Legend of Divine God [Vol 5:...

Galing kay GinoongOso

935K 92K 12K

Tapos na ang kaguluhan sa Ancestral Continent. Pero, hindi ibig sabihin nito ay tapos na ang pakikipagsapalar... Higit pa

Legend of Divine God [Vol 5: Dark Continent]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
Chapter LXI
Chapter LXIII
Chapter LXIV
Chapter LXV
Chapter LXVI
Chapter LXVII
Chapter LXVIII
Chapter LXIX
Chapter LXX
Chapter LXXI
Chapter LXXII
Chapter LXXIII
Chapter LXXIV
Chapter LXXV
Chapter LXXVI
Chapter LXXVII
Chapter LXXVIII
Chapter LXXIX
Chapter LXXX
Chapter LXXXI
Chapter LXXXII
Chapter LXXXIII
Chapter LXXXIV
Chapter LXXXV
Chapter LXXXVI
Chapter LXXXVII
Chapter LXXXVIII
Chapter LXXXIX
Chapter XC
Chapter XCI
Chapter XCII
Chapter XCIII
Chapter XCIV
Chapter XCV
Chapter XCVI
Chapter XCVII
Chapter XCVIII
Chapter XCIX
Chapter C
NOTE

Chapter LXII

7.5K 967 123
Galing kay GinoongOso

Chapter LXII: First move

"Ikinulong ng Duke ng Erdives..? Bakit?!" hindi napigilan ni Finn Doria ang kanyang sarili. Kakikilala niya palang sa grupo ni Oyo pero kahit na gano'n, sila palang talaga ang nakikita niyang matino sa lugar na ito. Sa samahan ng mga ito lang nakita ng binata ang kagandahang mayroon mula nang dumating siya rito.

Naghintay si Finn Doria sa sagot ni Samuel, pero, napansin niyang malubha masyado ang natamo nitong pinsala kaya namimilipit ito sa sakit at hindi nito makayanan na magsalita.

"Boss, nakita ako ng binatang iyan kagabi boss kaya naman agad ko siyang tinulungan. Sabi ko ay dadalhin ko siya boss sa Alchemy Guild pero sabi niya ay mas importante raw ang buhay ng kanyang mga kasama boss... nakiusap siya boss na hanapin ka namin kaya agad akong nagmadali boss at agad na hinalughog ang lungsod ng Erdives..." paliwanag ni Erwan. "Mabuti nalang talaga at isa akong ekspertong gabay boss! Nahanap kita kaya lang... walang talab ang ipinapakain ko sa kanyang recovery pills masyadong malubha ang tinamo niyang pinsala... mababang kalidad lang kasi ng recover pills 'yun boss. Pasensya na.."

Napakamot si Erwan sa kanyang ulo at nahihiyang tumingin kay Finn Doria. Bumaling sa kanya ang binata at kapansin-pansin ang nakakatakot nitong awra. Nakasimangot ang binata kaya napaatras si Erwan. Natakot siya at pinagpawisan siya ng sobra.

"Ginoong Finn Doria... kahina-hina-"

Hindi na pinatapos ni Finn Doria si Hina sa kanyang sasabihin. Agad siyang naglabas ng maliit na bote ng naglalaman ng matataas na uri ng recovery pills, "Kilala ko si Samuel... at hindi ko maaaring ipagsawalang-bahala ang pangyayaring ito."

Binuksan ni Finn Doria ang maliit na bote at gamit ang kanyang enerhiya, pinalutang niya ang limang recovery pills. Ipinikit ng binata ang kanyang mga mata at ilang sandali pa, binuksan niya ang kanyang palad.

Lumitaw ang alchemy flame ni Finn Doria, ang maalamat na Alchemy Flame na tinataglay ng binata.

"!!!"

Napaatras si Hina nang makita niya ang kalmadong apoy sa palad ni Finn Doria. Nanlaki ang kanyang mga mata at hindi niya napigilan ang kanyang sarili. Inalis niya ang taklob sa kanyang ulo at tinitigang mabuti ang alchemy flame sa palad ni Finn Doria.

Nagningning naman ang mga mata ni Erwan. Titig na titig siya sa apoy na nasa palad ni Finn Doria. Humahanga siya sa kagandahang taglay nito kaya hindi niya mapigilan ang mapapalakpak.

"Ang galing boss! Iyan ba 'yung tinatawag nilang apoy na tinataglay ng mga Alchemist? Boss napakaganda ng sa 'yo boss! Pero akala ko isa kang Blacksmi-"

"Ang maalamat na Blue-Green Alchemy Flame!! Paanong..!" hindi na napigilan ni Hina ang kanyang sarili.

Hindi niya na pinatapos pa si Erwan sa kanyang sinasabi. Agad siyang lumingon sa paligid at tiningnan kung mayroong nakatingin sa kanila.

Nakahinga ng maluwag si Hina nang mapansing walang masyadong taong nadaan sa kanilang kinaroroonan, at kung may nadaan man, dahil si Finn Doria ay nasa loob ng karwahe, wala ring makakakita sa kanyang alchemy flame.

Agad na hinigit ni Hina si Erwan papasok at agad na isinara ang pinto ng karwahe.

"Magandang binibini, hindi mo naman ako kailangang higitin. Papasok naman ako basta sabihin mo ng maayos," sabi ni Erwan.

Hindi siya pinansin ni Hina. Nakatitig pa rin ito sa Alchemy Flame na tinataglay ng binata, at ngayon may komplikadong ekspresyon ang makikita sa kanyang mukha.

"Ginoong Finn Doria... isa kang Alchemist?! At ang iyong alchemy flame.." hindi mapigilan ni Hina ang magtanong nang magtanong. Kinakabahan siya. Hindi niya na maintindihan kung ano ang nangyayari.

Napatitig nalang si Hina kay Finn Doria, nalilito, kinakabahan at nahihiwagaan.

'Ang Blacksmith na kayang bumuo ng Heaven Armaments ay isa ring maalamat na Alchemist?! Pero paano...? Paano!' gustong-gusto ni Hina na maintindihan ang kabuuang nangyayari.

Gusto niyang malaman ang buong pagkatao ni Finn Doria, gayunman, hindi niya maitanong ang mga ito sa lugar na maraming tao. At isa pa, wala siya sa lugar para magtanong dahil wala namang ugnayan ang namamagitan sa kanilang dalawa ng binata.

Natigilan naman si Finn Doria. Napagtanto niyang naging mapusok siya. Inilabas niya ang isa niya pang sikreto at ngayon, may mga nakakita sa kanya. Napakuyom ang kanyang kamao.

'Kung hindi ko ito gagawin... baka mahuli na ang lahat!' sa isip ng binata.

Agad niyang pinalaki ang kanyang alchemy flame. Pinalutang niya ang limang recovery pills patungo sa pagitan ng kanyang dalawang palad. Dahan-dahan niyang tinunaw ang limang recovery pills at gamit ang kakayahan ng Blue-Green Alchemy Flame, pinagsama-sama niya ang likido ng limang recovery pills para makabuo ng bago, mas mabisa at mas mataas na kalidad ng recovery pill.

Wala na siyang oras para gumamit ng cauldron, kailangan niya na agad na makakuha ng sagot mula kay Samuel kaya minano-mano niya na ang pagbuo ng panibagong recovery pill.

Nang mabuo na ni Finn Doria ang isang malinaw na pulang recovery pill, agad niya itong inilapit sa bibig ni Samuel at agad na nagsalita, "Kainin mo ito. Kailangan mong magpagaling agad... ikuwento mo sa akin ang nangyari kina Oyo!"

Pilit-kinain ni Samuel ang recovery pill na ipinapakain sa kanya ni Finn Doria. Nilunok niya ito at hinayaan ang mainit na enerhiya na kumalat sa kanyang katawan.

Pinagmasdan ito ni Finn Doria, at ilang sandali pa tumayo siya at tumingin kay Erwan at Hina. Mayroong nakakita ng kanyang alchemy flame, at alam niyang hindi ito magandang pangyayari.

"Ginoong Finn Doria, kailangan kitang makausap," sabi ni Hina. Bumaling si Hina kay Erwan at matalim na nagsalita, "Nang pribado."

Bumaling din si Finn Doria kay Erwan. Seryoso ang ekspresyon sa kanyang mukha noong marahan siyang magsalita, "Ilang minuto pa ang kakailanganin bago lubusang gumaling si Samuel."

"Erwan, maaari bang paandarin mo ang karwahe habang nag-uusap kami rito? Bagalan mo lang upang hindi tayo masyadong lumayo sa ligar."

"Maliwanag pa sa sikat ng araw boss!" agad na saludo ni Erwan. Agad niyang binuksan ang pinto at abot-tengang lumabas ng karwahe.

Agad na pinalibutan ni Hina ng Sound Concealing Skill ang palibot nilang dalawa ni Finn Doria. Malaki ang karwahe kaya naman ayos lang kahit tumayo sila. Malawak din ito at halos kasya na ang isang dosenang tao.

Umupo si Finn Doria sa malapit na upuan. Tumingin siya kay Hina pero wala siyang binitawan na salita.

Huminga muna ng malalim si Hina. Tiningnan niyang mabuti si Finn Doria bago magsalita, "Kung totoo ang sinasabi ng ginoong iyan na ikinulong nga ni Crome ang kanyang mga kasama, masyadong komplikado ang sitwasyong ito."

"Malawak ang impluwensya ni Crome sa lungsod na ito... at marahil sinadya niya ito para mahulog ka sa kanyang bitag."

Hindi nagsalita si Finn Doria. Kapansin-pansin pa rin ang galit sa kanyang mga mata matalim ang kanyang tingin pero hindi na siya nakatingin ngayon kay Hina. Nakatingin na siya ngayon sa kawalan.

Hindi alam ni Hina ang kanyang sasabihin. Hindi niya alam kung makikialam siya. Nakatagpo siya ng misteryosong binata na nagtataglay ng maalamat na alchemy flame, at higit pa roon, kayang bumuo ng Heaven Armament.

Pero sa kabila ng pagiging magaling at talentado nito sa dalawang propesyon, mahina ito at masyadong mapusok. Lapitin ito ng gulo, at kahit hindi niya tungkulin, kailangan niya itong protektahan.

At ang pangunahing dahilan ay dahil sa kakayahan nito bilang Blacksmith. Habang ang pangalawa naman ay dahil sa dala-dala nitong dalawang Heaven Armaments.

"Ginoong Finn Doria, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Kung sakali mang babalakin mo na pasukin ang mansyon ng mga Meyers, malalagay sa panganib ang iyong buhay!" seryosong hayag ni Hina. Inilahad niya ang kanyang kamay at nagpatuloy, "Si Crome ay hindi problema, gayunpaman, ang kanyang ama, ang dating Duke ng Erdives ang malaking problema."

"Napakarami ring Heaven Rank sa lugar na iyon, hindi hamak na mas marami kaysa sa Black Arena," dagdag pang paalala ni Hina.

Tumayo si Finn Doria. Tiningnan niya si Hina. Nawala ang galit sa kanyang mga mata, pero, blanko na ang kanyang ekspresyon. Malamig ang emosyong makikita sa kanyang mga mata habang nakatingin kay Hina.

"Alam kong ang iyong pag-aalala ay wala sa akin; nasa kakayahan ko at sa dalawa kong Heaven Armaments. Hindi pa tayo gaanong magkakilala, at hindi kita pinagkakatiwalaan ng lubos, Binibining Hina. Hindi natin pinagkakatiwalaan ang isa't isa."

"Buhay ng mga kaibigan ko ang nakataya rito. Kung magbibingi-bingihan at magbubulag-bulagan lang ako, ano pang pinagkaiba ko sa mga traydor na kaibigan?" malamig na hayag ni Finn Doria. "Nakikiusap ako. H'wag mo akong turuan kung ano ang dapat at hindi dapat. Ako, si Finn Doria ay alam kung ano ang dapat kong gawin at hindi dapat kong gawin."

Hindi nasaktan si Hina sa sinasabi ni Finn Doria dahil tama ang binata. Mayroon siyang kanyang sariling buhay, at napadaan lang siya sa buhay nito. Gayunman, hindi siya susuko dahil hindi lang para sa binata ang papaalala niya, para rin ito sa kanila.

Nakakita na siya ngayon ng pag-asa, at hindi niya hahayaan na mawala ito at makuha ng iba.

Mas lalong gugulo lang kapag napasakamay ng iba ang Blacksmith na may kaalaman at kakayahan na bumuo ng Heaven Armament, isang napakalaking gulo na maaaring magdulot ng katapusan ng Dark Continent.

Huminga muli ng malalim si Hina at nakayukong nagsalita, "Hindi pa huli ang lahat para sa 'yo, Ginoong Finn Doria. Talentado ka, at mayroon kang hindi masukat na lakas. Maaari kang maghintay ng ilan pang taon, ng dekada-"

Malamig na humalakhak si Finn Doria at umiling-iling, "Naaalala kong may isa ring malapit sa akin ang nagsabi sa akin niyan. Gusto niya akong tulungan na takasan ang responsibilidad ko at hayaan ang mga malalapit sa akin na mawala. Sinabi niya sa akin na mayroon pa akong pagkakataon para maghiganti pero alam mo kung ano'ng tugon ko?"

Tahimik lang si Hina na nakinig sa mga salitang binitawan ni Finn Doria. Sa nakikita niya sa binata, isa itong mabuting adventurer na hangad ay kabutihan at kapayapaan. Pinapahalagahan din nito ang kanyang mga kaibigan o kakilala.

Nakita niya ito noong sinusundan niya kagabi ang karwaheng pinapaandar ni Erwan. Hindi idinamay ni Finn Doria si Erwan noong napansin nitong may sumusunod sa kanya. Maaari naman siyang manatili sa karwahe at gawing pain si Erwan sa mga adventurers pero mas pinili ng binata na sadyang ilihis ang mga miyembro ng Assassins Guild para hindi madamay si Erwan.

Isang hamak na kutsero si Erwan at sa totoo lang, lamang lang siya sa mga alipin. Nasa mababang katayuan ang kanyang posisyon sa lipunan, at kahit mamatay siya, walang makakaalala sa kanya; maliban nalang kung mayroon siyang pamilya o kaibigan.

Isa pang napansin ay ang nangyari sa Black Arena. Tago ang mukha ni Finn Doria sa balabal pero nakita niyang lumuha ito nang mamatay ang lalaki.

At ang nangyari sa batang beastman, doon napagtanto ni Hina na si Finn Doria ay may malambot at mabuting puso. Wala itong pakialam kahit pa anong lahi ang kinabibilangan ng isang nilalang dahil para sa binata, ang bawat lahi ay pantay-pantay.

Nang mapansin ni Finn Doria na wala nang balak si Hina na magsalita, umiling nalang siya at marahang bumaling kay Samuel na nahiga pa rin sa mahabang upuan.

Ilang minuto pa, napansin ni Finn Doria na unti-unti nang bumubuti ang kalagayan ni Samuel. Nakahinga siya ng maluwag. Lumabas siya sa Sound Concealing Skill ni Hina at dahan-dahang lumapit kay Samuel. Nilampasan niya si Hina na nakayuko pa rin habang malalim na nag-iisip.

Nang umupo si Finn Doria at tumapat sa mukha ni Samuel, unti-unting iminulat ni Samuel ang kanyang mga mata. Agad niyang nakita si Finn Doria, dahan-dahan siyang umayos ng upo habang si Finn Doria naman ay dahan-dahang tumatayo.

Naging balisa ang ekspresyon sa mukha ni Samuel, hindi niya ininda ang kanyang mga natitirang sugat. Hinawakan niya ang balabal ni Finn Doria at agad na nagsalita.

"Finn... Sina Oyo... " nag-aalalang sabi ni Samuel.

"Huminahon ka muna at ipaliwanag mo sa akin kung paano at bakit ikinulong ng Duke ng Erdives sina Oyo," kalmadong sabi ni Finn Doria. "Gusto ko ring malaman kung paano ka nakatakas habang sina Oyo ay hindi."

Nagbago ang ekspresyon ni Samuel, pero, sandali lang ito. Pilit-siyang ngumiti at agad na nagpaliwanag, "Alam kong mahirap ipaliwanag ito pero nangyari iyon dahil sa tinatapos naming misyon."

"Nabanggit na namin sa 'yo ang aming misyon noon. Ang aming misyon ay dalhin ang isang bagay sa mansyon ng Duke ng Erdives. Pero, nang dumating kami sa mansyon, napagtanto namin na hindi lang pala kami ang may misyon na gano'n..."

Bumakas ang takot sa mukha ni Samuel. Nanginig siya at agad na nagsalita, "Napag-alaman namin na sinadya iyon ng Duke ng Erdives... Ang misyon na kinuha namin ay isa lamang pagpapanggap. Ang talagang hangarin ng Duke ng Erdives ay ikulong ang mga Rogue Adventurers para isali sa isang... narinig kong nabanggit ng isa niyang kawal na isasali nila kami sa Black Arena!"

Nagbago ang ekspresyon ni Finn Doria. Nawala ang kalmadong ekspresyon sa kanyang mukha. Kasalukuyang makikita ngayon ang galit sa mga mata ng binata. Matalim ang tingin niya. Nakararamdam siya ng matinding galit ngayon. Ang kanyang mabigat na awra ay hindi niya na kayang pigilan pa.

Napabaling lang si Hina sa kanya at kay Samuel. Wala siyang reaksyon dahil natural na ang bagay na ito para sa kanya.

"Tapos... nagkaroon ng kaguluhan sa loob ng mansyon! Nanlaban kami at habang nagkakaroon ng kaguluhan, pinatakas ako nina Oyo, pinrotektahan nila ako mula sa mga kawal. At habang tumatakas ako, nakita kong muli ang kutsero na inarkila ko para maging gabay mo," nanginginig na paliwanag ni Samuel. Tumingin siya ng diretso kay Finn Doria. Nangingilid ang luha niya at agad niyang hinawakan sa magkabilang-balikat ang binata, "Ikaw lang ang kilala ko sa lungsod na ito na makakatulong sa amin... hindi ko maaaring pabayaan nalang sina Oyo. Hindi ko maaaring pabayaan ang mga kasama ko!"

"At kahit alam kong malabo na tulungan mo kami, sumubok pa rin ako dahil desperado na ako. Sila nalang ang pamilya ko, at hindi ko kayang mabuhay nang may pagsisisi sa aking puso't isipan!"

"Asan sila ngayon?" taimtim na tanong ni Finn Doria matapos marinig ang paliwanag ni Samuel. Nanginginig ang kanyang kamao. Pinilit niya ang kanyang sarili na kumalma pero hindi niya na kaya, "Sabihin mo, Samuel! Nasaan sila ngayon?!"

"Sa.. sa mansyon ng Duke ng Erdives! Nakita ko silang nahuli ng mga kawal at sa pagkakarinig ko, ikukulong sila sa piitan sa mansyon!"

Hindi na nagsalita pa si Finn Doria. Nagtungo siya sa may bintana at agad na binuksan ito.

"Erwan. Dalhin mo ako sa mansyon ng hangal na Duke ng Erdives," malamig na utos ni Finn Doria kay Erwan.

"Mansyon ng Duke..? Boss.. masusunod boss!" agad na pinaandar ng mabilis Erwan ang karwahe.

Bumaling si Finn Doria kay Hina at marahang nagsalita, "Malaking gulo ang papasukin ko... At hindi ko gusto na idamay o mandamay ng iba. Maaari ka ng umalis."

"H'wag kang mag-alala, gagawin ko ang ipinangako ko sa 'yo. Kapag nagkita muli tayo ibibigay-"

"Sasama ako," hayag ni Hina. "Tutulong ako dahil gusto kong masigurado na buhay pa ang Blacksmith na gagawa sa Heaven Armament ko."

Natigilan si Finn Doria. Seryoso siyang tumingin kay Hina. Bumuntong-hininga nalang siya at hindi na nagsalita pa.

Tumingin siya sa kawalan at marahang bumulong, "Sisimulan ko ang misyon ko sa lungsod na ito."

"Isa ka lamang Duke na namumuno sa isang lungsod habang ang misyon ko ay ang kontinenteng ito. Hindi mo ako matatakot, hangal na duke."

Habang si Finn Doria ay buo na ang loob na pasukin ang teritoryo ng isang duke, sa labas, sa likod ng karwahe, mapapansing mayroong batang nakasuot ng itim na balabal na may karga-kargang sanggol ang nakaupo. Nakatingin siya sa karga-karga niyang sanggol at mapapansin ang matinding pagod sa kanyang batang mukha.

--

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

1.6K 232 22
Sa kalagitnaan na paglalakbay ni Ziwin hindi niya sinadya matuklasan ang daan patungo sa mga Assassin. Sa kaniyang pag pasok sa Assassin ay nag simu...
675 91 12
Metaverses are immersive three-dimensional virtual worlds in which people interact as avatars with each other and with software agents, using the m...
666K 140K 142
Synopsis Sa pagpapakita ng Land of Origins o ang tinatawag ding mundo ng pinagmulan ng lahat bagay, si Finn at ang New Order ay naghahanda na para sa...
2.2K 311 29
[ S Y P N O S I S ] Staleria- is a State where society takes the political, economy, socioeconomic, and racial inequality, this movement is called St...