34

36.2K 1.9K 1.1K
                                    




Toyed?




Gumaan ang pagkakahawak ni Matt sa braso ko nang sabihin 'yon ni Eris.

Halos hindi rin ako makapaniwala sa sinabi nito.

I took yet another gulp of oxygen and looked at Eris. His face was dead serious and continued to stare at Matt with a total lack of remorse.

"Are you serious about her?" Matt asked, masama pa rin ang pinupukol n'yang tingin kay Eris.

"Yeah." Mabilis nitong sagot.

Matt brows lifted and his chuckle was deep and warm. Parang isang kalokohan sa kan'ya ang sinagot ni Eris.

Nagulat ako nang bigla n'yang bitawan ang braso ko at kuwelyuhan si Eris.

Kumawala agad ako sa pagkakahawak ni Eris at inawat ang dalawa.

Eris just looking at him without reaction kahit na nagugusot ni Matt ang damit nito.

"Matt, tama na!" Sigaw ko rito ngunit parang hindi n'ya ako narinig.

Matagal nagtitigan ang dalawa. Matt is really mad on Eris!

"Subukan mo lang paglaruan si Dem, babasagin ko 'yang mukha mo." Ilang sandali pa ay nagsalita rin si Matt.

Hindi naman sumagot si Eris nang bitiwan s'ya nito.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko nang ibaling sa'kin ni Matt ang tingin bago n'ya muling sulyapan si Eris at umalis. Dala pa rin nito ang gamit ko kahit na ganoon.

Napabuntong hininga ako habang pinapanood s'yang lumakad palayo. Maddy is also following him. Nag-aalala ang mukha n'ya kanina bago ako talikuran pero nginitian ko ito upang sabihin na ayos lang.

Eris grabbed my wrist and we're now heading to his car.

Wala si Ivann nang paandarin n'ya ang sasakyan at s'ya na ngayon ang nagmamaneho.

The car was filled with serene and silence. Eris was busy driving his car, samantalang ako naman ay pabalik balik ang tingin sa mukha n'ya pati na rin sa kan'yang paa.

Tumikhim ako at humarap dito.

"Ayos na ba paa mo?" I asked.

"Yeah." He didn't look at me and he just shook his head.

"Sigurado ka?"

"Don't worry."

Tumango na lang naman ako sa huling sagot nito. Mukha namang ayos nga lang s'ya dahil smooth at parang hindi ito nasasaktan.

Binalik ko naman na ang tingin sa daan at inayos ang pagkakaupo.

Ilang sandali pa, naramdaman ko ang pagsulyap ni Eris sa tabi ko.

Nilingunan ko s'ya at mabilis naman nitong iniiwas ang tingin.

I'm about to ask what's the matter when he start to talk.

"I'm serious," he sounded subdued, eyes on the road and after a second, nilingunan n'ya ako. "Liligawan kita." He continued.

Hindi ko naman alam ang gagawin ko. Kinagat ko na ang loob ng pisngi ko ngunit hindi nakatakas ang traydor kong mga ngiti.

"Wait lang!" Sigaw ko sa kan'ya habang pigil pa rin ang tawa.

Kunot noo naman n'ya akong sinulyapan habang pinipihit ang manibela ng sasakyan.

"Why are you laughing?" Eris asked.

Hindi ko na napigilan at tumawa na ako nang malakas.

"Kinikilig kasi ako! Teka lang ha, pag-iisipan ko kung papayag ako o hindi." I explained. Nagkunwari pa akong napahawak sa noo at nag-isip.

Seducing My Crush [Alluring Series #1] - Completed [TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon