Seducing My Crush [Alluring S...

By maentblack

1.9M 79.3K 49.1K

Alluring Series #1 Eris Julian Monterico Started: March 30, 2020 Finished: June 30, 2020 All rights reserved... More

Seducing My Crush
01
02
03
04.
05
06.
07.
08.
09.
10
11.
12.
13
14
15
16
17
18
19
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

20

36.4K 1.4K 1.5K
By maentblack


Demrene's Point of View


Hindi ako nakasagot nang tanungin ni Prof kung ano ang problema't tumayo ako sa kinauupuan ko.

I still can't believe he's standing there, introducing with us.

Inilingan ko lang ang guro pagkatapos ay dahan dahang umupo.

Nakatingin pa rin ako kay Eris kahit na wala na ang atensyon n'ya sa'kin.

Yung kaninang masakit kong ulo, parang unti-unting nawawala.

“You formerly familiar with Mr. Monterico from BSBA Higher Section, right?”

Sumagot naman ang karamihan sa mga kaklase ko, especially the girls.

“He will become your fellow student starting today. Be nice to him.”

Pagkasabi pa lamang noon ng professor namin, umalingawngaw ang mahinang bulungan sa apat na sulok ng silid.

Napatingin naman ako kay Maddy at pati ito ay walang ideya sa mga nangyayari.

Bakit lumipat ng section si Eris?

Para ba 'yon sa'kin?

“Maaari ka ng umupo.” Sambit ng guro.

Naglakad naman si Eris sa tabi ni Maddy at doon ito naupo.

Pinanlakihan ko ng mata si Maddy. Katabi ko kasi ito pero may halahating dipang space para sa daraanan.

Nasa kaliwang bahagi n'ya si Eris, samantalang ako naman ay nasa kanang bahagi n'ya.

Bakit doon pa umupo si Eris?

Ang daming vacant chair dito sa tabi ko.

May gusto ba s'ya kay Maddy? Wow!

VACANT time ngayon at kakagaling lang namin ni Maddy sa Cafeteria.

Kanina pa kaming nagku-kwentuhan tungkol sa pagchange department section ni Eris.

Sandali kaming tumigil sa hallway at doon nag-usap.

Nakatingin ako sa asul na langit at nakapatong ang braso ko sa handrail samantalang si Maddy naman ay nakatalikod sa'kin at nakasandal dito.

“What you gonna do now?” She asked out of the blue.

Nagkibit balikat naman ako, “Hindi ko alam,”

“Huh? Why? Diba dapat nilalandi mo na s'ya ngayon? Pagkakataon mo na!”

“Oo, pero parang nahihirapan na ko,”

She's right. I had more chances now 'cause we're on the same class.

Pero parang yung flirting skills ko, unti-unti nang nawawala.

Ang hirap na n'yang landiin lalo na kapag nagagalit at pinagsasabihan n'ya ako nang masasakit na salita.

Natutulala na lang din ako minsan at ngumingiti na parang aso kapag nakikita s'ya.

Yung dati na ang kapal ng mukha ko para hawakan s'ya at sabihan nang kung anu-ano, all of those audacity I have went missing.

“Wow! So you mean, suko ka na? Hindi mo na gusto si Eris, gan'on ba?” Gulat nitong tanong.

Umiling agad ako at binuksan ang bottled water na kanina pang nasa kamay ko.

“Syempre hindi! Nahihirapan lang ako but this doesn't signify, I'll surrender.”

“Akala ko pa naman susuko ka na. I'm worrying about my fingertips.” Maarte nitong sambit.

Hindi ko naman na s'ya pinansin pero natawa ako sa sinabi nito.

Naalala ko kasi 'yung sinabi n'ya na kapag sinukuan ko si Eris, ipapaputol n'ya yung daliri n'ya.

Habang umiinom ako sa bottled water na hawak ko, nagulat ako nang biglang itulak ni Maddy ang balikat ko.

Dahil sa ginawa n'ya, napatigil ako sa harap ng isang matangkad na lalaki sa harapan ko.

Tumingala ako upang tignan kung sino 'yon at nalunok ko ang tubig nang nakita si Eris.

He's wearing his earphone pero isa lang ang nakalagay sa tenga nito.

He glanced at me together with his serious reaction.

Nagngiting aso na naman ako sa harap n'ya dahil hindi ko alam ang gagawin.

Ang tanga kasi ni Maddy. Tulak nang tulak. Sinadya n'ya siguro 'yon.

Tumikhim ako at inalok s'ya ng inumin, “Tubig?”

Hindi ko rin alam kung s'an nanggaling ang salitang 'yon at kung bakit 'yon ang lumabas sa bibig ko.

Dapat ay pinadaan ko na lang s'ya kaysa magsalita ako ng isang napakawalang kwentang tanong.

Ilang sandali pa, hindi n'ya pinansin ang sinabi ko at nilampasan lang ako.

Pumasok na ito sa loob ng lecture room at doon naupo sa dulong bahagi ng silya.

Napapikit naman ako habang pinapanuod ang ginagawa nito. He's now opening his book at mukhang magbabasa na naman ito.

Pagkabalik ko sa kinatatayuan ni Maddy, kaagad kong hinigit ang buhok nito.

“Ikaw talaga, napakawalang kwenta mong kaibigan!” Inis na biro ko sa kan'ya.

Muli kong pinatong ang braso sa handrails at tumingin sa malayo.

Tumatawa naman si Maddy na ipinatong din ang braso roon.

“Ouch ha,” napahawak ito sa dibdib at inilapit ang mukha sa tenga ko. “Gwapo no, kaya pala natameme ka kanina.” Bulong n'ya.

Inirapan ko naman s'ya at akmang hahampasin pero lumayo ito.

“Wag mo na ngang gagawin 'yon! Muntik ko ng maibuga kay Eris yung tubig. Buti na-control ko!” Saad ko rito na ikinatawa n'ya.

Papasok na sana kami ni Maddy sa loob ng lecture room ngunit may biglang umagaw ng tubig sa kamay ko.

Bahagya akong nagulat pero napalitan din agad 'yon ng inis nang malaman kung sino ang gumawa n'on.

“Akin na nga 'yan!” Sigaw ko kay Matt habang inaagaw dito ang bote.

Hindi ko 'yon maabot dahil masyado s'yang matangkad.

“Painom lang!” Gigil nito sa'kin.

Hinampas ko naman ang balikat n'ya at pilit pa rin 'yong inaabot sa nakataas n'yang kamay.

“Akin na! Nainuman ko na 'yan, unggoy ka!”

Panay ang talon ko para makuha yung bote pero ayaw n'yang ibigay.

Nagawa pa nitong tumalikod sa'kin kaya mabilis n'yang naubos ang nangangalahating tubig doon.

Bwisit talaga 'tong si Matt.

Ibinalik n'ya 'yon sa'kin na ubos na ang laman.

“Oh, ayoko na. Walang lasa.” Sambit nito.

Kinuha ko naman ang bote at hinampas sa noo n'ya.

“Wala ka bang pambili ng tubig ha?!” Sigaw ko.

“Pa'no kasi puro sapatos ang binibili! Bahala na nga kayo r'yan!” Si Maddy ang sumagot.

Pagkasabi noon ay pumasok na ito sa loob ng lecture room.

Inirapan ko si Matt at akmang papasok na rin ako pero pinigilan n'ya ko.

“Wait lang!”

“Wala ba kayong klase?” Tanong ko.

Umiling naman ito pagkatapos ay inalisan ako ng tingin.

“Lipat na rin kaya ako ng course?” Sambit nito. Sandali n'yang nilingunan si Eris na kasalukuyan pa ring abala sa binabasa.

“Pa'no ka lilipat, law ang course mo?!”

“Ah yeah, right! I forgot.” Napakamot ito sa ulo at muli akong tinginan. “Happy now?” He asked in a serious tone but he handle to smile.

“Sobra.” Pagkasabi ko n'on, sinulyapan ko si Eris.

Masaya ako kahit hindi n'ya ako pinapansin, the important thing is he's near from me.

“Sus, di ka naman gusto.” Asik ni Matt sa'kin.

Muli ko s'yang hinampas ng bote at tuluyan ng pumasok sa loob.

Umalis na rin naman s'ya pagkaalis ko.

Nang makabalik ako sa upuan, tinitigan ko lang si Eris.

There's in me that pushes to continue what I've started...

To seduce him.

2 hours ang vacant kaya naman mahaba pa ang oras para landiin ko si Eris.

Tatayo na sana ako para lumapit sa kan'ya pero bigla itong tumayo at lumabas ng pinto.

Tumayo rin ako sa kinauupuan ko.

“Sa'n ka nanaman pupunta?” Narinig ko ang boses ni Maddy.

Kinindatan ko lang naman ito at masamang tingin ang ginanti n'ya.

Pagkatapos noon ay mabilis kong sinundan si Eris.

Napunta kami ngayon sa library at dito ko s'ya nakitang pumasok.

Pagkapasok, tumaas s'ya sa second floor kaya naman mabilis akong sumunod pagkatapos kong i-enter ang ID sa computer screen.

Kumuha agad ako ng aklat para sundan si Eris.

Tumigil ako sa kabilang book shelf at sinilip ito na kasalukuyang inaabot ang isang aklat.

Walang hirap naman n'ya 'yong nakuha.

Nang mapansin kong papunta s'ya sa kinatatayuan ko, kaagad kong itinaklob sa mukha ang hawak na aklat at napalunok ako nang tumigil s'ya sa aking tapat.

Bahagya pang naramdaman ng buhok ko ang dumali nitong braso sa gilid ko.

Namukhaan ata ako.

“Weird...” rinig kong saad n'ya.

Ano raw? Weird? Wirdo? Ako?

Naibaba ko naman agad ang librong hawak ko nang umalis ito sa harapan ko. May kinuha pala itong aklat sa likod ko kaya s'ya napatigil.

Naipikit ko ang mga mata at binaling muli ang tingin sa aklat.

Nakagat ko rin ang pang-ibabang labi nang maunawaan kung bakit nasabi 'yon ni Eris.

“Ano ba 'yan? Kelan pa ko natutong magbasa ng baliktad?!”

Naihampas ko ang aklat sa noo ko at mabilis na nilisan ang library.

Pagkarating namin sa lecture room, ang ingay ng mga kaklase ko. Nangunguna pa ang boses ni Maddy at Cherry.

Naunang pumasok si Eris bago ako.

“Hoy, Dem, dito! Sali ka dali!” Sambit ni Maddy nang makita ako.

Tumakbo naman ako papalapit sa kanila at naupo sa isang bakanteng upuan.

Naglalaro sila.

“Ano yan?” Tanong ko.

“Give me.” Sagot ni Maddy.

“Anong give me?”

“Basta sumali ka na lang, tinatamad ako mag-explain!”

Sinimangutan ko naman s'ya at naki-join na lamang.

“Teka, sama na natin si Eris.” Suwestyon ko sa kanila.

Nilingon naman nila si Eris. Napansin ni Eris na nakatingin kami sa kan'ya kaya lumingon din ito.

Hindi ito sumagot at sa halip ay tumungo na lamang.

Ang kj pa rin talaga.

“Tayo ang lumapit sa kan'ya, dali.” Bulong ko sa kanila.

Sumunod naman ang mga ito sa'kin at naupo kami sa tabi ni Eris.

Nasa kanan ako ni Eris samantalang nasa kaliwa naman si Cherry.

Katabi ko si Maddy.

“Hindi ako sasali.” Rinig naming saad ni Eris nang tumunghay ito.

“Madali lang naman 'to. Wag ka ng maarte.” Si Cherry ang nagsalita.

“I'm not.” Mabilis na sagot ni Eris.

Napatingin kami ni Maddy kay Cherry. Nakangiti ito kay Eris at titig na titig. Wala namang reaksyon si Eris kundi ang kunot nitong kilay.

“Osige, start na ulit tayo!” Sambit ni Maddy.

Napatingin kami kay Eris nang akma s'yang tatayo pero napigilan ko ito. Mabilis ko rin namang inalis ang pagkakakapit sa damit n'ya nang samaan n'ya ko ng tingin.

“Sumali ka na kasi.” Nginitian ko s'ya, tanging irap lang naman ang natanggap ko.

Wala ng nagawa si Eris kaya naman hindi na ito gumalaw sa upuan. He's still focusing on his book.

“Okay, give a color that starts with D!” Anunsyo ni Yan.

Ano raw? D? Basic!

Naunang nagsalita si Cherry.

“Dark!”

Luh gago, akin yon!

“Dark orange!” Si Yan.

Pwede 'yon?

“Uhm... Dandelion!” Si Maddy.

“Denim!” Si Xris naman ang sumunod.

Luh, meron ba non? Denim jacket lang alam ko!

Napatingin naman kami kay Eris.

“Dantrine.” He said with a low voice.

Kahit nakapokus ang tingin nito sa aklat, nagagawa pa rin n'yang sumagot. Hindi ko tuloy mapigilan ang ngiti ko.

“Hoy, Demrene, ikaw na!” Naramdaman ko ang paghampas ni Maddy sa braso ko.

“Ay ako na ba?” Gulat kong tanong.

“Oo, 3! 2!” Binilangan ako ni Yan.

“Teka lang eto na nga diba, oh dilaw!” Sigaw ko.

“Putanginang dilaw yan!” Malakas na napatawa si Xris. Napahampas ito sa lamesa dahil sa tawa.

Tumawa rin naman sina Yan.

“Bakit, kulay naman 'yon a.” Pakikipagtalo ko.

“Osige na nga. Accepted na rin kahit tagalog.” Sambit ni Cherry pagkatapos tumawa. “Oh game, next. Maddy, ikaw mag-give.” Dugtong nito.

Kulay naman 'yon ah! Pinapahiya nila ako kay Eris.

“Okay, game. Uhm, give a,” tumigil si Maddy sa pagsasalita dahil nag-iisip ito. “Give a bird that starts with letter F!”

Kinurot ko si Maddy sa tabi ng hita nito.

Kinunutan n'ya ko ng noo.

Ang hirap naman n'on!” Mouth-talk ko rito.

She just laugh at hindi pinansin ang sinabi ko.

“Flamingo.” Napatingin kami kay Eris nang bigla itong magsalita.

Oy akin 'yon, Eris! Joke, teka wala akong maisip!

“Ah, uhm. Falcon!” Natatawang sagot ni Xris.

“Fernbird?” Si Maddy naman ang sumunod na sumagot. Parang hindi pa ito sigurado sa sinabi.

Teka! Wala pa talaga akong naiisip. Ang hirap naman nung F!

Pwede bang fried chicken na lang? Ibon din naman yon.

Ba't ba ako sumali rito?!

“Wait, uh, ano!” Pumikit pa si Cherry at nagmulat ito nang may pumasok na sa isip, “Figbird!”

Nagtatawanan ang lahat at nagmamadali sa pag-iisip.

Hindi naman ako makatawa kasi puro fried chicken ang nasa isip ko. Hindi ako makaisip ng ibon na nagsisimula sa F!

“Fish-owl!” Para namang hindi nahirapan na sagot ni Yan.

Ano bang mga ibon ang sinasabi ng mga 'to? Ba't di ko yon alam?

“Dem, ikaw na!” Sinundot ulit ako ni Maddy.

Pinagpapawisan na ako ng kamay at pikit mata kong sinigaw ang sagot ko.

“Flappy bird!”

“Putangina!” Malakas na sigaw ni Xris habang tumatawa.

“Flappy bird, what?” Natatawa ring sambit ni Maddy. Binato n'ya ako ng hawak na papel.

“Oh bakit? Ibon 'yon!” Pakikipagtalo ko ulit.

Kesa naman fried chicken yung sabihin ko.

“Gaga hindi 'yon kasali! Wait, ang sakit na ng tiyan ko!” Tawa pa rin nang tawa si Maddy, napapahawak na ito sa tiyan.

“Talo ka!” Sigaw ni Cherry matapos tumawa. “Limang kutos para kay Demrene!”

Umilag ako at hinarangan ang ulo ko, “Hoy teka, wala naman kayong sinabi na may penalty!”

“Dem, lahat ng laro, kapag natalo may penalty!” Singit ni Yan.

Inirapan ko naman ang bwisit na lalaking 'yon.

“Teka lang! Lalo akong bobobo n'yan. Pwede bang kiss na lang.” Pagkasabi ko n'on ay nilingon ko si Eris.

Hindi s'ya tumingin ng diretso sa'kin pero nakita ko ang sandaling pagsulyap ng mata nito.

“Pwede naman!” Si Xris ang sumagot. “Basta sa lips.” Saad nito pagkatapos ay tumawa.

Hinampas naman s'ya ni Maddy ng aklat.

“Bakit ba sinali na'tin 'tong manyakis na 'to?!” Inis nitong sambit sa tumatawang si Xris.

“Just kidding!” Biro ni Xris kay Maddy.

“Oh game, kutos na!” Sigaw muli ni Cherry.

Ang kj naman ni Cherry! Pinaalala pa.

Nakaaro na sa kanila ang ulo ko ngunit natigilan kami nang may biglang tumawag kay Eris.

Nilingon namin ang pinto at nakitang nakatayo roon si Ivann.

Kinawayan n'ya ako nang makita ako nito. Nginitian ko naman s'ya.

Ilang sandali pa'y tumayo na si Eris at tinungo ang direksyon papunta kay Ivann.

Nakita kong may sinabi si Ivann. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan. Napapakunot kasi ng noo si Ivann habang nagsasalita.

Tinapik n'ya si Eris sa balikat at napataas ako ng dalawang kilay nang nakitang umalis na silang dalawa.

Sa'n kaya papunta ang mga 'yon?

Matapos nila akong kutusan, hindi naman na ako bumawi dahil mahina lang ang mga kutos nila.

Parang dinampian lang ako ng bulak. Napakamaalaga talaga nila sa'kin.

Palibhasa alam nilang gumaganti ako kahit ako 'yung taya.

Ilang beses na rin akong lingon nang lingon sa pinto.

Hinihintay kong dumating si Eris pero hindi pa rin ito dumadating.

Hanggang sa matapos ang sunod at huling subject, hindi na bumalik si Eris para umattend ng klase.

Nang magdismiss ang Professor namin, kaagad akong tumayo at kinuha ang bag.

“Where are you going?” Tanong ni Maddy.

“Hanapin ko si Eris.”

“Hindi ka sasabay?”

“Hindi. Mauna na kayo.”

Tumakbo na ako palabas ng room nang masabi 'yon.

Hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Eris. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa pagod pagtakbo.

Ang bilis ko atang mapagod this past few days. Kailangan ko na talagang uminom ng vitamins! Napapansin na rin nila ang pagpayat ko.

Kasalukuyan akong nakatayo sa Quad, malapit sa fountain.

Tumigil ako saglit para sana i-text si Ivann pero hindi na pala kailangan.

Nakita ko na si Eris. Kalalabas lang nito sa Infirmary at mukhang may idea na ko kung sino ang pinuntahan n'ya r'on.

I'm about to step forward but something stop me not to do.

Lumabas din si Xyzhie sa loob ng Infirmary.

At mula sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko kung paano n'ya niyakap Eris patalikod.

Looks like she's begging for him.

Napabuntong hininga naman ako at hinawi ang buhok.

Kitang kita ko kung gaano kaalagang inalis ni Eris ang dalawang kamay ni Xyzhie sa malapad n'yang katawan.

Nag-usap sila saglit pagkatapos ay umalis na si Eris.

Nang makita kong palabas na si Eris sa main gate, kaagad naman akong tumakbo palapit sa kan'ya.

May ilang dipa ang layo ko sa kan'ya kaya hindi n'ya ako napapansin na sumusunod sa kan'ya.

Medyo naambon naman ngayon pero mukha namang hindi 'yon tutuloy.

Nang may tumigil na supreme, sumakay na si Eris at kaagad naman akong sumunod.

Nakita kong umupo ito sa gitnang bahagi ng supreme.

Napangiti ako nang makitang doon s'ya umupo sa bakanteng upuan para sa dalawang tao kahit na may mas malapit at iisang tao pa lamang ang nakaupo.

Napapaisip tuloy akong gusto n'ya akong katabi.

Nang makalapit kay Eris, hindi n'ya ako nililingunan pero alam kong alam n'ya na nandito ako.

Nakasuot na sa dalawang tenga n'ya ang earphone at kakapatong n'ya pa lang din ng hood ng jacket sa ulo n'ya.

Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko at akmang uupo na sana ako nang may biglang maglagay ng shoulder bag sa katabing upuan ni Eris.

Eris slowly remove his hoodie jacket at tinignan kung sino ang naglagay n'on.

That shoulder bag from Gucci is familiar.

“Hi.” Nakangiting bati ni Xyzhie kay Eris pagkatapos ay naupo sa tabi nito.

Wala naman akong ibang nagawa kundi ang maupo sa likod ng upuan nila.

Umandar na rin ang sasakyan at baka matumba pa ako kapag hindi agad ako umupo.

Napakuyom ako ng palad habang nakatingin kay Xyzhie.

Bakit pa s'ya nagsupreme, may kotse naman na sila?!

Nag-iwas ako ng tingin saglit at tumingin na lamang sa labas.

“Baby—uh, I mean, Eris...” rinig kong sambit ni Xyzhie mula sa kinauupuan ko.

Napairap ako dahil doon.

“I think, I'm going to throw up. I'm sorry...” She continued with a low voice but I can still heard.

Tss. Ang arte. Hindi pala sanay sumakay ng bus.

Hindi ko alam kung ano ang sinabi ni Eris. Hindi ko rin makita kung ano ang reaksyon ng mukha n'ya dahil natatakluban ito ng likod ng upuan.

Mula naman sa repleksyon ni Xyzhie sa salamin, nakita ko ang mukha nito.

Nakatungo s'ya at parang pinapagalitan s'ya ni Eris.

Ilang sandali pa, tumigil ang supreme at naunang tumayo si Xyzhie, kasunod niya si Eris.

I smiled a bit when I see he didn't touch Xyzhie when she's about to fall.

Halata namang sinasadya ni Xyzhie yung marahang pagtumba n'ya.

Nang malapit na silang bumaba, lumipat ako ng upuan para silipin sina Eris.

Napalunok ako ng laway nang makitang hinubad pa ni Eris ang jacket para isuot 'yon kay Xyzhie.

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

Parang tinusok ito ng kutsilyo at hindi lang basta karayom.

Hinahabol ko ang hininga nang alisan ko sila ng tingin.

Nakailang lunok din ako dahil pakiramdam ko ay nanghihina ang buong katawan ko.

Mahal pa rin ba n'ya si Xyzhie kahit niloko na s'ya nito?

Muli akong sumulyap sa kanila at bahagya akong nagulat nang makitang nakatingin sa'kin si Eris habang kinakausap s'ya ni Xyzhie.

Mabilis lang 'yon dahil umandar na ang supreme.

I gulp multiple times.

Totoo bang sinulyapan n'ya ako ng ganon?

Those stare is different from before.

Hindi ko masabi kung ano pero iba... ibang iba.

It's like a stare that describe ‘worries.’

Nag-a-assume nanaman ba ako?











Continue Reading

You'll Also Like

14.7M 329 1
Secret Trilogy: Secretly Living With My Husband (Book 2 of 3) They began in a secret relationship. Went through many trials and fought together becau...
563K 16K 13
Sit back and relax and welcome to...Sardinas Family--este Sandejas Family👑 Sandejas Family's sabog moments, adventures. Usually consists of excerpts...
1.1M 32K 14
(COMPLETED) In order to get my brother back, I am being tasked to get all the wealth he got, and then kill him right after. So I planned to make him...
938K 39.8K 53
{ Constantine Series: Book 1 } "I love you. Do you hear me? I said, I love you..." - After getting rejected by his long-time crush, Cryd Constantine...