Seducing My Crush [Alluring S...

By maentblack

1.9M 79.3K 49.1K

Alluring Series #1 Eris Julian Monterico Started: March 30, 2020 Finished: June 30, 2020 All rights reserved... More

Seducing My Crush
01
02
03
04.
05
06.
07.
08.
09.
10
11.
12.
13
14
15
16
17
18
19
20
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

21

34.7K 1.4K 400
By maentblack

Demrene's Point of View

It's been day four and almost one week since Eris became our classmate.

Sa tingin ko naman ay hindi nahihirapan magcatch up si Eris sa section namin. Therefore, he was the one who got the right answers in very questions that asked into him.

Particularly, in Calculus and Scientific findings.

Lalo n'ya lang tuloy pinatunayan sa'kin kung bakit mas nararapat s'ya sa Higher section.

Gan'on din kaya katalino sina Ivann o kaya naman yung Xyzhie na 'yon?

I'm curious.

But the way he treated me in class, gan'on pa rin. Parang tamad na tamad s'ya kapag kausap ako.

Nag-uusap naman kami minsan, lalo na kapag tinatanong ko s'ya ng kung anu-ano kahit alam ko naman ang sagot.

Parang hirap na hirap pa rin akong i-approach s'ya pero kapag sina Maddy o yung iba naming kaklase, ngumingiti pa s'ya.

Yung totoo? Gan'on n'ya ba ako ka-hate?

Naiinis na nga ako sa hindi n'ya pagpansin sa'kin, mas nadagdagan pa ang inis ko habang pinapanuod yung iba kong mga ka-room mates na malagkit ang tingin sa kan'ya.

“You're taking advantage of him, 'no? Anong position n'yo na sa isip mo, ha?”

Naramdaman ko ang pagsikong ginawa ni Maddy sa tagiliran ko.

Sinamaan ko s'ya ng tingin dahil sa madumi nitong iniisip.

“Manahimik ka nga r'yan!” Suway ko rito.

“Sus!”

Inirapan naman n'ya ko at ibinalik ang tingin sa kinakain.

Kasalukuyan kasi kaming nasa Quad ngayon at pinapanuod ang laro nina Eris.

Kanina pa rin akong nakatingin kay Eris at sinusundan ang bawat galaw nito habang kinakain ang pringles na hawak ko.

Halos isang oras na ata kami rito. Gusto ko ngang magditch ng class kasi balita ko two hours ang practice nina Eris ngayon.

Ang sarap n'yang panuorin. Hindi nakakaboring. 'Di tulad sa room, inaantok pa ako.

“I'm still confused,” napatingin sa'kin si Maddy. “Ba't kaya lumipat si Eris sa section natin?” Sinubo ko ang hawak na chips at ngumuya.

Nakay Eris pa rin ang atensyon ko.

“Hoy, baka nag-a-assume ka nanaman na kaya lumipat si Eris, para makita ka.” she paused and I glanced at her. “Maybe that's his way to move on.”

Napanguso ako at masama ang tingin kay Eris.

Siguro nga gan'on ang dahilan n'ya.

But that's shallow.

Ewan?

Tanong ko kaya kay Eris? S'ya lang naman makakasagot n'on.

Habang nakatingin kay Eris, napatingala ako nang may humarang na katawan sa harapan ko.

Inirapan ko ito at hinampas ang binti n'ya.

“Alis nga r'yan!” Sigaw ko kay Matt.

Umalis naman si Matt dahil panay ang hampas ko sa kan'ya.

“Ouch, nagiging rude ka na ha?” Biro ni Matt, tumabi s'ya sa'kin at naupo rin.

Hindi ko naman ito pinansin at tinuon lang ang tingin kay Eris.

Napapangiti pa ako kapag lumalapit s'ya rito para habulin at sipain yung bola.

Sana ako na lang yung bola para hinahabol n'ya rin ako.

Sandali naman akong napatingin kay Matt nang narinig ko ang pagkagat nito sa isang pamilyar na pagkain.

Nakangisi ito at nagawa pang pumikit habang nilalasap 'yung paborito kong wafer na kinakain n'ya.

“Hoy, penge!” Akmang kukunin ko 'yon sa kan'ya ngunit inilayo n'ya sa'kin ang kamay.

Kanina ko pa kasi hinahanap 'yon sa Cafeteria pero wala akong makita.

Hindi buo ang araw ko kapag hindi ako nakakakain ng gan'on kapag may pasok.

Tapos bwisit pa itong si Matt. Napakadamot. Wala pa atang balak mamigay!

“Ayoko nga.” Sambit nito at lumayo sa'kin ng bahagya.

Inis ko naman s'yang nilapitan.

“Pahingi na kasi! Ang dami-dami mong binili o.” Turo ko sa hawak n'yang dalawang balot ng Waffer.

“No. Ang rude rude mo sa'kin kanina tapos ngayon, para kang tutang nagmamakaawa sa'kin. Maglaway ka muna.” Tumawa ito at babatuhin ko sana s'ya ng lalagyan ng pringles ngunit mabilis s'yang tumayo.

Tumayo rin naman ako at hinabol ito. Buti at naka-pants at rubber ako dahil P.E namin mamaya.

“Isa lang!” Pakikipagtalo ko kay Matt habang inaabot sa kan'ya yung Waffer.

Nasa gilid kami ngayon ng field at nagkukulitan. Wala namang estudyante bukod sa team nina Eris kaya okay lang na magtatakbo kami rito ni Matt.

Malawak ang field, no!

Ilang minuto ko nang inaabot kay Matt yung Waffer pero ayaw pa rin n'ya akong bigyan.

Natrigger ako dahil iisang balot na lang 'yon kaya naman inapakan ko na ang paa n'ya.

Napayuko naman si Matt dahil sa sakit kaya tuluyan kong naabot 'yung Waffer.

Bwisit na 'to, pinagpawisan tuloy ako kakahabol sa kan'ya.

“Oh ano, edi talo ka!” Tumatawa kong saad habang dinidilaan s'ya.

Atras ako nang atras dahil baka kuhanin n'ya pabalik sa'kin yung Waffer at makain n'ya pa ito ng tuluyan.

Tinawanan naman ako ni Matt.

Epal na 'to.

“Ano ha—”

“Dem!” Rinig kong sigaw ni Maddy.

Nagulat naman ako nang biglang tumakbo si Matt papalapit sa'kin at higitin palapit sa kan'ya.

Napahawak ako sa kaliwang braso nito at nabitawan ang pagkain dahil sa bilis ng pangyayari.

“Watch out, bro!” Sigaw ni Matt.

Kaagad naman akong kumawala sa pagkakahawak n'ya sa'kin at tinignan kung sino ang sinigawan nito.

Nakita ko si Eris na masama ang tingin kay Matt habang hinahabol ang hininga dahil sa pagtakbo, mukhang pagod na rin ito dahil tumutulo na sa maputi nitong leeg ang butil-butil na pawis.

Sandali n'ya kong sinulyapan pagkatapos ay sinipa ang bola at tumalikod na.

Lumapit naman sa'kin si Matt at hinila ako pabalik kay Maddy.

“Tanga, muntik ka ng madali ni Eris!” Sigaw sa'kin ni Maddy nang makalapit kami sa kan'ya.

Inirapan ko s'ya at inabot ang tubig sa bermuda.

“Hindi ko naman alam,” sinulyapan ko si Matt. “Eto kasing kuya mo ayaw pang ibigay sa'kin.”

“Ibibigay ko naman. Hinarot lang kita.” Pagkaklaro ni Matt at mabilis na hinawakan ang baba ko. “You okay?” He added.

Inalis ko naman 'yon at hinampas s'ya. “Para kang bata!”

Magtatalo pa sana kami ni Matt nang sumigaw si Maddy.

“You're both immatures! Makaalis na nga.” Kaagad itong tumayo at naglakad paalis.

Hinampas ko naman si Matt nang bag ko bago sumunod kay Maddy. Narinig ko pa ang tawa nito sa malayo.

Napakaingay.

Nang makarating kami ni Maddy sa Cafe, bumili lang kami ng drinks at babalik na rin sa lecture room.

Lalabas na sana kami nang aksidenteng magtama ang tingin namin ni Zachary.

Hindi ko naman inaasahan na makikita ko s'ya rito ng ganitong oras.

He's just focusing his glares at me while we're walking.

Inalis ko agad ang tingin nang tuluyan na kaming makalapit sa glass door.

Kunot noo ako nang makalabas.

May kasama naman doon si Zachary, sa tingin ko ay si Jace 'yon pero saan galing yung pasa n'ya sa pisngi. Mukha ring sariwa ang sugat n'ya sa tabi ng kilay.

Lampas isang linggo naman na nung sinuntok s'ya ni Eris. Tsaka sa bandang labi 'yon.

Nag-away ulit kaya sila?

Big time naman ni Xyzhie! Pinag-aagawan s'ya nung dalawang magkaibigan.

Hindi ko naman na sinabi kay Maddy ang tungkol d'on dahil abala rin naman s'ya sa cellphone n'ya.

Pagkarating namin sa lecture room, bahagya akong pinanlakihan ng mata nang nakita si Eris na nakapatong ang ulo sa kanyang braso.

Natutulog ata?

Nakapagpalit na s'ya ng P.E uniform pero basa pa rin ang ilang hibla ng buhok n'ya. Nakasabit pa rin ang puti nitong good morning towel sa leeg.

Marahan akong lumapit sa kan'ya at yumuko.

Pinagmasdan ko lang ito habang nakapikit.

Hindi ko naman mapigilan ang ngiti habang nakatingin dito. Amoy na amoy ko rin ang pabango n'ya kahit pawisan s'ya kanina.

Habang pinagmamasdan ang matangos n'yang ilong, hindi ko napigilan ang pagtaas ng kamay ko.

I want to stroke his straight-edged nose. I will just touch it. Yon lang.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi habang unti-unting inilalapit dito ang hintuturo.

Malapit ko na sana 'yong mahawakan nang bigla s'yang magsalita.

“What are you doing?”

Dahil sa gulat ay agad kong binawi ang kamay ko at nginitian ko ito.

“May ipis— este may langgam kasi sa mukha mo. Kala ko langgam!” Tumikhim ako.

“Talaga ba?”

Nasamid naman ako nang dugtungan n'ya yung tanong n'ya kanina.

“Joke wala! Hahawakan ko lang sana yung—” I'm about to touch his nose again but he grab my hand.

Tumunghay ito at pagkatapos ay tumayo. Hindi naman s'ya nagsalita, sa halip ay binitiwan nito ang kamay ko't lumabas ng room.

Kaagad naman akong sinunggaban ng akbay ni Maddy.

“Hina mo naman girl! Ano na?” Tumatawa nitong asar sa'kin.

Inis kong inalis ang braso n'ya.

“Alis nga!” Naupo ako sa upuan matapos 'yon sabihin.

Bakit bigla akong natameme kanina? Pagkakataon ko na ulit 'yon para harutin si Eris, o!

PAGKATAPOS ng vacant time, P.E na namin kaya kasalukuyan kaming nasa Gymnasium ngayon.

Hindi ko makita si Eris. Alam n'ya kaya na narito kami sa Gym ngayon?

Kung saan saan kasi nagpupunta. Itatali ko na 'yon sa'kin sa susunod.

Pumalakpak ang professor namin sa P.E hudyat na magsisimula na kami.

“Okay, choose your partner!” Nangingibabaw na sigaw nito.

Lumapit naman agad sakin si Maddy. Sinabit nito ang kanyang kamay sa braso ko.

“Tayo na ang partner.” Masayang saad nito.

Inalis ko naman ang kamay n'ya.

“Nandyan si Eris diba? Si Eris papartneran ko.”

“Duh, oo nga pala! I forgot. Osige, kay Xris na ko. Manyakis pa naman 'yon! Kainis!” She rolled her eyes and then walk away.

Hinintay ko naman si Eris na pumasok sa double door ng Gym pero hanggang ngayon ay wala pa rin.

Napasimangot ako kasi malapit na talagang magsimula.

“Eris, tara partner tayo!”

Kaagad kong nilingon ang sumigaw na si Cherry sa aking likuran. Masama ko s'yang tinignan nang makitang kinakausap nito si Eris.

Tumakbo ako papalapit sa kanila at pumagitna.

“Sorry kami ang meant to be.” Hinawakan ko si Eris sa damit nang hindi nagdadalawang-isip.

Hindi ko rin alam kung paano ko s'ya nailayo kay Cherry.

Magaan lang ba s'ya o nagpadala lang talaga ito sa pagkakahila ko?

Nabitawan ko 'yon nang bawiin n'ya ang damit. Nagusot ko yon kaya naman inis nitong pinagpag ang damit.

“Huwag mo na ulit akong hahawakan ng gan'on.” He said with an authority voice, he whispered but enough for me to hear it.

Ngumiti ako at ipinatong ang mga palad sa maugat n'yang braso.

“Ganito ba dapat?” Lumapit ako at idinikit ang mukha sa balikat nito habang nakahawak sa braso n'ya.

I felt my heart starts to beat faster than usual but I ignore it.

Tinaasan naman ako ng kilay ni Eris at binawi ang kamay n'ya.

“What do you think you're doing?” He asked. This time, tumaas ang boses nito but no one noticed.

“Tinatanong ko lang naman kung pa'no bang hawak ang gusto mo.” Sagot ko rito pagkatapos ay tumawa.

Hindi naman n'ya ako pinansin. He just shake his head and he's about to walk out but I catch his arms again.

Hindi ko yon sinasadya kaya mabilis kong binitawan.

Masama pa rin ang tingin nito sakin dahil sa pagkakakunot ng kilay.

“Partner nga tayo, 'wag ka ng umalis dito.” I declared.

“I don't want to be your partner.”

Pagkasabi n'ya noon, tinalikuran n'ya ako at pumunta roon sa group nina Yan.

Tinaasan ko lang naman ito ng kilay. Napakasungit pa rin!

Kaya ang nangyari, binawi ko si Maddy kay Xris. Nag-exchange kami ni Xris. Kami tuloy ang partner ngayon ng bruhang 'to.

Hanggang sa magsimula ang exercise, kay Eris lang nakatuon ang tingin ko.

Noong una naming exercise, chill chill pa ang mukha ni Eris hanggang sa sinabi ni Prof na gawin namin yung sunod na step.

“Next, squat and row! Don't feel queer when you're partnered with same sex. That's alright, students!” Paalala nito.

Hindi ko naman mapigilan ang tawa dahil kay Eris.

Looks like it made him awkward and uncomfortable.

Nakakatuwa kayang exercise yung squat and row. Hahawakan lang naman yung kamay ng partner mo tapos squat. That's all!

“Okay, next, 15 counts! Crunch plus pass.”

Binigyan kami tigi-tigisa ni Prof ng maliit na  bola at nahiga sa yoga mat.

Mas natawa ako nang hindi na maipinta ang mukha ni Eris sa sunod naming ginagawa.

We're all sweating and I think those sweat adds irritation on him.

It's easy to do crunch + pass if you're partnered with opposite sex.

Hihiga ka lang sa yoga mat tapos nakapasok ang paa ng babae at nakasabit yon sa legs ng lalaki. Samantalang ang lalaki naman, nakabukaka at sinusupport ang weight ng babae.

Bangon higa then pass the ball with your partner. 'Yon lang.

Ngayon, si Eris ang nagmukang babae sa kanila ni Xris.

Ikaw kasi Eris, di pa ako ang pinartner mo!

Pagkatapos ng fifteen counts, tumayo ako at naglakas loob na lumapit kay Prof.

Sinabi ko sa kan'ya na kung maaari ay exchange partner kami. Si Maddy kay Xris, akin si Eris so that they won't feel freaky and embarrass.

Pumayag naman ito kaya kaagad akong lumapit kay Eris.

Kakatapos lang nitong magpunas at nang humarap s'ya, gaya ng inaasahan ko, he lift up his brow and glare at me.

“Partner tayo, huwag ka ng mahiya.” Sambit ko rito.

“I don't want to.”

Akmang aalis na ito ngunit sumigaw si Prof.

“Okay, let's start! Next exercise!”

Wala namang nagawa si Eris kundi ang sumunod.

Huli ka balbon.

“30 counts! For boys only. Girls, you're gonna support your partner by holding their knees.” Tumigil ito para pumito. “Do the sit ups.”

Nagtitigan lang kami ni Eris at parang wala itong balak humiga.

“Gusto mo bang ihiga kita r'yan sa yoga mat?” Nakangiting suwestyon ko.

Inis n'ya kong inilingan at pinahis ang tumulong pawis sa noo pagkatapos ay naihaga na.

Hihiga ka rin pala, e.

Hinawakan ko na ang tuhod ni Eris para pigilan kapag nagsit ups na ito.

Pero sampung segundo na ang nakakalipas, hindi s'ya bumabangon sa kinahihigaan.

His hands is on the back of his head but not getting up like what other boys do.

Ba't ba ayaw n'yang bumangon? Hindi ko naman s'ya hahalikan, no!

Si-sit ups lang!

Dahil sa inis, hinampas ko ang tubod nito.

“Pag nakita ka ni Prof, lagot ka—”

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla s'yang bumangon.

I catch my breath and feels like it's hard to exhale them while looking at Eris this close.

He's too close and I almost kiss his nose.

Nabuga ko lang ang hininga ko nang muli s'yang humiga.

Mas hinigpitan ko naman ang hawak sa tuhod n'ya dahil naramdaman kong basta lang 'yon nakapatong roon.

Paulit ulit lang ang ginagawa ni Eris at habang ginagawa n'ya 'yon, pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko.

Humahangin ang buhok ko kada bangon nito at I can't help but to gulp.

I don't know why he's staring at me while doing that. Seryoso lang ang tingin n'ya. Para namang nags-slow motion kapag babangon s'ya.

Kahit na ang pagpatak ng pawis sa leeg, slow motion.

Napapalunok din ako kapag aksidente akong napapatingin sa mapula nitong labi na kasalukuyang mamasa-masa.

Bakit parang lahat ng ginagawa n'ya, bumabagal sa paningin ko?

Ganito ba talaga kapag in love?

Nang matapos si Eris sa pagsi-sit up, hindi pa rin ako nakabitaw sa kan'ya.

Sinilip ko ito at mukang napagod ata.

“Are you done?” I asked.

“Remove your hands.”

Hindi nito sinagot ang tanong ko kaya nginusuan ko ito.

“Plus 10 counts daw sa'yo,” ikikiss pa kita. Dali bangon ka ulit.

Inirapan naman n'ya ako at inis na tumingin sa bubong ng Gym.

“Move.” He said, sounds rugged.

Wala naman akong nagawa kundi ang sundin ito.

Umalis ako r'on at tumayo na. Bumangon din naman si Eris at kaagad na tumalikod sakin.

Bakas sa itim na tshirt nito ang mapawis n'yang likod.

“Kita ko 'yon!”

Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Maddy sa tabi ko.

“Muntik na. Kala ko ba ikaw yung seducer? Ba't parang si Eris na?" Humagikhik si Maddy at parang kinikilig.

Hindi ko naman mapigilan ang ngiti.

Hindi ko rin alam ang sagot sa tanong ni Maddy.

NANG matapos ang P.E class namin, nagdiretso ako sa rest room para magpalit.

Hindi ko kasama si Maddy kasi may daraanan pa raw s'ya.

I had no idea and she's like no intention to tell me where she's going, kaya hinayaan ko na.

Wala namang tao nang makarating ako sa rest room. Wow, solo ko.

Dahil solo ko ito, kumanta muna ako para hindi gaanong boring. I do this also to lessen my fear.

I'm afraid of ghost.

Nang matapos ako sa pagbibihis, humarap ako sa malaking salamin at itinali ang buhok ko sa pagkaka-bun.

I wash my hands and then walk out of this place.

Pagkalabas ko, nagulat naman ako sa biglang pagsulpot ng isang lalaki sa gilid ng hallway kung saan labasan pagpasok ng rest room.

Taka ko s'yang tinignan pero kaagad din akong naglakad.

Anong ginagawa ng lalaking 'yon d'on? Wala naman sa loob ng rest room si Xyzhie para abangan n'ya.

Nakakatatlong hakbang pa lang ako nang bigla n'yang hawakan ang balikat ko dahilan para mapaharap ako sa kan'ya.

“Let's talk.” He tattled and took my hand.

Nagulat ako sa ginawa n'ya pero hindi ako nagpadala sa paghila nito.

“Teka. Ano ba? Bitawan mo nga ako.” I said with a normal voice.

Pilit kong inaalis ang kamay n'ya mula sa pagkakahawak sa pala-pulsuhan ko pero hindi n'ya 'yon bitiwan.

“Ano ba, di naman tayo close, bitiwan mo yung kamay ko.” Paulit-ulit kong sambit habang hinihila n'ya ko papunta sa hallway ng rest room.

“I'm just going to talk to you.” He exclaimed.

Inaalis ko pa rin ang kamay n'ya pero ayaw n'ya talaga itong bitiwan.

Ano bang problema ng lalaking 'to?!

“You don't have to force her like that.”

Napatigil ito sa paghila sa'kin nang may marinig kaming isang pamilyar na boses mula sa likod ko.

Naabutan ko itong naglalakad papunta sa'min at tumigil lang nang makarating s'ya sa tabi ko.

I gulped when I see Eris beside me, looking intensely on Zachary's eyes.

“Move your hand, Zach.”






Continue Reading

You'll Also Like

194K 5.6K 60
[The Palmer Brothers: DOS] - I was surrounded by roses but I ended up loving the thorn. I forgot that it can give pinpricks and could make me bleed.
2.1K 269 78
Unexpected Confession (Epistolary)
4.1K 818 79
❝ crush ko pero ang hirap umamin. ❞ ━ in which a girl secretly admires a guy and also secretly admires her. 「 im jaebum • jung eunji...
3.4K 893 47
POETRY COLLECTION ••• Kind words are like HONEY-- sweet to the soul and healthy for the body. -Proverbs 16:24 (NLT) These are the ways how I combat...