Seducing My Crush [Alluring S...

By maentblack

1.9M 79.4K 49.1K

Alluring Series #1 Eris Julian Monterico Started: March 30, 2020 Finished: June 30, 2020 All rights reserved... More

Seducing My Crush
01
02
03
04.
05
06.
07.
08.
09.
10
11.
12.
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
37
38
39
40
41
42
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

36

38.3K 1.8K 1.5K
By maentblack


Tormenting

"Why did you do that?" Tanong ni Eris nang makarating kami sa car park.

I gasped and took some gulp bago ko s'ya harapin. "Maybe because..." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Honestly, hindi ko rin alam kung bakit ako pumayag. Nabigla lang ako sa sinabi ko. Pero, siguro para matahimik na rin ang Mommy ni Xyzhie.

"You're her ex, and it's Xyzhie's birthday. Pwede naman sigurong--"

"You surely think of it?" He looks fly off the handle but trying to stay calm in front of me.

Napatungo naman ako, "I'm sorry."

Narinig ko pa ang pagbuntong hininga nito bago muling magsalita.

"Hindi mo na dapat ginawa 'yon," he halted. "I dislike the way she talks to you as well."

Umangat ang tingin ko rito.

His face turned into worried and concerned reaction.

"You sure you want to attend?" Muli nitong tanong.

"Yes." Tanging sagot ko kasabay ng pagtango.

Hindi naman na kami pwedeng tumanggi dahil naka-oo na.

Hindi ko alam kung bakit ang tanga ko rin talaga minsan!

Hindi na nagsalita si Eris dahil sumakay na ito sa motor pagkatapos n'ya akong titigan ng ilang minuto at isuot sa'kin ang helmet na gamit ko kanina.

I put my hand around his waist at hinigpitan ang pagkakayakap.

Hindi ko naman siguro kailangang mag-alala. Kasama ko si Eris at tsaka kaya ko namang lumaban.

Kaya kong labanan si Xyzhie kung may binabalak man s'yang hindi maganda.

Mabilis din naman kaming nakarating sa condo at hindi rin ito nagtagal doon.

Pagkatapos kong maligo, naupo ako sa study table at tinawagan si Maddy.

As far as I know, bukas ng hapon gaganapin ang birthday party ni Xyzhie.

Kailangan ko ng tulong ni Maddy.

Kaagad kong kinuha ang cellphone at dinial ang kan'yang number.

Ilang minuto naman ang nakalipas bago n'ya masagot ang tawag.

"Oh?"

Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at dinaretso ko na s'ya agad.

"I badly need your help. Pupunta kami ni Eris sa birthday party ni Xyzhie..."

"What? OMG! Kelan? Tsaka wow, who invited you?"

Sunod sunod na tanong ni Maddy, mababakas din sa boses nito ang pagkagulat.

Bumuntong hininga naman ako pagkatapos ay sandaling ipinikit ang mata.

"Ganito kasi... nasa Bay Area kami ni Eris kahapon ng gabi. Tapos nung pauwi na kami, may nakasalubong kaming babae. Akala ko, tita ni Eris! Mommy pala ni Xyzhie 'yon!" I narrated.

Hindi ko naman natapos dahil nagsalita kaagad ito.

"OMG! Oh tapos? Hulaan ko minalditahan mo?!"

"Bobo, hindi!" Umirap ako kahit hindi n'ya kita. "Tapos no'n, in-invite n'ya si Eris sa birthday ng babaeng 'yon. Eto namang si ako, umo-o sa alok ng nanay ni Xyzhie."

Narinig ko pa ang malakas na pagmura ni Maddy bago nagsalita. "Alam mo ikaw, hindi ko alam kung nasa'n utak mo! Bobo ka talaga kahit kailan! Gan'yan ka na habang buhay!"

Nailayo ko naman ang telepono sa tenga dahil sa lakas ng sigaw n'ya.

"Ano ba?! Hindi mo na kailangang ipaalala sa'kin! Bruhang 'to!" Inis akong bumuntong hininga. "Basta tulungan mo ko bukas."

"My goodness, Demrene San Mateo! Buti na lang talaga hindi ako nagmana sa'yo! What time ba?"

"Tomorrow, after class." Sagot ko.

"Okay, I'm in. I got you, girl!"

Pagkatapos ng usapan namin ni Maddy ay pinatay ko rin agad ang tawag. Naggoodnight na rin naman ako kay Eris pagkatapos no'n.

---

Kasalukuyan kaming nasa Quad ngayon at kasama ko ang dalawang magkapatid. Wala naman si Eris dito dahil pinatawag s'ya ng Coach nila, bukod do'n ay wala rin silang practice ng teammates nila.

"Dem, dito ka sa'kin sumunod. Wag ka d'yan kay Alucard!" Sigaw ni Matt sa tabi ko habang naglalaro kami ng Mobile Legends.

Wala kasi akong magawa kaya nagpapasa ako sa kan'ya ng larong 'yon at na-miss kong pumatay ng mga unanong kawal na kulay pula.

Si Maddy naman ay abalang tumatawa habang may kachat sa kan'yang phone. Isa rin 'yon kung bakit ako nagpapasa ng larong 'to, e!

"Teka lang, nasa'n ka ba kasi?!" Inis kong tanong dito.

Hindi ko alam kung sa'n ako pumupunta basta nakasunod ako ro'n sa hero na kulay asul, he's also holding a huge sword-- a handsome hero, too! Ito siguro 'yung sinasabi n'yang si Alucard!

"Nasa mid!"

Natawa naman ako sa sagot n'ya. "Nasamid? As in choked?"

Nilingunan n'ya ako at inilingan, "Nah. I mean, nasa middle! Sandali nga, ako pupunta d'yan. Ba't ka kasi nasa top. Sabi ko sumunod ka lang sa'kin, e. Gusion pa naman gamit ko. 'Di mo makita galawan kong pogi." Pagmamayabang nito na ikinagusot naman ng mukha ko pagkatapos ay tumawa.

Ilang sandali pa ay nakita ko na 'yung hero n'ya. Sinundan ko 'yon at kung saan saan kami dumaan.

Tawa naman ako nang tawa sa boses ng herong gamit ko.

"I'm gonna get angry if you poke me again."

She's cute and looks like a cat. Mas'yado ring girly dahil kulay pink ang damit nito. Nana ata pangalan nito!

"Dem, alis d'yan. Tower na 'yan ng kalaban." Muling sambit ni Matt ngunit sa kan'yang telepono ito nakatingin.

"Teka, nasa'n ka kasi. Iniiwan mo naman ako, gunggong!" Natatawang halos mainis kong reklamo rito.

Kanina pa trashtalk nang trashtalk si Matt sa ibang kakampi namin pero wala akong naririnig na tinatrashtalk n'ya ko kahit napakabobo kong maglaro.

Sa halip ay tinatawanan pa ako nito.

"Matt inaattack ako gagi! Sa'n ako pupunta! Hoy dalian mo!"

Halos ilayo ko na sa sarili ko ang phone dahil may tatlong kalaban na tumitira sa'kin patalikod. Babalik na sana ako no'n kay Matt kaso naabutan ako ng mga epal na 'yon! Tawang tawa naman ako habang kung ano-ano na ang pinipindot sa screen.

"Wait, nand'yan na 'ko. 'Di na tuloy ako nakakuha ng buff." Angal nito na wala naman akong naintindihan sa sinabi.

Malay ko sa buff na 'yon.

Ilang sandali pa, nakasalubong ko ang hero n'ya at pindot naman ako nang pindot. Nilalabanan ko rin ang mga ito para may back up si Matt. Kami lang kasi ang nandito sa gitna! May sariling mundo ata 'yung tatlong kasama namin!

"An enemy has been slain."

"Double kill!"

"Triple kill!"

"Balik ka na ro'n sa base, mamamatay ka na." Saad ni Matt habang chill lang sa pagclick sa kan'yang screen, kabaliktaran naman iyon ng sa'kin.

"Mamamatay ka na rin, bugok!" I said while laughing.

Pansin ko kasing red na ang buhay nito katulad ng akin kaya hindi pa rin ako bumalik.

"Balik na, Dem." Muli nitong sambit.

"Ayoko--ay gago hinahabol ako nung kabayo!" Napapauswad ang puwit ko sa bermuda habang inilalayo ang hero sa kalaban. "Matt!" Sigaw ko sa pangalan nito para humingi ng tulong.

Natigil lang ang pagtawa ko ng malakas nang hindi ko na makitang sumusunod sa'kin yung kabayong kalahating tao!

"Shut down!"

Napatingin ako kay Matt nang makita ko sa itaas ng screen na may guhit na pula ang hero n'ya.

"Namatay ka?" Tanong ko.

"Oo."

Natawa naman ako at umiling. "Sorry naman lods. Hinabol kasi ako, babalik na sana ako no'n!" Palusot ko rito pero wala naman talaga akong balak bumalik kanina.

"Yaan mo na, computer lang naman!" Sabi nito at sabay kaming napatingin sa screen nang magsalita ang Announcer ng 'Victory!'

Tumatawa pa rin ako kahit tapos na ang laro. Si Matt ang MVP samantalang ako naman ay silver. Sabi n'ya mas mataas daw yung standing ko kesa sa kan'ya. Akala n'ya siguro maniniwala ako, gagawin pa n'ya kong bobo porket first time kong maglaro!

"Next time na lang ulit. Magstart na class namin. Next time pag marunong ka na, sa rank na kita isasama. Baka maubos lang points ko sa'yo!" Tumawa ito pagkatapos ilagay ang phone sa bulsa.

Tinaasan ko naman s'ya ng kilay at sinimangutan. "Yabang mo talaga. Matatalo kita sa susunod!"

"Game! 1 on 1 tayo next time, 'pag natalo mo 'ko, sa'yo na 'ko!"

Sinamaan ko naman s'ya ng tingin. "Hello? Excuse me, may boyfriend na 'ko." Inirapan ko s'ya pagkatapos.

Umarte naman itong nasusuka at humawak pa sa tiyan. "Lakas ng apog mo."

"Napakasama ng ugali mo!" Singhal ko pagkatapos ay binato ng lalagyan ng pringles na kaagad din n'yang nasalo. Tumawa lang ito matapos ko s'yang irapan at dilaan.

MABILIS natapos ang buong klase at kasabay ko si Eris na naglalakad papunta sa waiting shed.

Hindi n'ya raw dinala ang motor dahil mas gusto nitong sa supreme sumasakay. Biniro ko naman s'ya na baka kuripot lang at ayaw magpagasolina!

Nagpresinta pa akong ako na lang ang bibili ng gas basta doon ako uupo sa unahan n'ya. Inilingan n'ya lang naman ako bilang sagot. Patago akong tumawa noon dahil nakita ko pa ang pagpula ng tenga nito sa biro ko.

"Kumusta meeting?" Tanong ko kay Eris nang makaupo kami sa supreme.

Nasa tapat ako ng bintana, samantalang ito naman ay nandon sa tabi ng daanan.

"It's fine. We just talked about the upcoming events." Sagot nito matapos sumulyap.

Napalunok naman ako, "Makakasali ka?"

I still remembered the day he got those wounds and fractures. Nagi-guilty pa rin ako hanggang ngayon.

"Yeah, don't worry. I'm still on the list."

Kaagad naman akong napangiti at humarap sa kan'ya ng upo. "Talaga? As in leadership leader?!"

Tumango naman ito.

Hindi ko napigilan ang sarili at napasigaw ako. "Congrats! Galing naman ng asawa ko!"

Ikinakunot ng kilay ni Eris ang sinabi ko kaya natawa ako.

"Speed ba?" Tumigil ako at muling humalakhak. "Hayaan mo na, doon din ang punta natin." Kinindatan ko naman s'ya ngunit iling ang natanggap ko kahit na ngumisi ito.

Ngumuso naman ako at inalis ang tingin sa kan'ya. "Ayaw mo ba?"

Nakita ko ang pag-iling n'ya. "I didn't say anything..."

"Yun na nga, e. Parang gano'n na rin 'yon. Ayaw mo."

"Wala nga akong sinabi," napansin ko ang pagtigil n'ya at ang pag-iwas ng tingin. "But I like the endearment..." He cleared his throat after saying it, bumakas na naman ang pagpula ng tenga nito.

Hindi ko naman mapigilan ang ngiti at halos lumabas na ang ngipin ko kahit pigilan ko 'yon. Masyado n'ya kong pinapakilig sa simpleng salita n'ya!

Napakadaya naman n'ya! Hindi ko na alam kung anong sasabihing banat sa kan'ya para lang kiligin s'ya samantalang s'ya naman, konting kibot o salita n'ya lang, mamamatay na 'ko sa kilig.

Pa'no ba kasi kiligin ang isang Eris Julian Monterico?

"Hindi mo na kasi dapat ako hinatid, dapat bumaba ka na kanina. Anong oras na rin. Baka ma-late tayo sa pupuntahan natin." Sambit ko kay Eris nang makarating kami sa labas ng building ng condo namin.

Nagkunwari lang akong hindi ko nagustuhan na hinatid n'ya ko pero gustong gusto ko talagang ginagawa n'ya 'yon.

Konting pakipot lang para mabawasan ang kaharutan sa buong katawan ko.

"I don't mind if we're late." Sagot n'ya pagkatapos ay tiningala ang building. "Pumasok ka na."

Ngumiti ako, "Okay. Mag-iingat ka pag-uwi!"

"Yeah."

Tumalikod na ako ngunit palingon lingon ako sa kan'ya. "Ingat ha! Labyu!" Natatawa kong saad habang kinikindatan pa ito.

Tango lang naman ang sagot n'ya pagkatapos ay tumalikod na nang makapasok ako sa loob ng building.

Bumuntong hininga ako at ngumiti, sakay na ako ng elevator ngunit hindi pa rin mawala sa labi ko ang saya.

Ganito pala 'yung pakiramdam ng pinaghirapan. Ang sarap naman mabuhay, Lord!

Napatingin naman ako sa wrist watch ko at saktong 5:45 na. Lampas na 'ko sa oras ng usapan namin ni Maddy!

Sabi ko pa naman sa kan'ya 5:15 dapat nasa condo na 'sya!

Ilang oras na lang din at malapit ng magsimula ang birthday party ni Xyzhie.

Nang makapasok sa condo namin, naabutan ko si Maddy na nasa kusina at kinakausap si Mama. Tawa sila ng tawa habang nginunguya nito ang baked cookies.

"Oh, nandyan na pala hinahanap mo." Si Mama ang nagsalita nang makita ako.

Tumigil naman sa pagnguya si Maddy at masama akong tinignan.

"Ayos a, pinaghintay pa talaga ako ng donya!" Bulyaw nito nang makalapit ako.

"Sorry naman, inentertain ko pa kasi 'yung manliligaw ko." Ngumiti ako pagkatapos ipatong ang bag sa upuan.

Alam naman na ni Mama na nanliligaw si Eris sa'kin at pabor na pabor s'ya roon, kahit naman siguro si Papa.

"Whatever! Hindi ako naiinggit!" She said after drinking some water.

"Hindi ko tinatanong!"

"Maldita!" Hinigit n'ya ang ilang hibla ng buhok ko na ikinatawa naman ni Mama.

"Tsaka may narealize na ko 'no!" She continued.

Tinaasan ko s'ya ng kilay habang naglalagay ng tubig sa baso. Sabi naman ni Eris ayos lang na ma-late kaya lulubos lubusin ko na.

"Ano naman 'yon?" Tanong ko kay Maddy.

Tumingin pa s'ya sa kisame at ipinatong ang kamay sa sandalan ng upuan. "When we're getting older, it is better to be alone." Sinubo n'ya ang huling kagat ng cookies pagkatapos ay tinaasan ako ng kilay.

Natawa naman ako sa sinabi n'ya at kinuha na ang bag.

"Sus, wala ka lang jowa!" Pahabol kong asar dito bago tumalikod at umakyat ng hagdan.

Narinig ko pa ang pagsigaw n'ya ng pangalan ko bago sumunod sa'kin.

"What you're going to wear?" She asked when we're already on my room.

Kakatapos ko lang maghalf bath at hindi na ako naligo dahil kukulutin n'ya raw ang ibaba ng buhok ko.

"Wait, may inihanda akong dalawa. Help me what to choose." Lumakad ako papunta sa closet at kinuha ang nakasampay na red dress at white dress r'on.

Sabi kasi ni Eris na any formal clothes will do. Wala rin namang color na binigay kaya humanap na ako ng magandang damit.

Iniharap ko 'yon sa kan'ya matapos kuhanin. "Red or white?" I asked.

Sandali namang kumunot ang kilay n'ya at pinakatitigan ang dalawa kong hawak.

"Hmm," itinuro n'ya ang nasa kaliwang kamay ko matapos makapag-isip. "I'll go for the white dress. Hindi mas'yadong vulgar and as I've said, you look stunning when you're wearing light clothes."

Magkaibigan talaga kami ni Maddy. Unang choice ko rin yung white, naguluhan lang ako kagabi sa red dahil mukhang sexy ako r'on at baka maagaw ko 'yung spotlight na para dapat kay Xyzhie kapag ito ang isinuot ko.

Baka rin kasi maging aso si Eris at maglaway sa'kin!

"Okay, my thoughts exactly!" I exclaimed and turned back the dress inside the closet.

Kaagad naman akong nagpunta sa rest room at isinuot na ang pinili naming white dress na high cut bandage dress pagkatapos ay lumabas na rin ako.

Inabot ako ng ilang minuto roon kaya naabutan kong nakahiga na naman si Maddy sa kama.

Napatayo s'ya nang makita akong lumabas ng banyo.

"OMG! Where's my bestie?" Maddy was shocked and she almost cover her mouth. Umiling pa ito at napalabi. "Who are you... ampangit mo!"

Binato ko s'ya ng hinubad na damit at sinimangutan. "Alam mo ikaw, napabasher mo talaga!"

Tumawa naman ito at tumakbo papalapit sa'kin. "Just kidding! Oh my! Bagay talaga sa'yo! Konting knead na lang sa breast mo, perfect na!"

Hinampas ko naman s'ya dahil sa pasmadong bunganga. "Manang mana ka talaga sa kapatid mo!"

"Excuse me? Hindi kaya!" Angal nito.

Tumawa naman kami at tumapat na sa salamin.

Sinimulan na ni Maddy na kulutin gamit ang electric curler ang buhok ko habang mine-make up-an ko naman ang sarili.

Simple lang naman ang make up dahil hindi ako mas'yadong pala-gamit nito but I know how to used.

Add fake lashes lang, brown and light with glitters eye shadow palette, konting blush and contour, sepia brown matte lipstick and that's it!

Halos kasabay lang din na matapos ni Maddy ang pag-aayos ng buhok ko nang matapos ako sa pagme-make up.

"I need to take a picture of this. Oh my God!" Maddy start to capture my face and my hair.

Pumose naman ako ng kaunti at sinabi ko ritong tama na dahil male-late na kami.

"Itong stilettos heels ang isuot mo para kabog!" Maddy suggested while giving me the 8 inches heels.

Umiling naman ako, "Tanga, ayoko n'yan! Itong pumps ang isusuot ko!"

Huling beses ko kasing isinuot yung stilettos na 'yon ay nung nagpunta kami ni Maddy sa isang party at ayoko ng maulit 'yon dahil sobrang sakit ng paa ko matapos ko 'yong isuot. I can wear 8 inches heels but no thanks, dito na lang muna ako sa 4 inches.

"Okay fine!"

Hindi naman na s'ya kumontra pa dahil alam n'ya ang dinanas ko sa heels na 'yon.

"Oh, wait. I forgot something." Tumalikod si Maddy at may kinuha sa kan'yang shoulder bag.

Pagkatapos noon, nakita kong may hawak na itong silver leaf hair pin at pumwesto sa likod ko.

"Perfect!" She clapped her hands after putting the pin on my hair, she took a picture of it at pinahawak pa ako ng flower base!

Tumingin ako sa salamin at ngumiti. Ang ganda ko talaga!

"Thanks, Mads." Nilingunan ko s'ya at niyakap, she also hug me.

"Small thing, ano ka ba?!"

Ilang sandali pa, tinawag na ako ni Mama at parang nand'on na si Eris.

Sabay naman kaming bumaba ni Maddy at cheer ito ng cheer sa'kin.

"Anak ko ba 'yan?" Boses agad ni Mama ang bumungad samin nang makababa.

Ngumiti naman ako at umiling, "Ma, ano ka ba, ako lang 'to!"

"Feeler mo talaga!" Rinig kong bulong ni Maddy sa likod ko matapos kaming tumigil sa tapat ni Mama.

"Dumating na ba si Eris, Ma?" Tanong ko kay Mama.

Tumango naman s'ya at pinangunahan ang paglalakad papunta sa salas. "Oo, pinaupo ko muna sa salas at kanina pa s'ya rito."

Hala? Bakit hindi n'ya ko tinext o tinawagan?

"Eris, nandito na sina Dem..." tawag ni Mama kay Eris.

Nakita ko namang nakaupo si Eris at kasalukuyan itong nakaupo sa sofa. He's also busy on his phone.

Likod pa lang n'ya ang nakikita ko, ang gwapo na agad nitong tignan. Maayos rin ang buhok n'ya kahit sa likod.

'Di ko alam kung wet hair o makintab lang talaga ang buhok n'ya.

He's also wearing a maroon coat at hindi ko pa alam kung anong kulay ng pangloob n'ya. Sana white para terno kami!

Nang lumingon si Eris, kaagad akong nagulat sa kabuuan n'ya. Napalunok din ako dahil mas'yado s'yang masarap-- este eleganteng tignan sa suot n'ya ngayon!

Under his maroon coat, he's wearing a black long sleeve and the upper buttons are not closed. Maybe two buttons were opened. May pin din s'ya sa kaliwang bahagi ng coat at mas ikinagwapo n'ya ang suot n'yang accessories tulad ng necklace, his favorite rolex wrist watch and a ring on his pointer finger.

Siniko ako ni Maddy at bumulong matapos ang sandaling pananahimik ko. "Artista ata 'tong nasa harap ko, bes!"

Napalunok naman ulit ako at sinamaan ng tingin si Maddy.

"Akin 'yan, Maddy. Siraulo ka." Bulong ko rin sa kan'ya.

"Pahati," she whispered as if I didn't heard it. "Don't take it seriously! Eto naman kung makatingin! Sige na, lapitan mo na, nag-iinaso ka, e!" Itinulak ako ni Maddy papalapit kay Eris habang mahinang tumatawa.

Eris just look at me na para bang normal lang ang suot ko ngayon.

Teka parang baliktad ata? Akala ko si Eris ang maglalaway pero bakit parang ako ata?!

"H-hi!" Itinaas ko pa ang isang kamay ko matapos bumati.

Bahagya naman s'yang ngumiti at inilagay na ang cellphone sa likod ng coat.

"Shall we go?" Eris asked after giving me a little smile.

Hindi man lang ba n'ya sasabihin na ang ganda ko?! Ano ba 'yan, Eris. Sasamahan nga kita sa E.O bukas! May problema na ata 'yang mata mo! Kakabasa mo kasi 'yan ng aklat!

Tumango naman ako, "Let's go.."

Tumingin muna si Eris kay Maddy bago lingunin si Mama.

"Uh... Tita--"

Hindi naituloy ni Eris ang sasabihin nang biglang tumawa si Mama at magsalita.

"Don't call me tita," hinawakan ni Mama si Eris sa braso sandali habang patuloy ang pagtawa. "Mama na itawag mo sa'kin. Sayo na anak ko!"

Napangiting aso naman ako sa sinabi ni Mama bago ko lapitan si Eris at hawakan sa braso.

"Si Mama talaga kung ano-ano sinasabi kay Eris. Alis na kami, Ma. Male-late na kami, bye!" Sinulyapan ko si Maddy bago lumakad. "Maddy, thanks! Mag-iingat ka pag-uwi, te-text ko si Matt para sunduin ka. Mwah!" Sigaw ko pagkalabas namin ng condo.

Nang makasakay kami ni Eris sa sasakyan at umpisahan n'ya na itong paandarin, hindi ko pa rin maiwasan ang hindi lumunok ng laway.

Pakiramdam ko kasi artista ang kasama ko ngayon. Masyado n'yang ginwapuhan. Para tuloy ayoko na lang pumunta sa party at maging escort s'ya ni Xyzhie!

"Are you nervous?"

Napatingin ako kay Eris ng basagin n'ya ang katahimikan sa loob ng sasakyan.

Tumawa naman ako at umiling, "Hindi a! Bakit naman ako kakabahan? Don't worry, sanay ako sa ganito."

"Really?"

"Oo naman!" Muli akong tumango.

Actually, noon 'yon nung may oras pa kami ni Maddy sa pagtambay o pagpunta sa kahit saang lugar. Kaso simula noong naging college na kami, limit na lang mga pinupuntahan namin. Ang dami na tuloy naming na-mimissed!

"Great," saad nito.

Tumikhim naman ako at sandali s'yang binalingan ng tingin, "Pasensya na kay Mama kanina--"

"It doesn't matter and... I don't mind if I do." He cut me off, ngunit hindi man lang n'ya ko nilingunan.

Pero kahit na ganoon ay napangiti pa rin ako.

He's damn good-looking and attractive... inside and outside. So lucky to have this human beside me. Hindi ko alam kung bakit naghanap pa si Xyzhie ng tanso samantalang ginto na ang hawak n'ya.

Medyo malayo ang venue na gaganapan ng party ni Xyzhie at halos isang oras kaming nasa byahe.

Malayo pa lang din kami ay tanaw ko na ang sumasayaw na puting ilaw sa itaas ng langit. Marami ring sasakyan at exclusive ang parking lot kung saan kami tumigil.

Dapat pala ay hindi ako naniwala noong sinabi ng Mommy ni Xyzhie na 'small celebration' lang ang gagawin nila.

Salungat kasi 'yon sa mga nakikita ko ngayon.

Sobrang dami ng mga eleganteng tao at may nakikita rin akong pumapasok sa University na nandito. Karamihan sa kanila ay varsity player at mga engineering students.

Hindi pa kami nakakababa ay kinakabahan na agad ako.

Aalisin ko na sana ang seat belt ngunit nagsalita si Eris.

"Wait up," Eris uttered before getting off the car.

Nakita ko namang umikot siya sa unahan at binuksan ang pinto sa tabi ko.

Napangiti naman ako at lumabas na rin matapos kong alisin ang seat belt. Malalaglag ata 'yung panty ko, sandali lang!

Ilang sandali pa, hindi pa kami tuluyang nakakalakad nang maramdaman ko ang kamay ni Eris na maingat na sinakop ang kabilang bewang ko.

Inilapit n'ya ko sa kan'ya pagkatapos ay bumulong.

"Huwag kang aalis sa tabi ko,"

Napalunok ako nang sabihin n'ya 'yon at hindi na nakapagsalita dahil nagsimula na kaming maglakad.

We're now walking at the red carpet and I noticed those stare even I don't stare back. Hindi ko alam kung ako o si Eris ang tinitignan at pinagbubulungan nila but I feel nervous.

Sinalubong naman kami ng babaeng nakauniform at mukhang event organizer ng party matapos naming ibigay sa dalawang maskuladong lalaki ang invitation card.

Nilapitan kaagad ako ng babae at pinaghiwalay kami ni Eris. He's being assisted by a guy who's also wearing the same uniform with the girl beside me.

"Here's your table, Ms. San Mateo." Sambit ng babae.

Nagpasalamat naman ako bago ito umalis.

Nginitian ko naman ang tatlong babaeng nakaupo sa kulay gold and black na round table bago tuluyang naupo.

Maingay ang buong paligid dahil kasabay ng musika ang ingay ng mga bisita ni Xyzhie. Marami ring sumasayaw na ilaw at bahagya akong nasisilaw sa mga ito.

Sobrang laki ng venue at halos hindi ko na makita kung nasa'n si Eris. Dito rin kasi ako sa parteng dulo na medyo malapit sa gitna nakaupo at malayo sa napakalawak na stage.

Dito pa ako sa malapit sa red carpet at malapit rin sa mga gold flower standees nakapwesto.

Ngunit kahit ganoon, I still manage to smile because of the icicle lights and net lights na nakasabit sa sanga.

Napaka-engrande talaga ng set up. Mukhang mamahalin lahat.

Ilang minuto na ang nakakalipas at tinext ko na si Eris. Sinabihan ko 'to na nakaupo na ako at hanggang ngayon ay wala pa akong natatanggap na reply.

Hindi ko tuloy maiwasang kabahan.

Para maiwasan ang kaba ko, paunti-unti akong umiinom ng tubig at ng wine na katabi nito.

Sana naman magreply na s'ya.

Napatingin kami sa unahan at halos maging giraffe na ko rito para lang masilip ang nagsasalita sa stage.

"Good evening Ladies, Gentlemen, family and friends..."

Umayos na lang ako ng upo at pinakinggan ang sasabihin noong lalaking emcee na maganda ang boses sa unahan.

"Please stand up for giving the attention for our dearest, gorgeous and birthday celebrant tonight!"

Tumayo naman kami gaya ng sinabi ng speaker.

Namatay naman ang ilaw at napatingin kami sa unahan. Kasabay ng pagbukas ng malaking widescreen television na halos sakupin na ang dingding. Pinapalabas nito ang mga litrato at video ni Xyzhie noong bata pa lamang s'ya hanggang sa kasalukuyan.

Sumasayaw din naman ang iba't ibang ilaw galing sa itaas patungo sa iba't ibang direksyon ng buong paligid.

Nagsimula na ring tumugtog ang mga music artist na nasa tabi. Kompleto sila ng gamit tulad ng piano, saxophone, violin, electric guitar, drums at kung ano ano pa.

"A warm welcome to everyone and thank you so much for sharing Xyzhie's 22nd birthday with us this evening..."

Kasabay ng pagsasalita ng speaker ang pagbukas ng ilaw na katapat ng entrance at ang pagtugtog ng 'It Might Be You.' ng mga music artist.

Nagpalakpakan ang mga tao nang lumabas ang naka silver long gown na si Xyzhie kasama si Eris.

Eris was holding one red rose flower in his right hand. Samantalang si Xyzhie naman ay nakaangkla ang kamay sa kaliwang braso ni Eris. Her gown also shinning while she's walking at mas tumingkad ang glow nito dahil sa tumatamang ilaw galing sa itaas ng stage.

"Tonight is Xyzhie's night and we hope it will be a night that she remembers fondly in the years ahead..."

Her smile gives brighter than the gown she's wearing. Kung lumakad pa ito ay parang isang sanay na model kasama si Eris.

Ang buhok n'ya ay nakabun at maraming nakalagay ritong kung ano-ano na mas nakadagdag ganda sa kan'ya. Her make up also screams on sophistication. Maybe her make up artist is a famous person so that he make her look more dazzling...

"22 years we have seen Xyzhie through many milestones. We've seen her journey into adulthood. We've seen Xyzhie learning to make friends, have fun, and enjoy life— unsteadily at first but growing in confidence daily..."

Hindi ko naman maiwasang mapalunok at tumungo.

Inaamin ko... she's fascinating and fabulous this night. Hindi naman ako naiinggit don.

Pero... seeing her with Eris and people are cheering for them... it's breaking my heart into pieces.

Huminga ako ng malapit at pilit na ngumiti kahit na nangingilid na ang luha sa mga mata ko.

Nang tumunghay ako, nakita kong papalapit na sina Eris at Xyzhie sa tapat namin. Patuloy pa rin naman ako sa pagpalakpak habang nakangiti.

Eris is not looking at me. He's not also smiling but it doesn't make him ugly. Mas gumwapo pa s'ya kahit ganoon lagi ang ekspresyon ng mukha n'ya.

Muli akong bumuntong hininga ng ilang hakbang na lang ay katapat ko na s'ya.

Hindi ko alam kung bakit bumabagal at humihina ang pagpalakpak ko. Nahihirapan din ako sa paglunok... marahil ay nasasaktan ako habang nakikita silang papalapit nang papalapit.

Kinagat ko ang ibabang labi upang pigilan ang nagbabadyang luha. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.

Hindi ko alam kung bakit ako nagseselos when in the first place ako yung pumayag na maging escort s'ya ni Xyzhie.

Ang tanga tanga ko...

Ang hilig ko talagang saktan ang sarili ko...

Habang nakatingin ng diretso sa papalapit na sina Eris, nakita kong bumaling ang seryosong tingin nito sa'kin.

His face was serious at habang papalapit nang papalapit, pabilis din nang pabilis ang tibok ng puso ko.

Ngingiti na sana ako sa kan'ya ngunit nagulat ako nang biglang humiwalay si Eris kay Xyzhie at lumiko papunta sa kinatatayuan ko.

Patuloy pa rin ang pagtunog ng musika at wala akong ideya sa itsura ni Xyzhie ngayon matapos s'yang iwan ni Eris sa gitna ng red carpet.

Hindi ko alam pero mas lalo akong nanlambot nang ngumiti s'ya sa'kin.

Tumaas ang kanang kamay nito at napatingin ako sa rosas na kasalukuyang nakalahad sa'kin.

He's giving me the rose...

Napalunok ako nang marahan ko 'yong kunin sa kamay n'ya.

Ilang sandali pa, naramdaman ko ang kamay niyang gumapang sa aking bewang.

Nakita ko pa ang pagtitig nito sa mga mata ko bago marahang hapitin papalapit sa kan'ya.

I felt his face near on my ears.

Gamit ang isang kaliwang kamay, he gently remove some strand of my hair that covers my ear and whisper something.

"You're beyond gorgeous... my wife."

Hindi naman ako makagalaw sa kinatatayuan. Napahawak ako sa balikat n'ya dahil sa panlalambot ng tuhod.

Pakiramdam ko ay tumatayo ang balahibo ko at hindi ko alam kung dahil ba iyon sa musikang naririnig ko o dahil sa malambing nitong boses malapit sa tenga ko...

Sa pagkakataong ito, hindi ko naman na napigilan ang pagtulo ng luha ko...

I was really lucky to have him, simula noong una hanggang ngayong...

Continue Reading

You'll Also Like

106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
253 80 10
Si Anysha ay magigising sa ibang katawan ng hindi sinasadya. Mamumumuhay siya bilang ibang tao at sa katauhan at katawan din ng ibang tao. Tila ba na...
2.8M 72.7K 22
Book 2 of My Professor is my Husband "She's long dead why do you keep insisting that you saw her?!" I can't help but shout at them. Kung ipagpapatulo...
102K 8.6K 42
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...