42

40.9K 1.3K 1.2K
                                    


Final Game


Nang mabasa ko ang huling text galing sa Unknown Number na 'yon, hindi na muli akong nagreply.

Mas inuna kong tawagan ang number ni Matt ngunit hindi n'ya ito nasagot agad.

Hindi ko alam ang gagawin ko at ramdam ko na rin ang pagiging balisa ko. Kinakabahan ako.

I don't know if the texter is a guy or a girl. Alam kong hindi dapat ako maniwala sa mga ganito but I'm desperated to know the truth.

Nabalik ang tingin ko sa cellphone nang maramdaman kong magvibrate ito.

The text message came from Matt.

From: Matt

"Sorry, may tinapos lang. What's up? Bakit ka napatawag? May problema ba?"

Sunod sunod na tanong ni Matt. Kaagad ko namang tinawagan ang numero n'ya, nasagot din naman nito ng wala pang tatlong segundo.

"Matt, I need you." Sambit ko.

"Where are you?"

"Magkita tayo sa Avenida Soriano Street..."

"Okay, wait for me."

Pagkasabi ni Matt noon, pinatay ko na ang tawag at pumara ng taxi.

Nagpaalam na rin ako kay Mama na kasama ko si Matt ngayong gabi.

Pumayag naman s'ya dahil si Matt naman daw ang kasama ko. Mag-iingat na lang daw kami.

Nang makarating ako sa Avenida S. Street, natanaw ko agad ang humaharurot na sasakyan ni Matt. Tumigil ito sa tapat ko at kaagad naman akong sumakay.

"Thank you Mat--"

"You should have told me, too!"

Hindi ko naituloy ang sasabihin nang magsalita si Maddy sa likod ko. Kunot noo akong nakatingin sa kan'ya.

"Why are you here?" Tumingin ako kay Matt bago ibaling ang tingin kay Maddy.

Inirapan ako ni Maddy bago pinagkrus ang dalawang braso, "Of course! Baka kaibigan mo 'ko?!"

"She heard what we're talking, nagpumilit s'yang sumama." Matt informed.

Napabuntong hininga naman ako at isinandal ang likod sa back rest.

Kaya nga hindi ko na tinawagan si Maddy para hindi na s'ya madamay dito kung may masama mang mangyayari. I also need back up kaya ko tinawagan si Matt. I need someone who can protect me.

"Where we going? Saan tayo pupunta ng ganitong oras?" Tanong ni Matt.

We're still at the side of the road.

Tumingin ako sa kan'ya at pinakatitigan n'ya rin naman ako.

"Are you familiar with 755 Prodencio Street?"

Bahagyang nanlaki ang mata ni Matt nang marinig ang lugar na sinabi ko.

"What are we going to do there? Sinong imi-meet mo?" Rinig kong tanong ni Maddy sa likod pero hindi ko s'ya pinansin.

Mas nakatuon ang atensyon ko kay Matt. I'm not familiar with the place and that's also the reason why I need him tonight.

Ilang sandali pa, inistart ni Matt ang kotse at diretso akong tinignan.

"Had no idea with the place but now I know why I didn't uninstall google maps on my phone."

Pagkasabi noon ni Matt, nahampas s'ya ni Maddy sa balikat.

Seducing My Crush [Alluring Series #1] - Completed [TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon