05

44.6K 1.8K 1.8K
                                    



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Demrene's Point of View

Naramdaman ko na lang na gumalaw ang kamay ko kaya kaagad akong nagmulat ng mata. Dahan-dahan kong inilibot ang aking paningin at maliwanag na sinag ng araw ang sumalubong sa'kin galing sa bintana.

Pinakiramdaman ko ang paligid pati ang sarili ko. Nakahiga ako sa malambot na kama at napalitan ang aking suot na yuniporme. Nakasuot ako ngayon ng makapal na long sleeve na damit at makapal na pajama.

"Siraulo ka talaga, Demrene San Mateo! Do you really wanna die, huh?" Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa putting kwarto nang magbukas ang pintuan sa aking tabihan.

Ang madaldal na parang puwit ng manok ang dali-daling lumapit sa'kin at balak pa ata akong hampasin ngunit kaagad akong bumangon pagkatapos ay humugot ng lakas para salagin iyon.

"Aww. Ano bang sinasabi mo?" Kunot-noong tanong ko rito.

"Nagka-amnesia ka agad pagkatapos n'yong ikulong ang sarili sa freezer? Ganyan ka na ba kahibang para—" Napatigil si Maddy sa pagsasalita. "Wait? Are you crying?"

Hindi ko alam kung bakit biglang lumabas ang luha sa aking mata. Bigla ko na lang kasing naalala 'yung sinabi ni Eris kanina. Sobrang sakit para sa'kin. Alam kong hindi naman dapat ganito kasakit kasi hindi naman kami. Hindi ko naman s'ya boyfriend at mas lalong wala kaming lebel para masaktan ako ng ganito.

Tumingin ako kay Maddy at kitang-kita ko sa mata n'ya ang pagkalito. So I hug her. Naupo siya sa kama sa aking tabi and she hugged me back. Umiyak ako sa balikat niya. Then she's tapping my back and comforts me.

"Ano bang nangyare ro'n sa loob? We just found you carrying by Eris and unconcious. I know there's something happened between you and Eris? What is it? Isinuko mo na ba ang bataan? Oh my g—"

Kaagad ko namang hinampas si Maddy dahil sumusobra na ang lumalabas sa bibig n'ya. Masyado ng malayo ang mga iyon sa katotohanan.

"Ano bang sinasabi mo? Hindi 'yon." Naiinis na pinunasan ko ang aking pisngi pagkatapos ay isinipit ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tainga. "Nasaktan lang ako sa sinabi ni Eris kanina..."

I saw her rolled her eyes. "Para namang hindi na 'yan bago sa'yo? Halos araw araw ka na nga n'yang sinasaktan, eh!" Sigaw nito, nakataas pa ang isang kilay.

"Hindi. Iba 'yong kanina." Umiiling kong saad.

"What happened ba?"

Bumuntong-hininga ako at isinandal ang likuran sa head board ng kama. "Ilang beses n'ya pinamukha sa'kin na mahal n'yataga si Xyzhie at sinabi n'ya na... hindi ko deserve ang lalaking katulad n'ya."

"Exactly!" Sigaw ni Maddy kasabay ng isang palakpak. "Eris is right. Hindi mo s'ya deserve kasi hindi ka n'ya gusto! Mahirap kayang magmahal ng taong hindi ka naman mahal. Hubarin mo man lahat ng damit mo sa harapan n'ya, hindi ka pa rin n'ya magugustuhan. Plus, even if you're the most pretty girl in the whole universe, kung hindi ka naman n'ya gusto, hindi ka talaga n'yan mapapansin at mas lalong hindi ka n'ya mamahalin. That's the fact kaya tigilan mo na 'yang katangahan mo."

Seducing My Crush [Alluring Series #1] - Completed [TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon