yang paandarin ang sasakyan.

Umiling s'ya. "Nothing... I just thought you're going to wear the dress. Bakit hindi mo sinuot?" Panunudyo nito.

Balak ko ng isuot yung damit kanina kaso naisip kong mas maganda nga siguro kung si Eris at ako lang ang makakakita n'on. Masyado ring kitang kita ang balat ko r'on. Kaya ang suot ko ngayon ay dress pa rin pero makalampas tuhod na. It is color yellow na hindi naman masakit sa mata. Nakabun din ang buhok ko para malayang nakadungaw ang collar bone ko.

Bumuntong hininga ako at humalukipkip nang balingan ko si Eris ng tingin, "Baka kasi tumulo laway ng mga lalaki mong bisita kapag nakita ako."

Madilim na tingin ang ipinukol n'ya sa'kin kaya napangisi ako. Talo pala s'ya e!

"That's why I don't want you to wear that dress. It's too seductive..." Mahinang sambit nito.

"Selos ka?" I asked.

He slowly nod his head. "And teritorial..."

Hindi naman na ako nagsalita pa dahil maiihi na ata ako sa kilig sa paraan kung paano n'ya sabihin 'yon at kung paano s'ya tumingin sa'kin.

Nang makarating kami sa condo nina Eris, rinig ko na mula sa labas ang maingay na tugtog sa loob.

"Maddy is there," he informed when we're standing at the door.

Hindi pa kami pumapasok kasi humihinga pa ako. Medyo kinakabahan ako.

"Alam ko, sinabi n'ya sa'kin." Saad ko kay Eris.

"Nasa loob na rin si Papa..."

Tumunghay ako at tiningala s'ya. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan!

"Don't be nervous, kilala ka pa rin ni Papa." He said and I felt his hand held up my palms. "Let's go?" He asked.

Tumango naman ako at binuksan n'ya na ang pinto.

Nang makapasok kami sa loob ng condo, si Maddy agad ang bumungad sa'kin.

She's holding a wine glass in her right hand and a cherry with her left hand.

"Wow! Iba talaga ang glow kapag alagang Eris," tumingin si Maddy kay Eris. "Pakialagaan nga rin ako, Eris!"

Sinamaan ko naman ng tingin si Maddy at hinila ang ilang hibla ng buhok.

"Hindi ka naman malalasing ng wine, pero bakit ang lakas ng loob mong sabihin 'yan sa harapan ko." Bulong ko kay Maddy.

Tumawa naman s'ya at inilingan ako, "Hindi naman 'to wine! Shot na tayo dali!"

Hihilahin sana ako ni Maddy palayo kay Eris ngunit hinawakan ako ni Eris sa braso.

"Wait a second..." Eris said.

Napatingin kami ni Maddy sa kan'ya.

He cleared his throat and stand firm. "Don't be too drunk."

Tinawanan s'ya ni Maddy dahil doon, "Oo! Ako bahala kay Dem. Hindi ko s'ya lalasingin!"

Ilang sandali pa, binitawan ako ni Eris at nakasalubong naman namin ni Maddy si Ivann at Jace na papunta kay Eris.

Binati pa ako ni Ivann matapos makalagpas.

And as far as I know, Eris invited Zachary too but he declined the invitation.

Marami ring tao ang nandito at kilala ko ang iba sa kanila kasi ka-teammates ni Eris yung iba. Yung iba naman ay mga bisita na ng Mama ni Eris.

Inabutan ako ni Maddy ng wine, tinanggap ko naman 'yon matapos ang sandaling pag-ikot ng tingin sa buong condo unit.

"May chika ako..." Maddy whispered.

"Ano 'yon?" I asked after sipping the wine.

"I have an unknown textmate, matagal na kaming nag-uusap. I didn't know what's his identity pero alam kong lalaki s'ya and he said, he's here... sa tingin mo isa kaya 'yon sa soccer teammates ni Eris?"

Kinunutan ko naman s'ya ng noo. Here we go again, texting with stranger she doesn't even know! Is this Deja Vu? Nangyari na 'to sa kan'ya dati a!

"Malay ko? May hint ba na binigay sa'yo?" I asked. Support lang naman ang maibibigay ko sa kan'ya ngayon.

She pouted and drink her liquor. "Yes... sabi n'ya kaibigan daw s'ya ni Eris."

Sandali akong pinanlakihan ng mata, "And? Ano pa?"

"And he's a player..."

"What game?"

"Basketball?"

Hindi ko alam kung lasing na si Maddy, tanong n'ya kanina kung soccer teammates ni Eris tapos basketball pala yung sports!

Pero teka... OMG! Hindi ko alam pero si Ivann agad ang unang pumasok sa isip ko!

Magsasalita na sana ako ngunit may naramdaman akong kamay na gumapang papunta sa bewang ko.

Agad ko iyong nilingon at nakita kong si Eris ang gumawa noon.

He's looking at Maddy at this moment. "Can I borrow your best friend for a moment?"

Maddy gave him a wide smile. "Oo naman! Go, lovers! Di ako naiinggit!"

Ilang sandali pa, marahan akong hinila ni Eris palayo kay Maddy at naramdaman ko ang pisngi n'ya sa tenga ko.

He lowered his head and whisper something into my ears.

"Gusto kang makita ni Papa..."

Napalunok naman ako at nilingon s'ya. "Okay?"

Malayo pa lang ay tanaw na namin ang Mama at Papa ni Eris na kausap ang ilang bisita.

Ngayon ko lang nakita ang Papa n'ya simula noong bata kami. Hindi pa rin ito nagbabago at matangkad pa rin. Medyo tumaba ngunit hindi halata dahil sa height n'ya.

Sa Papa n'ya nakuha ang tangkad na meron s'ya ngayon at lampas na nga s'ya rito.

"Pa..." Si Eris nang malapit kami sa kanila.

Nasa likod ko pa rin ang palad n'ya at ramdam na ramdam ko ang init noon kahit na malamig ang aircon dito.

"Eris! Is she the girl you always tell us?" Tanong ng Papa ni Eris nang makita ako, nakangiti ito at kuhang kuha ni Eris ang mata ng Papa n'ya.

Tumango lang si Eris matapos s'yang tumungo at napahawak sa batok.

"Si Demrene yan, Simon... 'yung kababata ni Eris noon." Pagpapakilala ng Mama ni Eris sa'kin.

Napangiti naman ako at nahihiyang bumati, "Happy Father's Day po."

Kinuha ko ang maliit na regalong nasa sling bag ko at inabot dito. Masaya naman n'ya itong tinanggap.

"S'ya na ba 'yung batang 'yon? Impressive! Manang mana ka talaga sa'kin, anak!" His father tapped Eris shoulder at mukhang proud na proud ito sa anak.

Napangiti naman si Eris dahil doon, ngumiti rin naman ako. Nawala ang lahat ng kaba sa dibdib ko nang maramdaman kong welcome na welcome ako sa pamilya nila.

Matapos akong ipakilala ni Eris sa Papa n'ya, marami na kaming napagkwentuhan at legit ang tawang ipinakakita ni Eris.

Halos buong oras ko na ata s'yang pinapanood tumawa pero hindi pa rin ako nagsasawa.

Natatawa pa s'ya sa'kin and most of the time, ako 'yung dahilan ng pagtawa n'ya dahil kung ano ano ang ikunukwento ko sa Papa n'ya noong mga bata pa kami.

Ilang sandali pa, nakita kong lumapit sa kan'ya si Ivann at may ibinulong dito.

Mukhang seryoso iyon dahil nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Eris. Si Ivann din ay parang hindi maipinta ang mukha. Napapahawi na ito sa buhok at halos kagatin na ang labi.

Nang matapos sabihin ni Ivann 'yon, humakbang si Eris papalayo nang hindi man lang nagpapaalam kaya naman napatingin sa'kin ang Mama at Papa n'ya.

Sinundan namin si Eris at si Ivann.

Tumigil din ang mga bisita sa kanilang ginagawa at parang may pinagkukumpulan sa gitna ng salas.

Lumapit sa'kin si Maddy at mukha rin itong balisa.

Nakita ko naman agad si Eris na nakatalikod habang katabi si Ivann.

Kaagad akong humawak sa braso n'ya at tumingin kung saan nakapukol ang kunot niyang kilay pati na rin ang matalim na tingin.

Gano'n na lamang ang pagbabago ng reaksyon ko nang makita kung sino ang tinitignan ng lahat.

"Good evening, ladies, gentlemen, friends, Tita, Tito..." she titled her head on us, "Good evening, lovers." Her lips curved into a smile after walking towards us.

Pinigilan s'ya ni Ivann bago pa tuluyang makalapit sa'min ni Eris.

"Huwag ka ng manggulo, Xy." Rinig naming bulong ni Ivann dito.

Humalakhak naman si Xyzhie at inalis ang kamay ni Ivann sa kan'ya.

"Don't worry, hindi naman ako manggugulo..." She said and turn her look on Eris father who's beside me.

Muli n'yang ipinagpatuloy ang paglalakad at tumigil lang s'ya nang makalapit ito ng isang dipa sa'min.

"Aalis din ako pagkatapos." She continued.

Naramdaman ko ang paglandas ng kamay ni Eris sa kamay ko at pagdaupin ito matapos na may kuhanin si Xyzhie sa kan'yang bag.

Nakita namin ang inilabas nitong maliit na kulay pulang kahon at may gold ribbon na nakatali.

Dahan dahan muli s'yang lumapit kay Eris.

Nakangiti itong nakatingin kay Eris samantalang kunot noo lang ang binibigay nitong reaksyon.

Xyzhie handed him the box.

Napatingin pa ako r'on at masama ko s'yang tinignan.

"Grab it. Hindi naman kas'ya d'yan ang bomba. Don't be ridiculous, Eris..." Sambit ni Xyzhie nang hindi tanggapin ni Eris ang binibigay.

Matapos ang ilang minuto, walang ingat na kinuha ni Eris ang box at nakipagtitigan muna ito kay Xyzhie bago buksan ang kahon.

Ewan ko pero bigla akong kinabahan sa mga nangyayari. This shit always giving me anxious and breathe taking experience.

Nang mabuksan ni Eris ang kahon, mas lalong lumawak ang ngiti ni Xyzhie sa mga labi. Binalik ko naman ang tingin ko kay Eris at pinanlakihan ako ng mata nang makita kung ano ang laman noon.

It was a pregnancy test and Xyzhie started to rub her tummy while looking at Eris.

"Happy Father's Day, Eris..." She said with a wider smile.

Continue Reading

You'll Also Like

106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
1.5M 51.7K 39
Nananahimik ang mundo nya, ngunit dahil sa patimpalak na yun ay nabago ang ikot nito. Sino nga bang maniniwala na ang isang totomboy-tomboy na babae...
3.4M 8K 6
✅ COMPLETED ✅ Nagpakasal ang isang fangirl na si Martha sa kaniyang iniidolo dahil sa kasunduan ng mga Lolo nila. Pabor na pabor kay Martha iyon dahi...
6.2K 791 125
MERAKI TRILOGY 2 | Completed An epistolary... Are you familiar with RPW? In other words, pekeng mundo. Have you ever been into this world? If not...