14

37.6K 1.5K 1.4K
                                    


Demrene's Point of View


"Paano ka nasugatan e naka-jeans ka?!"

Sigaw ni Maddy habang nakatingin sa namumula kong binti. Naka-uniform kasi kami ngayon kaya no choice, nakita n'ya agad yung sugat ko.

"Tanga kasi yung hagdan sa supreme!" Saad ko habang binubuklat ang page ng libro na hindi ko binabasa.

Kasalukuyan kaming nasa Quad ngayon para magpahangin. Nakaupo sa bermuda grass habang may mga naglalaro pa ring soccer players. Vacant time pa naman kaya okay lang na tumambay.

"Baka ikaw yung tanga!" Inirapan n'ya ako. "Anong nangyari kagabi nung hinatid ka nina Eris? Ipapasundo na sana kita kay Kuya kasi sabi ni Tita hindi ka pa raw umuuwi!"

Nawala ang simangot sa mukha ko nang maalala yung kagabi. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kan'ya dahil pagkahatid sa'kin nina Eris, nakatulog agad ako. Hindi na ako nakapagbanlaw n'on pero nagawa ko pang magpalit ng damit.

Kaya siguro parang sisipunin ako ngayon! Tsk.

Umayos ako ng upo at lumapit kay Maddy. Hindi ko mapigilan ang ngiti sa mga labi ko.

"Alam mo, gi-give up na sana ako nung mga oras na 'yon kasi hinayaan ako ni Eris, pero bumalik s'ya kaya ayon, marupok na ulit ako!" Sagot ko.

"Crazy, wala namang bago! You're still the woman who's deds na deds kay pareng Eris!" Tumigil siya at pinakita sa'kin ang kamay. "Puputulin ko finger ko once na mangyari 'yan."

Tinaasan ko s'ya ng kilay. "Sige ha. Deal ako d'yan!" Tumatawa kong saad.

"Hoy, baka mamaya ipilit mong mawala yung feelings mo kay Eris para maputol fingers ko ha!"

Pinanliitan ko s'ya ng tingin pagkatapos ay bumuntong-hininga ako, "Gaga, hindi... I also don't know kung makakabangon pa ba ako mula sa pagkakalunod."

Marahan naman n'yang tinapik ang braso ko. "Tama na kasi." She smiled.

"Ano ka ba?" Pineke ko ang tawa ko sa harap n'ya. "Ayoko nga. Alam mo namang since grade school, si Eris na laman nito."

Tumango s'ya, "Yes, I know, pero noong grade school lang din may pakealam sa'yo si Eris, but now that we're College, he had a girlfriend na, Dem."

Hindi ako nagsalita.

"I was just worried about you." Tinignan n'ya ko na parang naaawa na talaga s'ya sa'kin.

Bumuntong-hininga ito at kumurap. "Try to remove him from your heart. He's not man enough to care for it." Dugtong n'ya pagkatapos ay ngumiti.

Ngumiti ako pabalik, "Mads, 'di ko talaga kaya. I can't seem to get my heart over him. Alam mo naman 'di ba?" Tumungo ako, "The reason why I can't let go of him is because I'm still hoping. Ayokong mapagod yung puso ko kakahintay kay Eris kasi baka kapag s'ya na 'yung naghabol, hindi ko na s'ya mahal."

"Then that's great! Makakalaya ka na d'yan sa katangahan mo."

Umiling ako, "Nope. Kaya ko pa. Kaya pa nito." Itinuro ko ang puso ko pagkatapos ay tumawa. "Halos sampung taon na akong naghihintay kay Eris o."

Inirapan naman n'ya ako pagkatapos ay tumayo sa pagkakaupo. "Ewan ko sa'yo. I'm tired giving you advice but not being your buddy. Tara na nga, Intramurals na bukas. Wala pa tayong naiaambag sa mga kaklase natin."

Tumayo rin ako at sumunod sa kan'ya.

"Do you want to join in cheer dance?" Nilingon ko si Maddy nang tanungin n'ya 'yon.

Seducing My Crush [Alluring Series #1] - Completed [TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon