Fearless flowers (Mafia S1)

By Erhaneya

3.4K 926 1.8K

Hindi lang sila basta estudyante. Hindi lang sila basta guro . Hindi mga tau-tauhan ng paaralang ang lihim a... More

NOTICE
Cast
FF#1: Mirai University
FF#2: School of scumbags (KELY)
FF#3: World full of shades (Sofia)
FF#4: Crimes : unknown (Zae)
FF#5: Extra (Marc side story)
FF#6: Side Mission (Clyde)
FF#7: Rape case (CLYDE)
FF#8: Rape case: unresolved
FF#9: Rape Case & Mission (CLYDE)
FF#10: No more badang!
FF#11: Lavender's aching heart.
FF#12: Encounter (Sofia)
FF#13: Hidden enemy (extra chapter)
FF#14: Savior (Zae)
FF#15: That man... (CLYDE)
FF#16: She's in my dreams (Sofia)
FF#17: Zae in danger
FF#18: Lies and truth
FF#19: Piece from Sophie's case
FF#20: Childhood buddy (K x A)
FF#21: Who's the culprit?
FF#22: Let's solve (LAVxFLAME)
FF#23: 하지마
FF#24: A guy named Gian (SOF)
FF#25: Back to operation
FF#26: Who is Mr. black?
FF#27: Who's the real Mr. black?
FF#28: Between two parties
FF#29: Saving clyde
FF#30: His everything (extra chaptie)
FF#31: Suspicious young man
FF#32: Sophie's Life
FF#33: Dirty money
FF#34: Dirty Money II
FF#35: What on earth is happening?!
FF#36: Kely in danger
FF#37: Kely in danger II
FF#38: There's something wrong with Zae
FF#39: Friends matters more than anything
FF#40: Is it over?
FF#42: Confused (Sof)
FF#43: Truth is nowhere near
FF#44: Life and death (SOF)
FF#45: Life and Death II (SOF)
FF#46: Comfort
FF#47: Zae making new friends
FF#48: Team Building (Zae)
FF#49: Getting used to it (Zae)
FF#50: Haunted
FF#51: Reminisce
FF#52: What happened that day?
FF#53: Kyohei's life (Explanation)
FF#54: Memory rewind
FF#55: Intuition
FF#56:Tragic party
FF#57: Claudette's reason (explanation)
FF#58: What happened to Lavender?
FF#59: Powerless
FF#60: Love n' hate
FF#61: Goodbye
FF#62:Ill-fated lovers
FF#63: Almost the end
FF#64: Finale

FF#41: Way back home (Zae)

18 8 4
By Erhaneya

3rd Person's POV

Hindi mapakali si Zae dahil nito lamang nakaraan ng lumabas siya ay nitong nakaraang araw ay tumambad sa kanyang mukha ang poster.

Mabuti at nakasuot siya ng itim na hoodie at nakamask din. Kaya hindi agad siya makikilala. Naiinis siya sa isiping hinahanap siya ng mga ito nang sa gayon ay hindi siya mahirapan kung sakali man na papipiliin siya kung bala o ang kanilang samahan.

Parang may kung anong tumusok sa kanyang puso sa isipin na sila-sila lang din mismo ang magpapatayan sa huli.

Kaya ba niyang patayin ang kaniyang kaibigan?

Kaya ba niyang patayin ang kanilang Lady boss?

Isa lang ang sagot niya...ang pagtatraydor sa kanya ay nangangahulugang kamatayan.

Walang iba siyang patutunguhan ng isang taong magtatraydor sa kanya.

Hindi ang gaya niya ang dapat pinagaaksayahan ng buhay. Hindi ang gaya niya ang dapat hinahanap ng mga ito dahil siya mismo ang pumutol sa kanilang ugnayan.

Hindi siya magdadalawang kalabanin ang kahit sino, kahit pa ang mga kaibigan niya o kahit pa ang kumupkop sa kanya.

Naalala pa niya ang araw na tuluyan siyang bumitiw sa samahan.

Tumungo siya sa opisina ni Claudette 'LADYBOSS' upang ipaalama ang kanyang desisyon.

"I can't trust you anymore." Pakiramdam niya ay may bikig na humarang sa kanyang pagsasalita.

"Are you really leaving us behind?" Tanong ng kanyang boss.

Hindi lamang sumagot ang dalaga bagkus isang determinado ngunit malamig na tingin ang binigay niya sa ginang. Bumuntong hininga ang ginang aniya ay wala na siyang magagawa kung ito ang desisyon ng kanyang alaga. Hindi niya ito pipigilan, dahil nakikita niyang buo na ang desisyon nito. Kapag ipinilit niya ay tiyak na hindi na ito magiging tapat sa kanya.

"This will be our final encounter as allience. If we come accross again I can't promise to hesitate in killing you. You know how brutish our world works." Matabang na pagkakasabi ng ginang.

"I'm well aware of that fact. If you were to destroy my plan I will hesitate to make your life a living hell."

"Once you set your foot outside this room we are no longer family," ani Claudette.

"Goodbye."

Walang lingon-likod ay nilisan niya ang lugar na iyon.

Sumakit ang kanyang dibdib ng maala ang araw na iyon. Wala siyang choice kailangan niyang iwan ang mga ito at pasukin ang mundo ng taong nagpadukot sa kanya noon.

Kailangan niya ang sagot at ang taong may hawak sa kanya ngayon ang makapagbibigay nito.

Hawak ni Zae ang kwentas ng kanyang kakambal at pinaikot-ikot nya ito sa palad.

Iniisip ng dalaga kung ito rin ba ang hiling ng kanyang kapatid. Ang paghihiganti sa taong pumatay sa kanya. Kung tutuusin ay pwede siyang mamuhay ng maayos, mag-aral at magsikap gaya noon. Ngunit hindi ganoon kadali iyon, Mali siya noong una pa lang nawalan siya ng oras sa kapatid.

Kaliwat kanan na trabaho ang tinanggap niya para makapag-aral sila ang buong akala niya ay naiintindihan iyon ng kanyang kakambal. Wala nang saysay ang paghihirap niya ni hindi niya naprotektahan ang kaisa-isang taong naiwan para alagaan niya. Wala na siyang pakialam kung itapon man niya ang sariling buhay.

Alam niyang siya mismo ang humukay ng kanyang kasawian. Nagpapaalipin siya sa taong dumukot sa kanya, ang taong pinagmukha siyang kaawa-awa sa kanyang mga kaibigan. Sinadya ng taong iyon na buhayin siya dahil anito ay magagamit niya ang tulad ni Zae.

Natigil ang pag-iisip ng dalaga ng makarinig ng tatlong katok.

"Gusto ka makausap ni boss puntahan mo raw siya sa library."

Tumango lang ang dalaga at isinara uli ang pinto. Sukbit ang baril na hindi naman halatang bitbit niya. Isang malakas na lagabag mula sa pinto ang narinig niya. Binuksan niya ito sakto namang aamba ng suntok ang tauhan ng bago niyang 'boss'.

Hinawakan niya ang kamao nito at akmang babaliin ang braso ngunit nagpigil siya dahil mas malaking gulo ang kapalit kung sakali man.

"Hindi mo dapat minamadali ang isang babae." Malamig at nakakatindig balahibo ang boses ng dalaga. Ang mga mata nito ay parang isang black hole, blangko ang ekspresyon at nakakatakot ang aura nito.

Tahimik na nakasunod na lamang ang kaninang matapang na lalaki.

"Wala akong planong maging hitman ng isang tulad mo." Agad na pagkontra niya sa ginoo, naisip niya na may ipatutumba na naman itong kalaban sa negosyo.

"Relax. Narito tayo para magkwentuhan kaya maupo ka sa tabi ko binibini." Sabay hinagisan siya ng isang pirasong pulang rosas na kanya namang inapakan. Kumulo lalo ang dugo ng dalaga sa turan ng ginoo. Ang lakas ng loob nitong gambalain siya para sa walang kwentang kwentuhan.

"Wala akong panahon para aksayahin ang oras. Kung sasayangin mo lang ay maigi pa na patayin na kita." Sabay tumalikod ang dalaga upang lisanin ang silid-aklatan.

"Masyadong mainit ang iyong ulo. Ayaw mo ba marinig ang kwento ng tapat na tauhan ko? Walang kwentang usapin ba ang buhay ng iyong kakambal sa loob ng samahan?"

Nanigas ang kanyang katawan, hindi ito makagalaw ng marinig ang pagkadawit ng kanyang kakambal. Kahit gaano pa siya katapang ay hindi maitatanggi na mula noon at mas lalo na hanggang ngayon ang kapatid niya ang kanyang kahinaan.

"Tatayo ka na lang ba riyan?"

Ikinuyom niya ang kanyang kamao upang pigilin ang sarili. Mas lalong nagdilim ang kanyang aura habang palapit ng palapit sa kinaroroonan ng ginoo.

"Si Zorell ang tapat kong tauhan at walang mintis sa trabaho."

Agad na inambahan ng suntok ni Zae ang ginoo.

"Ikaw!!! Dinumihan mo ang kamay ng kakambal ko"

"Ganyan nga ilabas mo ang emosyon mo nagagalit ka rin pala."

"Alam mo bang ito ang pinakamahalaga sa kanya gusto niya na iabot ko ito sayo. Matagal kitang hinanap para lang ibigay ito."

Isang itim na bag na may lamang limpak na perang papel at larawan nilang dalawa noong bata pa sila at kasama pa ang kanilang ama.

"Inipon niya ang lahat ng 'yan ayaw niya na pahirapan mo ang sarili mo sa trabaho."

Hindi niya naisip na ganoon pala ang nararamdaman ng kanyang kakambal.

"Ayaw mo ba mapaghiganti ang kakambal mo?"

"Hindi kita pinipilit na maghiganti sa kanya, pero hindi ba mas magiging masaya ang kakambal mo kung gagawin mo iyon?"

Makakaya ba niyang patayin ang pinagkakautangan nila ng maayos na buhay?

Paano na ang mga kaibigan niya? Paano si Kely....

Tinuring na rin niyang pangalawang ina si Claudette, ang kanilang lady boss.

(see the attached picture of Claudette)

Isa pa hindi siya kumbinsido na may kinalaman ang ina ni Kely. Pumasok siya sa hukay na ito para alamin ang totoo, pero hindi ibig sabihin ay maniniwala agad siya.

Pero kung totoo ang lahat ng sinabi ng lalaking ito ibig sabihin ay maling tao ang kanyang kinapitan.

"Boss!"

Sabay na napalingon silang dalawa at agad na binunot ng dalaga ang baril na sukbit.

Magkasunod silang tumungo sa pinagmulan ng putok. Marami na ang nakahandusay na tauhan. Hindi isa lang nakapasok, nasaan? Bakit hindi sila magpakita.

"You tried to trick me, you bitch!" Itinutok ng ginoo ang baril sa dalaga, gulat ang dalaga ngunit hindi niya pinahalata.

"I know nothing about this." Itinutok rin niya sa ginoo ang baril na hawak.




"How dare you send me a bunch of morons!"

Napalingon siya sa likod at nakita niya ang tatlong naka-itim na animo ninja tanging mata lang ang makikita. Hawak ito ng tauhan ng ginoo. Iniutos ng ginoo na hubarin ang suot na itim na oklahoba.

"Bakit hindi natin kilalanin ang ating panauhin? May mas maganda ako naisip bakit hindi mo sila barilin muna bago natin alisin ang kanilang tabing?"

Dinuraan niya sa mukha ang ginoo. Ngumisi ito na parang demonyo.

"Hindi rin pala kita magagamit. Mahina ka hindi mo kaya ipaghiganti ang kapatid mo."

Ngayon lang nanginig ng sobra ang kamay ng dalaga. Sanay siya humawak ng baril, hindi maitatanggi na may bahid na ang kanyang mga kamay. Lumakad siya palapit sa tatlo naguguluhan niyang itinutok ang baril.

"Ganyan magaling sige sino ba ang uunahin mo?"

"Ikaw!" Wika ng ginang na biglang sumulpot.

Gulat ang lahat ng makita ang isang ginang na may hawak na baril. Nakatayo ito sa likod ng ginoo at nakatutok sa bao ng ulo nito ang dulo ng baril.

"Hindi ko akalain na dadalo ka sa pagdiriwang na ito."

"Nagulat ka ba?"

"Hinihintay talaga kita, ikaw ang pumatay sa tapat kong tauhan."

"Itigil mo na ang pag-arte hindi bagay sa iyo. Isa pa stay away from my children." Wika ng ginang.

Humalakhak nang malakas ang ginoo.

"Huwag na tayong maglokohan alam ko naman na mahalaga sila sa ngayon dahil napapakinabangan mo pa sila." Bwelta naman ng ginoo

Gigil at halatang gusto na iputok ng ginang ang baril.

"Gaya ng ginawa mo sa taong iyon? Pinatay mo siya dahil hindi mo na magagamit at ngayon kinuha mo naman ang kakambal niya bilang kapalit ng dating pwesto sa organisasyon niyo?" Ganti ng ginang.

"Hindi ako ang pumatay sa kanya Claudette. Alam mo iyan kung hindi siya lumapit at humingi ng tulong sa iyo noon hindi niya sasapitin ang kamatayan. Pinahalagahan ko siya higit sa lahat ng aking tauhan kahit na sa maiksing panahon pa lamang siya nagtrabaho sa akin."

Naguguluhan si Zae sa mga nangyayari. Sino ba ang nagsasabi ng totoo sa kanila? Magkakilala na noon pa ang kanyang kakambal at ang kanyang ladyboss? Bakit wala siyang alam? Bakit nangangapa pa rin siya sa dilim?

"Gusto ko siyang tulungan na makawala sa pagkakadena sa inyong samahan. Hindi mo alam ang pakiramdam ng taong gustong magbagong buhay ngunit hindi niya magawa dahil takot siya para sa kanyang buhay at sa buhay ng kanyang kakambal. Lumapit siya sa akin dahil gusto niya humingi ng tulong sinubukan ko pero huli na ang lahat."

Kung gayon matagal na palang alam ng ginang bakit wala itong sinasabi? Ang buong akala niya ay wala itong ginagawa para sa kaso ng kanyang kakambal.

"Hindi ko ginusto ang nangyari pinapangalagaan ko lang ang samahang ito. Alam ko na alam mo ang patakaran."

"Matagal na kitang hinahanap nakakatuwang ikaw mismo ang lumapit sa iyong lilibingan. Tingin mo ba hindi ko alam na ikaw ang dahilan kung bakit nagpasya si Zae na umalis. Tamang-tama lang ang kalkulasyon at pagexecute ko ng plano," ani Claudette.

"Huwag niyo akong papatayin gagawin ko ang lahat." Ang kaninang matigas na ginoo ay biglang nanlambot. Nagsusumamo ito para huwag siyang tuluyan. Siya na lamang ang natira ang lahat ng kanyang tauhan ay duguan at walang magagawa pa.

"Gusto mo pa palang mabuhay? Pwes! Sabihin mo ang totoong nangyari dahil gusto ko ring malaman kung bakit biglang hindi na nagpakita pa si Zorell. Paano niyo sa pinahirapan at pinatay. Wag kang magtitira ng kahit na anong detalye."

"Nahuli siya na nakikipagsabwatan sa isang undercover, bukod pa sa iyo Claudette ay may katulong siya sa loob ng samahan. Hindi ko na matandaan ang pangalan niya----"

Naputol ang pagsasalaysay dahil naramdaman ng ginoo na mas dumiin ang pagkakatutok ng baril.

"Nagsasabi ako ng totoo, bihira lang magpakita ang spy na iyon sa ibang organisasyon talga siya kabilang. Si Zorell naging kaibigan ko siya iniwan niya sa akin ang bag, para iyon sa kanyang kakambal. Hindi ko talaga gustong ipapatay si Zorell kaya lamang ay kailangan ko ipakita na ako ang boss at hindi siya maaring pamarisan ng iba pa. Wala akong nagawa ipinag-utos ko na ipatumba siya sa aking tauhan."

Naikuyom ni Zae ang kamay nito. Ngayong alam niya na ang totoo hindi niya masigurong hindi niya mapapatay ang ginoo. Nag-aapoy sa galit ang kanyang mata.

"Gawin mo ang gusto mong gawin...hihintayin ka namin sa labas. Huwag kang magtatagal hinihintay ka nang iba pa." Utos ng ginang kay Zae.

Wika ng ginang bago tuluyang lumabas. Hindi siya makapaniwala na sa kabila nang pagtalikod niya ay isinangkutsa ng kaniyang kaibigan ang mga buhay nila para lang hilahin siya sa pabalik.

Simula sa araw na ito ay handa niyang paglingkuran ang kaniyang boss. Poprotektahan niya ang ginang hanggang sa makakaya niya.

Isa, dalawa, tatlong putok...

Nakangiting nilisan ni Zae ang lugar na iyon.

Panatag na siya sa wakas naiganti niya na ang kakambal.

Continue Reading

You'll Also Like

56.5M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
142K 2.9K 41
People always say, never be attracted with the angelic face. They were demons. Every year, in every school, there's always a repeater and a transfere...
664 244 32
"If we're meant for each other the stars will make a way to bring us closer again. Don't you ever forget my Emotionless eyes." -VLSAS
15.6K 149 15
Desperado na si Akiro na makahanap ng pera, kaya naman gagawin niya ang lahat upang makuha iyon. kahit pa gamitin ang sariling katawan upang kumita.