Seducing My Crush [Alluring S...

By maentblack

1.9M 79.3K 49.1K

Alluring Series #1 Eris Julian Monterico Started: March 30, 2020 Finished: June 30, 2020 All rights reserved... More

Seducing My Crush
01
02
03
04.
05
06.
07.
08.
09.
10
11.
12.
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
39
40
41
42
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

38

37.1K 1.7K 1.3K
By maentblack



It's Over



Nandito pa rin yung kaba matapos kong tignan ang buong feed ng Instagram ni Xyzhie. Even her story, hindi rin nakatakas sa'kin.

Pero kahit doon sa story n'ya ay wala rin si Eris.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi at ini-screenshot ang picture ni Xyzhie together with Jace and Ivann.

Nanginginig ang kamay ko pero tinatagan ko ang loob ko at clinick ang chat head n'ya. He's online and I also received a good morning text from him.

I send the photo without second thoughts.

"Hindi mo naman sinabi sa'kin na kasama n'yo pala si Xyzhie sa pag-iinom."

Kasabay noon ang pagdeliver ng photo at ng chat ko sa kan'ya. Kaagad naman n'ya itong na-seen at typing na s'ya ngayon.

"Dem, I'm not with her."

Napangisi ako at tumingin sa itaas. Hindi ko alam kung paano ko s'ya paniniwalaan ngayon.

Nagdududa nga rin ako kung umuwi ba talaga s'ya ng 9:38 PM o sinabihan n'ya lang ako para hindi ako mag-isip ng kung ano ano.

"Let me explain. Kung iniisip mong nakasama ko s'ya sa inuman, mali ka ng iniisip."

Muling nagchat si Eris nang hindi ko s'ya replyan sa una nitong message.

Sineen ko lang naman ulit yung current chat n'ya at malalim na bumuntong hininga.

"Hey, talk to me. Please? Huwag mo 'kong i-seen." He added.

Naibaba ko ang cellphone nang sumagi sa isip ko yung sinabi ni Xyzhie noong nakaraan.

'Huwag kang mas'yadong magpapadala sa mga ikinikilos ni Eris... no one knows if he's just playing around with you.'

Napahawak ako sa dibdib at lumanghap ng hangin.

Naramdaman ko ang paninikip nito kaya mabilis akong bumangon sa higaan at iniwang bukas ang cellphone sa kama.

Hinugot ko ang bath towel na nakasabit sa pinto at kaagad na pumasok sa shower room.

Hinubad ko ang suot kong mga damit at pinihit ang shower. Napapikit ako habang tumutulo sa buong katawan ko ang maligamgam na tubig dahil kung hindi ako pipikit, kasabay ng tubig sa pagpatak ang mga luha ko...

Nalilito na ako, hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko.

Hindi ko nakita si Eris sa picture pero yung oras... nand'on pa si Eris sa mga oras na 'yon at d'on ako nasasaktan.

Pa'no kung nagsisinungaling lang talaga s'ya sa'kin?

Pa'no kung hindi pala s'ya seryoso sa mga pinakaramdam n'ya?

Pa'no kung laro lang talaga ako para sa kan'ya?

Napamura ako nang maisip ang mga 'yon. Hindi ko na rin napigilan ang sarili sa pag-iyak.

Triple ang sakit na nararamdaman ko kung totoo man 'yon.

Hindi ko na alam ang gagawin ko pero gusto kong paniwalaan si Eris.

Ilang minuto ang itinagal ko sa loob ng shower room bago ko pag-isipang umahon na.

Nagbihis na ako at inalis na rin ang towel na nakalagay sa buhok.

Hindi na ako nagsuklay at inipit na 'yon ng pa-bun.

Kinuha ko naman ang cellphone sa ibabaw ng kama at nakita kong sunod sunod pa rin ang chat ni Eris sa'kin.

I got 21 text messages also and 2 missed calls.

Hindi ko alam kung bakit inignore ko lang 'yon at mas piniling pindutin ang chat head ni Maddy.

"Puntahan mo ko rito sa condo. ASAP Maddy, I need you."

Pagkasend ko n'on. Muli kong ipinatong sa kama ang cellphone. Pinatay ko rin ang Wi-Fi bago bumaba ng kwarto.

Nang makarating sa salas, binuksan ko ang ilaw sa buong silid dahil wala si Mama.

Office time n'ya ngayon at mamaya pang 7 PM ang balik n'ya.

Nagtungo ako sa kusina upang tignan kung ano ang nilutong ulam. May pritong itlog at ham doon.

Kumuha lang ako ng mangkok at isang pirasong ham bago ako naupo sa lamesa.

Mabilis lang akong kumain dahil pakiramdam ko, buong araw akong mawawalan ng gana sa pagkain.

Pagkatapos kong kumain at hugasan ang pinagkainan, lumakad ako papunta sa sofa at inabot ang remote.

I opened the television and find a movie while waiting for Maddy. Alas dyis na at mukhang marami ng palabas ngayon.

Ngunit nakailang beses na akong lumipat nang lumipat ng channel pero wala pa rin akong makitang magandang palabas.

Hindi ko alam kung bakit pati paglipat ng channel ay kinaiinisan ko.

Ilang sandali pa, narinig kong may kumatok sa pinto kaya naman dali dali akong nagtungo roon.

Kumatok na naman ito kaya mas binilisan ko ang lakad.

"Sandali lang!" Sigaw ko.

Tamad kong pinihit ang door knob at inis na hinarap si Maddy.

"Hindi ka ba makapaghintay at--"

Napatigil ako sa pagsasalita at pinanlakihan ng mata nang hindi si Maddy ang nakatayo sa harapan ko.

"Anong ginagawa mo rito?" Takang tanong ko sa kan'ya.

"Gulat ka?" Tumawa s'ya at kaagad na pumasok sa loob ng condo.

Inis ko naman s'yang tinignan at sinundan papunta sa sofa.

"Umalis ka na nga. Si Maddy ang pinapapunta ko, hindi ikaw!" Inis kong sigaw kay Matt nang umupo s'ya sa inuupuan ko kanina at kinuha ang remote.

Nagfeeling at home pa ito dahil itinaas ang paa sa couch.

"Hindi makakapunta 'yung kapatid ko. Isinama ni Mom sa Batanes and she asked me to be her proxy..." Paliwanag ni Matt.

Napabuntong hininga naman ako at kasalukuyan pa ring nakatayo.

"Labas." Itinuro ko pa ang pinto sa kan'ya.

Hindi naman n'ya ako pinansin, he just give me a grin and change the channel.

"Nope," he uttered and tapped the chair. "Tabihan mo ko rito."

Inis ko s'yang tinignan at naupo gaya ng sinabi n'ya.

Gumuhit ang malawak na ngiti sa mukha n'ya bago umayos ng upo.

"Share me your problem, handa akong problemahin yung problema mo. Ano ba 'yon?" He asked with a serious face and put down the remote in the glass table.

Napalunok ako at isinandal ang likod sa back rest.

Hindi ko alam kung sasabihin ko kay Matt o hindi but I want to tell what I feel right now. Kapag ginawa ko naman 'yon, alam kong iiyak ako.

"Sabihin mo na," Pagpupumilit ni Matt.

Muli akong bumuntong hininga. I balled my fist and looked at the ceiling, magsasalita na sana ako ngunit may biglang kumatok sa pinto.

Taka akong tumingin doon at nakita kong tumayo si Matt.

"Ako na," Pigil n'ya sa akmang pagtayo ko. "Umorder ako sa Food Panda ng favorite foods mo, baka dumating na. Hintayin mo ko rito tapos pag-usapan natin 'yan. I got mild liquors, too." Kinindatan pa ko nito bago tuluyang lumakad papunta sa pinto.

Unilingan ko na lamang s'ya at tumingin sa TV, Money Heist ang palabas ngunit inilipat ko sa Cartoon Network.

Ilang sandali pa, napansin kong ang tagal ni Matt doon sa pinto. Naririnig ko rin ang boses nito at mukha s'yang galit.

Inalis ko ang unan na nakapatong sa hita ko at tumayo.

Nang malapit na ako sa pinto, doon ako nagulat nang makitang hindi Food Panda delivery ang dumating kundi si Eris.

Kaagad akong nakita ni Eris at akmang lalapit ito ngunit hinarangan ni Matt ang daraanan n'ya.

Madilim ang pinukol nitong tingin kay Matt bago n'ya danggiin ang balikat nito.

Nai-statwa naman ako sa kinatatayuan ko nang tumapat s'ya sa harapan ko.

"Let's talk, please?" Eris requested, his voices was merely dejected and stunned.

Hindi naman ako nakapagsalita agad at naramdaman kong tumabi si Matt sa'kin.

Nagpamulsa ito at parang inaasar pa si Eris sa ekspresyon ng mukhang ipinapakita n'ya.

"Ayaw n'ya atang makipag-usap sa'yo, brad." Saad ni Matt matapos ang ilang minutong pananahimik namin.

"Huwag kang mangi-alam," Eris turned his gaze on Matt, tone of his voice was annoyed and fed up.

Umismid si Matt, "Sama mo makatingin, a."

Akmang lalapit si Matt kay Eris ngunit pinigilan ko ito sa paghawak sa braso n'ya. Eris looked where my hand is in Matt's arm.

"Matt," ibinaba ni Matt ang tingin sa'kin nang tawagin ko ang pangalan n'ya. "Pwede bang iwan mo muna kami?"

Bakas sa mukha ni Matt ang lungkot ngunit nakuha pa rin nitong ngumiti. Tumango s'ya ng ilang beses bago tignan si Eris. Ilang sandali pa ay lumapit ito sa kan'ya.

"I already warned you, Monterico." Dinig kong bulong ni Matt kay Eris, "Don't ever hurt Demrene in any way no matter where you are," Eris gave him a dark glanced after hearing those presage. "I can't stand to see her get hurt." Matt continued as he started to walk towards the door.

Napabuntong hininga naman ako nang tuluyan na itong lumabas ng pinto at hindi na lumingon pa.

Kami na lang ni Eris ang natitira sa loob ng condo. Tiningala ko s'ya matapos ang ilang segundo.

He break the ice of silence as he started talking.

"I know I should tell you when I saw Xyzhie on Jace's condo... I have plan to talk about this--"

"Bakit hindi mo sinabi agad? May plano ka pala?" I cut him off, rinig ko ang pagtaas ng boses ko sa buong kwarto.

"Because I want to tell you personally para paniwalaan mo ko..." He answered, bumakas sa mata nito ang lungkot at pag-aalala.

"I had no idea she's there, you can asked Ivann about this. I'm not lying. Hindi ako magsisinungaling sayo Dem so please," lumapit s'ya sa'kin at naramdaman ko ang biglang pagyakap n'ya sa katawan ko.

"Trust me." He whispered and tightened his hug.

Napapikit naman ako at napakagat sa pang-ibabang labi habang pinapakiramdaman ang yakap n'ya.

Inalis naman n'ya rin agad 'yon at tinignan ako sa mga mata.

"Totoo ba 'yan?" I asked, my voice almost crack.

"Of course." He said.

Ngumiti naman ako at niyakap s'ya. Nagulat s'ya sa ginawa ko pero hinayan n'ya rin akong gawin 'yon.

Dapat pala noong una pa lang hinayaan ko na s'yang mag-explain para hindi na ako umabot sa ganito. Lahat ng pagdududa ko kanina, unti-unting nawawala. I can also asked Ivann. He's a good friend of Eris at alam kong magsasabi s'ya sa'kin ng totoo.

He's not a friend who's tolerating his best friend on bad things.

I can also trust him aside from Maddy, Matt and Eris.

Ilang sandali pa, inalis ko rin ang pagkakayakap at tiningala ito. Ngayon ko lang nakita ang kabuuan n'ya. He's wearing a denim jacket at ang panloob nito ay puting t-shirt, black jeans and white sneakers.

Gulo pa ang buhok n'ya pero isang hawi n'ya lang ay maaayos na agad ito.

"Kumain ka na?" Tanong ko matapos ko s'yang titigan ng ilang minuto.

"Nope."

"Seryoso?" Gulat kong tanong, tinanguan naman n'ya ako.

Malapit na maglunch time pero hindi pa rin s'ya nakakakain?

Ngumuso ako at hinila s'ya papuntang sofa. Pinaupo ko s'ya r'on at akmang lalakad papunta sa aking kwarto ngunit hinawakan n'ya ako sa kamay.

"Where are you going?" He asked.

Ngumiti naman ako, "Huwag kang mag-alala, mabilis lang ako. I'm going to get my phone, o-order ako ng pagkain sa Grab."

Kinindatan ko s'ya at akmang aalisin ang kamay n'yang nakahawak sa'kin ngunit hinila n'ya ko dahilan para mapaupo sa tabi n'ya.

Ilang segundo n'ya akong tinitigan bago magsalita.

"Huwag na, ako na lang ang magluluto..." He said while staring on my eyes.

Napalunok naman ako, "Marunong ka?"

Tumango lang s'ya at binitawan ang kamay ko bago tuluyang tumayo.

Tinungo n'ya ang kusina at isinuot ang apron ni Mama na nakasabit sa ref.

He also washed his hand on the sink before grabbing the knife and chopping board.

Napangiti naman ako habang pinapanood s'ya.

Lumapit ako rito at ibinigay lahat ng makita ko sa loob ng freezer. Naglabas ako ng pork meat, vegetables and basic ingredients na ginagamit ni Mama tulad ng bawang, sibuyas, paminta at kung ano ano pa.

Inumpisahan n'ya ng gayatin ang mga gulay at tadtarin ang ilang bones of pork. Mukhang sanay na sanay s'ya rito dahil sa paraan n'ya ng paghawak ng kutsilyo habang ginagayat ng maliliit ang bawang at sibuyas.

Wala akong ideya kung anong gagawin n'yang luto pero mukhang masarap!

Napasalong baba ako habang pinapanood s'yang seryoso roon.

"Bakit hindi ka na lang kaya mag-chef?" Suhestyon ko rito habang nakangiti.

Tumunghay naman s'ya at umiling, "Hindi puwede,"

Kumunot naman ang noo ko, "Bakit naman? Ang galing mo kaya humawak ng kutsilyo tsaka mukhang may potensyal ka!"

"Tamad akong magluto."

Napaismid naman ako sa sinabi n'ya. "Gan'on ba? E pa'no kapag asawa mo na 'ko? Hindi pa naman ako marunong magluto, sisipagin ka na ba magluto para sa'kin?" I joked.

Sinulyapan n'ya ako bago ilagay ang bawang at sibuyas sa kumukulong mantika.

"I can teach you. Mahaba naman pasensya ko kung ikaw yung tuturuan kong magluto." He uttered before putting the grated onions and garlic on the pot.

Kikiligin na sana ako ngunit napagtanto ko ang sagot n'ya.

Confirmed!

Tamad talaga s'yang magluto!

"Osige na nga... mahaba rin naman ang pasensya ko kung ikaw yung magtuturo." Sagot ko rito pagkatapos ay tumawa.

Ngumisi naman s'ya at pinagpatuloy ang pagluluto.

Ilang sandali pa, muli itong nagsalita.

"Can I ask a favor?"

Ngumuso naman ako at ngumiti, "Tinatanong pa ba 'yan, syempre oo naman! Ano ba 'yon?"

Tinigil n'ya ang paggagayat sa ibang gulay at ipinatong ang dalawang palad sa ibabaw ng sink bago tumingin ng seryoso sa'kin.

Napalunok naman ako dahil dito.

"If you're looking for someone to talk to when we're having such misunderstanding," tumigil ito sa pagsasalita. "Don't asked Aldovino to come here... text Ivann instead." Mahabang sambit n'ya pagkatapos ay ibinalik ang sarili sa paggagayat.

Hindi ko naman ulit napigilan ang ngiti.

Umayos ako ng upo at sandaling itinigil ang pagngiti. "Hindi ko naman pinapunta rito si Matt. Tinext ko si Maddy pero nag-out of town sila ng Mommy n'ya kaya ayon, si Matt ang pumunta." Paliwanag ko.

"Then send him off." Mabilis nitong sagot, kalma lang ang boses n'ya pero mababakas ang iritasyon dito.

"Nagseselos ka ba kay Matt?" Pang-aasar ko.

"Sino bang hindi?"

Hindi ko alam pero napalakas ang tawa ko sa sinabi n'ya. Sinulyapan naman n'ya ako saglit at mukhang seryoso talaga ito.

"Oo na, huwag ka ng magalit!" Sambit ko.

Ang cute n'ya kapag nagseselos kaya lalo akong natatawa!

PAGKATAPOS naming kumain, si Eris na rin ang naghugas ng pinagkainan namin. Tinulungan ko na lang s'yang magpatuyo ng mga 'yon bago ko naisipang yayain s'ya sa kwarto.

Noong una ay kumunot pa ang kilay nito ngunit sinabihan ko naman s'ya na wala kaming gagawin doon! May ipapakita lang ako sa kan'ya. Hindi na rin naman s'ya nakaangal dahil hinila ko na s'ya rito.

Natapos n'ya ng ikutin ang buong kwarto ko at nakita n'ya na rin yung mga picture frames noong baby pa ako at kasalukuyan na kaming nakatigil ngayon sa wall gallery na ginawa ko.

"Wait lang!"

Tumakbo ako papunta sa bintana at tinakluban ang liwanag na nanggagaling sa bintana. I also switched off the lights.

"Charan!" Sigaw ko matapos i-turn on ang switch ng christmas light na nakasabit sa dingding.

Lumapit ako kay Eris at parehas lumiliwanag ang mata namin.

"Maganda ba?" I asked while looking at him while he's studying our whole pictures together.

"Cool..." He said.

Napangiti naman ako.

"Kulang pa 'yan! Nagpaplano pa akong gumawa ng standee mo, o kaya naman unan para nayayakap kita tuwing gabi!" Walang hiyang sambit ko.

Nilungunan naman n'ya ako at ngumiti, "Nice."

Muli n'yang ibinalik ang tingin sa mga picture at sinusundan ko lang ang baling ng ulo n'ya kung saan s'ya tumingin.

Ilang sandali pa ay umangat ang kamay nito papunta sa pinakaibabang picture naming dalawa.

'Yon yung time na nasa library kaming dalawa. Hindi pa n'ya ako pinapansin noon at nasa likod ko s'ya. Nakaw ang litratong 'yon habang nagbabasa si Eris. Ang gwapo n'ya kasi sa suot n'yang 'yon kaya nagpicture ako kasama s'ya.

Nagkunwari akong duling doon at nakadila. My hand is pointed at his cheeks kahit na malayo s'ya sa'kin pero kung makikita mo sa picture ay parang malapit lang ako sa kan'ya.

"Can I have this?" He asked after getting the picture out of the wall.

Kumunot naman ang noo ko, "Ha? Bakit 'yan?! Ang dami nating picture na maganda o, tsaka ang pangit ko d'yan!"

May mga bago at cute naman kaming picture na magkasama, tulad nung nasa Bay Area kami, sa car park, birthday ni Xyzhie at yung nasa Quad! Bakit 'yun pang duling ako ang kinuha n'ya?!

Hindi naman na sumagot si Eris sa tanong ko at inilagay na sa loob ng bulsa ng denim jacket ang polaroid frame na picture namin.

Pagkatapos noon, lumakad s'ya papunta sa maliit na balkonahe ng silid ko at tumayo malapit sa railings.

Hindi na masyadong mainit dahil palubog na ang araw. Alas singko na rin kasi at kanina pa s'yang nandito. Wala na atang balak umuwi dahil sa'kin. Hihi.

Habang pinagmamasdan namin ang mga taong dumadaan sa ibaba ng building, napatingin ako sa gilid ko nang may marinig akong pusa na meow nang meow.

Nandito na naman 'tong pusang 'to.

Akmang bubugawin ko s'ya nang tumalon ito papasok ng balkonahe namin ngunit pinigilan ako ni Eris.

"Don't." Sambit nito.

Lumapit s'ya sa pusa at nakaaro pa lang ang kamay n'ya ay mabilis s'yang sinalubong ng pusa.

Umikot ikot ang black and white color na pusa sa kamay ni Eris at parang tuwang tuwa ito habang kinakamutan s'ya.

Napailing naman ako at masamang tinignan yung pusa.

Ibang klase ring pusa 'to! Noong isang araw, inabutan ko kasi s'ya ng pagkain kaso kinalmot ako! Babawian ko na sana s'ya kaso mukhang napaamo na ni Eris!

Kahit pusa ay hinaharot din s'ya. Ihulog ko kaya yon mula rito sa third floor!

Matapos kamutan ni Eris sa ulo ang pusa, binuhat n'ya ito at ipinatong sa railings ng balkonahe. Mukha namang hindi natatakot iyong pusa dahil nakapikit pa ito habang hawak ni Eris ang balahibo.

"You like cats?" I asked.

"Yeah."

Tumaas naman ang kilay ko at napanguso. Sumandal ako sa railings malapit sa kan'ya.

"Ah ganon ba? Sayang naman! Ayoko ng pusa, gusto mo pala 'yon."

"Hindi mo naman kailangang gustuhin yung mga gusto ko, plus you're not obliged to, you matter over cats..." He lamanted, natahimik naman ako sa sinabi nito.

"Ano ka ba naman, Eris!" Tumigil ako at tumawa. "Tama na nga 'yan, kinikilig na ako mas'yado, nakakahiya, mukha na akong baliw!" Umarte akong napataklob sa mukha habang tumatawa.

"I don't mind." Tumingin ako sa kan'ya at gan'on din s'ya. "At least, sa'kin." He continued.

Hindi naman na ako nakapagsalita ulit dahil bigla itong lumapit sa'kin.

He suddenly hold my hand and looked me in the eyes.

"Sumama ka sa'kin..."

Napalunok ako sa sinabi n'ya.

"Sa'n tayo pupunta? Itatanan mo ba ko? Eris hindi pa ako handa!"

Kumunot ang noo n'ya dahil sa sinabi ko, "Huh? No. Never even thought about that." Kasabay noon ang pag-iling n'ya.

Napanguso naman ako, "Ay sayang. Pabor pa naman ako kung sakali!" Biro ko.

Umiling lang si Eris kaya napatawa ako.

"I hold your mother in reverence, Dem. Hindi ko sasayangin yung tiwala n'ya..." Sambit nito.

Napalitan ng ngiti ang tawa ko kanina habang nakatingin ako sa kan'ya.

Hindi ko inaakalang aabot talaga kami sa puntong ganito. He's so soft and romantic...

KASALUKUYAN kaming nasa Amusement Park ngayong gabi. Alas siete na at pinagpaalam ako ni Eris kay Mama, dahil wala pa si Mama, nakipagvideo call na lamang s'ya.

Kakatapos lang namin bumili ng hat pinch long ears na gumagalaw kapag hinihila yung laylayan.

Kulay black na bunny ang kan'ya samantalang white naman ang akin. Ayaw n'yang isuot 'yon noong una pero napilit ko naman s'ya.

"Sumasakay ka ng carousel?" Tanong ko kay Eris dahil katapat na namin ngayon yung rides.

Tumango naman s'ya. "Yup."

"Good! Tara kabayu-kabayuhan tayo!"

Hindi ko alam kung bakit nasamid si Eris sa sinabi ko. Natawa naman ako nang humarap s'ya sa'kin.

"What?" He asked.

"I mean, sakay tayo sa carousel! Dali!" Hinawakan ko s'ya sa kamay pagkatapos kong tumawa.

Hinintay naming matapos ang unang ikot nito bago kami pumunta sa isang stall para kumuha ng ticket.

Si Eris ang nagbayad no'n at hindi naman na ako nakatanggi.

"Ma'am, Sir, kulang na pala yung horses. Pwede po bang mamaya na lang sa inyo 'yung isa?"

Napasimangot naman ako nang marinig ang sinabi ni Kuya.

"Hala, kuya. Seryoso ba? Baka naman pwedeng magpaalis ka na lang do'n ng isang bata?" Biro ko na ikinatawa naman ni Kuya.

"It's okay. Tatayo na lang ako."

Napalingon ako kay Eris ng sabihin n'ya 'yon.

Tinaasan ko s'ya ng kilay. "Sigurado ka?"

Tumango s'ya, "Yeah."

"Osige, Sir. Tara na po."

Pagkaakyat namin sa carousel, pumwesto si Eris sa kabayo kung saan ako nakasakay.

Nakahawak ang isang kamay n'ya sa buntot ng kabayo samantalang 'yung isa naman ay nasa loob ng bulsa n'ya.

Nag-umpisa ng umandar ang carousel at tumaas baba. Si Eris naman ay chill lang doon at napapangiti s'ya minsan dahil sa pagtawa ko.

Hindi s'ya na-unbalance kahit doon lang s'ya sa buntot nakahawak. Ewan ko ba kung bakit ayaw n'ya humawak sa pole kung saan ako nakahawak. Hindi naman madumi 'yung pole e!

Ilang sandali pa, sinubukan kong bumitaw at itaas ang isang kamay sa hangin. Tawa ako nang tawa habang pabilis nang pabilis ang andar nito.

Akmang ibibitaw ko rin 'yung isang kamay ngunit muntik ko ng ikahulog 'yon dahil sakto ang pagtaas noon. Buti na lang ay nahawakan ako ni Eris sa bewang.

He cupped his hand beside my waist and saw his reaction.

Kunot ang kilay nito dahil sa hindi ko pag-iingat. Napatawa naman ako at itinuloy ang pagtaas ng dalawang kamay.

Alam kong hindi ako mahuhulog... kapit ako ni Eris at malaki ang tiwala ko sa kan'ya.

Nang matapos ang ikot ng carousel, inilahad noong lalaking staff ang kamay n'ya sa'kin para aalalayan ako ngunit mabilis na humarang si Eris at tinignan ito ng masama.

"Sorry, sir." Sambit noong staff pagkatapos ay nahihiyang umalis sa tapat namin.

Hinawakan ako ni Eris sa magkabilang bewang at tinulungang makababa ng kabayo. Nakatuon ako sa balikat n'ya at hindi mapigilan ang ngiti.

"Ang saya naman n'on! Nakakamiss maging bata!" Tumatawa kong sambit habang naglalakad kami.

"Gusto mo pa ba?" Eris asked.

Umiling naman ako, "Tama na. Ibang rides naman!"

"Saan mo gusto?"

Nagkibit balikat ako at tinignan ang paligid. "Ikaw bahala! Sasama ako sa'yo kahit saan, kahit sa kwarto pa 'yan!" Biro ko.

"Are you sure?" Napalingon ako, "I mean, sigurado ka. Sasama ka sa'kin kahit saan?"

Napangiti naman ako at dahan dahang tumango, "Kahit saan..." Ulit ko sa sinabi.

"Okay." Pagkasabi n'ya noon, hinawakan n'ya ang kamay ko at isinilid sa loob ng bulsa ng jacket.

Napangiti naman ako at sinundan s'ya sa paglakad.

HINDI ko inaasahan na dito pala ako dadalhin ni Eris. Nasa loob na kami ng Ferris Wheel at huli na nang malaman kong ito pala ang plano n'ya.

"Eris, bakit naman dito? Sana sa kwarto na lang! Baba na tayo o!" Pakiusap ko sa kan'ya habang nakakapit ng maigi sa magkabilang side ng Ferris.

Hindi pa s'ya tumabi sa'kin at mas pinili na roon sa harap ko umupo! Mas tinabihan pa n'ya yung isang lalaking kasama namin dito!

"Hindi na tayo makakababa. We're too high at the moment. Open your eyes so you could see the lights." Eris informed.

Nakakarinig pa ako ng bahagyang pagtawa sa mga salita nito.

Umiling naman ako at mas diniinan ang pagpikit. "Ayoko na talaga. Natatakot na 'ko!"

Ilang sandali pa, naramdaman kong gumalaw ang loob ng sinasakyan namin.

"Hoy Eris, wag kang gumalaw!" Halos maiyak na ako nang isigaw 'yon.

After shouting, I felt someone sit beside me and remove my hands on the steel.

"Open your eyes, Dem." He stopped so I open my eyes slowly, narinig ko na naman ang mahinang pagtawa n'ya.

Humigpit ang hawak ko sa damit n'ya pagkamulat ko. He's also looking at me.

"I'm here. Don't be afraid and do what makes you frightened until it doesn't... I'm not going to leave you. Sasamahan kitang harapin ang takot mo."

Pagkasabi n'ya noon, napalunok ako at iginala ang tingin sa ibaba ng Ferris Wheel.

"Ang ganda!" Halos mapatayo na ako nang makita ko ang mga ilaw galing sa ibaba.

Hindi pa rin naman nagbabago ang higpit ng hawak ko sa damit n'ya kahit na gandang ganda ako sa nakikita.

"We're at the peak point. Do you want to stand up?"

Ikinalingon ko ang sinabi ni Eris kaya naman muli akong nagpanic!

"Hoy, wag na! Upo na lang!"

Tumawa naman s'ya na ikinainis ko. Enjoy na enjoy s'ya sa ginagawa n'ya ha! Bwisit!

Matagal kaming naka-stuck sa pinakatuktok ng Ferris Wheel. Nakapikit na naman ako dahil pakiramdam ko mahuhulog kami.

Pota bakit kasi nauso pa itong rides na 'to?!

"Baba na tayo. 'Di ko na talaga kaya, Eris! Feeling ko kukunin na 'ko ni Lord! Nakikita ko na S'ya, Eris! He's also looking at me and smiling!" I almost exaggerating and do a sign of the cross while shouting.

Ramdam na ramdam ko na ang malamig na hanging humahampas sa balat ko kahit na balot na balot na ko ng jacket!

"He will not going to take you, just take a breath." He chuckled.

"Kanina ko pa 'yon ginagawa. Hindi effective! Baba na tayo." I yelled.

"Look at me." Rinig kong utos n'ya matapos tumawa.

Umiling naman ako, "Mamaya 'pag nasa baba na tayo."

"No. Ngayon na, look at me Dem."

Napalunok naman ako at dahan dahang binuksan ang isang mata, ngunit nang makita ko kung ano ang nasa harapan ko, hindi ko napigilang buksan din ang isang mata at lumunok.

Inabot ko ang kwintas na nasa kamay n'ya. Para namang nawala ang takot ko nang makita 'yon.

"Akala ko itinapon mo na 'to?" I asked while looking at the moon pendant I gave him.

Sobra yung iyak ko noon nung apakan n'ya 'to sa harapan ko.

Umiling s'ya at umayos ng upo. "Nope. Binalikan ko."

"Why?"

He smiled. "Because that was the first thing I received from you in my 7th birthday..." tumigil s'ya sa pagsasalita at napakagat naman ako sa labi. "I've seen how you put an effort to buy that for me. You barely eat and buy your favorite food just to save money at that age."

Nararamdaman ko na ang pangingilid ng luha ko habang sinasabi n'ya yon. Ang sarap lang sa pakiramdam na naaalala pa n'ya.

Naibalik lang kasi sa'kin itong pendant noong nasaktan ko s'ya. Pinuntahan ko s'ya noon sa dating bahay nila at nakita ko sa sahig ang pendant na 'to. Pendant na lang ang natira at wala na 'yung lace.

Sobra akong umiyak noon dahil hindi ko s'ya naabutang umalis... hindi man lang ako nakapagpaliwanag.

"And now," kinuha n'ya sa'kin ang kwintas at lumapit. "I'm going to give it to you... because you were the moon that light up the darkness in me-- the one who once filled my emptiness and the reason why I'm not afraid to love you, time after time."

Bumilis ang paghinga ko at hindi ko na nakontrol ang pagbagsak ng luha ko. Masyado akong nadala sa paraan ng pagkukwento n'ya lalo na sa kalmado nitong boses.

"So, I want to ask you, Demrene San Mateo..." I felt his both hand at the back of my neck while putting the necklace on me.

"I wonder if you'll want to give me this opportunity to be exclusively yours, and you..." tumigil s'ya pagkatapos ay tumingin sa labi ko bago ibalik ang tingin sa'king mata, "Exclusively mine."

Halos habulin ko na ang hininga dahil sa naghalong takot, kilig, saya at gulat dahil sa mga sinasabi n'ya.

Sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko ay napahawak ako sa dibdib ko bago ko s'ya tanguan ng ilang beses.

"Yes... yes, Eris." Pumatak ang luha ko at naramdaman ko ang kamay n'ya sa pinsgi ko. "Being your girl again... that's all I want."

Pagkasabi ko noon ay dahan dahan n'yang inilapit ang mukha sa'kin.

He was looking straight at me with such an inviting warmth that he wanted to kiss me. My eyes fluttered to a close as his finger pressed into my lips.

And I was falling fast, craving for his kiss as he began kissing me. I felt my hand laced at his neck as I responded with his kiss.

I don't know what is happening. Those lips pressed into mine. He was kissing me, I was really kissing him.

He stopped kissing me for a moment. Tinignan n'ya ako ng diretso sa mata. I saw how his eyes sparkles, as well as mine.

"I love you..." his voice was hoarsed and he whispered while looking at me.

I smiled at him with a hundred words behind my lips, "I love you too." I responded.

He laugh a little before he made the move to kiss me again.

The softness of his lips that became addictive and the heat rising to my face while we're kissing... nothing could have more beautiful than this moment and the world around us became meaningless.

My worries and ovethink was over and finally, I can call him... mine.

Continue Reading

You'll Also Like

348K 13.9K 32
Alluring Series #2 Ivann Remus Francisco III Started: June 02, 2020 Ended: August 04, 2020 All Rights Reserved 2020 Credits to Voltage Inc for the co...
4.5M 166K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
563K 16K 13
Sit back and relax and welcome to...Sardinas Family--este Sandejas Family👑 Sandejas Family's sabog moments, adventures. Usually consists of excerpts...
3.8K 296 23
Bisaya | Completed Started: January 4, 2022 Ended: February 25, 2022