Seducing My Crush [Alluring S...

By maentblack

1.9M 79.3K 49.1K

Alluring Series #1 Eris Julian Monterico Started: March 30, 2020 Finished: June 30, 2020 All rights reserved... More

Seducing My Crush
01
02
03
04.
05
06.
07.
08.
09.
10
11.
12.
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

31

35.5K 2.8K 1.1K
By maentblack


Let the Flame Burn

Nakatingin lang ako sa kan'ya at gano'n din s'ya pero mas nauna akong nag-alis ng tingin. Hindi ko kinayang makipagtitigan ng ganoong katagal!

Bahagya akong kumurap at patagong kinurot ang tabi ng hita, napangiwi naman ako ng makaramdam ng sakit.

Hindi nga ako nananaginip! Totoong nasa harapan ko si Eris!

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kan'ya nang iwan kami sandali ni Mama.

Nakita ko na naman ang pagtaas baba ng kanyang adams apple at bahagyang pagbasa ng labi.

He cleared his throat. "To pick you?" Sagot nito na parang hindi pa sigurado sa sinabi.

Kumunot naman ang noo ko at hindi ipinahalata rito ang kilig. Kagat kagat ko ang dila sa loob ng aking bibig upang itago ang nagbabadyang pagngiti.

Parang sasabog na yung obaryo ko sa sobrang kilig!

"Ha? Bakit?" Pagpapakipot ko ng kaunti.

Tumaas ang isang kilay ni Eris at mabilis na nag-iwas ng tingin.

"'Wag na nga." Biglang saad nito at nagulat ako nang bigla s'yang naglakad paalis ng pinto.

Kaagad ko namang hinila ang maleta ko at hinabol s'ya sa hallway ng condo.

"Hoy, sandali! Tinatanong lang! Attitude ka?"

Mas bumilis ang lakad ni Eris kahit na may sugat ito sa paa nang maramdaman n'yang sinusundan ko s'ya ng lakad. Kahit naman ganon, hindi ko pa rin mapigilan ang ngumiti.

Nakarating kami sa parking lot at nagulat ako nang pumunta s'ya roon sa itim na kotse.

Hindi pa ako nakakalapit ay may isang pamilyar na boses na nanggaling doon at tinawag ang pangalan ko.

"Hi, Dem!" Bumukas ang bintana ng sasakyan at si Ivann ang nasa driver's seat.

Kumaway ako sa kan'ya nang makalapit.

"Uy, Ivann!" Bati ko sa kan'ya.

Bumaba naman ako at tinulungan n'ya akong ipasok sa loob ng sasakyan ang maleta.

Taka ko s'yang tinignan.

"Not mine, but Eris." Bulong nito matapos n'yang ilagay sa back seat ang gamit ko. "Sakay na."

Mas lalo naman akong nagulat sa sinabi n'ya. Wow!

Tahimik lang ako habang nakatingin kay Eris sa unahan. Abala s'ya sa pagce-cellphone samantalang si Ivann naman ay kumakanta habang nagdadrive.

Hindi pa rin ako makapaniwala.

Tumikhim ako matapos kong pasadahan ng tingin ang sasakyan at binasag ang katahimikan sa loob.

"May sasakyan ka pala?" I used to wonder so I asked.

Narinig naman ako nito dahil bahagya s'yang nag-angat ng tingin at muli rin namang ibinalik ang atensyon sa telepono.

"Imposible ba?" Masungit nitong tanong.

Tinignan naman ako ni Ivann sa rear mirror at nakita ko ang impit nitong tawa.

Umayos ako ng upo at muling tumikhim. Pinipigilan ko ang sarili na tumawa. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nagsusungit s'ya, mas natatawa ako.

"Hindi naman. Ngayon ko lang kasi nakita." Muli kong sambit.

Hindi lang siguro s'ya ang makapagdrive dahil ng paa n'ya kaya si Ivann ang ginawang driver.

"Hindi ko ginagamit." Maikling sagot nito, hindi pa rin naaalis ang atensyon sa cellphone.

"Bakit ngayon mo lang ginamit?" Kaunti na lang ay sasabog na ang tawa ko ngunit natigil 'yon nang ibaba n'ya ang cellphone at ipatong sa kanyang hita.

"Bakit ang dami mong tanong?" He didn't look back but I know how his brow furrowed.

Napatawa naman ako at gano'n din si Ivann.

"Bakit ang sungit mo?" Pangungulit ko rito.

Hindi naman na s'ya nagsalita pagkatapos n'on kaya ako ulit ang nangulit.

"Alam mo, hindi gan'yan yung panliligaw, Eris. Hindi ka dapat masungit sa nililigawan mo." Umiling ako at ngumuso. "Sige ka, baka bustedin kita."

Napabuga si Ivann ng tawa matapos marinig ang sinabi ko. Itinaklob din nito ang kamao sa bibig para pigilan ang sarili sa paghalakhak.

Eris finally turn his back and pins me with his cold and dark glare, unsmiling.

"Sinong may sabi na nililigawan kita?" He said with a cold and calm voice that summoned the creased on his eyebrow.

I laugh and I couldn't resist teasing him after seeing his reaction.

"Sus, eh bakit may pagsundo? Bakit may 'to pick you' up? Could you enlighten me with your action, Mr. Monterico?" Pinanliitan ko s'ya ng tingin at patuloy sa pang-iinis.

I saw an upset shake of his head and turn his look on Ivann.

"Stop the car." He addressed. His voice had an annoyed edge and a serious face.

Biglang naging tahimik ang loob ng sasakyan at pinanlakihan ako ng mata nang itigil nga ni Ivann ang kotse sa tabi ng kalsada.

Eris stare at me with varying looks of gravity.

"If picking you means I'm courting you, get off the car." He mustered a cold and sounded serious voice after looking the other way.

Nagawa ko pa rin namang tumawa sa pagiging seryoso n'ya matapos ang ilang segundo kong pananahimik.

"Sabi ko nga hindi mo ko nililigawan! Napakaseryoso mo naman. Tsaka susunduin mo ko tapos iiwan mo sa madilim na kalsada?" Sumilip ako sa bintana at mabilis ding ibinalik ang tingin kay Eris. "Nasa'n ang puso mo?"

"Nasa'yo." Singit ni Ivann sa usapan namin ni Eris. Humagalpak ito ng tawa at s'ya naman ang binalingan ng tingin ng kaibigan.

Natawa na lang din ako nang umiling si Eris at ipatong ang siko sa tabi ng bintana.

Tumawa naman si Ivann at umiling. Pagkatapos noon ay umandar na ang sasakyan at nakahinga naman ako ng maluwag.

Akala ko tototohanin n'ya! Pinatibok n'ya ng kay bilis ang puso ko!

Mabilis kaming nakarating sa meet up place at huli na bago ko replyan si Matt at Maddy. Hindi ko agad nasabi sa kanila na sinundo ako ni Eris at Ivann.

Sigurado akong sasama ang loob sa'kin ng magkapatid.

Tinulungan akong ibaba ni Ivann ang maleta sa kotse. Si Eris naman ay kinuha lang ang kan'ya pagkatapos ay lumayo sa'min. May kausap kasi sa cellphone kaya hindi ko na s'ya natawagan at nasundan.

"Sa'n kita ihahatid?" Tanong ni Ivann nang kami na lang ang maiwan sa tapat ng car park.

May mga estudyante rin naman na nagdadatingan at may nagdadatingan na ring mga supreme.

"Ako na ang bahala sa gamit. Hintayin ko na rin muna sina Maddy dito. Salamat."

"You sure?" Paninigurado ni Ivann.

"Yep. Thank you!"

"As always."

Pagkasabi n'ya noon ay umalis na s'ya at hinintay ko naman sa gate ang kotse ni Matt.

Ilang sandali pa ay natanaw ko na ang pamilyar na sasakyan at tumigil 'yon sa bakanteng car park.

Si Maddy agad ang nakita kong lumabas. Patungo s'ya ngayon sa kinatatayuan ko.

"Ikaw hindi ka agad nagsasabi, masasabunutan kita r'yan!" Sigaw ni Maddy nang makalapit.

Tumawa naman ako at inakbayan s'ya. "Sorry na. Biglaan kasi. 'Di ko naman alam na susunduin ako nung boyfriend ko."

Siniko n'ya ako at pinanlakihan ng mata. "For real?" Hindi makapaniwalang tanong nito. "Sinundo ka talaga? Bakit daw?"

Nagkibit balikat naman ako. "Ewan ko. Bigla ngang nagsungit e. Pero pakiramdam ko, malapit na."

Kinurot ako ni Maddy sa tagiliran matapos tumawa. "Napakaharot mo kasi."

Tumawa kami pareho at nang makita ko si Matt ay kaagad ko s'yang nilapitan.

"Uy, Matt!" Tumigil ako sa tabi n'ya habang ibinababa ang ilang mga gamit, hindi naman n'ya ako pinansin at nilampasan lang ako.

Hinabol ko s'ya hanggang sa makarating kami sa pinto ng bus number namin.

"Uy, Matt! Baka gusto mong mamansin no? Hindi ko naman sinasadya. Nakalimutan kong sabihin--" Magsasalita pa sana ako ngunit mabilis s'yang umakyat sa loob at parang walang narinig sa mga sinasabi ko.

Bumuntong-hininga naman ako at sinundan s'ya sa loob.

Nang makapasok, unang naglanding ang tingin ko kay Eris kahit na sa kabilang bahagi lang nito naupo si Matt.

Kakaupo lang din ni Eris at kasalukuyang nakasalpak sa tenga nito ang earphone.

Hindi ko tuloy alam kung saan ako uupo. Hindi kasi ako kinakausap ni Matt at gusto kong tabihan si Eris dahil pagkakataon ko na 'yon.

Lumakad ako papalapit sa kanila at akmang uupo na sa tabi ni Eris nang biglang may tumulak sa'kin patabi. Inagaw nito ang bakanteng upuan at tumingin sa'kin.

Taka kong nilingon ang gumawa noon at kumuyom ang kamao ko nang magkasalubong ang tingin namin.

Sino pa nga ba?

"Sorry." Sambit ni Xyzhie pagkatapos ay ibinaling kay Eris ang tingin.

Muntik naman na akong matumba kanina, buti na lamang ay nasambot ni Matt ang pulso ko. I heave a sigh and sit beside him.

Sinulyapan ko si Eris at abala lang ito sa pakikinig ng music habang nakapikit ang mata at nakasandal sa back rest ng sasakyan.

Umandar na ang bus at isang oras na rin akong hindi pinapansin ni Matt kaya naman sa kanya na ako humarap.

"Sorry na lods." Bulong ko.

Mas kumunot naman ang kilay nito at tumagilid. Naglalaro s'ya ng ML at parang ayaw pa-istorbo.

"Lods sorry na o." Muli kong saad.

"I'm playing. Huwag kang magulo." Sambit ni Matt na panay pa rin ang pindot sa screen.

Sinimangutan ko s'ya at pinagkrus ang dalawang braso. "Akala ko ba magku-quit ka kapag ako na kausap mo. Scammer ka lods?"

Napangisi naman ako nang bigla n'yang ibaba ang cellphone at lingunan ako.

"Oo na. Bati na tayo. Hina ko talaga sa'yo." Umiling s'ya at ginulo ang buhok ko.

Tumawa naman ako ngunit mabilis lang 'yon dahil nakuha ko ang ilang atensyon sa loob ng bus.

Papatayin na sana ni Matt ang cellphone pero inagaw ko 'yon sa kan'ya.

"Pa'no ba laruin 'to?"

"Sure ka, lalaruin mo?" Takang tanong ni Matt.

Tumango naman ako.

Matt shake his head in disbelief. "Fine, but promise me, hindi ka sisigaw?"

"Ba't naman ako sisigaw? Horror game ba 'to?" I chuckled.

Umiling s'ya. "Nope. Basta walang sigawan."

Halos mag-iisang oras na rin akong naglalaro ng ML sa cellphone n'ya at kanina pa ako tawa nang tawa.

"Wala sabing sigawan. Mahiya ka nga." Kasalukuyang nakataklob ang kamay ni Matt sa bibig ko.

Kanina pa n'ya ko sinasabihan na hinaan ang boses ko pero hindi ko magawa.

Feeling ko nasa roller coaster ride ako at enjoy na enjoy ang pag pindot.

Hindi ko na nga alam kung anong mga pinipindot ko basta natutuwa ako kapag nagsasalita yung babae na "You have been slain." Doon ako tawa nang tawa at halos mapaos kakasigaw.

Ano bang klaseng laro 'to?!

Sumuko na ako sa paglalaro dahil ang sakit na ng tiyan ko at nangangalay na rin ang mga daliri ko.

Inilingan naman ako ni Matt pagkatapos maibalik ang telepono.

"Gonna buy new phone." Bulong nito matapos punasan ang screen ng phone sa damit.

Sinamaan ko s'ya ng tingin. "Bakit naman?"

"Masisira sa'yo cellphone ko lods!"

"Arte mo naman!"

Tinawanan lang ako ni Matt at ganon din ang ginawa ko.

Ilang sandali pa, sinulyapan ko si Eris sa tabi ko at mabilis namang nawala ang ngiti sa mga labi ko nang makitang natutulog si Xyzhie sa balikat nito.

Kumuyom ang kamao ko at kaagad na binawi ang tingin.

She's taking advantage of Eris.

Lunch na nang makarating kami sa hotel at kagulo ang iba naming kasama sa bus matapos lumabas.

Sabi ng tour guide namin, kakain muna raw at magpapahinga dahil bukas pa gagawin ang ibang scheduled activities sa beach.

Hinila naman agad ako ni Matt pababa at hindi ko na napansin si Eris.

Kasunod lang namin sila sa pagbaba at hindi ko naiwasan ang pag-ikot ng mata ko nang makita kong si Eris pa ang naghila ng maleta para kay Xyzhie.

Napakagat labi ako matapos nila kaming lampasan.

"Selos ka lods?" Asar ni Matt sa tabi ko. "Gusto mo pagdala rin kita ng maleta?" Tumawa s'ya at akmang kukuhanin ang gamit ko pero nauna akong maglakad.

Nakakainis!

Nang maibigay na sa'min ni Maddy ang room key, kaagad na rin kaming sumakay sa elevator at nagpunta sa third floor.

Pansin ni Maddy ang inis sa mukha ko nang makarating sa loob ng kwarto.

"Wow! Ang ganda naman dito!" Sambit ni Maddy nang makita ang disenyo ng loob ng kwarto.

Hindi malaki, hindi rin masikip, sakto lang ang kwarto para sa two person. May malaking shower room sa gilid tapos sa kabila naman ay flat screen TV, sa taas noon ay isang mahabang aircon. May electric fan din na nasa gilid.

Kulay cream ang dalawang single sofa at may katabi itong mini refrigerator.

Malaki at malapad naman ang kama na kulay cream din ang punda samantalang ang linen at comforter ay kulay white.

May paintings at palamuti pa sa iba't ibang dingding kaya naman mas lalong naging engrande ang room.

Kaya siguro malaki ang binayaran namin.

Hindi talaga ako aalis sa hotel na 'to na walang nasisira kahit isang pirasong hanger. Makabawi man lang sa binayad.

Pumunta pa si Maddy sa bintana at hinawi ang kurtina.

"OMG, nice beach view! Gonna take some pics!"

Umiling na lamang ako at humiga sa kama kahit hindi ko pa naaayos ang gamit ko. Mamaya na lang siguro.

Nasira bigla ang araw ko.

"Hoy, anong emote 'yan? Tumabi ka sa'kin at magpipicture tayo!" Aya sa'kin ni Maddy pero hindi ko s'ya pinansin.

Naramdaman kong lalapit s'ya sa'kin kaya dumapa ako.

"Inaantok ako, 'wag mo kong guluhin!" Palusot ko sa kan'ya.

"Okay. Ako na nga lang!"

Hindi ko naman na s'ya napansin na lumapit kaya pinagpatuloy ko lang ang pagdapa ko.

Ilang minuto pa, nakaramdam ako ng pananakit ng mata at hindi ko na namalayan ang sarili ko na makatulog.

NAGISING na lang ako sa malakas na boses at yugyog sa'kin ni Maddy.

"Hoy, gising na! Baka wala ka ng maitulog mamaya n'yan!" Rinig kong sigaw n'ya sa tabi ko.

Kaagad naman akong napabangon sa higaan at napatingin sa bintana.

Hala madilim na!

"Nakatulog ako?" Tanong ko kay Maddy.

Tinaasan n'ya ako ng kilay at pinagkrus ang mga braso.

"Obvious ba?" Umiling s'ya at binato sakin yung dalawang pirasong kulay puting damit. "Magbihis ka. Ako na kumuha ng swimsuit mo, pinakialaman ko na yung maleta mo. Isuot mo 'yan ha!"

Sinamaan ko naman s'ya ng tingin at binato ng unan.

"Ba't mo pinakialaman yung gamit ko? Nakakainis ka!" Sigaw ko rito at binalingan ng tingin ang dalawang pares ng maliit na damit. "Ayoko. Hindi ko isusuot."

"Tanga ka ba? E bakit mo dinala kung 'di mo pala isusuot? Ano 'yan, pampasikip lang ng bag? Kalokohan! Isuot mo na, huwag ka ng maarte!" Sumbat nito sa'kin.

"Ayoko sabi. Saka na kapag kailangan!"

May balak naman talaga akong isuot 'to pero ayoko pa ngayon. Baka bukas ng gabi kapag lumapit ako kay Eris.

"No. Look at me," Inalis n'ya ang navy blue at manipis na cardigan na nakabalot sa katawan n'ya.

Sumilip naman dito ang katawan ni Maddy na hindi masyadong well-shaped ang bewang pero may shape. Kulay dark blue rin ang bra at short shorts na suot n'ya.

"See, sexy ko no? Well, hindi ka aalis ng kwartong 'to hangga't hindi tayo nakatwo piece parehas." Pagpapatuloy n'ya.

"There's no way. Bukas ko 'to isusuot!" Pakikipagtalo ko.

She rolled her eyes and messed her hair. "Okay fine! Just wear sexy outfits too!"

Bumuntong hininga naman ako at bumangon na.

Nagtooth brush ako saglit at binuksan ang maleta ko.

Hinanap ko roon ang seamfree rib ballet bralette kong kulay puti pati na rin ang summer high waist denim shorts, they are both white because I love white.

Bagay naman daw sakin lahat ng kulay ng damit pero mas bagay raw ang cream or bright colors sabi ni Maddy.

Pagkatapos kong magbihis, kinuha ko rin ang kulay black na cardigan doon at binitbit. Mamaya ko na lang isusuot kapag nilamig ako.

Lumabas na ako ng shower room at nadatnan ko si Maddy na nakahiga sa kama.

She looked at me when she saw me out of the shower.

"Perfect! Tara na!" Kaagad s'yang bumangon at hinila ako palabas ng pinto.

Buti na lamang ay nakuha ko pa ang cellphone ko sa bilis ng pagkakahila n'ya sa'kin.

Dinala ako ni Maddy sa seaside at nakita namin doon ang mga kaklase namin.

They are in a circle form because of the bonfire in the middle.

Mukhang nagkakasiyahan at tawa sila nang tawa.

Hindi pa man nakakalapit, natanaw ko na ang likod ni Eris at ang pamilyar na babaeng nasa tabi n'ya.

Bakit ba nandito ang babaeng 'yon, hindi naman namin s'ya kaklase. Hindi rin makapal ang mukha n'ya ha?

Naupo kami ni Maddy na nakatapat kina Eris at Xyzhie. Hindi lang pala si Xyzhie ang nandito, katabi rin ni Eris si Ivann.

Kinawayan n'ya ako at inalok ng hawak na marshmallow. Ngumiti naman ako at umiling.

"Yan, sabi ko kasi sayo magtwo piece ka rin. Tignan mo suot ni Xyzhie, vulgar na vulgar!" Bulong ni Maddy pagkatapos kumuha ng sweet corn.

Inirapan ko naman s'ya at kumuha rin ng stick pero hindi ko itinutusok sa mallows.

"Wala akong pake. Mas maganda pa rin ako sa kan'ya." Pakikipagtalo ko kay Maddy.

"Well," Kibit balikat naman n'ya akong tinignan pagkatapos ay tumawa. "Sige na nga. Pasalamat ka kaibigan mo ko."

Ilang sandali pa, itutusok ko na sana yung stick sa mallows nang biglang may tumabi sa'kin at dumali ang braso ko kay Maddy.

"Opps, sorry! Napalakas ata!" Tumatawang sambit ni Matt.

Kinutusan ko naman s'ya nang tuluyang makaupo sa tabi ko.

"Napakagaslaw mo!" Inis kong sambit.

"Sorry na lods!" Pang-aasar pa nito.

Inirapan ko lang naman s'ya at itinuloy na ang pagtusok sa mallows.

"Okay, guys. Kanina pa namin pinupush 'yung larong 'to! Baka naman gusto n'yo ng maki-cooperate!"

Napatingin kami sa gilid nang magsalita si Xris.

"Ano na, patulan n'yo na! Laro lang naman! Tsaka may bisita tayo galing sa higher section o! Ipakita natin na mas masaya kapag nasa middle section!"

Tumawa si Xris at sinuportahan naman s'ya nina Yan pati na rin ng iba naming kaklase.

"Sige na. Push na. Pilitin ang KJ." Ginatungan naman iyon ni Cherry.

"Ako na ang mag-uumpisa ha!" Tumayo si Yan at lumapit kay Bella.

Nagulat si Bella nang hatakin s'ya patayo ni Yan at dalhin sa gitna kasama ng bonfire.

Napatawa naman kami dahil kumanta ang mga kaklase ko ng 'Muling Ibalik Ang Tamis Ng Pag-ibig.' dahil matagal ng mag-ex boyfriend-girlfriend ang dalawang ito.

Sunod namang tumayo si Cherry at lumapit sa pwesto ni Xris. Hindi naman na nagpahila si Xris at kusa rin itong tumayo.

Isa pa 'tong dalawa.

Napatawa na naman ako nang sumayaw ng sexy dance si Xris sa harap ni Cherry.

Ano 'to come back ng mga magjowa?

Natigil ako sa pagtawa nang marinig ang sunod na isinigaw ng mga kaklase ko.

"Eris!... Eris!... Eris!..."

Halos lahat sila ay pangalan ni Eris ang binabanggit.

Nilingunan ko naman si Xyzhie at umakto itong nahihiyang ipakita ang ngiti. Kumuyom ang dalawa kong palad habang pinapanuod s'ya.

"Eris!... Xyzhie!... Eris!... Eris!... Xyzhie!..."

Paulit ulit nilang sigaw.

Napalunok naman ako ng laway nang tumayo si Eris ngunit paalis ang gana ng paa n'ya.

Tatalikod na sana ito nang tumayo rin si Xyzhie at hatakin n'ya si Eris papunta sa gitna.

Walang nagawa si Eris sa mabilis na paghila ni Xyzhie dahil ng paa n'ya.

Ilang sandali pa, mas lumakas ang sigawan nang ipatong n'ya ang dalawang kamay sa balikat ni Eris at tumingkayad upang halikan ito.

Halos ilang segundong magkadikit ang mga labi nila at hindi ko na nakayanan ang tensyon sa buong katawan ko. Mabilis akong tumayo at tumakbo paalis ng bonfire.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko pero ramdam na ramdam ko ang bigat at paninikit ng dibdib ko.

Nakakita ako ng isang mini bar at pumasok ako roon.

Kasabay naman ng pagpasok ko ay ang pagdaan ng isang nakabeach uniform na waiter at walang pasabing ininom ko ang dala nitong alak.

Narinig ko pa ang pagpigil sa'kin ng lalaking waiter ngunit wala iyong nagawa.

Isang baso na lamang ng alak ang natitira at iinumin ko sana iyon ngunit may humawak sa pulso ko.

"Enough." Pigil sa'kin ni Matt.

"Bitawan mo ko." Kasabay ng tinig ng boses ko ang pagpatak ng mga luha ko.

"Enough, Dem! Marami ka ng nainom!" Tumaas ang boses n'ya pero hindi ko 'yon pinansin.

"Bitaw sabi, Matt!" Inis kong sigaw pero mas dinidiinan n'ya ang hawak sa'kin.

"Let's go." Akmang hihilahin n'ya ko palabas pero hindi ako nagpahila.

Hinampas ko s'ya gamit ang isa kong kamay pero hindi s'ya nagpatinag.

Itinigil ko lang 'yon ng makaramdam ako ng pagod at parang ako lang yung mas nasasaktan.

"Fuck that fucking asshole for making you cry!" Bulong ni Matt habang nakatingin sa'kin.

Mas napaiyak naman ako dahil doon.

Akmang ipipikit ko ang mga mata ko ngunit may nakita akong pamilyar na lalaking pumasok sa loob ng mini bar na ito.

Nagtama ang mga tingin namin matapos n'yang libutin ang buong lugar.

Lumunok ako ng laway at binalingan ng tingin si Matt.

"Kiss me."

"What?" Bakas ang gulat sa mukha ni Matt nang sabihin ko 'yon.

Muli kong tinignan ang papalapit na si Eris at malapit na s'ya sa kinatatayuan namin.

"Kiss me, Matt." Tinignan ko s'ya sa mga mata. "Please."

Kumuyom ang kamao ko nang hindi pa rin gumagalaw si Matt sa kinatatayuan n'ya kaya ang ginawa ko, gamit ang isang malayang kamay ay hinila ko ang kwelyo n'ya at hinalikan bago pa makarating si Eris.

Nakita ko pang pinanlakihan ng mata si Matt ngunit mabilis kong ipinikit ang mga mata ko.

Naputol din naman agad ang halik nang biglang bumagsak si Matt sa sahig.

Napatingin ako kay Eris na kasalukuyang mabibigat ang inilalabas na hininga habang madilim ang tingin kay Matt. Napahawak ako sa bibig at akmang lalapitan ang kaibigan ngunit naramdaman ko ang mainit na kamay ni Eris sa pulsuhan ko.

Hinila n'ya ako palabas ng mini bar at dinala sa kung saan.

Medyo malayo ang nilakad namin at kanina ko pa pinipilit alisin ang kamay n'ya mula sa'kin.

Tumigil lang kami sa paglalakad nang ipasok n'ya ako sa isang kwarto.

Hindi ko alam kung nasa'n kami pero tanging ilaw sa labas ang nagbibigay liwanag sa madilim na silid.

Napalunok ako nang bitiwan n'ya ako.

"Bakit mo sinuntok si Matt?" Galit kong tanong sa kan'ya.

Hindi naman s'ya nagsasalita at nakatungo lang sa harap ko. Kuyom ang dalawang kamao nito at mabilis ang paghinga kagaya ng sa'kin.

Nang mapansing wala s'yang balak magsalita, nagtangka akong humakbang pero itinulak n'ya ako sa pader at ikinulong sa isang bisig.

Mas bumilis ang tibok ng puso ko nang maramdaman ang malapit n'yang katawan sa'kin.

Nakatungo pa rin ito at halos marinig ko ang malalim n'yang paghinga. Para naman akong mauubo dahil sa kaba at paghugot ng hininga.

Halos segundo na ang nakalipas, wala pa rin s'yang ginagawa o sinasabi at mas naiinis ako sa ginagawa n'ya.

Muli kong kinuyom ang aking kamao, nasasaktan pa rin ako at galit na galit ako sa kanilang dalawa ni Xyzhie!

Nagtangka ulit akong umalis pero iniharang naman n'ya ang isang pang braso.

At ngayon, wala na akong takas dahil kulong na ako nito sa pagitan ng kanyang mga bisig.

"Ano ba?!" Sigaw ko sa kan'ya.

"Why?" Bulong nito ngunit nakatungo pa rin.

Kumunot ang noo ko at kinagat ang pang-ibabang labi.

"Anong why?" Itinulak ko ang dibdib n'ya pero parang wala lang 'yon sa kan'ya.

"Alis nga!" Muli kong sigaw.

Hindi ko alam kung bakit galit na galit ako sa kan'ya ngayon.

Siguro ay dahil sa sobrang selos at sakit.

I heard him heave a deep sigh and slowly turned his eyes on me.

"Why did you kissed him? Akala ko ba hindi mo s'ya gusto?"

Lumunok ako ng laway at sandaling natahimik. Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko sa'king pisngi ngunit nilakasan ko ang loob ko.

"Bakit mo hinalikan si Xyzhie? Akala ko ba wala na kayo--"

Natigilan ako sa pagsasalita nang alisin n'ya ang pagkakakulong sa'kin.

"Fuck, Demrene!" He shouted between anger and a cussed. "She kissed me! Hindi ako ang humalik!"

Napatawa naman ako. "Gano'n na rin 'yon!"

"There's a fucking difference with who kissed and who don't!" Naramdaman ko ang pagbaling ng tingin n'ya sa'kin kahit medyo madilim sa paligid. "Tell me why did you kissed that shit?"

Kumunot ang noo ko. Bakit ba s'ya nagagalit?!

Aminado akong may karapatan akong magalit dahil hinalikan s'ya ni Xyzhie kasi may gusto ako sa kan'ya!

Pero ito? Bakit s'ya magagalit kung hindi n'ya ako gusto?!

"Ano bang problema mo?" Bakas sa boses ko ang inis ng itanong ko iyon.

Sandali namang natahimik ang buong kapaligiran at tanging isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan n'ya.

"It's just that..." he stopped and looks like it's hard for him to speak. Narinig ko pa ang mahinang pagmumura nito.

"What?! Tell me Eris!"

He took a gulp and landed his gaze with my eyes. Matagal kaming nagtitigan sa dilim bago s'ya magsalita.  

He cleared his throat and open his mouth. "What you have feelings for me, I don't want with anyone else."

---

Don't forget to hit the 'star', thank you for reading! 

-maentblack

Continue Reading

You'll Also Like

10.4M 225K 64
He's handsome, freakin' hot, snob, cold, campus hearthrob, model, popular. Sinong babae ang hindi magkakagusto sa kanya kahit sa unang tingin? Sinong...
3M 145K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
3.8K 296 23
Bisaya | Completed Started: January 4, 2022 Ended: February 25, 2022
563K 16K 13
Sit back and relax and welcome to...Sardinas Family--este Sandejas Family👑 Sandejas Family's sabog moments, adventures. Usually consists of excerpts...