Seducing My Crush [Alluring S...

By maentblack

1.9M 79.3K 49.1K

Alluring Series #1 Eris Julian Monterico Started: March 30, 2020 Finished: June 30, 2020 All rights reserved... More

Seducing My Crush
01
02
03
04.
05
06.
07.
08.
09.
10
11.
12.
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

30

36.3K 1.9K 346
By maentblack


Strange

Tinulungan ako ni Kuya na nagdrive noong motor at ang naging dahilan kung bakit nangyari ang mga bagay na hindi dapat nangyari.

Papasok na ulit kami ngayon sa campus para dalhin s'ya sa infirmary.

Habang naglalakad sa hallway, nakita kami ni Ivann kaya mabilis itong tumakbo papunta sa kinatatayuan namin.

"What the fuck, bro! What happened?" Gulat na tanong nito sa kaibigan matapos agawin sa'kin ang isang balikat.

Silang dalawa ni Kuya ang nagdala kay Eris papasok ng infirmary.

Kaagad naman s'yang sinalubong ng nurse at iniupo sa isang sofa.

"Boss, sorry. Hindi ko sinasadya." Hingi ng tawad ng lalaki kay Eris.

Hindi naman s'ya pinansin ni Eris at pinapanood lang nito ang ginagawang paggagamot sa kan'ya ng school nurse.

"Ba't ho ba kayo nagmamadali? Ang lawak ho ng kalsada pero gilid na gilid kayo. Daanan na po 'yun ng mga tao, sir." Napakagat ako sa labi matapos magsalita. Pinipigil kong hindi magalit kasi tao lang din naman si Kuya.

"Sorry, Miss. Hinahabol ko lang kasi 'yung girlfriend ko. Pasens'ya na. Magbabayad na lang ako para sa danyos." Tumingin muli ito kay Eris. "Boss, pasens'ya na talaga."

Eris clenched his jaw, still watching what the nurse is doing with him and heave a sigh.

I also took a grip and bit the cheeks inside my mouth. Maybe he's getting mad.

"Just leave this room and be a responsible driver." Tanging saad ni Eris na hindi man lang tinitignan si Kuya.

Napatingin ako kay Kuyang nasa tabi ko lamang. His eyes were wide open and lips are parted.

"Boss, salamat! Pasens'ya na talaga." Tumungo pa si Kuya.

"Don't even be sorry... just make sure to do your job right." Rinig naming saad ni Eris, mahina ang boses nito pero sapat na para marinig ng kausap.

"Oo, boss. Kung may babayaran para sa casualties, here's my contact number." Iaabot pa sana ni Kuya ang isang maliit na papel pero ipinatong ni Eris ang kan'yang ulo sa palad at pumikit.

"Just go." Bulong nito.

Napatingin naman ako kay Ivann at nagkibit balikat lang s'ya habang naka-krus ang dalawang braso sa dibdib.

Binalik naman nito ang papel sa loob ng coat at nilingunan kami. Yumuko s'ya sa'min pagkatapos ay lumabas na.

"Ano bang nangyari?" Bulong ni Ivann sa tabi ko.

Hindi naman agad ako sumagot at patuloy pa rin sa panonood kay Eris habang ginagamot.

"Oh, may gasgas ka rin!" Ivann grabbed my arm after discovering some scratches.

Napangiwi naman ako dahil ngayon ko lang din naramdaman ang sakit.

Lumapit naman si Ivann sa nurse at kumuha s'ya ng alcohol at bulak kasama na rin ang betadine.

Eris glanced on Ivann as he gently push me at the couch.

Dinampian n'ya ng basang bulak ang sugat ko at hindi ko mapigilan ang pagkagat ng labi. Medyo mahapdi.

Nang matapos ay nilagyan n'ya yon ng betadine. Kasabay naman ng pagtayo ni Ivann ang pagtayo rin ng school nurse kaya napatingin kami roon.

"He got a minor fracture on his ankle. Pero gagaling din agad 'yon within 2 days, just massage it thorougly, then his wounds, maybe you need 1 week to dry this. Medyo malaki yung sugat pero hindi naman malalim." Paliwanag ng nurse habang inaalis ang surgical gloves nito.

"What the fuck, bro! Makasama ka kaya sa expedition? Sa isang araw na 'yon!" Bulyaw ni Ivann na kaagad ko rin namang ikinabahala.

Pa'no kung hindi talaga s'ya makasama? Pa'no 'yung promotion n'ya as a soccer leadership leader?

“College?" Tanong ng Nurse.

"Opo," Si Ivann ang sumagot.

Binalingan naman ng nurse si Eris na hindi pa rin nagsasalita hanggang ngayon. Tahimik lang itong nakikinig.

"Are you a player? Your face is somehow familiar." Muling tanong nito.

"Yes po. He's a soccer player," He paused and stroke his hair using his finger. "Oh, fucking asshole! Pa'no na 'yung laro mo, bro?!" He said and much frustrated than Eris. Si Ivann na naman ang sumagot.

Bumuntong hininga 'yung nurse at napaisip. "It's awful. I suggest that you need to get some rest and unwind. Makakasama sa fracture mo kung sasama ka sa expedition."

Nanlaki ang mata namin dahil sa inanunsyo ng nurse. Magsasalita pa sana ako pero naunahan ako ni Ivann.

"Final decision na 'yan?" Tanong ni Ivann dito.

Ngumiti lang naman ang nurse at umalis na.

Napatungo ako pagkatapos tumingin sa may bendang paa ni Eris.

Nagi-guilty ako.

Ilang sandali pa, napatingin kami sa pinto nang bumukas ito at pumasok ang isang babae.

Kaagad s'yang lumapit kay Eris at biglang umiyak. She covered her mouth after seeing Eris with that condition.

"Oh my God, what happened to you?" Xyzhie asked while crying in front of Eris.

Tinignan lang naman s'ya ni Eris at binalingan nito ng tingin si Ivann.

Lumapit naman si Ivann at itinayo ang kaibigan mula sa pagkakaupo.

Nang makatayo, akmang lalakad na sila ngunit hinawakan ni Xyzhie ang t-shirt ni Eris.

"I'll take you home. Let's get into my car." Suhestyon ni Xyzhie matapos nitong punasan ang mga luha.

Kumunot naman ang kilay ko at iniwas ang tingin.

Umaakyat na naman ang dugo ko.

"Please, let me take you home. Mahihirapan kang sumakay--"

Eris cut her off by removing her hand in his clothes. Seryoso ang tingin n'ya kay Xyzhie.

"I can manage myself without your help." Malamig na tonong sagot nito sa dating girlfriend.

Lumabas na sila ni Ivann nang hindi na muling magsalita si Xyzhie.

She turn around and stare at me for a couple of minutes after that, she fierily rolled her eyes over me.

I breathe a sigh and shake my ass off.

Sinundan ko naman sina Eris at Ivann at kasalukuyan na kaming naglalakad papunta sa waiting shed.

Alas tres palang kasi kaya kakaunti ang pasahero.

"Ivann!" Napatigil sila nang tawagin ko ito.

"Oh, Dem. Sumabay ka na rin sa'min. Same way lang kayo ni Eris di ba?" Ivann asked.

Mabilis naman akong tumango. "Ako na ang maghahatid kay Eris."

Napatingin sa'kin si Eris samantalang si Ivann naman ay napangisi.

"Well, it depends on Eris pero may practice talaga kami ng kanta ngayon," Tumingin si Ivann kay Eris at ngumiti.

Eris just glared at him and mouthed something like he said 'Fuck you.' without even a sound.

"Do your things, ako na ang bahala kay Eris." Sinulyapan ko ang kunot-noong si Eris at masama ang tingin sa'kin. "It's my responsibility as well. Kasalanan ko kung bakit na-aksidente si Eris."

Ivann seem surprised and confused but before he utter another question, inagaw ko na ang braso ni Eris sa kan'ya.

"Let go and leave." Bulong ni Eris nang tuluyan ko na s'yang makuha kay Ivann.

"No." Sambit ko kahit medyo nahihirapan kaming maglakad papasok sa loob ng supreme.

"Good bye, lovebirds!" Ivann shouted as we enter the vehicle.

Eris just whispered a curse word while I hid my smile.

Nang makarating kami sa condo nila, tumigil kami sa tapat ng pinto at inalis nito ang braso sa balikat ko.

"You may leave." He ordered and turn around to open the door.

Pumasok s'ya roon at bago pa n'ya maisarado ang pinto ay lumusot ako sa ibaba ng braso n'yang nakahawak sa gilid.

"For fuck's sake, Demrene! Just leave me here." Tumaas ang boses ni Eris pero hindi ko s'ya pinansin.

Sa halip ay kaagad akong pumunta sa kusina at naghanap ng first aid kit.

Nakita ko naman 'yon sa itaas ng cabinet at inabot.

Parang wala si Tita kasi tahimik at patay ang ilaw noong binuksan ni Eris ang pinto.

Nang makabalik sa salas, nadatnan ko ro'n si Eris at masama pa rin ang tingin sa'kin.

Umigting ang panga nito nang makalapit ako at nag-iwas ng tingin.

"I can help myself. Umuwi ka na." He said.

Hindi naman ulit ako nakinig. Lumapit ako sa kan'ya at nagulat s'ya nang hawakan ko ito sa dalawang balikat. Iniupo ko s'ya roon at hinila ang maliit na upuan sa harap n'ya.

Inalis ko ang nakabenda sa paa n'ya at akmang babawiin n'ya ito.

"Stay still, Eris!" Utos ko rito. Tinaasan naman n'ya ako ng kilay at sandaling natahimik.

"Ako na." Muli n'yang tinangkang agawin ang paa.

"Shh."

"Fuck, Dem!" Tinaasan ko s'ya ng tingin ng magmura ito.

Ngumisi naman ako at kumindat. "Later."

"What?" Bakas sa boses ni Eris ang iritasyon.

"Fuck me later." Seryoso kong saad pero deep inside ay naguguluhan na rin ako sa sinasabi ng bibig ko.

Demrene, as in? Nagagawa mo pa ring lumandi sa ganitong kalagayan?

"Are you nuts?" Madiin ang pagkakabigkas ni Eris sa mga salitang 'yon kaya napangiti ako.

"Maybe." I answered.

Tanging iling lang ang sagot ni Eris at hindi na nagsalita.

Matapos ang ilang sandaling pananahimik, tumigil ako sa pagco-cover ng sugat n'ya at tumingin dito.

Kanina pa naman n'ya ako pinapanood kaya nagkasalubong ang mga tingin namin.

"I'm sorry." Hingi ko ng tawad.

He just looked away and pretend he didn't hear something.

Lumunok ako ng laway at kinagat sandali ang gilid ng itaas na labi.

"Pa'no na yung soccer mo?" Pilit kong tanong kahit nagdadalawang-isip akong sabihin 'yon.

He's going to get mad at me because I'm the one who made this trouble.

"Hindi mo na dapat ako hinila--"

"That's not your problem. Stop thinking about it." He cut me off and glance at me for a second.

Naikuyom ko naman ang kamao at malalim na bumuntong hininga.

"Kasalanan ko kung bakit nasa gan'yan kang kalagayan. I should worry! Nagi-guilty ako," Napayuko ako dahil sa nagawa kong katangahan kanina.

Dapat ay tumingin din ako sa daan at hindi naging pabaya.

"Kung ayaw mong ma-guilty, then quit worrying," He took some time off and I felt his gaze towards me. "I'm fine. Umuwi ka na."

Napatunghay ako nang inalis n'ya ang paa mula sa pagkakapatong sa hita ko.

"I'm sorry." Muling hingi ko ng tawad.

Ramdam ko ang pangingilid ng luha ko habang nakikipagtitigan sa kan'ya.

Eris just closed his eyes for a second and clenched his jaw.

"I'm not dying, don't dare to cry in front of me once more. Umalis ka na." Muling pagtataboy nito sa'kin.

Hindi naman na ako nagpumilit pa at sinunod na ang gusto n'ya.

Nang makarating sa pinto. Sinulyapan ko pa s'ya bago ako tuluyang lumabas ng condo nila pero hindi man lang n'ya ako nilingunan.

Ang bigat pala talaga sa dibdib.

Pa'no pa kaya kay Eris? He'll lose something important to him, especially being the soccer team leader.

---

Umaga pa lang ay pansin na ni Maddy ang pananahimik ko.

Alam kong natanggap n'ya na ang balita tungkol sa nangyaring aksidente samin ni Eris kahapon. Imposible kasing hindi agad 'yon kumalat.

Pinili na lang din ni Maddy na hindi ako kausapin hanggang sa may pumasok na Professor sa lecture room.

Napatingin naman ako sa upuan ni Eris at laking gulat ko ng wala pa ito.

Hindi s'ya pumasok?

"Okay, student. Hindi ko na ito patatagalin pa." Tumigil ito sa pagsasalita at kasalukuyan namang nasa pinto ang atensyon ko.

Hinihintay kong pumasok si Eris.

"Maybe you already know the news that happened yesterday and because of that accident," napatingin ako kay Prof at sandaling nagtama ang tingin namin bago n'ya muling ibaling ang tingin. "Mr. Monterico is banned for joining our study expedition."

Hindi ko alam kung bakit kusang nagreact ang katawan ko at bigla na lang akong nagsalita't tumayo.

"Sir!" Dahil sa pagsigaw ay nakuha ko ang atensyon ng lahat.

"Yes, Ms. San Mateo? Something's hurt?" Tanong ni Prof at bakas ang pag-aalala.

Umiling ako, "No, sir! Alam na po ba ni Eris 'to?"

"Nope but we're going to inform him as soon as possible. Some Professor will check him and bring the letter to his parents."

Magsasalita pa sana ako ngunit may boses na nagsalita mula sa pintong nasa likod.

"No need to confront my parents,"

Halos lahat kami ay napalingon sa naglalakad na si Eris papunta sa kan'yang upuan.

"Mr. Monterico? Akala ko ba ay binigyan ka ng rest day ni Coach at ng iba pang Professor? Why are you here?" Gulat na tanong ni Prof nang makaupo si Eris sa kan'yang upuan.

Napalunok naman ako at bumaba ang tingin sa kan'yang paa. May benda pa rin ito pero nagawa n'yang lumakad ng normal kanina.

Hindi ko alam kung nagpapanggap lang s'ya o hindi.

"I will join the study expedition, sir." Diretso ang tingin ni Eris kay Prof.

"But how 'bout your fracture? You're not able to--"

"I'll join, sir." Eris cut him off and repeated what he said with a serious and baritone voice.

"Are you sure?"

"Yes, sir."

"Okay. That's good. Just make sure you'll feel better. I'll settle this problem before we finalize the decision."

Pagkasabi noon ni Prof ay lumabas na rin s'ya kaagad.

Nagsilapitan naman ang mga kaklase ko sa upuan ni Eris lalo na sina Xris at Yan, pati na rin si Cherry.

Kinukumusta ng mga ito ang nararamdaman ni Eris pero wala naman s'yang pakialam.

Ilang sandali pa ay sumigaw si Maddy.

"Teka nga! Ang iingay n'yo, babaho pa ng hininga n'yo! Lalo ka na Xris, nagtu-toothbrush ka ba?"

Tumigil ang mga kaklase ko sa pagsasalita at parang nahugot nila ang kanilang hininga. Napatawa naman ako.

"Grabe ka ha. Malamang nagtu-toothbrush ako, dito ka pa tumira!" Hiningahan naman ni Xris si Maddy na agad naman s'yang sinabunutan nito.

"Ang lakas pa ng loob mong huminga sa harap ko!" Sigaw ni Maddy habang sinasabunutan ang buhok ni Xris.

Umiling naman ako at pagkalingon ko kay Eris ay nakapatong na ang ulo nito sa lamesa. His eyes were close just like a baby who's sleeping. Unan niya ang kaliwang braso, samantalang ang kanan naman ay nakapatong lang sa tabi ng kanyang mukha.

Ginaya ko ang pwesto ng pagtulog n'ya at pinanood lang s'ya habang nakapikit.

How he manage to sleep when some people are loud and noisy?

Bahagya akong umiling at gumuhit ang ngiti sa mga labi ko bago ko tuluyang ipikit ang mga mata.

--

Mabilis natapos ang klase at nang lumabas kami ni Maddy sa lecture room ay tuwang tuwa ito. Hindi ko naman na nakita si Eris dahil sinundo s'ya kanina rito nina Ivann at Jace.

"Excited na ko bukas! Nung isang araw ko pa naihanda sa maleta yung mga gamit ko! Feeling ko hindi kas'ya lahat! Nahihirapan ako kung anong iiwan ko!" Sigaw ni Maddy habang naglalakad kami papunta sa car park.

Kasabay nila ako ngayon dahil hindi ko naman masasabayan si Eris.

"Dalhin mo na buong kwarto mo!" I teased.

Parehas lang naman kami, hindi ko rin alam kung saan ipaglalalagay yung mga gamit na gusto kong dalhin para sa study expedition bukas. Maaga pang gigising para sa meet up dito sa University.

"Kung pwede nga lang diba?" Maarteng saad ni Maddy.

Nasa sasakyan na kami at naghihintay na ro'n si Matt. Nakaformal attire ito at nagmukhang tao kahit papaano.

"Wow, ha? Sa'n ka galing?" Tanong ni Maddy nang mapansin din ang suot ng kapatid.

"Nakipagdate roon sa binubugaw ni Dad sa'kin na babae. The fuck, masyadong bata!" Sagot ni Matt nang mapaandar ang sasakyan.

Natawa naman kami ni Maddy.

"Si Silver? Yung 17 years old? OMG, pedophile!" Maddy laugh as loud as she can.

"Yeah, pero binusted ko. Ayokong kasuhan dahil sa Republic Act Number 7610." Nagawa pa nitong ngumisi habang nagdadrive.

Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi n'ya.

"Ang gwapo mo naman lods." Asar ko rito.

"Thanks." Kinindatan n'ya lang ako at malakas na tumawa.

Ang yabang talaga.

Pagkatapos nila akong ihatid sa condo, umalis na rin sila agad. Sinabihan ako ni Matt na 3 AM n'ya kami susunduin kaya agahan ko raw ang gising.

Nang makapasok din naman ako sa loob ng condo, nadatnan ko roon si Mama na nasa salas at nanonood ng TV. Umakyat naman na ako at inihanda ulit ang mga gamit.

Kailangan kong magbawas at yung importanteng bagay lang ang dadalhin ko.

Natulog na ako matapos kong ilagay sa cabinet ang susuotin ko para bukas.

ALAS dos ng madaling araw nang tumunog ang alarm clock na nasa cellphone ko. Inaantok pa akong bumangon pero nagising ang diwa ko matapos kong maligo.

Kalahating oras naman akong nakipagtitigan sa salamin dahil tinitignan ko kung maganda ba ang suot ko. Nakafitted akong t-shirt na pastel yellow at cream na high waisted short. Nilagyan ko rin 'yon ng black belt para lalong ma-enhance ang shape ng katawan ko.

Nagheels naman ako at 1 inch lang yon dahil baka mamaya, umakyat kami ng bundok.

Nang matapos, narinig ko ang pagsigaw ni Mama sa salas. Nandoon na siguro sina Matt. Tinignan ko ang oras sa wrist watch at 2:43 na pala.

Napakabilis talaga ng oras.

Hirap na hirap kong ibinaba ang maleta sa hagdan at nakita ko si Mama na tumatawa habang may kausap sa pinto.

Bakit hindi pa pumasok si Matt sa loob? Ipapabuhat ko sana sa kan'ya 'tong dala ko! Nakakainis naman!

"Ma! Bakit hindi n'yo pa--"

Hindi ko na naituloy ang sunod kong sasabihin dahil nagulat ako nang makita kung sino ang nakatayo sa labas ng pinto at ang tinatawanan ni Mama.

I took a gulp when he landed his stare on me. Nang makita ako, nawala ang ngiti n'ya sa mga labi at napansin ko pa ang pagtaas baba ng kan'yang adams apple sa paglunok ng sariling laway.

Tumikhim ako at hindi pa rin makapaniwalang nandito s'ya.

It's not Matt but...

"Eris?"

---

Thank you for reading! Don't forget to 'hit' the star! Thanks! 

-maentblack : )

Continue Reading

You'll Also Like

194K 5.6K 60
[The Palmer Brothers: DOS] - I was surrounded by roses but I ended up loving the thorn. I forgot that it can give pinpricks and could make me bleed.
1.1M 32K 14
(COMPLETED) In order to get my brother back, I am being tasked to get all the wealth he got, and then kill him right after. So I planned to make him...
6.7K 1.4K 39
COMPLETED|UNEDITED because of voice they meet, it's called destiny or just an accident? do they have happy ending? or just an end? Start: December 6...
2.1K 269 78
Unexpected Confession (Epistolary)