Fearless flowers (Mafia S1)

By Erhaneya

3.4K 926 1.8K

Hindi lang sila basta estudyante. Hindi lang sila basta guro . Hindi mga tau-tauhan ng paaralang ang lihim a... More

NOTICE
Cast
FF#1: Mirai University
FF#2: School of scumbags (KELY)
FF#3: World full of shades (Sofia)
FF#4: Crimes : unknown (Zae)
FF#5: Extra (Marc side story)
FF#6: Side Mission (Clyde)
FF#7: Rape case (CLYDE)
FF#8: Rape case: unresolved
FF#9: Rape Case & Mission (CLYDE)
FF#10: No more badang!
FF#11: Lavender's aching heart.
FF#12: Encounter (Sofia)
FF#13: Hidden enemy (extra chapter)
FF#14: Savior (Zae)
FF#15: That man... (CLYDE)
FF#16: She's in my dreams (Sofia)
FF#17: Zae in danger
FF#18: Lies and truth
FF#19: Piece from Sophie's case
FF#20: Childhood buddy (K x A)
FF#21: Who's the culprit?
FF#22: Let's solve (LAVxFLAME)
FF#23: 하지마
FF#24: A guy named Gian (SOF)
FF#25: Back to operation
FF#26: Who is Mr. black?
FF#27: Who's the real Mr. black?
FF#28: Between two parties
FF#29: Saving clyde
FF#30: His everything (extra chaptie)
FF#31: Suspicious young man
FF#32: Sophie's Life
FF#33: Dirty money
FF#34: Dirty Money II
FF#35: What on earth is happening?!
FF#36: Kely in danger
FF#37: Kely in danger II
FF#38: There's something wrong with Zae
FF#39: Friends matters more than anything
FF#40: Is it over?
FF#41: Way back home (Zae)
FF#42: Confused (Sof)
FF#43: Truth is nowhere near
FF#44: Life and death (SOF)
FF#45: Life and Death II (SOF)
FF#46: Comfort
FF#47: Zae making new friends
FF#48: Team Building (Zae)
FF#50: Haunted
FF#51: Reminisce
FF#52: What happened that day?
FF#53: Kyohei's life (Explanation)
FF#54: Memory rewind
FF#55: Intuition
FF#56:Tragic party
FF#57: Claudette's reason (explanation)
FF#58: What happened to Lavender?
FF#59: Powerless
FF#60: Love n' hate
FF#61: Goodbye
FF#62:Ill-fated lovers
FF#63: Almost the end
FF#64: Finale

FF#49: Getting used to it (Zae)

20 7 6
By Erhaneya

3rd Person's POV

Umaga pa lang ay aburido na ang ulo ni Zae. Paano ba naman ay may baliw na nag-iwan ng chocolate at love letter sa kaniya.

Kung sino man ang taong iyon ano bang iniisip nito?

'Akala ba niya nasa junior highschool pa rin kami? Chocolate and love letter? Tsss seriously doesn't he have balls to confess in person?'

Tinapon niya ang letter na hindi man lang binasa.

Nakakatamad magbasa ng letter kung magsasabi sa personal ang may-ari ng sulat baka sakaling pakinggan pa niya, pero pwede rin namang hindi.

"Ibang klase tinapon mo yung letter pero yung chocolate tinanggap mo." Napailing ang kanyang guro samantalang nakapoker face pa rin si Zae.

"Bakit makakain mo ba yung letter?" pabulong na wika ng dalaga. Napangiwi ito ng maisip bakit nga ba siya nakikipagusap sa guro. Nakakainis napakapakealamero nang gurang na ito.

"Good morning sir!"

Mabuti naman at may dumating na hindi na siguro siya kakausapin ng guro.

"Ang aga niyo lagi dumating sa klase dapat siguro bigyan ko kayo ng award."

"Ilibre niyo na lang kami, sir!"

Hindi niya nariring ang sinasabi ng mga ito dahil nakaearphone siya at wala siyang balak makisali sa kanila. Dumarami na ang mga nagsisidatingan dahil 10minutes na lang umpisa na ang klase.

"Since umpisa na ang second sem we have to change sit plan."

Nalipat siya ng upuan sa harap pa rin ngunit sa gitnang bahagi naman katapat pa talaga ang mesa ng guro. Katabi niya ang presidente ng kanilang block. Iyong werdo na nakasama niya sa team building.

Napansin niyang nagngitian ang kaniyang guro at ang kanyang katabi.

Malas dalawang werdo ang nasa paligid niya. Mukhang kailangan niya ng mahabang pasensya sa sobrang daldal ng mga ito hindi siya magugulat kung bigla niyang mabusalan ang mga ito.

Sa araw-araw ay nasanay na siya sa daldal ng kanyang katabi. Halos isang linggo, araw-araw rin na may nakapatong sa kanyang lamesa o di kaya sa kanyang locker. Tinatapon niya lagi ang letter at ang tinatanggap lang niya ay ang pagkain na kasama ng letter.

"Hindi mo man lang ba babasahin kahit isa lang?"

Bakit ba lagi na lang sumusulpot ang epal na ito. Nagsisimula na tuloy siya magduda sa kilos ng guro.

"Ano bang paki mo kung babasahin ko o hindi? Bakit sayo ba galing ang mga ito? Parang kating-kati ka na basahin ko."

"Huh? Ano hindi sakin galing yan." Lumikot ang mga mata ng guro.

"Pero kilala ko kung kanino galing ang mga yan," Wika ni Marc.

"tss." Sabay tumalikod na siya wala naman siyang pakialam kung sino man iyon. Nakakailang hakbang pa lang siya ng biglang magsalita ulit ang kanyang guro.

"Hindi mo man lang ba aalamin?"

"Wala akong panahon sa mga duwag." Walang ganang wika ni Zae.

Hindi siya makapaniwala bakit ba nagaaksaya siya ng panahon makipag-usap pwede namang hindi niya pansinin ang guro. Gaya ng dati sanay naman siya na invisible lang.

Ang mahalaga ay nageexist siya sa tinuturing niyang pamilya—sina Lavender.

Hindi naman siya nadismaya nang makitang walang letter at pagkain ang iniwan para sa kanya. Natuwa pa nga siya mukhang sumuko na kung sino man siya.

"Uuwi ka na ba?...Miss Lakspur."

Itong isang ito na lang ang panay namemeste sa kanya. Parang hindi guro kung makakaasta. Ano naman kung matalino ito at mahusay magturo kung hindi naman ito umaaktong professional. Hindi ba niya alam na hindi magandang tingnan kung sobrang malapit siya sa mga estudyante niya.

"Baka naman pwedeng makisuyo pakiabot ito sa president ng klase naghihitay siya sa may lounge."

'(-__-) bakit hindi na lang siya magbigay?'

"tss." Bakit niya tinanggap? Sabagay utos ito ng guro kaya tinanggap niya pero kung sa labas ng school ay malabong pumayag siya na utusan. Nakita niya agad ang kanilang president hindi pa man siya nakakalapit ay tumayo na ito at ngumiti sa kanya. Werdo talaga feeling close.

"...." Iniabot lang niya ang isang folder na hindi niya alam kung anong laman.

"Wait!"

Huminto sa paglalakad si Zae at pumuhit paharap sa binata na pumigil sa kanya.

"Miss lakspur gusto kita. Tanggapin mo itong letter ko."

So? Ito pala ang tinutukoy ng guro. Hindi niya maintindihan ano nakain ng isang ito? Ano bang nagustuhan niya sa isang Zae na parang robot. Sa Zae na walang pake sa nararamdaman ng mga taong hindi mahalaga sa kanya.

"Hindi kita gusto," wika ni Zae.

Naiwang basag ang puso ni Isegawa. Naawa ang guro para sa binata pakiramdam niya tuloy kasalanan niya kung bakit lumakas ang loob nito na umamin. Tinulungan niya kasi ito na makalapit kay Zae plinano niya lahat sa huli hindi rin umubra ang lahat.

'Ang batang iyon wala ba siyang damdamin? Bukod sa mukha niya na parating blanko ay pati pala ang puso nito wala ring laman?' Napailing na lamang ang gurong si Marc. Hindi niya akalain na magiging ganoon ang ending. Hindi man lang ba naantig ang isang iyon? Babae ba talaga siya?

Sumunod na araw ay nilapitan siya ng guro at kinausap.

"Nabalitaan ko ang nangyari bakit naman ganoon? Sana sinabi mo sa paraan na hindi siya masasaktan."

"Bakit ba ang hilig mo makialam? Hindi ko natatandaan na naging malapit tayo."

Hindi na siya nakapagpigil pa sobrang naiirita na siya. Ano bang karapatan nitong pakialaman ang buhay niya.

"Ganyan ka ba talaga? Sinusubukan ko lang naman na bigyan ka ng kaibigan. Bakit ayaw mo subukan na makipag-kaibigan?"

"Sino ba may sabi sa'yo na gusto ko ng kaibigan? Wala kang pakialam kung anong gusto kong gawin at kung sino lang ang kakausapin ko."

"Noong una kitang makita sobrang naaastigan ako sayo...gusto kitang maging kaibigan. Pero ngayon ganyan ka pala talaga hindi kita pinipilit na baguhin ang ugali mo."

Pagod na siyang makinig sa sasabihin nito. Hindi naman rin siya interesado sa kung anong punto nito sa pakikialam. Mabuti pa magpunta na lang siya sa bar matagal na rin bago siya huling nakainom ng alak.

Hindi niya isasama ang mga kaibigan mas gusto niya magsolo muna. Isa pa busy ang mga ito ayaw niyang makasagabal sa inaasikaso ng mga ito.

Once a week ay nagbobonding naman sila okay na iyon hindi naman kailangang lagi silang magkausap at magkasama hindi sa ganoon nasusukat ang pagkakaibigan.

Umuwi muna siya para magbihis bago pumunta sa bar. Pagkarating niya ay nag-order siya agad ng maiinom. Mga isang oras bago siya magkaroon ng katabi. Noong una tahimik lang ito nong lumipas ang ilang sandali nagsimula na itong magkwento.

"Hay bushet talagaaaa ito va *hik* ang makukuha *hik* ko? Gusto ko lang *hik* magkaroon siya ng *hik* maraming kaibigan. Kinarma ba ako sa pakikialam ko?"

'Ano bang problema ng isang toh?' ani Zae, pinapanood niya ang katangahan ni Marc.

"Hwiindi bashka kwinrsarma langhsfg ako dashiiil hwiindish kosh shinuyyyo shi Clashreire. (Hindi baka kinarma lang ako dahil hindi ko sinuyo si Claire)."

Naging mabilis ang kilos ni Zae ng akmang hahawakan siya ni Marc ay agad niya hinawakan at inikot ang kamay nito. Pero parang wala lang sa binata malamang ay may tama na ito.

"Bakit? *hik* bigla ka nagdedesisyon?"

Hindi lang siya nagsasalita pinakikinggan lang niya ang kadramahan ng guro. Ano bang nginangawa ng isang ito?

"hwindii *hik* kita *hik* susuyuin *hik*. Akala mo ba *hik* ikaw lang nahihirapan? *hik* nahihirapan din ako. Ang hirap *hik* pantayan ng *hik* lahat ng effort mo."

Nakayukyuk ang ulo nito sa stall tumigil na rin sa pagsasalita. Nakatulog ito sa kalasingan.

"Ma'am magsasarado na po kami baka pwede iuwi niyo na rin po si sir."

Tumango lamang siya at pinasan sa likod ang kanyang guro.

'Ang bwesit na ito iinom hindi naman pala kaya. Mahinang nilalang!'

Medyo may tama na si Zae pero kaya pa naman niya kumuha ng taxi at magpahatid sa address ng guro natatandaan pa naman niya ito dahil doon siya nito ginamot noong nakatakas siya sa dumukot sa kanya. Malapit ito sa lugar kung saan huli siyang nawalan ng malay matapos tumakas noon sa dumukot sa kanya. Nagkataon na napadaan ang binata papunta ito ng convenience store.

Pagkarating nila sa bahay ay kinapa niya ang mga bulsa nito. Maswerte naman at nahanap niya ang susi ng bahay. Nakapasok sila sa loob, sa sofa pabalya niyang hinagis ang binata.

'Tss! Tulog pa rin. Bahala na siya sa buhay niya basta naihatid ko na siya.'

Akmang aalis na siya ng biglang may kamay na humila sa kanya dahilan para mapaupo siya sa sahig. Hindi agad siya nakahuma dahil masyadong mabilis an pangyayari. Nanlaki na lamang ang mata niya nang maramdaman ang biglaang madiin na paghalik sa kanyang labi.

Tinulak niya ito nang mabawi niya ang nawala niya atang kaluluwa. Sinuntok niya ito sa kaliwang pisngi bago tuluyang iwanan. Sinigurado niyang nailock ang pinto nang maayos. Umuwi na rin siya kailangan niya pang magpahinga may pasok pa bukas.

-------------------

Kinaukasan ay hindi naman siya makakaranas nang matinding hang-over kunti lang ang nainom niya nalibang siya sa pakikinig sa pagngawa ng guro.

'Kung makaiyak ang isang iyon kala mo katapusan na ng mundo.'

Tatawa na sana siya kung hindi lang niya naalala na bigla siyang hinalikan ng lasing na iyon.

Medyo maaga siya nagising kaya naman naisipan niya magluto ng maaga para magkasabay-sabay sila magbreakfast matagal na rin ang huling buo sila sa hapag. Naghanda siya ng corn beef, sunny- side up egg, chicken nuggets at chicken broth. Ang huling dish ay para talaga sa kanya nakakatulong ang mainit na sabaw sa umaga para alisin ang natitira pang alak sa katawan niya.

"Hmmmm...Wow! Nakakagutom ang aga mo naman magising," ani Clyde.

"Woyyyy salamat sa breakfast." Masiglang  wika ni Kely.

"Heto, guys pinagkuha ko na kayo ng plato at kubyertos."

"Thanks!" Sabay-sabay silang nagpasalamat sa biyayang nasa hapag nila.

"Anong meron? Bakit parang good mood ka ata Zae talagang pinagluto mo pa kami." Takhang tanong ni Sofia.

"Hindi ba late ka na umuwi kagabi. Gurl nag-inom ka hindi ba? Hindi kaya may pogi kang nai-date?" wika ni Clyde.

"Kyaaaahhhh bongga describe mo naman looks niya," kinikilig na si Kely.

"Parang hindi niyo naman kilala iyang bff natin. Malamang nakipagtitigan lang ;yan. Below the belt ba kung sasabihin ko na imposible pumayag siyang makipagdate. Alam niyo na yang gandang iyan tinatago niya sa isang mukha na blanko."

'Grabe mag-usap parang wala ako sa harap ah. Kasalanan ko ba nasanay na ako sa ganito.'

"Minsan gusto kong sadyain na magalit ka. I wonder pano ka ba magalit? AHHAHAHAHA," anas ni Kely

"Gurl! try mo kaya magpakabaliw minsan."

"Marunong ka ba tumawa? Umirap, mainis yung mga simpleng expression." Pangungulit ni Sofia.

Hindi rin niya alam kung marunong ba siya ng bagay na iyon.

"Maiba lang since kompleto tayo ngayon. May malungkot akong ibabalita sa inyo. 'Wag kayong mabibigla." Anas ni Sofia.

"WHAT?!!!" Oa na sigaw ni Kely.

"Wala pa nga eh panira ka naman eh," kontra ni Clyde.

"Charot lang alam ko na and talagang nakakalungkot siya." Pabirong wika ni Kely.

"Pinapatigil na ng mommy ni kely ang mission natin sa Mirai. Ito na ang huling taon na magkakasama tayo dahil buwag na itong samahan natin."

"Pero hindi ibig sabihin hindi na tayo magkikita. Hindi ba mas maganda iyon after natin grumaduate ay normal na tayong mamumuhay, hindi na bilang spy."

Bakit? Ang alam nilang lahat ay mahalaga sa ginang na mahanap ang laboratory na iyon. Hindi pa man napapatunayan na nageexist ang laboratory at mas lalong hindi pa napapatunayan na itinatago ito ng mismong university.

"Hindi natin ihihinto ang paghahanap." Wika ni Zae.

Napatigil sila sa pagkain nang marinig na magsalita si Zae. Nagsitayuan sila at sabay-sabay na hinawakan ang noo ng dalaga.

"Wala ka namang sakit hindi ba?" wika ni Lav.

"Espiritu ng alak manatili ka sa katawan ni Zae." Dugtong ni Clyde.

'Bakit ba bigdeal sa kanila ang pagsasalita ko? At bakit nga ba nakakapagsimula na ako ng usapan?  Kasalanan ito ng gurong iyon nahawa na siguro siya sa kadaldalan at pagiging pakialamero nito. Gusto nang ipahinto ng boss ang paghahanap yet ito siya nagprisinta pa talagang ipagpatuloy. Bakit ka ba nangingialam sa desisyon ng boss mo?' tanong ng isio ni Zae.

Naku naman!

"Sangayon ako kay Zae, alam naman natin kung gaano kagustong mahanap ni boss ang laboratory na iyon. Naalala niyo ba na may natanggap siyang death threat dahil sa paghahanap niya sa laboratory na iyon. Hindi natin hahayaan na patuloy siyang takutin ng kung sino man. Tapusin natin ang nasimulan ni boss sa ganoong paraan lamang tayo makakapagbayad sa lahat ng utang na loob na mayroon tayo."

"Mas pag-igihan pa natin ang pagtatrabaho. Tayong lima lang ang dapat makaalam. Go guys! Kaya natin ito."

Iisa ang gusto nila, iyon ay maibigay ang matagal ng hinahanap ng kanilang boss. Isa pa ay gusto rin nila malaman kung anong itinatagong baho ng laboratoryo na iyon.

Imposibleng hanapin ng kanilang boss ang bagay na iyon nang walang rason. Kilala nila ang ginang bilang rasyunal na tao at hindi ito basta magtutumba o maninira dahil lang sa negosyo. Kahit kailan ay hindi ito nanlamang ng kapwa na may mabuting puso. Mabuti ito sa mabuti at masama ito sa masama.

Matapos nilang mag-agahan ay nagkaroon sila ng iisang desisyon. Iyon ay ang ipagpatuloy ang paghahanap sa laboratoryo.

Nagpaalam na si Zae na papasok na muna siya sa klase saka na nila pagpaplanuhan ang hakbang at mga debisyon ng misyon. Sa classrom ay inabutan niyang magsisimula na ang klase ni Marc. Halos hindi sila nagkakalyo ng oras ng pagpasok. Inabutan niya pa na humihingi ito ng patawad dahil 30 minutes na itong late.

"Good morning class! Forgive me for coming late I have run some errands," ani Marc.

'Daming alam ang sabihin mo may hang-over ka HAAHHAHAA'. Mapangasar na ideya ni Zae.

Napansin ni Zae na iwas itong tumingin sa kanya si Marc. Tahimik at awkward naman sa pagitan nila ni Zae at ng kanyang katabi. Malamang ay dahil sa kahapon kasalanan iyon ng guro 'bakit kasi umamin siya sa tulad ko wala naman siyang mapapala.'

"Class dismiss."

Napahawak sa noo ang guro mabigat pa rin ang pakiramdam niya. Kung bakit ba kasi siya nag-inom ng marami. Isa pa nga pala sa problema niya ay ang kahihiyan niyang nagawa naalala niya iyon ng magising siya. Ni hindi niya magawang tingnan si Zae, nakakahiya ang ginawa niya nagkalat siya sa harap pa ng kanyang estudyanye. Sa lahat ng tao bakit si Zae pa ang naencounter niya ng mga oras na iyon.

"Sandali," wika ni Zae.

Hinaltak ni Zae sa kwelyo ang presidente ng klase.

"Sorry sa kahapon," dugtong ni Zae.

Nagulat ang kanyang guro at ang president ng class. Hindi nila akalain na magbibitaw ang dalaga ng 'sorry'.

"Sige umalis ka na 'yun lang naman ang sasabihin ko."

Nagmamadaling umalis nga ang binata. Naiwan sila ng guro sa klase minabuti ni Zae na umalis na rin. Nag-iwan siya ng gamot para sa hang-over.

"T-teka Ms. Lakspur."

Narinig naman niya na tinawag siya ng guro pero dumiritso pa rin siya sa paglalakad. Ayaw niyang kausapin ito naiinis siya dahil sa isang lasing lang napunta ang first kiss niya.

Habang naglalakad ay kinakausap niya ang kanyang sarili. Nababaliw na ba siya anong kababawan ang ginagaw niya ngayong araw? At bakit hindi na niya nakokontrol ang sariling bibig kusang lumalabas ang mga salita.

Napahinto siya sa isang bench, uupo lang siya saglit.

"Pwede bang makishare?"

Umisod siya upang makaupo ang binata. Hindi nag-abala si Zae na tingnan kung sino man ito. Hindi naman niya pag-aari ang bench kaya natural na ishare niya ito sa kapwa estudyante niya.

"Ang sabi mo hindi naman tayo close hindi ba? Bakit mo ko binibigyan ng gamot." Naguguluhan na wika ni Marc.

Agad siyang lumingon sa kanyang katabi.

"Ang dami mong tanong hindi ka na lang magpasalamat."

"Hindi talaga kita maintindihan. Hindi ko alam kung galit ka ba o hindi. Hindi ko alam kung anong nararamdaman mo katulad kanina nagsorry ka sa kanya pero yung mukha mo wala man lang expression."

"Anong mukha ba ang gusto niyong makita? Ano bang problema niyo sa mukha ko?" wika ni Zae.

"Wala naman kaming sinasabi na may problema sa mukha mo. Ang sakin lang baka ma-misinterpret ka ng iba. Ngumiti ka rin paminsan-minsan, tumawa ka, umiyak, mainis ka mga ganung bagay para alam namin kung galit ka ba o natutuwa."

"Ewan ko sa'yo ang demanding mo. Hindi pa ba sapat na nakikipag-usap na ako?"

"Ipagpatuloy mo yan magandang simula yan." Papuri ni Marc.

Natahimik sila pareho nawalan na sila ng pag-uusapan.

"Salamat sa gamot pati sa paghatid sa akin," ani Marc.

"Hmm"

"Sorry nga pala sa mga kahihiyan ko kagabi pwede bang kalimutan na lang natin iyon."

"Ayoko. Naenjoy ko ang panonood sa'yo mukha kang tanga habang umiiyak," pang aasar ni Zae.

Namula ang tainga ng binata. Sadista  pala itong babaeng ito natutuwa ito sa kahihiyan ng iba at natutuwa itong nakikitang nasasaktan ang iba.

"Kalalaking tao umiiyak sa isang babae. Ang hina mo talaga!"

Hindi na namalayan ni Zae na natawa pala siya ng maalala ang itsursa ng guro habang umiiyak at ngumangawa. Pinagmasdan ni Marc ang mukha ni zae habang tumatawa ito. Napatawa niya ito bakit parang ang sarap sa pakiramdam. Parang ang sayang panoorin na tumatawa ito.

Wala silang kaalam-alam na napadaan pala ang isa sa kaibigan ni Zae —si Lavender. Namukhaan agad ni Lav ang kaibigan kahit medyo malayo sila. Nakikita niya na nagsasalita ito kahit hindi niya naririnig ay natutuwa siyang makita na bukod sa kanila ay may nakakausap na ito. Kinuhanan ni Lav ng larawan ang pagtawa ni Zae. Napangiti siya mukhang may nagpapabago sa kanilang kaibigan.

"Siya nga pala ikaw ang naghatid sa akin? Sinuntok mo ba ako? May pasa itong pisngi ko."

"Oo." Matipid na sagot ni Zae.

"Alin doon ang oo?"

"Parehas."

"Bakit mo ako sinuntok?"

"Hinalikan mo ako tanga!"

Tila may dumaan na hangin sa pagitan nila at bigla silang natahimik na dalawa.

Continue Reading

You'll Also Like

11K 1K 53
[ SLOW-UPDATE ] "Let the Light cross your path again, Chosen..." The Secret World Of Magic Continues ... START: January 6, 2021 PUBLISHED: March 5, 2...
47.8K 1.4K 42
"Be nice to her she...cant speak...Well.." Angel series I photos used are not mine (from Canva) . credits to it's rightful owner
20.3M 702K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
6.4M 327K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...