Seducing My Crush [Alluring S...

By maentblack

1.9M 79.3K 49.1K

Alluring Series #1 Eris Julian Monterico Started: March 30, 2020 Finished: June 30, 2020 All rights reserved... More

Seducing My Crush
01
02
03
04.
05
06.
07.
08.
09.
10
11.
12.
13
14
15
16
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

17

34.4K 1.4K 1.2K
By maentblack


Eris's Point of View

I awoke because of the light that pass through my face.

Bumangon ako sa kama at napahilot agad sa sentido.

Fuck.

It feels like I could sleep the entire week because of this headache, plus I feel tired and sluggish.

Masyado atang marami ang nainom ko.

Tinignan ko ang sarili at tanging boxer lang ang suot ko. Wala na akong matandaan except Xyzhie and Zach's hidden agenda.

Mariin kong itiniklop ng mga palad ko at napahilot muli sa ulo. Mas sumakit ang ulo ko dahil sa naalala.

I close my eyes and I'm about to sleep when someone open the door.

“Tangina, buti nagising ka pa?!”

Bahagya akong nagulat sa pagpasok ni Ivann sa kwarto ko.

Kunot-noo ko s'yang tinignan nang matapos nitong ilapag ang tray na may pagkain sa ibabaw ng side table.

“What are you doing here?” I asked.

Napangiwi ako nang kumirot muli ang ulo ko.

“Fuck...” Mura ko sa sarili.

“Oh, uminom ka muna! Inom ka nang inom, hindi ka naman sanay d'yan!” Inabot nito ang basong may tubig at hinigit ang stool papalapit sakin.

“How did you know I'm here?” Tanong ko sa kan'ya matapos inumin ang tubig.

“Madali ka lang hanapin!” Sigaw nito.

Sinamaan ko s'ya ng tingin, “Ba't ka ba sumisigaw?”

Naramdaman kong namamaos ng bahagya ang lalamunan ko. Masakit din ito at parang kulang iyong tubig na ininom ko.

“Bro, nakikita mo ba 'to?” Itinuro n'ya ang namumula at namamaga nitong labi.

Tinaasan ko naman ito ng kilay, “Oh?”

“Gago, hindi mo naaalala?” Hinampas n'ya ang sariling binti at parang hindi makapaniwala sa reaksyon ko.

I did. Naaalala ko lahat.

The moment they saw me at the pool, pati ang ginawa kong paghalik kay Demrene.

I do remember all of it.

“Sorry about that,” paghingi ko ng pasensya dahil sa pagsuntok ko rito.

I just can't control my emotions that time.

Pakiramdam ko galit ako sa lahat, that's why I am sending them away from me.

Ayokong makapanakit when I'm upset.

“Ayos lang sa'kin yung 'sorry' kahit gusto kitang bawian, pero yung ginawa mo kay Demrene? Sorry lang?” Umiling ito at parang dismayado. “There were not enough, bro.”

Pinikit ko ang nga mata at sumandal sa head board ng kama.

“That was not my intention,”  I admitted.

Masakit pa rin ang ulo ko kaya pinanatili kong nakapikit.

“What? Alin d'on, yung hinalikan mo s'ya o yung sinabihan mo s'yang mukhang tanga?”

Sandali kong binuksan ang isang mata ko para tignan ito.

“One as well as the other,”

Matagal bago s'ya nagsalita.

“You mean, both? Hindi mo intensyon 'yon parehas?” Tanong n'ya at parang hindi pa sigurado sa kan'yang realization.

Hindi ako sumagot, sa halip ay narinig ko ang tawa nito.

“So why did you do that? Bakit mo s'ya hinalikan?” He asked.

“She's so loud,” nagmulat ako ng mata at tumingin sa kisame. “Gusto ko lang naman s'yang patahimikin.”

Pero bakit ko s'ya hinalikan?! How stupid of me? Goddamn it!

Tumawa ng malakas si Ivann habang nakatingin sa'kin.

“What the fuck, bro? You're fucking wasted at that moment! Eh yung isa? You really mean it?” Pag-uusisa nito.

Binato ko naman sa kan'ya ang unan na nasa tabi ko.

“Hindi mo na kailangang malaman.”

Pagkasabi ko noon ay tumayo ako at kinuha ang bath towel na nakasabit sa pinto ng cabinet.

“Wait, ano bang nangyari? Mind to share?”

Napatigil ako sa paglakad. Sandali kong isinabit sa leeg ang bath towel.

“You'll surely won't like it.” Maikling sagot ko.

“Sus. Kahit ano pa 'yan!”

“We broke up.”

Napatayo naman si Ivann sa kinatatayuan.

“Ni Xyzhie? Lol! Why?” Gulat nitong tanong.

“Because of Zachary.”

Nakita ko ang biglang pagbabago ng reaksyon nito. Ang kaninang nakangiti ay kunot-noo na ngayon.

“You serious? They cheat? Tangina ang labo naman n'on?!” Mura nito na napahawi pa sa buhok.

Hindi naman ako sumagot ngunit humigpit ang pagkakahawak ko sa bath towel at ang pag igting ng panga ko dahil sa galit.

“Then why are you look so chill?” Tinginan n'ya ko. “Are you okay, man?”

“I'm fine. Umuwi ka na.” Sagot ko rito pagkatapos ay naglakad papuntang rest room.

“How 'bout you?”

“I can handle.” Mabilis kong sagot.

I'm not chill.

Gustong gusto kong lumpuhin si Zachary dahil sa ginawa n'yang panunulot kay Xy, but I'm not going to waste my vim para lang may patunayan.

I can hurt them without any physical damage or pain.

NANG matapos ako sa pagligo, wala na si Ivann sa loob ng kwarto.

Hindi ko naman ginalaw ang niluto n'yang itlog na sunog, sa halip ay inabot ko ang aking telepono.

Outside of the screen pa lang, nakita ko nang tadtad ako ng text at tawag ni Xy.

Inihagis ko ang phone sa kama at dumiretso sa kabinet para kumuha ng damit kong nakastock dito.

Nang naisuot ko ang puting t-shirt, napangiwi ako dahil biglang sumakit ang panga ko.

Ginalaw ko ito gamit ang kanang kamay kasabay ng paggalaw ko ng aking panga and I remembered I got in a trouble while buying liquors.

I also stretch my fist and notice a lot of wounds.

I'm fucked up.

Hindi ko na lamang 'yon ininda at kinuha ang tray na nilagay ni Ivann sa side table.

I can't eat those food not because how did Ivann cooked it, wala lang talaga akong gana.

Pagkatapos kong linisin ang lahat ng kalat, muli kong inilock ang warehouse at umalis na.

PAGKARATING ko sa tapat ng condo, napansin kong familiar ang kotseng nakaparada r'on.

Hindi ko na 'yon pinansin at pumasok na sa loob ng building.

Alam kong nandito s'ya.

Nang makarating ako sa third floor, malayo pa lang ay tanaw ko ng nakatayo si Xyzhie sa labas ng pinto.

She wear a smile when she saw me.

“Babe!” Tawag nito nang tuluyan akong makalapit.

Hahawakan n'ya sana ako sa balikat ngunit mabilis akong nakaiwas.

“Leave.” I said.

“Babe, let me explain. Please?” Her voice crack, umiiyak s'ya ngayon sa harapan ko.

I closed my eyes and clenched my jaw.

“Babe, I love you, please. Hindi ko kaya. I can't live—”

“Then die if you can't live without me.” I cut her off.

Mas lalo itong umiyak.

“Babe, please. I'm sorry.” Naramdaman ko ang paghawak n'ya sa braso ko.

Hindi ko 'yon maiwasiwas dahil baka masaktan ko s'ya.

“I love you,” She repeated.

Hinimas ko ang aking noo at marahang inalis ang kamay n'ya.

“We're over.”

“W-what?” Muli n'ya akong hinawakan pero sinalo ko ang kamay n'ya.

I'm still soft with her. Hindi ko man lang s'ya maitulak o saktan.

I can't even look into her eyes while she's crying.

“Tinatapos ko na kung ano man ang meron tayo—”

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla n'ya akong yakapin.

“No! No, Eris! Ayoko! Please don't say that. I'm sorry, babe! Give me another chance, please!”

She cries on my chest.

Ayaw n'yang bumitaw sa pagkakayakap ko pero pinilit ko itong alisin.

“Umalis ka na,” I paused. “At wag ka na ulit pupunta rito.”

Akmang bubuksan ko na ang pinto ngunit niyakap n'ya ako sa likod.

Napapikit ako at mariing hinawakan ang door knob.

“I'm sorry. Give me another chance.” Bulong nito.

“Chances are enough, Xy. And stop apologizing, I trusted you too much.” Inalis ko ang kamay n'ya sa pagkakayakap mula sakin. “My mistake, not yours.”

Nang sabihin ko 'yon ay tuluyan na akong nakapasok sa loob.

Narinig ko pa ang mga hikbi n'ya sa labas at napasandal ako sa likod ng pinto.

Pinikit ko ang mga mata para pigilan ang nagbabadyang luha.

I've cried enough, ayoko ng umiyak.

“O, anak! Nandyan ka na pala!”

Napatingin ako kay Mama na kasalukuyang kabababa lang ng hagdan.

Mukhang kakagising n'ya lang because she's wearing her nightdress at magulo pa ang buhok.

Hinintay ko s'yang makababa para halikan sa noo.

“You smell drunk, san ka ba nanggaling?” Tanong ni Mama pagkatapos ay nagtungo ng kusina.

Sumunod naman ako para kumuha ng tubig sa ref.

“Hang outs lang, Ma.” I replied.

Tinignan ako ni Mama nang masama, “'You can go to the party with your friends, pero wag mo naman sanang dadalas-dalasain, Eris.”

“Kahapon lang.”

“Don't forget your study. You also need to focus.”

Pagkasabi noon ni Mama ay ibinaba ko na ang tubig pagkatapos uminom.

Aakyat na sana ako sa kwarto nang may bigla akong maalala.

“Ma?”

“Oh?”

Hindi n'ya ako nilingunan dahil abala ito sa pag-aayos ng veggies.

“Kailangan pa ba ni Papa ng katulong sa California?”

This time, I caught her attention and she looked at me.

“Why asked?”

“I want to go there.”




Demrene's Point of View


Dalawang araw nang hindi pumapasok si Eris. Marami na ring nagtatanong kung bakit wala s'ya.

Halos bawat vacant time namin pumupunta ako sa lecture room nila at nagbabaka-sakaling pumasok na s'ya.

Araw araw ko ring nadadatnan doon sina Xyzhie at Zachary. Hindi ko sila nakikitang magkausap pero hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila after class.

Humihingi naman ako ng balita kay Ivann tungkol kay Eris pero pati s'ya, wala s'yang alam.

His social media account are still deactivated and I don't know how to contact him.

Napasapo ako sa mukha at itinuon iyon sa mga palad.

“You're still worried about him?” Tanong ni Maddy.

Kasalukuyan kaming nasa Quad ngayon at nakaupo sa bermuda.

“Kelan ba hindi?” Balik tanong kong sabi rito.

Naramdaman ko ang mahinang pagbatok n'ya sakin.

“Aray!” Sigaw ko sa kanya at sinimangutan.

“Alam mo ang tanga mo talaga!” Inis na sigaw ni Maddy, “Ilang beses ka na n'yang sinaktan pero mahal mo pa rin? Ang tanga tanga mo!”

Sinimangutan ko s'ya at napalunok.

“Lasing lang n'on si Eris kaya nagawa at nasabi n'ya yon.” Pakikipagtalo ko.

Umirap naman si Maddy, “O sige, sabihin na nating lasing s'ya but that doesn't mean na babastusin ka n'ya ng ganon!”

Napapikit ako at humiga sa bermuda.

Naiinis din ako sa sarili ko kasi ang manhid manhid ko!

Ang sasakit na ng ginagawa ni Eris sa'kin pero heto pa rin ako't pinaglalaban s'ya.

Pero kasi, siguro deserve ko rin 'to.

Nasaktan ko na s'ya noon.

And I guess, binabalik n'ya lang sakin yung sakit na naramdaman n'ya.

“Nasaktan lang si Eris,” sambit ko.

“And you?” Kaagad na tanong ni Maddy, “Nasasaktan ka rin naman a?”

“I deserve this.”

PAGKATAPOS ng P.E namin sa Quad, babalik na sana kami sa lecture room ngunit isinama ko muna si Maddy sa rest room.

Magpapalit ako ng P.E t-shirt dahil pinawisan ako kanina.

Mabilis pa naman akong lagnatin.

Nang makapasok kami sa rest room, may pumasok din na dalawang estudyante.

Nakita ko pa silang nagpunta sa sink bago ako tuluyang pumasok sa isang cubicle.

Nasa labas lang naman si Maddy.

“I really don't know the real issue but I guess, kasalanan nung BSBA.”

They caught my attention because we're a Bachelor of Science in Business Administration student.

“Maybe, kalat naman sa buong campus na nilalandi n'ya si Monterico.”

Kumunot na ang noo ko nang marinig ko ang surname ni Eris sa labas.

Kaagad kong binuksan ang pinto at sakto namang nakikipagbangayan na si Maddy doon.

“Anong pinagchichismisan n'yo r'yan ha?” Sigaw ni Maddy.

Tinaasan naman s'ya ng kilay noong isa. Mukha itong educ student pero ang galing sa makichismis.

“Sino ka ba?” Tanong ng babae.

“Maddy, hayaan mo na sila.”

Pumagitna na ako sa mga ito at bakas sa mukha noong dalawang educ courses ang gulat nang makita ako.

“They don't know the real story so they barked the wrong details.” Saad ko habang nakatingin doon sa dalawa.

Inirapan naman nila ako.

“Nilalandi mo naman talaga si Monterico. We all know how desperate you are.”

“Hindi ba kayo titigil d'yan?!”

Akmang susugurin ni Maddy ang dalawa nang pigilan ko ito.

“Sumusobra na kasi 'tong dalawa!” Si Maddy.

Bahagya akong lumapit sa dalawa at mas tinarayan naman nila ako.

“Osige, sabihin na nating nilalandi ko si Eris pero don't share rumors invented from someone who hates me... kasi alam n'yo kung bakit?”

Tumigil ako sa pagsasalita at pinatay yung gripo na kanina pang bukas dahil nila, pagkatapos ay muli silang binalingan.

“Because that shit must be true.”

Pagkasabi ko noon ay hinila ko si Maddy palabas ng rest room at iniwang tahimik yung dalawa.

If they can't understand what the sarcasm on it, they must drop their educ course from now on.

“Iba ka rin girl!” Nagulat ako nang sumigaw si Maddy at isabit ang kamay sa braso ko.

Naglalakad kami ngayon sa hallway papunta sa lecture room para attendan ang huling klase.

“Sinasabi mo?” Tanong ko.

“May pinaglalaban ka ha! I love you fighting spirits talaga!”

“Syempre, hindi naman tama 'yon. Tahol sila nang tahol, wala naman silang alam.” Sambit ko rito.

Malapit na kami sa lecture room nang biglang may humarang sa daraanan namin.

Tumigil kami ni Maddy nang makita si Xyzhie. Kasama n'ya yung laging katabi ni Ivann sa upuan.

Hindi ko s'ya kilala pero namumukhaan ko s'ya dahil mas maganda pa ang kilay ni Lola Nidora kesa sa eyebrows on fleek n'ya.

“Are you happy with what's happening between me and my boyfriend?” Tanong ni Xyzhie.

Isa pa 'to.

“Excuse me? Balita ko wala na kayo?” Si Maddy ang sumagot.

“Wag ka ngang makisabat.” Sabi noong babaeng kilay on fleek.

“Wag ka ring makisabat.” Balik kong sambit sa kanya.

Muli kong tinignan si Xyzhie. Mukhang stress na ito kakaisip sa mga nangyayari dahil nangingitim na ang ibaba ng kan'yang mata.

Even concealer can't hide her ornery.

“Hindi ako nasisiyahan sa mga nangyayari kay Eris pero,” ngumuso ako at tinignan s'ya mula ulo hanggang paa, “Sayo, oo.”

Para namang nag-init ang dalawang tenga ni Xyzhie at nakita ko ang nanginginig n'yang kamay.

Seryoso lang akong nakatingin sa kan'ya at ilang sandali pa nga, she try to slap me but someone came to stop it.

“Refrain yourself from slapping her.”

Napatingin ako sa kung sinong gumawa noon na kasalukuyang nasa tabi ni Xyzhie at hawak ang kanang pala-pulsuhan nito.

“Kuya!” Tawag ni Maddy sa kapatid.

“Ano ba, bitiwan mo nga ako!” Sambit ni Xyzhie at pilit nitong binabawi ang braso.

Marahan naman s'yang binitawan ni Matt pagkatapos ay lumapit sa'min.

“Kung pumunta ka lang dito para sampalin si Demrene, mabuti pang umalis ka na.” Saad ni Matt, “I'm not a fan of hurting women.”

Hindi naman na nakasagot si Xyzhie at mukhang na-game over sila.

Nang makaalis na ang mga ito ay hinawakan ako ni Matt.

“Ayos ka lang?” Tanong n'ya sakin.

“Ako kuya hindi.” Si Maddy ulit ang sumagot.

“Hindi kita kinakausap.”

“Whatever!”

Naglakad na si Maddy papunta sa loob ng lecture room at iniwan kami ni Matt dito sa labas.

“Look at you, hahayaan mo na namang sampalin ka ng babaeng yon.” Sermon nito sakin.

Bumuntong-hininga ako at inirapan s'ya.

“Naunahan mo lang ako.”

“Naunahan. Mama mo!”

Kaagad ko naman s'yang binatukan at inapakan sa sapatos.

“Ay bastos. Walang damayan ng sapatos. Kakalinis ko lang nito, o.” Maktol nito habang pinupunasan ang kumikintab na sapatos.

“Tapos na klase n'yo?” Tanong ko sa kan'ya.

Umiling naman ito, “Nope. I cut class.”

“Ang sama mo talaga. Dapat di ka na pumasok.” Nakaaro rito ang suntok ko ngunit hindi ko iyon tinuloy.

“Bakit ba? Mas gusto ko yung tanawin dito kesa roon sa Law Building.”

“Bobo, mas maganda nga r'on kasi tapat ng fountain tsaka ng caballero trees!” Pagsaliwa ko sa sinabi nito.

“Mas maganda ka sa mga yon.”

Kaagad ko s'yang tinignan at seryoso lang itong nakatingin sakin.

Kinunutan ko s'ya ng kilay pagkatapos ay akmang pipitikin sa noo ngunit nasalo n'ya ang kamay ko.

“It's a prank!” Tumawa ito pagkatapos ay binitiwan ang kamay ko. “Sige na. Pasok na ron sa loob, andyan na prof n'yo.”

Inilingan ko lang naman ito at tinaasan ng kilay.

“Korni ng jokes mo.”

Pagkasabi ko noon ay pumasok na ako ng lecture room.

MABILIS natapos ang klase at saktong alas singko kami pinalabas.

5:30 sana yon pero maaga kaming dinismiss dahil inaantok na raw yung prof namin.

Same goes to you, prof. Napakaboring kasi ng subject mo.

“Hindi ka sasabay?” Tanong ni Maddy nang tumigil kami sa labas ng main gate.

Umiling naman ako at ngumiti. “Una na kayo.”

“You'll meet him?”

Napalingon ako nang marinig ang boses ni Matt.

“Oo, bakit?” Lumiyad ako at nagkunwaring mas matangkad sa kan'ya.

Niyayabangan ako sa height e.

“Bakit pa?”

Binalik ko ang paa sa normal nitong ayos at takang tumingin sa kan'ya.

“Kasi gusto ko?” Sagot ko rito.

“Kuya hayaan mo na si Dem. Let's go na.”

Sabat ni Maddy at akmang hahawakan si Matt pero lumapit ito sakin.

“Call me kapag binastos ka n'ya ulit. Babasagin ko mukha non.” He said seriously pero kaagad ding ngumti, “Susuportahan kita sa lalaking gusto mo, kahit gusto kita.”

Natigilan naman kami ni Maddy sa sinabi n'ya.

Seryoso ba talaga 'tong si Matt sa nararamdaman n'ya sakin?

“Lol! It's a prank!” Tumawa si Matt at ginulo ang buhok ko. “Sige na, alis ka na. Mag-iingat ka.”

Nauna na itong sumakay ng kotse at niyakap naman ako ni Maddy.

Hinabol ko na lang ng tingin ang kanilang sasakyan pagkatapos ay umalis na rin.

ALAS siete y media na nang makarating ako sa condo nina Eris.

Maraming tao sa labas at parang ngayon lang sila magdi-dinner dahil pami-pamilya ang magkakasama.

Hindi ko alam noong una kung saan ang kwarto nina Eris at ng Mama n'ya kaya ginamit ko ulit ang koneksyon ko kay Ivann.

Binigay naman nito ang kompletong address kaya nakarating ako ngayon dito.

Nang nakarating ako sa third floor, nagdadalawang-isip pa ako kung didiretsohin ko ba ang hallway na iyon o hindi.

Pero syempre, oo. Sayang ang pinunta ko rito kung mauuwi rin sa wala.

Gusto ko na ring makita si Eris after two days na hindi s'ya pumasok.

Huminga ako nang malalim nang tumapat ako sa Room 309.

Sabi ni Ivann, dito raw sila nagcocondo. Kaya sana, di nya ko ginugood time.

Huminga pa ulit ako nang malalim dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ni Eris kapag nakita n'ya.

Sana hindi s'ya magalit.

Pinindot ko ang door bell na nakakabit sa gilid ng pinto nila.

Makailang beses ko iyong pinindot at parang walang taong nakakarinig.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi at akmang pipindutin ulit yon pero bigla 'yong nagbukas.

Napalunok ako nang laway nang makitang si Eris ang dumungaw doon.

“Eris.” Tawag ko rito.

Sandali lang n'ya akong tinignan pagkatapos ay akmang isasarado ang pinto.

“Sandali—aray...”

Nahugot ko ang daliri mula sa pagkakaipit.

Nakita ko naman ang biglang paglaki ng mata ni Eris dahilan para mabuksan niya ng malaki ang pinto.

“Stupid,” he mocked while looking at my hands.

Winisik ko ito dahil medyo kumikirot.

“Sorry.”

Inangatan ko s'ya nang tingin dahil sa sinabi.

Tumikhim ito at nag-iwas ng tingin.

“Go home.” Muli n'yang sambit at isasarado na naman ang pinto.

“Wait lang, Eris!” Pinigilan ko ulit ang pinto sa pagsasarado n'ya.

“Huwag mo na ngang ihaharang ang kamay mo sa pinto. Gusto mo bang maipit?” Inis nitong saad.

“Huwag mo muna kasing isarado.”

“Umuwi ka na.”

“Mamaya na.”

“Then leave this door.”

Magsasalita pa sana ako nang biglang may nagsalita sa loob.

“Nak, nagreply na Papa mo tungkol sa pagpunta mo sa California,”

Nagulat ako nang marinig mula kay Tita ang sinabi nito.

Napalunok ako ng laway at binalingan ng tingin si Eris.

“Aalis ka?”

Tinitigan n'ya lang ako at parang walang balak magsalita.

Akmang lalakad ako papasok ngunit nagsalita ulit si Tita. Mukhang papunta ito kay Eris dahil palapit nang palapit ang boses nito.

“Hindi na raw kailangan ng Papa mo and just focus on your study—Oh Demrene! Ikaw pala yan!”

Kaagad akong ngumiti nang makita si Tita sa tabi ni Eris.

I slowly gulp and say my greetings, “Magandang gabi po tita.”

Ang ibig sabihin ba nito... hindi na s'ya aalis?










Continue Reading

You'll Also Like

4.5M 166K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
24.2K 5.8K 70
WARNING: This is an extraordinary romance novel that will be caught your heart and stay with you until you turned to the final page. - - When Ellain...
16.6M 103K 22
[Bloodshed Gang Series #1] Secret Trilogy: Secretly In A Relationship With a Gangster (Book 1 of 3) A Gangster secret love story with the most amazi...
3.4K 893 47
POETRY COLLECTION ••• Kind words are like HONEY-- sweet to the soul and healthy for the body. -Proverbs 16:24 (NLT) These are the ways how I combat...