18

35.6K 1.4K 849
                                    

Demrene's Point of View


“Kanina ka pa ba d'yan?” Tanong ng Mama ni Eris sa'kin.

Umiling naman ako at ngumiti, “Hindi po. Kararating ko lang po.”

“Ah ganon ba. Let's go inside and eat with us.” Alok nito.

Sasagot na sana ako ngunit inunahan ako ni Eris.

“Uuwi na s'ya, Ma.”

Kinunutan ko naman ng noo si Eris at seryoso lang itong nakatingin sa'kin.

“Totoo ba 'yon, Demrene? Kumain ka muna kaya rito. Marami namang pagkain.” Patuloy na pangungumbinsi nito.

“Ah... opo Tita. Uuwi na po ako. May dinaanan lang po kasi ako kaya naisipan kong pumunta rito.” Pagsisinungaling ko.

Alam kong ayaw lang akong makita ni Eris, irerespeto ko yon ngayon dahil baka magalit nanaman s'ya sakin.

“Edi kung gan'on, Eris ihatid mo muna si Demrene sa sakayan.” huwestyon nito at hinawakan sa braso ang anak.

Hindi naman sumagot si Eris at sa halip ay tinalikuran n'ya kami.

“Eris!” Bakas sa boses ni Tita ang pagkadismaya. “Eris, bumalik ka rito.”

“Tita, ayos lang po. Kaya ko naman pong bumyahe mag-isa.” Nahihiya kong sambit.

“Sigurado ka? Pagpasensyahan mo na si Eris, he's sometimes childish.”

“Opo, tita. Ayos lang po. Sige po, una na ako.”

Pagkatapos kong magpaalam dito, bumaba na ako sa lounge area ng building at dumiretso sa sakayan.

Nakasakay naman agad ako matapos ang kalahating oras.

Habang nakasakay sa bandang gitna ng supreme, napansin ko ang kamay kong nakapatong sa'king hita.

Inangat ko ito at tinitigan. Medyo namamaga at namumula ito dahil sa pagkakaipit kanina.

Ayos na rin 'yon. At least nakita ko ulit s'ya.

Napangiti ako at tumingin sa labas ng bintana.

Pinapanuod ko ang magandang tanawin mula sa labas. Ang mga nagkikislapang light post, ilaw sa buildings, sa malalaking billboard pati na rin sa mga sasakyan.

NANG makarating ako sa bahay, nagpalit lang ako ng damit at matutulog na sana nang marinig kong magvibrate ang cellphone.

Inabot ko 'yon sa ibabaw ng side table at nakitang may text message galing kay Ivann.

How's it going?”

Humiga muna ako bago nagtipa ng message.

“Ayos naman. Nakita ko na s'ya buo na ulit yung isang linggo ko! Haha.”

Biro ko sa kan'ya.

Mabilis naman itong nakareply.

That's good. Sana all!”

“Salamat ulit ah. Matutulog na ko.”

Pagkasend ko noon, hindi na ito nagreply kaya naman natulog na ako.

Wala naman na akong gagawin, hindi ko na mai-stalk si Eris kasi deactivated yung account n'ya.

FRIDAY na at huling araw na ulit na may pasok.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong tinamad pumasok nitong mga nakaraang araw simula noong hindi pumasok si Eris.

Panay pa rin ang balik ko sa room nina Eris pero wala pa rin s'ya.

Seducing My Crush [Alluring Series #1] - Completed [TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon