07.

38.6K 1.7K 1.6K
                                    


Demrene's Point of View


Kasalukuyan pa rin kaming nakatayo sa harap nina Eris at Xyzhie. Dumating na rin sina Ivann, Jace at Zachary. Tumabi ang mga ito sa tabi nina Eris at pinakatitigan ang lalaking nakaakbay ngayon sa akin.

"Hey, Ms. San Mateo? Who's the guy beside you? Kuya mo?" Tumatawang tanong ni Ivann habang may hawak ng inorder na kape.

Napalunok lamang ako at tumingin kay Matt. Ano ba kasing ginagawa niya rito?

Halos lahat na rin ng tao rito sa coffee shop ay nasa amin na ang atensyon.

"Ah, no..." Si Matt na ang sumagot. Napatingin naman ang mga ito sa kanya. "I'm not her brother but," Matt's take a look at me. "She's my baby."

Napatingin naman ako kay Eris at wala pa rin itong reaksyon. He's still wearing those serious look and a closed lips. Samantalang kita naman kay Xyzhie ang kunot na noo nito habang nakatingin sakin.

"Ah, yeah right." Napatingin kami sa pumalakpak na si Ivann. "You're her father. Bakit naman ganon? You look young."

"Vann." Si Jace naman ang nagsalita at inawat si Ivann sa pagsasalita.

"What?" Ivann said.

"STFU, man." Tinapik ni Jace si Ivann.

Mas inilapit naman ako ni Matt sa kaniya kaya napausod ako at gumalaw. 

"No. It's fine." He said and smile. "Uh, may I excuse my baby?"

Siningkitan ko naman si Matt dahil sa sinabi nya. Baby sya ng baby, ah!

"Yes, of course. Why not?" Sagot ni Jace.

Lumipat naman ang pagkakahawak ni Matt sa akin. He holds my hand, tighter.

Pagkahawak niya sa aking kamay ay hinila niya ako upang umalis sa harap nila.

"Ano bang ginagawa mo?" Bulong na tanong ko kay Matt.

Hindi pa kami nakakalayo ay tumigil kami sa paglalakad.

"Wait, may nakalimutan akong sabihin." Matt said with a loud voice.

Pagkasabi niya noon ay muli siyang humarap kina Eris.

"Eris, right?" Matt confronts Eris.

Napapisil naman ako sa kamay ni Matt na nakahawak sakin at tinignan ito.

Eris did not answered. Nakatingin lang ito ng diretso kay Matt.

I saw a teasing smirk from Matt's face na ngayon ko lamang nakita.

"Don't you dare touch my baby again. It's a threat." He smiled again as if he can beat Eris and his friends in just a blink of an eye.

Muli niya akong hinila papalabas ng Cafe. I don't know where we are going. Nagpapadala lamang ako sa paghila n'ya and when I finally get back myself, ako na mismo ang humigit sa kanya upang tumigil sa paglalakad.

"Ano bang ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya.

Kasalukuyan kaming nakatayo ngayon sa malawak na baseball field ng University. 

Inabot niya muna sa akin ang aking bag pagkatapos hinarangan ang sinag ng araw na tumatama sa mata at balat ko.

He's standing in front of me at sakop na sakop ng katawan niya ang sinag na tumatama sakin kanina. Nakatingala ako sa kaniya ngayon at kunot na kunot ang noo.

"Hindi pa ba obvious? Hindi pa ba halata sa suot ko?" He said sarcastically with his deep voice.

I creased my brow. "Malay ko ba kung way mo lang yan para makapasok dito?" Sigaw ko sa kanya.

Seducing My Crush [Alluring Series #1] - Completed [TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon