Fearless flowers (Mafia S1)

By Erhaneya

3.4K 926 1.8K

Hindi lang sila basta estudyante. Hindi lang sila basta guro . Hindi mga tau-tauhan ng paaralang ang lihim a... More

NOTICE
Cast
FF#1: Mirai University
FF#2: School of scumbags (KELY)
FF#3: World full of shades (Sofia)
FF#4: Crimes : unknown (Zae)
FF#5: Extra (Marc side story)
FF#6: Side Mission (Clyde)
FF#7: Rape case (CLYDE)
FF#8: Rape case: unresolved
FF#9: Rape Case & Mission (CLYDE)
FF#10: No more badang!
FF#11: Lavender's aching heart.
FF#12: Encounter (Sofia)
FF#13: Hidden enemy (extra chapter)
FF#14: Savior (Zae)
FF#15: That man... (CLYDE)
FF#16: She's in my dreams (Sofia)
FF#17: Zae in danger
FF#18: Lies and truth
FF#19: Piece from Sophie's case
FF#20: Childhood buddy (K x A)
FF#21: Who's the culprit?
FF#22: Let's solve (LAVxFLAME)
FF#23: 하지마
FF#24: A guy named Gian (SOF)
FF#25: Back to operation
FF#26: Who is Mr. black?
FF#27: Who's the real Mr. black?
FF#28: Between two parties
FF#29: Saving clyde
FF#30: His everything (extra chaptie)
FF#31: Suspicious young man
FF#32: Sophie's Life
FF#33: Dirty money
FF#34: Dirty Money II
FF#35: What on earth is happening?!
FF#36: Kely in danger
FF#37: Kely in danger II
FF#38: There's something wrong with Zae
FF#39: Friends matters more than anything
FF#40: Is it over?
FF#41: Way back home (Zae)
FF#42: Confused (Sof)
FF#43: Truth is nowhere near
FF#44: Life and death (SOF)
FF#45: Life and Death II (SOF)
FF#46: Comfort
FF#48: Team Building (Zae)
FF#49: Getting used to it (Zae)
FF#50: Haunted
FF#51: Reminisce
FF#52: What happened that day?
FF#53: Kyohei's life (Explanation)
FF#54: Memory rewind
FF#55: Intuition
FF#56:Tragic party
FF#57: Claudette's reason (explanation)
FF#58: What happened to Lavender?
FF#59: Powerless
FF#60: Love n' hate
FF#61: Goodbye
FF#62:Ill-fated lovers
FF#63: Almost the end
FF#64: Finale

FF#47: Zae making new friends

14 5 1
By Erhaneya

3rd Person's POV

Humingi ng tawad ang ina ni Kely dahil hindi nito agad sinabi ang plano kay Zae at sa iba pa. Sa ngayon ay kumpleto sila magkakaibigan at kasama rin ang ina at nakakatandang kapatid ni Kely.

"Mauuna na ako, Aldrich ikaw na ang bahala sa kanila."

Niyakap ng ginang ang bawat isa at pinaalala ang salo-salo sa tahanan nila Kely.

Muling natuon ang atensyon nila sa tatlong puntod. Ito ang unang pagkakataon na dumalaw siya na kasama ang mga kaibigan. Kasama na rin si Sofia dahil nakarecover na ito mula sa pagkakabaril. Ang hindi nila sigurado ay kung nakarecover na ito matapos ang trahedya na nalaman nito mula sa pamilya ng mismong naging nobyo. Masaya naman sila dahil dalawa na sa kanila ang nakatuklas ng kanilang hinahanap.

"Hindi nakakalimutan ni madam ang pangako niya sa inyo sana bigyan niyo pa siya ng panahon," wika ni Aldrich.

Naging makasarili si Zae dahil ang buong akala niya ay binabalewala lamang ng ginang ang ipinangako nito sa kanya. Pinagdudahan niya ang katauhan at layunin ng ginang.

Pumitas si Zae ng limang bulaklak at iniabot ang mga iyon sa kanyang mga kaibigan. Bulaklak ang para sa kanyang mahal sa buhay at bala para sa mga kaaway. Mula sa araw na ito ay pinapangako niyang protektahan ang bawat isa.

Pinagmasdan ni Aldrich ang masayang sandali na ito. Masaya ang binata na makita na bumalik na ang ngiti ni Kely.

Nagpasya silang bigyan ng pagkakataong mapag-isa si Zae dahil alam nilang kailangan iyon ng dalaga. Ngunit may rason si Lav kung kaya siya nagpaiwan.

"Papasok ka na ba bukas?"

"Nagdrop na ako."

"Ito ba?" Inilapag ni Lav ang papel na hawak, agad na kinuha ito ni Zae. Binuksan ito ng dalaga at gulat itong makita ang drop-out letter na ipinakiusap niya sa kanyang guro.

"Pumasok ka na bukas. Lahat ng lecture at mga gawain ay iniwan niya sa akin. Hindi pa huli ang lahat."

Tuluyan nang naiwan mag-isa si Zae, hawak nito ang letter. May tanong na naiwan sa kanyang utak, bakit ginawa iyon ng kanyang guro?

Sa di-kalayuan ay tinanaw muli ni Lav ang kaibigan sinigurado nito na maayos si Zae. Masaya siya sa wakas nahanap na nito ang sagot sa kanyang katanungan. Napabuntong hininga si Lav iniisip niya na kailan kaya darating ang araw na mahahanap rin ang totoo.

Higit na mas kumplekado ang buhay ni Lav pakiramdam niya gagawin ng kanyang pamilya ang lahat para pahirapan siya. Suspetsa niya may kinalaman ang kanyang pamilya. Matagal na noong huling nakita at nakausap niya ang kanyang pamilya. Mabuti na lamang talaga nagpaiwan siya sa pilipinas, hindi niya gustong sumama sa mga iyon.

Malaki ang pinagbago ng pamilya nila simula noong nakahawak ng kapangyarihan ang kanyang ama. Mayaman sila kaya naman tago ang kanilang pangalan. Katunayan ay walang nakakaalam kung ano ang totoong pagkatao nila ng kanyang ate na si Eiffel. Dahil na rin sa kagustuhan ng ama't - ina nila kaya piling tao lamang ang may alam kung ano ang katayuan ng kanyang pamilya. 

Nagbago ang lahat ng magkaroon pa ng higit na yaman ang ama't ina nila. Nawala na ang simple at mapagmahal na ilaw at haligi ng kanilang tahanan. Hindi na rin niya kilala ang kanyang ate, malaki ang pinagbago ng lahat.

Parang pumasok sila sa isang time machine at siya ang napag-iwanan, mag-isa.


Sa kabilang banda naman ay naman ay nag-iisip si Zae kung papasok na siya sa klase o hindi. At ang sagot niya ay...

_________________________________


"Good morning class."

Bago magsimula ay hindi maiwasan ng gurong si Marc na mapalingon sa upuan sa gawing pintuan. Bakante pa rin ito hindi niya maiwasan na mag-alala simula ng makita niya noon ang dalaga humanga siya sa tapang nito. Ngunit isang bagay ang napansin niya, walang buhay ang mga mata ng dalaga. Ano bang iniisip niya bakit pa pinanghihimasukan niya ang buhay ng kanyang estudyante.

"Get your reading materials."

Akmang susulat na sa pisara ang guro napahinto ito nang mapansin ang taong nasa labas. Isang babaeng walang emosyon na may sukbit na bag sa kanang balikat.

"It's been a while, mabuti naman at nakapasok ka na. Are you sure na kaya mo na?"

Naguguluhan ang dalaga sa mga sinasabi ng kanyang guro. Bakit ba pilit siyang pinagtatakpan ng guro? Kung tutuusin ay drop na siya nilabag niya ang bilang ng pagliban sa klase. Wala rin siyang naipasang mga requirements. Ano pa bang sense kung papasok siya sa klase? Saan huhugot ng grade ang kanyang guro?

Nagsimula na ang klase at sinikap ni Zae na makahabol sa lesson. Napatitig siya sa guro habang nagtuturo ito. Ano kaya ang nakain ng taong ito bakit siya tinutulungan ng guro?

Niligtas lang naman niya noon ang gf nito hindi niya akalain na tatanawin ng binata na malaking utang na loob ang bagay na iyon. Pero hindi naman siya humingi ng kapalit. Natapos ang klase hinintay ng dalaga na makalabas ang kapwa niya mag-aaral. Sinadya niyang magpaiwan gusto niyang makausap ang guro.

"Bakit hindi mo pinasa sa office ang letter ko?" Kalmado ngunit walang emosyon na tanong ng dalaga. Wala namang bago dahil ganoon naman talaga makitungo ito.

"Naisip ko lang na hindi mo talaga gusto magdrop," ani Marc habang lumalakad patungo sa dulong bahagi ng kwarto malapit sa binatang salamin na malaki.

"Hindi mo ako kilala kaya 'wag kang makialam." Matabang na tugon ni Zae.

"Sasayangin mo ba talaga ang pagkakataon? Kunti na lang gagraduate ka na. Mahalaga ang edukasyon talaga bang gusto mo itapon na lang basta?" Sumandal ang guro sa bahaging dibisyon atsaka maartengpinatong ang kamay nito. Nakapasok naman sa bulsa ang isa pa nitong kamay.


"Next week ko na ibabalik lahat ng pinahiram mong notes."

Walang lingon-likod ay nilisan ng dalaga ang classroom. Naiwan naman ang guro, napangiti ito mukhang nakatulong naman siya sa dalaga. Naglalakad patungo sa cafeteria si Marc nang makasalubong niya si Lav. Ngumiti ang dalaga sa kanya at gayundin naman siya.

Bago tuluyang makalayo ay narinig niya ang mahinang pagwika nito..."salamat".

Mukhang maayos na silang magkakaibigan natatandaan pa niya noong mga nakaraan ay nag-aalalang lumapit ang mga ito sa kanya at hinahanap si Zae. Wala siyang alam kaya naman hindi rin niya matutulungan ang mga ito. Tanging drop out letter lang ang mayroon siya ng mga oras na iyon. Hindi niya gustong ipasa ang letter na iyon dahil umaasa siya na magbago pa ang isip ng dalaga.

Ibinigay niya iyon kay Lavender bukod doon ay nag-iiwan siya ng mga lecture upang hindi mahuli sa klase si Zae. Sabihin na natin na may nilabag siyang kautusan sa paaralan. Pero para naman iyon sa ikabubuti ng kanyang estudyante. Hindi niya alam ang rason ng desisyon na iyon basta ang alam niya ay gusto niyang tulungan si Zae. 

Katunayan simula nang araw na hindi pumapasok si Zae ay lagi niyang naiisip kung ano ang nangyari sa kanyang estudyante. Minsan pa nilang pinagaawayan ni Claire ang pagiging lutang niya. Ang totoo ay ngayon lang siya naiinis sa pagiging bungangera at clingy ni Claire. Alam niya na mali iyon dahil una sa lahat girlfriend niya ito at dapat initindihin niya na ganoon talaga ang ugali ng kanyang nobya.

------------------------------------------

Simula nang bumalik si Zae sa Mirai ay parati na siyang pumapasok dahil sinusubukan niyang ayusin ulit ang buhay. Nakahabol naman siya sa klase at nakapagpasa ng mga requirements kahit late ay tinanggap rin ng ibang guro. Hindi niya alam kung anong sinabi ng Marc na iyon at napakiusapan pa ang ibang subject. Ayaw na ayaw niya na magkaroon ng utang na loob hangga't maari, pero wala na nangyari na ano pa bang magagawa niya.

Mabuti naman at hindi nagdedemand ng kapalit.

"Mag-isa ka na naman."

Speaking of the devil nakatayo ito sa kanyang likuran. Hindi niya ito pinansin at pinagpatuloy ang pagbubunot ng damo.

"Nasaan ang mga kaibigan mo?" Tanong ni Marc.

Sabay umupo ito sa tabi niya.

'Feeling close naman ang isang ito. Sino ba ang may sabing pwede siyang umupo sa tabi ko? Isa pa pakealam ba niya kung mag-isa ako. Mas gusto ko lagi ang mag-isa. Magkakasama naman na kami sa condo hindi naman masama siguro kung mapag-isa ako.' Reklamo ng isip ni Zae.

"Alam mo 'wag mo tipirin iyang laway mo mapapanis iyan."

Ano naman ang pakealam niya? Edi mapanis kesa naman mapagod sa pagsasalita.

"Igalaw mo naman yang bibig mo, parang ganto." Saka nagdemo ito na pagbukas ng bibig pahugis bilog.

Mukhang  tanga ang gago.

AHAHHAHAHAHA

"Did you just smile?"

Kumunot saglit ang noo ni Zae at napatanong sa sarili, kelan ako ngumiti?!

"Stupid." Sabay tumayo ang dalaga at lumakad palayo. Napangiti nga siya kanina, buset bakit may pumuslit na ngiti sa kanyang labi?! Nakakairita talaga ang isang iyon!

"Zae!" Tawag ni Sof nang magkasalubong sila ng kaibigang si Zae.

"Ano oras ka pala uuwi mamaya?"

"8 pm."

"Ah okay akala ko maaga ka uuwi may ipapauwi sana ako sa'yo. Sige mauna na ako marami pang utos sa akin sa office ni sir."

Tumango lamang si Zae at nagpatuloy na ulit sa paglalakad.

"Grabe ka talaga sobrang precise mo naman sumagot. Swerte mo rin talaga sa mga kaibigan mo."

'I know, I'm bliss to have them.'

Kailan pa nakasunod sa kanya ang lalaking ito? Kapag siya nainis sasapakin niya na talaga ito! Halata namang nagpapatay lang ito ng oras bakit siya pa ang naisipan nitong guluhin? Marami naman sa klase niya ang willing mag aksaya ng oras.

Ang pagkakatanda niya ay may girlfriend ang kanyang guro, bakit hindi na lang iyon ang atupagin ng ginoo?!

Kainis!

Baka naman kasi naghiwalay na sila? Bwesit ano naman ang pakialam niya sa relasyon ng dalawa.

"Teka lang naman gusto ko lang naman maging close tayo kahit papano. Tutulungan kita maging kaclose ang mga kablock mo."

Hindi niya naman kailangan ng maraming kaibigan. Mas maigi ang kaunti lamang ang kaibigan  atleast nauunwaan siya. Kaysa naman sa marami nga pero patalikod ka naman sinisiraan. Hindi na niya pinakinggan pa ang hirit ng guro agad siyang umalis sa kinaroroonan. Naiwan na lamang ang nakahintong ginoo.

Nahihirapan talaga si Marc na hulihin ang loob ng dalaga. Masama ba na gustuhin niyang makita itong tumawa at makipagkwentuhan sa ibang tao. Bakit ba parang desperado siyang baguhin ang dalaga? Nababaliw na ba siya? 

Palihim na lumingon si Zae sa likod. Tinignan niya lang  naman kung nakasunod pa rin ang guro sa kanya. 'Kanina kinukulit mo ako ngayon hihinto ka sa daan at tutulala? Hay baliw na nga siya.'


Continue Reading

You'll Also Like

4.3K 205 45
Isa siyang anak ng milyonaryo ngunit lagi itong binubully dahil sa kanyang ayos. Manang, buhaghag ang buhok, malaki ang salamin at may braces. Alami...
25.1M 627K 51
A girl that has a lot of names.The lady with different faces and a gangster known for ages.She's calm,fearless and ABNORMAL?! What will happen if t...
20.3M 703K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
4.6K 182 52
Storya ng isang babaeng boyish namely Michelle Geovy G.Flores at isang lalaking girly namely Paolo Vrant B. Sarmiento. Matututo kang mag isip ng todo...