Legend of Divine God [Vol 5:...

By GinoongOso

936K 92.1K 12.1K

Tapos na ang kaguluhan sa Ancestral Continent. Pero, hindi ibig sabihin nito ay tapos na ang pakikipagsapalar... More

Legend of Divine God [Vol 5: Dark Continent]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
Chapter LXI
Chapter LXII
Chapter LXIII
Chapter LXIV
Chapter LXV
Chapter LXVI
Chapter LXVIII
Chapter LXIX
Chapter LXX
Chapter LXXI
Chapter LXXII
Chapter LXXIII
Chapter LXXIV
Chapter LXXV
Chapter LXXVI
Chapter LXXVII
Chapter LXXVIII
Chapter LXXIX
Chapter LXXX
Chapter LXXXI
Chapter LXXXII
Chapter LXXXIII
Chapter LXXXIV
Chapter LXXXV
Chapter LXXXVI
Chapter LXXXVII
Chapter LXXXVIII
Chapter LXXXIX
Chapter XC
Chapter XCI
Chapter XCII
Chapter XCIII
Chapter XCIV
Chapter XCV
Chapter XCVI
Chapter XCVII
Chapter XCVIII
Chapter XCIX
Chapter C
NOTE

Chapter LXVII

7.7K 924 81
By GinoongOso

Chapter LXVII: Escaped

Nasa malawak na espasyo sina Oyo ngayon. Walang makikitang kahit ano sa paligid kung hindi ang napakalawak na damuhan at ilang tipak ng bato. Kasama ang dalawang bata sa kanilang harapan, sampu silang naroroon sa lugar na iyon. Makahulugan pa ring nakangisi si Eon sa mga bagong dating habang si Poll naman ay nakasimangot.

“Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Guro sa kanila bago sila pumasok sa mundong ito, ha, Eon? Nakakaintindi ka ba ng mga simpleng salita?” salubong-kilay na tanong ni Poll kay Eon.

“Tumahimik ka dahil hindi ko hinihingi ang opinyon mo, bata,” nanghahamak na sabi ni Eon. Mas lumapad pa ang kanyang ngiti at marahang nagsalita, “Ang ipinangako ni master sa kanila ay ang pagpunta sa lugar na ito. Isa pa, kung hindi sila magiging malakas na mga adventurers, mangyayari lang ulit sa kanila ang mga pinagdaanan na nila.”

Makikipagtalo pa sana si Poll pero, biglang nagsalita si Alejandro.

“Sino kayo mga kuya? At ito na ba ang lugar na sinasabi ni kuya Finn?” inosenteng tanong ni Alejandro sa dalawang bata.

Matamis na ngumiti si Poll. Humakbang siya pauna at sinadya niyang banggain si Eon. Nainis naman si Eon dahil sa ginawa ni Poll, gaganti na sana siya pero pumadyak nalang siya sa lupa, sumimangot at hindi na nagsalita pa.

“Ako nga pala si Poll Murayon, personal na estudyante ako ni guro, ni kuya Finn Doria. At gaya nga ng sabi ni Eon, ng mayabang na ito, ang mundong ito ay pag-aari ni guro, lahat ng makikita ninyo rito ay kanya; puno, halaman, damo, bato, kayamanan at kung ano-ano pa,” nananabik na paliwanag ni Poll. Nagniningning ang kanyang mga mata habang inilalahad ang kanyang kamay. “Maaari kayong magsanay rito dahil angkop ang mga mundo rito para magsanay kayo. Malaya kayong gawin ang nais ninyong gawin dito; maglaban, magkuwentuhan, magluto at kumain nang kahit ano.”

“Ang mundong ito ay napakaganda, hindi ba? Hindi ninyo ba nararamdaman na maaliwalas at magaan dito kaysa sa labas?”

Huminto sandali si Poll. Napaisip siya at ilang sandali pa, ngumiti muli siya at marahang nagsalita, “Oo nga pala, ikinagagalak ko kayong makilala.”

Suminghot-singhot naman si Erwan. Nagningning din ang kanyang mga mata. Hindi pa rin siya makapaniwala na mapupunta siya sa ganito kaganda at kalawak na lugar. Masayang-masaya siya ngayon dahil hindi siya nagkamali sa desisyon niya.

Nasa isang lugar na siya kung saan malayo na siya sa mga nangingikil na kawal. Hindi niya na kailangang magtrabaho dahil malaya na siyang makakatira sa mundong ito nang libre.

Galak na galak si Erwan na lumayo ng bahagya kina Poll. Agad niyang inilabas ang kanyang karwahe at sinimulan na niyang magpaikot-ikot sa lugar.

Sina Oyo naman ay pinanood lang ito at maging sila ay palingon-lingon din sa paligid habang makikita sa kanilang mga mukha ang matinding paghanga at pananabik.

Habang si Erwan ay abala sa pagmamaneho ng kanyang karwahe, sina Oyo naman ay isa-isang ipinakilala ang kanilang sarili kay Poll, ganoon din naman si Sanya.

“Pabibo,” pasinghal na sabi ni Eon habang nanghahamak na nakatingin kay Poll. “Hmph! Hindi pa rin kayo makakawala mula sa akin. HA HA HA!”

Napatingin ang lahat kay Eon. Maging si Erwan ay napahinto sa kanyang pagmamaneho. Bigla siyang nanlamig at nakaramdam ng kaba. Pakiramdam niya ay may kung anong kapangi-pangilabot na awra ang nakapalibot kay Eon.

Napatago si Alejando sa likod ng kanyang ina. Sina Oyo naman ay pinagpawisan ng malamig at napalunok ng laway.

Samantala, habang ang lahat ng mga naroroon ay nakatingin kay Eon, kasalukuyan namang nasa itaas sina Munting Black at Migassa; nagmamasid lang sa nangyayari sa baba.

“Oy Grogen, bakit hindi natin salubungin ang mga bago nating makakasama? Mas magkakaroon na ng buhay rito dahil sa wakas, nadagdagan na tayo,” nananabik na sabi ni Migassa. “May bago na akong paglalaru—kakaibiganin pala.”

Naalala ni Migassa ang nangyari sa kanya, at natuto na siya ng kanyang leksyon. Hindi niya na gustong makulong muli ng mahabang panahon at ngayon, hinding-hindi niya na muli paglalaruan ang buhay ng iba.

Seryoso lang na tumingin si Munting Black sa baba. Pinagmasdan niya ang mga ito at marahang napailing, “Mga ordinaryo lamang. Pero, hindi na mahalaga iyon. Kayang gawing talentado ng mundong ito ang mga ordinaryong adventurers. Oras na para simulan ni Finn Silva ang pagpaparami ng kanyang mga alagad.”

“Hm?” napakunot ang noo ni Migassa. Naguguluhan siyang napahilig at marahang nagtanong, “Bakit kailangan ng binatang iyon ng alagad? Iyon ba ay para sa sinasabi mong nalalapit na pandaigdigang digmaan sa pagitan ng iba’t ibang lahi at ng mga diyablo?”

“Pero daan-daang libong taon nang hindi nagpaparamdam ang mga diyablo sabi ni ama. Baka naman natakot na sila dahil sa nangyari sa nakaraang digmaan?” dagdag pang tanong ni Migassa.

“Ang mga diyablo ay hindi kailanman matatakot sa mga adventurers. Naghahanda sila, at nararamdaman ko iyon,” seryosong hayag ni Munting Black. “Kaya kailangan ding maghanda ni Finn Silva. Hindi ko man gustong tanggapin, siya lang ang may kakayahan na tumalo sa mga diyablo.”

“Kung siya lang, bakit kailangan pang bumuo ng hukbo ng mga adventurers?” tanong ni Migassa habang sinusuklay ang kanyang buhok.

Napasimangot si Munting Black. Napailing nalang ulit siya at tumugon, “Kaya siya ang sinasabi kong may kakayahan ay dahil sa mga Divine Artifacts at kayamanan na nasa mundong ito. Siya lang ang may kakayahan na patagong bumuo ng hukbo ng malalakas na adventurer.”

Tumalikod na si Munting Black at dahan-dahang lumipad, “Isa pa, kailangan niya ng mga alagad dahil hindi kaya ng nag-iisang emperador na labanan ang isang buong imperyo ng siya lang.”

--

Malalim pa rin ang gabi. Nakaalis na si Finn Doria sa loob ng tindahan, at ngayon, binabalak niya namang umalis sa lungsod ng Erdives para makapaglakbay na siya papunta sa Beastman Kingdom.

Hindi na masyadong inaalala ni Finn Doria ang sitwasyon nina Alejandro. May tiwala naman ang binata kina Eon at naroon naman ang kanyang mabait na estudyante na si Poll.

Ang inaalala ngayon ni Finn Doria ay ang sarili niya. Nasa lungsod pa rin siya ng Erdives at hindi pa rin siya sigurado kung makakalabas siya ng matiwasay sa lungsod na ito.

Nakasuot na muli ang binata ngayon ng itim na balabal. Kasalukuyan siyang tumatakbo sa bubong ng mga gusali. Walang humahabol sa kanya pero mapapansing nagmamadali siya sa pagtakbo.

Mas ligtas sana ang kanyang pagtakas kung mayroon siyang Concealing Armament, pero, wala siyang nakitang ganitong armament sa mga interspatial rings na  napaslang ng binata. Mayroong mabababa pero sa kasalukuyan niyang antas, hindi na angkop ito para sa kanya.

Hindi na kayang itago ng mga Concealing Rare Armaments ang aura ng isang Legend Rank, lalong-lalo na ang kay Finn Doria.

Mas mabilis din sana kung lilipad siya pero, mas pinili niya nalang na tumakbo sa bubong ng mga gusali dahil mas madali siyang makikita ng mga kawal na nagpapatrol sa lungsod kung sa ere siya maglalakbay.

‘Sa oras na makaalis na ako rito, masisiguro ko na ang kaligtasan ko,’ sa isip ng binata. ‘Kailangan ko pang makausap ang ibang miyembro ng Dark Crow… kakailanganin ko ang suporta nila para mas mapadali ang pagtapos ko sa kalokohang nangyayari sa imperyong ito.’

Wala nang pakialam si Finn Doria sa hamon ni Munting Black. Matatagalan kung mag-isa niyang aayusin ang Dark Continent, at habang tumatagal, mas lalo pang dumadami ang inosenteng malalagay sa kapahamakan.

Kailangan niyang gumawa ng paraan para matapos ang kasamaan sa kontinenteng ito, kailangan niyang maging malakas para masimulan niya na ang pagpapabagsak sa imperyo.

Malapit nang makarating si Finn Doria sa mataas na bakod ng lungsod, pero, napasimangot siya nang matanaw niyang mayroong mga kawal ang nagtitipon-tipon kung saan siya dadaan.

Nahagip din ng kanyang mga mata ang sampung adventurers na nasa ere na nakasunod sa kanya. Hindi niya naramdaman ang mga ito, at ngayon niya lang napansin na mayroon palang nakabuntot sa kanyang mga adventurers.

‘Hindi sila kawal… maaari kayang miyembro na naman ang mga ito ng Assassins Guild?’ sa isip ng binata.

Nagdilim ang kanyang ekspresyon. May mga nakasunod sa kanya nang hindi niya nalalaman, at dahil dito, sigurado siyang nakasuot ang mga ito ng Concealing Armament.

Huminto si Finn Doria sa pagtakbo. Ilang metro ang layo niya sa mga kawal na nagkukumpulan sa mataas na bakod ng lungsod. Mayroon pa siyang naramdaman na 2nd Level at 3rd Level Heaven Rank mula sa mga ito.

Huminto rin ang sampung sumusunod sa binata. Bumaba ang mga ito, tumapak sa bubong ng gusali at tumayo sa likuran ng binata. May layo silang limang metro, at sa sandaling iyon, walang sinuman sa kanila ang kumikilos o nagsasalita.

Bahagyang ngumiti si Finn Doria sa mga kawal. Tumingin din siya sa kanyang likuran at itinaas ang kanyang mga kamay na para bang sumusuko siya.

“Gusto ko lang naman magtungo sa Moonlight Forest para magsanay, hindi ninyo ba ako puwedeng padaanin nalang?” nakangiting hayag ni Finn Doria.

Kumunot ang noo ng babaeng kawal na nasa itaas, ang kawal na isang 3rd Level Heaven Rank. Sumimangot siya at marahang nagsalita, “Nagbaba ng utos ang Duke na walang maaaring makalabas sa lungsod na ito. Mas mabuti pang h’wag ka nang manlaban at payapa ka nalang na sumama sa amin.”

“Hm? Bakit naman ako sasama sa inyo?” kunot-noong tanong ni Finn Doria.

“Namataan kang lumilipad kanina kasama ang ilan pang adventurers. Mayroon ka ring inatakeng negosyante kanina tapos itinatanong mo kung bakit? Iniisip mo bang hangal kami? Lumabag ka sa batas!” pasigaw na sabi ng babaeng kawal.

Ibinaba ni Finn Doria ang kanyang dalawang kamay. Tumawa siya at umiling-iling. Itinuro niya ang sampung adventurer na nasa likod niya at nakangiting nagsalita, “Batas? Nakita kong lumilipad ang mga ito, hindi ninyo ba sila huhulihin?”

“Bahagi sila ng Assassins Guild,” tugon ng babaeng kawal.

Tinanggal ni Finn Doria ang nakataklob sa kanyang ulo. Inilabas niya ang kanyang medalyon at ipinakita ito sa babaeng kawal. Ito ang medalyon na ibinigay sa kanya ni Hina, ang medalyon na may isang bituin.

“Isa akong One Star Grandmaster Blacksmith. Hindi ninyo man lamang ba ako pagbibigyan?” nakangiting tanong ni Finn Dora. “Siguro naman ay alam ninyo ang ibig sabihin ng medalyong ito, hindi ba?”

Natigilan ang babaeng kawal. Nagkatinginan ang iba pang kawal at medyo naguluhan sila. Napag-utusan lang sila na hulihin ang lahat ng magtatangkang lumabas ng lungsod, at nang makakuha sila ng ulat mula sa adventurer mula sa Assassins Guild, agad silang nagtungo sa bahaging ito ng lungsod upang antabayanan ang patakas na adventurer.

Pero, hindi nila inaasahan na isang Grandmaster Blacksmith ang kanilang huhulihin. Isang Blacksmith na may kakayahang bumuo ng Low-tier Epic Armament.

Mga kawal lang sila, habang may mataas na propesyon ang kanilang kakalabanin.

Napasimangot ang babaeng kawal. Hindi rin siya nasabihan tungkol sa pagkatao ng kanilang huhulihin. Pero, malinaw ang utos sa kanya. Ang sinumang tatakas ay huhulihin, kahit ano pa ang tinataglay nitong propesyon.

“Hulihin mo nalang siya, Kumandante Keziah. Nakakuha rin ako ng ulat na nais siyang imbitahan ng Duke. Sinundo siya ni Harold at ng mga tauhan niya pero hindi na namin makita kung nasaan ang mga ito,” sabi ng lalaking nangunguna sa sampung adventurers. Inilabas niya ang kanyang 4th Level Heaven Rank at marahas nagsalita, “Gusto ko lang malaman, pinatay mo ba si Harold at ang kanyang mga kasama, bata?”

Bumaling si Finn Doria sa lalaking 4th Level Heaven Rank. Hindi siya nakaramdam ng takot, mayroon na siyang naisip na plano. Pero, sa ngayon, makikipaglaro muna siya sa mga ito.

“Bigla nila akong inatake, dinepensahan ko lang ang aking sarili mula sa kanila,” simpleng tugon ni Finn Doria.

“At ikinalulungkot kong sabihin na hindi ko sinasadya na mapatay ang iyong mga kasama,” nakangiti pang dagdag niya.

Bumigat ang awra ng lalaki. Sumugod siya kay Finn Doria at marahas na nagsalita, “Hindi na ako magsasayang ng oras pa sa ‘yo. Bago kita dalhin kay Duke Crome, sisiguraduhin ko munang malinis ang dila mo!”

Naalerto naman si Finn Doria, pero, hindi siya naglabas ng sandata. Ngumiti siya at marahang nagsalita, “Gusto niyo bang maglaro tayo ng habulan? Handa ako riyan!”

Pinalibutan ni Finn Doria ang kanyang sarili ng berdeng enerhiya. Mayroong malakas na hangin ang namuo sa paa niya at ilang sandali pa, agad siyang lumipad at bumulusok paitaas.

Supreme Tempest Art’s Unique Skill: Tempest

Ginamit ng binata ang pambihirang skill ng kanyang Foundation Art, lumipad siya sa ere at ang bilis niya ay sobrang ikinagulat ng lalaki at ni Kezia.

Binalutan din nila ang kani-kanilang sarili ng enerhiya at mabilis na sinundan ang patakas na si Finn Doria.

“Kanina niyo pa ako sinusundan, hindi ba?!” sigaw ni Finn Doria habang mabilis na lumilipad. Alam niyang nakasunod pa rin sa kanya ang lalaking adventurer at si Keziah. Napagiiwanan niya ang mga ito kaya naman ngumisi ang binata siya, “Kung gayon, sundang ninyo ulit ako kung kaya ninyo!”

Ginagamit niya ang pambihirang skill ng Supreme Tempest Art, ang pinakamagandang Foundation Art para sa mga nagtataglay ng elemento ng hangin. Kapag nagamit niya ang buong kakayahan ng Foundation Art na ito, kahit ang elemento ng liwanag ay mamumutla at mapag-iiwanan dahil sa bilis na tinataglay ng Supreme Tempest Art’s Unique Skill.

Lumalaki nang lumalaki ang agwat nina Finn Doria, Keziah at ng lalaking adventurer. Maging si Keziah ay hindi na makasunod sa lalaki dahil sa bilis nito.

Ang lalaki naman, si Bino ay nakararamdam ng pinaghalong galit, hiya at gulat. Napag-iiwanan siya ng isang 3rd Level Legend Rank, hindi niya mahabol ang isang adventurer na hindi hamak na mas mahina sa kanya nang mahigit isang buong ranggo.

“Anong klaseng adventurer siya?! Itinatago niya ba ang totoo niyang antas mula pa noong una?!” gulat na sigaw ni Bino.

Mas binilisan niya pa ang kanyang paglipad. Unti-unti niyang naabutan si Finn Doria pero biglang tumingin sa kanya ang binata at makahulugang ngumisi.

“Walang kuwentang assassin. Napakakupad!” sigaw ni Finn Doria at mas lalo niya pang binilisan ang kanyang paglipad.

Mabilis na nakokonsumo ang kanyang enerhiya pero walang pakialam ang binata. Matatapos na rin ang skill na Tempest, at malayong-malayo na ang agwat nilang dalawa ni Bino.

Nasa Moonlight Forest na siya, at ngayon, sa malalaking puno na siya lumilipad at nagpapaikot-ikot.

Huminto na si Bino sa paglipad. Hindi niya na matanaw si Finn Doria. Hindi niya na makita kung saang direksyon ito nagpunta.

Nagdilim ang kanyang ekspresyon. Gusto niyang magwala at magpakawala ng mga atake pero maraming mapanganib na Vicious Beast ang nasa baba. Ilalagay niya lang ang sarili niya sa kapahamakan.

“HAAAAA!” galit na galit na sigaw ni Bino. Tumalikod na rin siya agad at lumipad na pabalik sa lungsod ng Erdives.

Samantala, nang mapagtanto naman ni Finn Doria na wala nang sumusunod sa kanya, agad niyang inalis ang enerhiyang nakapalibot sa kanya. Pinababa niya ang kanyang awra at maingat siyang naghanap ng kuweba na maaari niyang mapagpahingahan.

Huminto muna si Finn Doria sa paglipad. Tinanaw niya ang direksyon kung saan naroroon ang lungsod ng Erdives.

“Sapat na ang mga sangkap at materyales ko. Oras na para gumawa naman ako ng komplikadong formation para sa mahahalaga kong interspatial rings,” pabulong na sabi ni Finn Doria. “Isasabay ko na rin ang dalawang Skill Inscriptions para sa aking mga espada.”

“Lungsod ng Erdives… babalikan ko kayo, pangako iyan.”

--

Continue Reading

You'll Also Like

2.3K 311 29
[ S Y P N O S I S ] Staleria- is a State where society takes the political, economy, socioeconomic, and racial inequality, this movement is called St...
9.8K 186 19
She's been rejected by their expectations, she can't cope up with her brother who loves her dearly. Parents' decision can't decide her freedom. She r...
707 91 12
Metaverses are immersive three-dimensional virtual worlds in which people interact as avatars with each other and with software agents, using the m...
70.7K 3.7K 46
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Ongoing Date Started:...