01

100K 2.6K 2.8K
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Demrene

"Maddy!" Niyugyog ko ang braso ni Maddy habang nakapatong ang ulo nya sa ibabaw ng table.

"Hmm?" Sambit nito, hindi ko pa rin itinitigil ang pagyugyog.

"Pumasok ba si Eris?" Tanong ko. Na-late kasi ako ng pasok. Hindi ko na s'ya nakita kanina!

Hinawi nito ang kamay ko at ibinaling ang ulo sa kabila. "Hindi ko alam!" Inis nitong sagot.

Tumaas ang gilid ng labi ko dahil sa kamalditahan n'ya. "K! Silipin ko lang s'ya sa room nila. Dito ka lang. Text mo 'ko kapag na'ndyan na si Prof!"

Akmang tatayo na ako ngunit mabilis n'yang nahagilap ang aking braso.

"Oh, ano na naman?" Tanong ko rito

Hindi agad s'ya sumagot at tumunghay muna sa pagkakayuko. "Pupunta ka na naman sa room nina Eris, alam mong na'ndon ang girlfriend n'ya tapos pupunta ka?" Mabilis n'yang iniling ang ulo. "Dem 'wag na. Dito ka na lang. Maupo ka r'yan!"

Napairap ako nang mas humigpit ang hawak n'ya sa 'kin.

"Maddy, sisilip lang ako! Gusto ko lang makita si Eris, may masama ba r'on? Tsaka, hindi pa ngayon ang oras para matakot si Xyzhie..." tumigil ako sa pagsasalita at bumulong. "Tsaka na s'ya matakot kapag inagaw ko na sa kan'ya si Eris."

"Narinig ko 'yon!" Tumaas ang boses nito at itinuro pa ako. She also lift her brows.

Napangisi naman ako. "Oh talaga? Edi magaling!" Tumawa ako at inalis ang kamay n'ya mula sa 'kin bago s'ya tapikin sa balikat. "Sisilipin ko lang si Eris. Hindi mabubuo ang araw ko kapag hindi ko s'ya nakikita. Kailangang diligan ang mga mata ko ng pagmumukha n'ya."

Agad na nagusot ang mukha ni Maddy sa sinabi ko. Palagi naman s'yang ganiyan. Cringe raw porket may crush ako tapos s'ya ay wala!

"Hay nako Demrene San Mateo'ng saksakan ng harot! Bahala ka nga! Ang kulit mo! Sinasabi ko sa 'yo, hindi kita tutulungan kapag pina-Tulfo ka niyang si Xyzhie!" Pahabol na sigaw nya sakin bago ako tuluyang iluwa ng pintuan.

Hindi ko na pinansin ang sinabi n'ya at sa halip ay hinawi ko pa ang buhok ko habang naglalakad sa corridor.

Tulfo-Tulfo...Brother ko kaya 'yon.

Bahagyang malayo mula sa room namin ang room nina Eris. Madami pa akong madadaanan na classroom bago marating ang kanila. Madadaanan ko rin pala ang Cafeteria dahil ilang lakad lang ito sa classroom nila. Naisipan kong bumili ng malimit na binibili ni Eris dito.

Baka hindi s'ya nag-breakfast. Kawawa naman 'yung future Daddy ng mga anak ko.

Seducing My Crush [Alluring Series #1] - Completed [TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon