Legend of Divine God [Vol 5:...

By GinoongOso

935K 92K 12K

Tapos na ang kaguluhan sa Ancestral Continent. Pero, hindi ibig sabihin nito ay tapos na ang pakikipagsapalar... More

Legend of Divine God [Vol 5: Dark Continent]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
Chapter LXI
Chapter LXII
Chapter LXIII
Chapter LXIV
Chapter LXV
Chapter LXVI
Chapter LXVII
Chapter LXIX
Chapter LXX
Chapter LXXI
Chapter LXXII
Chapter LXXIII
Chapter LXXIV
Chapter LXXV
Chapter LXXVI
Chapter LXXVII
Chapter LXXVIII
Chapter LXXIX
Chapter LXXX
Chapter LXXXI
Chapter LXXXII
Chapter LXXXIII
Chapter LXXXIV
Chapter LXXXV
Chapter LXXXVI
Chapter LXXXVII
Chapter LXXXVIII
Chapter LXXXIX
Chapter XC
Chapter XCI
Chapter XCII
Chapter XCIII
Chapter XCIV
Chapter XCV
Chapter XCVI
Chapter XCVII
Chapter XCVIII
Chapter XCIX
Chapter C
NOTE

Chapter LXVIII

8.3K 894 93
By GinoongOso

Chapter LXVIII: Logoria

Sa mansyon, sa loob ng naipagawa ng opisina ng duke, kasalukuyang nakaupo si Crome sa upuan na nakalaan para sa kanyang panauhin. Hindi siya nakaupo sa kanyang magarbong upuan dahil ang kasalukuyang nakaupo rito ngayon ay ang kanyang amang si Servero, isang Grand Duke sa Kaharian ng Preian. At bukod pa roon, isang 9th Level Heaven Rank.

Si Servero ay isang matandang adventurer na mag-iisandaang taon na. Matanda na siya pero napakalakas pa rin ng dating niya. Mayroon siyang mala-espadang mga kilay at matalim na mga mata.

Sa buong kaharian ng Preian, si Servero ay may napakataas na katayuan. Kahit ang hari ay nakikinig sa kanyang hinaing, opinyon at suhestyon. Kinakapitan siya ng mga maharlika dahil malakas siya sa hari. Walang sinuman sa Preian ang kumakalaban sa kanya dahil takot sila sa impluwensya at puwersang pinamumunuan ni Servero.

Isa pa, marami ring anak si Servero, at nagkalat ang mga ito sa kaharian ng Preian; ang ilan ay may titulo ng maharlika habang ang ilan naman ay mas pinili na maging isang adventurer na nakikipagsapalaran. Mayroon pang iba na sikat sa ibang kaharian at mayroon na ring pangalan sa Imperyo ng Rowan. Isa rin ito sa rason kung bakit matatag ang katayuan ni Servero sa Kaharian ng Preian.

At si Crome ang isa sa pinakawalang kuwenta niyang anak pero may pinaka mataas na titulo sa lahat ng kanyang mga anak. At ang dahilan? Paborito niyang anak si Crome kaya kahit na duwag ito at palaging pumapalpak, ito lang ang nag-iisa niyang anak na pinapaboran niya ng sobra.

“Nakakadismaya talaga ang ginawa mong ito, Crome,” malumanay na sabi ni Servero. Pinagdikit niya ang kanyang mga daliri habang ang kanyang dalawang siko ay nakapatong sa lamesa.

Hindi maganda ang timpla ni Servero, pero nanatili siyang kalmado dahil ayaw niyang sigawan at pagalitan ang kanyang anak.

Bumuntong-hininga si Servero at nagpatuloy, “Kung hindi ka sana nagpadalos-dalos at kung ipinaalam mo lang sa akin agad ang tungkol sa bagay na ito, marahil nasa kamay na natin siya ngayon.”

“Hindi kita gustong pagsalitaan ng masama aking anak pero hindi ka talaga nag-iisip. Sobra akong nadismaya sa ‘yo sa pagkakataong ito,” dagdag pa ni Servero.

Nataranta at bumakas ang galit sa mukha ni Crome. Minsan lang siya pagsalitaan ng ganito ng kanyang ama kaya hindi niya mapigilan ang mapaisip.

“Hindi ko naman kasalanan ang lahat ng iyon ama! Kung hindi dumating at nakialam si Crypt, mapapasakamay na sana natin ang dalawampung taong gulang na Five Star Grandmaster Blacksmith!” agad na paliwanag ni Crome habang inilalahad ang kanyang mga kamay. “Marahil pumalpak ako noong ipinadadakip ko siya dahil hindi ko na-imbistigahan ang buo niyang lakas pero… lahat naman ay umaayon sa aking plano, ama. Nahulog siya sa patibong ko at nadala ko siya rito pero… hindi ko talaga inaasahan ang pagdating ni Crypt.”

Gusto pa sanang sabihin ulit ni Servero na hindi nag-iisip si Crome pero napigilan niya ang kanyang sarili. Inilapag niya ang kanyang palad sa ibabaw ng lamesa at bahagyang umiling.

Bumuntong-hininga si Servero at taimtim na tumingin sa kanyang anak, “Napakalaki ng pinakawalan mong isda, aking anak. Kung totoo nga ang sinasabi mong nakaakit siya ng kidlat gaya ng nasa mga libro at pag-aaral ng mga panday, ibig sabihin ay muntik na siyang makabuo ng Heaven Armaments… at dalawa pa sana iyon.”

“Kung nagawa niya iyon sa unang beses, magagawa niya ulit iyon sa ikalawang pagkakataon; at maaaring magtagumpay na siya sa sandaling iyon. Inisip mo sanang mabuti kung gaano kahalaga ang Blacksmith na may kakayahang gumawa ng mga Heaven Armaments at hindi mo sana agad pinairal ang iyong ganid,” pailing-iling na sabi ni Servero.

Nakaramdam muli ng inis at takot si Crome, pero, hindi niya ito ipinangalandakan sa kanyang ama. Marahil paboritong siyang anak ng kanyang ama, pero sa pagkakataong ito, napakalaki ng pagkakamaling nagawa niya.

“Kaya kailangan ko ang tulong ninyo ama! Kailangan nating makuha sa lalong madaling panahon ang binatang iyon bago pa tayo maunahan ng iba!” hayag ni Crome. “Patungo siya sa Beastman Kingdom at tatlong araw na ang nakalilipas. Kung hindi tayo agad kikilos, malaki ang posibilidad na hindi na muli tayo magkaroon ng pagkakataon pa.”

“Huli na ang lahat, aking anak. Hindi na natin siya makukuha pa. Malakas ang impluwensya ko sa kahariang ito pero sa labas ng kaharian, alam mong hindi ako gano’n kalakas. Isa pa, kung gagawa tayo ng kahina-hinalang hakbang, baka isunod na tayo ng imperial family sa kanilang buburahin. Nararamdaman ko na pinagsususpetyahan na nila ako… masyado nang lumalawak ang koneksyon natin kaya kinakailangan kong sadyang ibagsak ang iba nating negosyo,” buntong-hiningang paliwanag ni Servero. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at naglakad patungo sa bintana, “Ang tanging magagawa nalang natin ngayon ay ang maghintay sa maaaring mangyari. Isa na namang malaking banta ang nakatakas mula sa ‘yo.”

“Isang binatang hindi malinaw ang katauhan. Nagtataglay ng dalawang elemento, kayang lumaban sa mas mataas ang antas sa kanya, at higit sa lahat, may kakahayan na maging isang totoong Legend Blacksmith.”

Natahimik si Crome. Tinimbang niyang lahat ang kayang gawin ni Finn Doria, at napagtanto niyang isang halimaw ang kinalaban niya. Hindi niya pa rin sigurado hanggang ngayon kung sino ang sumira ng formation sa kandado ng kulungan; hindi niya alam kung ang protektor ba ni Finn Doria o si Finn Doria mismo.

Kung si Finn Doria nga, mas lalong magiging magulo at komplikado ang lahat. Mas lalo siyang matatakot sa bawat araw na magdadaan dahil sa maaaring pagbalik at paghihiganti ni Finn Doria.

Wala pa rin siyang ideya kung saan nagmula ang binata. Ipinakuha ni Crome ang personal na impormasyon ng binata sa Blacksmith Guild, napa-imbistigahan niya na rin ang lungsod na nakaulat sa papel na pinagmulan nito. Pero, ang lahat ay napunta lang sa wala.

Wala silang nakuhang mahalagang impormasyon tungkol sa binata.

“Ama… sa tingin mo ba ay miyembro ang binatang iyon ng Red Dragon Family..? Naipaliwanag ko na sa inyo ang kakaibang skill na ginami—”

“Hindi ko alam. Pero, sa iyong paglalarawan, ang ginamit ng binatang iyon ay may pagkakahalintulad lamang. Nakita ko na nang aktwal ang skill ng mga miyembro ng Red Dragon Family, at kung ihahambing ko iyon sa sinabi mo, mayroon pa rin silang pagkakaiba,” putol ni Servero kay Crome. “Isa pa, kung miyembro man siya ng Red Dragon Family, bakit siya malayang nakapaglalakbay? Isa siyang talentadong Blacksmith at adventurer. Kung may anak akong gano’n, sisiguraduhin ko ang kanyang kaligtasan.”

“Isang misteryo ang katauhan ng binatang iyon. At imposible nang malaman pa natin ang tungkol sa kanya,” buntong-hiningang sabi ni Servero habang nakatanaw sa bintana.

“Sa ngayon, para hindi na muli malagay sa panganib ang iyong buhay, ang iyong magiging personal na kawal na ay si Moromon,” tumingin si Servero sa kanyang anak. Bahagya siyang ngumiti at nagpatuloy, “Isa siyang 8th Level Heaven Rank, at sa lakas niya, hangga’t walang 8th Level o 9th Level Heaven Rank ang gustong kumitil sa buhay mo, ligtas ka.”

Nang marinig ito ni Crome, nakahinga siya ng maluwag. Ngumiti rin siya sa kanyang ama at marahang nagsalita, “Maraming salamat sa walang sawang pagsuporta mo, ama.”

“Ginagawa ko lang ito dahil ito ang pangako ko sa iyong yumaong ina. Isa pa, anak kita kaya kailangan kitang protektahan sa abot ng aking makakaya,” agad na tugon ni Servero. Huminto siya sandali, sumilip muli sa bintana bago magpatuloy, “Oo nga pala, ano’ng plano mo sa beastman na nais maghiganti sa ‘yo?”

Natigilan si Crome. Makahulugan siyang ngumiti at bahagyang tumawa, “Kay Crypt?”

“Kasama niya na ang kanyang kapatid, at ngayon, susundin nilang dalawa ang lahat ng gusto ko dahil pareho ko na silang alaga.”

--

Ang Logoria, ang lugar kung saan nagtitipon ang malalakas na kawal ng Imperyo ng Rowan. Isa itong mapanganib at magulong lugar dahil isa itong Fortress, ang lugar na dumedepensa sa pag-atake ng mga Vicious Beast na nagmumula sa Great Bestial Forest.

Maraming kanyon, malalaking crossbow, kawal na nasa antas at ranggo na 9th Level Heaven Rank ang naririto kaya naman maingat ang lahat ng adventurers na bumibisita sa lugar na ito; rogue adventurers man o mga adventurers na may posisyon sa imperyo.

Sa kasalukuyan, kararating lang ni Finn Doria sa Logoria. Limang araw at limang gabi siyang naglakbay para lang mabilis niyang marating ang lugar na ito. Wala siyang naging problema dahil sa ibinigay na medalyon ni Hina.

Madali lang siyang nakakapasok sa mga bayan at lungsod nang walang kahirap-hirap. Dumadaan din siya sa mga kagubatan at bundok pero hindi na siya nag-abalang makipaglaban pa sa mga Vicious Beast. May hinahabol siyang oras kaya naman hindi niya na gaanong prayoridad ang pakikipaglaban sa mga Vicious Beast at masasamang adventurers. Tinatakasan niya nalang ang mga ito gamit ang kanyang Supreme Tempest Art.

Napakalapit niya na ni Finn Doria sa Beastman Kingdom. Kailangan niya nalang na malampasan ang Great Bestial Forest at mararating niya na ang kaharian ng mga beastman. Kaunting-kaunti nalang at masasaksihan niya na kung anong klaseng lugar ang tahanan ng mga beastman.

Anim na araw na ang nakalilipas nang matakasan ni Finn Doria si Bino, nakapaghanda na siya at nakagawa ng maliit na formation para hindi mabuksan ng iba ang kanyang interspatial rings. Gumawa rin siya ng ilang inscriptions na para naman sa kanyang mga armaments at inubos niya ang lahat ng sangkap at materyales na mayroon siya.

At sa nakaraang mga araw, bukod sa kanyang paglalakbay, si Finn Doria ay nag-aaral din ng mga bagong skills, at ang pinaka pinahahalagahan niya ngayon ay ang pag-aaral ng [Seven Dual Sword Art].

Dalawang espada na ang ginagamit niya kaya naman kailangan niya nang matutuo ng panibagong skills, at siyempre, pumili siya ng malakas na skill kagaya nalang ng [Seven Heavy Sword Art] na dati niya nang pinag-aaralan.

Sa lugar na ito, hindi binabalak ni Finn Doria na manatili ng matagal. Gusto niya rin na lisanin ang Logoria para makapunta na siya sa  kagubatan na daan patungo sa kaharian ng mga beastman.

Hihintayin niya pa roon si Crypt upang malaman kung ano na talaga ang kasalukuyang sitwasyon ng Dark Crow.

Ilang oras pang paglalakad, sa wakas ay narating na rin ni Finn Doria ang tarangkahan ng Logoria. Napakaraming kawal ang nagtitipon-tipon sa taas at baba ng mataas at makapal na bakod sa paligid ng tarangkahan. At ang bawat kawal ay hindi bababa ang antas at ranggo sa 1st Level Heaven Rank.

Mayroon ding mga adventurers sa paligid ang bumubuo ng grupo. Bumubuo sila ng grupo upang sama-sama silang makipagsapalaran sa pinaka malawak na kagubatan sa buong Dark Continent.

Dito lang naman umiikot ang buhay ng isang totoong adventurer; ang walang kamatayang pakikipagsapalaran, paglalakbay at pagtuklas sa hiwaga ng mundo.

Tungkol naman kay Finn Doria, hindi siya interesado ngayon na sumama sa isang grupo. Hindi naman siya magsasanay, maglalakbay o makikipagsapalaran.

Agad na lumapit si Finn Doria sa isa sa mga kawal na nagbabantay sa tarangkahan. Iniharang ng kawal ang kanyang hawak na sibat at nanunukat na tumingin kay Finn Doria.

Bago pa man makapagsalita ang kawal, agad na inilabas ni Finn Doria ang kanyang medalyon at iniabot ito sa kawal. Bukod sa mapulang bituin, mayroon ding pangalan ni Finn Doria ang nakaukit sa pilak na medalyon.

“Ako si Finn Doria. Isa akong One Star Grandmaster Blacksmith. Kailangan ko pa rin bang sumalang sa inspeksyon?” tanong ni Finn Doria.

Nagulat naman ang kawal. Agad niyang sinuri ang medalyon at ilang saglit pa, nasiguro niyang isa itong totoong medalyon. Tiningnan niyang mabuti ang binatang nakasuot ng itim na balabal.

Nagkunwari si Finn Doria na naiinip at agad na nagsalita, “Ano? Gusto mo pa bang patunayan kong ako si Finn Doria at akin ang medalyon na iyan?”

Pilit na ngumiti ang kawal. Kahit na nayayabangan siya kay Finn Doria, hindi siya nangahas na magpakita na naiinis siya. Isang Grandmaster Blacksmith ang nasa harap niya, at masyadong mataas ang posisyon nito sa imperyo.

“Kagalang-galang na Ginoong Blacksmith, upang makasiguro na tama ang inyong ibinibigay na pagkatao, pinapaki—”

“Ibigay mo sa akin ang medalyon,” malamig na putol ni Finn Doria sa kawal.

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang kawal. Iniabot niya muli ang medalyon pabalik kay Finn Doria at kalmado naman itong tinanggap ng binata.

Agad na naglabas si Finn Doria ng patalim, isang top-tier Epic Armament na patalim. Sinugatan niya ang kanyang daliri at hinayaan niyang tumulo ang kanyang dugo sa medalyon.

Ilang saglit pa, nagliwanag ang medalyon at nakita ito ng kawal kaya mas lalo itong pilit na napangiti.

Ito ang kakayahan ng medalyon. Naglalabas ito ng liwanag kapag napapatakan ng dugo ng may-ari habang bigla naman itong nasisira kapag ibang dugo ang ipinatak dito.

“Sapat na ba ang liwanag na iyon para ipaalam na ako si Finn Doria ay isang aktwal na One Star Grandmaster Blacksmith?” malamig na tanong ni Finn Doria.

“Sapat na po, kagalang-galang na Ginoong Blacksmith,” hayag ng kawal. “Maaari na po kayong lumabas ng Logoria at hinihiling ko po ang inyong kaligtasan.”

Hindi na nagsalita pa si Finn Doria. Itinago niya ang patalim at medalyon sa kanyang interspatial ring. Agad siyang naglakad palabas ng tarangkahan at nang makalabas na siya, papasukin niya na sana ang Great Bestial Forest pero mayroong tumawag sa kanyang pangalan.

“Sandali lang, Ginoong Finn Doria,” sabi ng isang guwapong lalaking nasa pagitan ng dalawampu’t dalawa hanggang dalawampu’t limang taong gulang.

Napakunot ang noo ni Finn Doria pero dahil may nakataklob sa kanyang itim na balabal, hindi ito nakita ng lalaki. Ang nakita lang ng lalaki ay ang simangot ni Finn Doria.

“Kilala ba kita?” naiinip na tanong ni Finn Doria sa lalaki.

Nahagip ng mata ni Finn Doria na may tatlong babaeng nakatingin sa kanya at sa lalaki. Magaganda ang babaeng ito at mayroon silang kani-kanilang kaibahan. Sa hula ni Finn Doria, kasamahan ng lalaking ito ang tatlong babae.

“Hindi pa,” makahulugang ngiti ng lalaki. “Ako si Lucius Gengar, isang Five Star Master Alchemist at nagtataglay ako ng Orange Alchemy Flame. Ikinagagalak kitang makilala.”

Walang pakialam si Finn Doria sa mga sinasabi ni Lucius. Nagmamadali siya at hindi niya na gusto pang makihalubilo sa iba. Wala siyang oras para makipag-usap kahit kanino, kahit pa sa isang Five Star Master Alchemist na nagtataglay ng Orange Alchemy Flame.

“Nagmamadali ako kaya hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa,” direktang sabi ni Finn Doria. “Mayroon ka bang kailangan sa akin?”

Makahulugang tumingin si Lucius kay Finn Doria at mas lumapad pa ang kanyang ngiti, “Isa kang Blacksmith habang ako naman ay isang Alchemist. Maganda kung magiging magkaibigan tayo at sabay-sabay tayong makikipagsapalaran sa Great Bestial Forest.”

“Gagawa ako ng pills para sa ating lahat habang ikaw naman ang gagawa ng mga patalim, palaso at mag-aayos ng ating mga sandata,” dagdag pa ni Lucius.

“Gusto mo akong tumulong sa ‘yo sa inyong pakikipagsapalaran sa kagubatang ito?” nakangiting tanong ni Finn Doria.

“Oo—”

“Ipagpaumanhin mo pero hindi ako interesado. Mayroon pa akong gagawing mahalagang bagay kaya maiwan na kita,” sabi ni Finn Doria.

Tumalikod na siya at nagsimula nang maglakad. Hindi pa man siya nakakalayo ay narinig niya muling nagsalita si Lucius.

“Hmph. Nagmamalaki ka dahil isa kang Grandmaster Blacksmith? Isa ka lamang hamak na 3rd Level Legend Rank pero kung umasta ka ay kayang-kaya mo nang maglakbay sa kagubatang iyan,” malamig at nanghahamak na sabi ni Lucius. Sinadya niya itong ipinarinig kay Finn Doria upang kuhanin ang atensyon ng binata.

Nagtagumpay naman si Lucius. Huminto si Finn Doria sa paglalakad pero hindi niya nilingon si Lucius.

Ngumiti lang si Finn Doria, nagpatuloy sa paglalakad at marahang nagsalita, “At isa ka lamang hamak na 2nd Level Heaven Rank.”

Natigilan si Lucius. Namula ang kanyang mukha at hindi niya alam kung bakit siya nakararamdam ng inis. Ito ang kauna-unahang beses na hinamak siya ng isang mas mahina sa kanya.

Isa siyang 2nd Level Heaven Rank pero hinamak siya ng isang 3rd Level Legend Rank, hindi ito katanggap-tanggap para kay Lucius na isang hambog at mapagmalaking adventurer.

Suminghal si Lucius. Sinamaan niya ng tingin ang lumalayong pigura ni Finn Doria at marahas na nagsalita, “Sana lang ay magkrus ang landas natin at masaksihan ko ang pagkamatay mo sa loob ng kagubatang iyan, basura.”

--

Continue Reading

You'll Also Like

829 127 16
THE FIFTH VOLUME OF THE NOVEL ENTITLED "War Of Ranks Online". Please read the previous volumes in sequence in order to understand the smooth flow of...
104K 4.3K 137
Rafael Alumno, an average guy who was sent to another world along with his classmates, where he recieved an overpowered ability. Originally wanted to...
192K 5.8K 72
Life is too cruel When I woke up one morning there are two strange man who are standing in front of our door saying that I need to go with them. I lo...
564K 114K 102
Synopsis: Sa bagong yugto ng buhay ni Finn, isang panibagong pakikipagsapalaran at paglalakbay ang kanyang mararanasan kasama sina Poll, Eon, at Paul...