Seducing My Crush [Alluring S...

By maentblack

1.9M 79.3K 49.1K

Alluring Series #1 Eris Julian Monterico Started: March 30, 2020 Finished: June 30, 2020 All rights reserved... More

Seducing My Crush
01
02
03
04.
05
06.
07.
08.
09.
10
11.
12.
13
14
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

15

35.8K 1.5K 782
By maentblack

Demrene's Point of View

Hindi pa rin ako makapaniwalang si Eris ang nasa harapan ko at hindi si Matt.

"Dem." Kaagad na lumapit sa'kin si Matt at pumagitna s'ya sa'min ni Eris.

Sandaling nagtitigan ang dalawa pagkatapos ay binitawan ni Eris ang hawak n'yang panyo. Inis itong lumapit kay Xyzhie at hinila paalis ng booth.

"Who the fuck change the set up?"

Natahimik ang paligid dahil sa pagsigaw ni Matt.

Hindi naman ako makapagsalita at makagalaw sa kinatatayuan ko. I'm still starstruck at hindi makapaniwalang muntik na n'ya akong halikan.

"Kuya, that's enough. Let's go." Lumapit si Maddy sa'min at parehas n'ya kaming hinila palabas ng booth.

Nakarating kami sa fountain at agad na hinawakan ni Matt ang magkabila kong braso.

"Did he kiss you?" Malikot ang mata nitong nakatingin sa mukha ko, nakakunot din ang noo.

Pumikit naman ako at inalis ang kamay n'yang nasa braso ko.

"Hindi natuloy!" Naiinis kong saad.

Nakita ko namang natawa si Maddy samantalang si Matt naman ay parang nabunutan ng tinik sa lalamunan kung makahinga.

"Who's the organizer of that event? I want to talk to him."

Akmang maglalakad si Matt papunta sa booth nang bigla s'yang hawakan ni Maddy sa damit.

"Kuya, wait! Why are you going to do that ba?!" Inis na tanong ni Maddy sa kapatid.

Kunot pa rin ang noo ni Matt habang nakatingin kay Maddy.

"Why not? They change the set up without us knowing!"

"My goodness, Matthew Rence Aldovino! Kapatid ba talaga kita?" Umirap si Maddy at namay-awang. "Kuya, at the first place you can definitely know what will that booth supposed to do. Kaya nga 'Secret Wedding Booth'!"

Napatingin naman ako kay Maddy at napaisip. Ahh, so, yun ang meaning ng Secret Wedding Booth?! Akala ko naman kaya naging Secret kasi nasa field ang booth at medyo malayo sa ibang students.

The fuck is happening to my brain?

Pero nagustuhan ko yung idea ng Event Oganizer na 'yon. How did he knows I like Eris? Is it a coincidence or planned?

"What? Then why did you said, she's my partner?"

Patuloy pa rin ang pagbabangayan nung dalawa. Parang mga aso't pusa ang magkapatid!

"You misunderstood me, my brother! Uhh, goodness. Don't tell me, nahalikan mo si Xyzhie kaya galit na galit ka d'yan?"

Nilingon ko naman ang kasalukuyang namumula na si Matt.

"You did?" Gatong ko naman sa nag-iinit na usapan.

Gumuhit ang ngiti sa labi namin ni Maddy habang pinapanuod ang pamumula ng mukha at tenga ng kapatid.

"I didn't... she did." Nagulat naman ako nang tumingin sa'kin si Matt at nagpamay-awang. "But that's not the point. Ang sa'kin lang--"

"Oh, come on Kuya, stop it na. Nakahalik ka na, 'wag ka ng mareklamo. Alis na muna kami ni Dem. Nagugutom na ako." Hinawakan ako ni Maddy sa braso at akmang hihilahin na paalis ngunit hinawakan din ako ni Matt.

"Wait, are you not inviting me?" Tanong ni Matt.

Hinila ako ni Maddy palapit sa kan'ya at nabitiwan naman ako ni Matt.

Bwisit na magkapatid 'to, ginawa akong rubber bond!

"Nope. Girls only."

Pagkasabi noon ni Maddy, biglang may dumating na lalaki at inakbayan si Matt. Nakasuot ito ng pastel green katulad ng kay Matt. Matangkad s'ya pero mas matangkad si Matt sa kan'ya, mestizo at mukhang may lahi dahil kulay blue ang iris sa mata.

"Master Aldovino!" Bati noong lalaki matapos akbayan si Matt.

"Master?" Sabay naming bigkas ni Maddy pagkatapos ay natawa.

"Okay, may kasama ka na. We have to go. Bye, Kuya! See yah later!" Kaagad akong hinila ni Maddy at mabilis kaming tumakbo.

Hindi naman na nakasunod si Matt dahil hinatak na s'ya noong kasama n'yang lalaki.

Nang makarating kami ni Maddy sa Cafeteria at umorder, naupo kami sa gitna ng Cafe dahil puno ng estudyante rito sa loob. Buti na lang at hindi nag-aamoy pawis, malakas kasi ang aircon dito palibhasa corner to corner.

"Hoy, may chika ako!" Parang excited na saad ni Maddy nang makaupo kami sa table. Pang two pax lang ito kaya solong solo namin.

Sumimsim muna ako sa Mango Fresh Juice. "Ano na naman?" Walang gana kong tanong.

Timikhim ito at bumulong. "Yung nangyari kanina,"

Hindi pa naitutuloy ni Maddy ang sasabihin, masama ko na s'yang tinignan.

"Pakana mo 'yon 'no?" Inunahan ko na s'ya.

Ngumiti ito pagkatapos isubo ang inorder na steak.

"Yes! Friends ko yung organizer ng event na 'yon kaso ang tanga mo." Sinimangutan n'ya ako at inilapag ang tinidor sa table. "Moment mo na 'yon, hindi ka pa nagpahalik."

Inirapan ko naman s'ya at kunwaring tutusukin ng tinidor. "Malay ko ba na si Eris 'yon! Kung sinabihan mo ko, edi sana nahalikan n'ya ko." Inis kong tinusok ang steak na nakalagay sa plato ko.

"Surprise sana kasi 'yon. Akala ko naman alam mo yung mangyayari sa Secret Wedding Booth!" Inis n'yang sumbat sa'kin.

Hay nako, magpaplano kasi hindi man lang ako sinasabihan. Sayang naman.

"Next time sabihan mo ko para alam ko." Sumubo ako ng steak at itinusok ulit iyon pagkatapos ay masama s'yang tinignan.

"Edi hindi na surprise?" Tinaasan n'ya ako ng kilay at inirapan.

Lumingon ako sa paligid at tinignan kung may nakatingin pagkatapos ay bumulong. "Basta pagdating kay Eris, 'wag kang maglilihim sa'kin para alam ko gagawin ko. Bwisit ka."

Tumawa si Maddy dahil sa inasta ko. Sinamaan ko naman s'ya ng tingin pagkatapos ay nahagip ng mata ko ang pamilyar na mukha.

Patungo s'ya ngayon sa counter para ata bumili. Inabutan s'ya ng sales lady ng bottled water pagkatapos ay binuksan ito.

"Sino bang tinitinignan mo?" Tanong ni Maddy at nakita ko naman s'yang nilingon kung saan nakapukol ang mata ko.

"Oh, I knew it." Kaagad na binalik ni Maddy ang tingin sa kinakain nang makita n'ya si Eris na nakatayo pa rin sa counter.

Doon n'ya na ininom ang hawak na bottled water at parang kakatapos n'ya lang sa pagtakbo dahil pawisan ito.

Hindi pa rin maalis ang tingin ko kay Eris. Pinapanuod ko lang ang ginagawa n'ya and that small things he's doing makes my heart fluttered. Lahat ng kilos na ginagawa n'ya, big deal para sa'kin at lalo akong nahuhulog sa kan'ya.

Seems creepy but I think, that's just how I'm really into him.

"Hey, Demrene?"

Akmang lilingon na ako sa pamilyar na boses na tumawag mula sa likuran ko nang biglang may maramdaman akong malamig na tubig na bumuhos mula sa ulo ko.

Dahil sa gulat ay napatayo ako. Nakita ko ring tumayo si Maddy.

"What the?" Boses ni Maddy nang makita naming nakatayo si Xyzhie sa tabi ko.

Kumuyom ang kamao ko nang ngumiti ito at pinagkrus pa ang mga braso.

"Mas'yado kasing mainit ang tingin mo sa boyfriend ko, so I pour you water." Nakataas ang kilay nitong sambit.

Pumagitna sa'min si Maddy at walang pakundangan n'yang itinulak sa balikat si Xyzhie.

"What the hell, Xyzhie? Have you gone mad?!" Sigaw ni Maddy dito.

Tinaasan lang naman s'ya ng kilay ni Xyzhie pagkatapos ay hinawi sa harapan namin.

"This is none of your business so stay back." Pagkasabi n'ya noon ay binalingan n'ya ako ng tingin. "I already warned you, Demrene. Don't mess with what's mine."

Ngumiti ako at hinawi ang buhok kong napunta na sa pisngi ko at nakipagtitigan sa kan'ya. "Then don't flirt with what's not yours."

Kumunot naman ang noo nito ngunit nakataas pa rin ang isang kilay.

"Pardon?" She asked as if she doesn't know what I'm saying.

"Ang sabi n'ya tigilan mo raw ang panlalandi sa dalawa--"

Mabilis kong tinakluban ang bibig ni Maddy dahil muntik na n'yang masabi lahat ang tungkol kay Xyzhie at Zachary. We still have no proof, hindi pa namin pwedeng ikalat 'yon and this is not the right time.

Akmang itutulak s'ya ni Xyzhie ngunit biglang dumating si Eris at humarang.

"Babe, stop." Saad ni Eris na nakatingin kay Xyzhie at hawak nito sa kan'yang balikat na para bang isang mamahaling bubog na ayaw n'yang magasgasan o mabasag dahil sa paraan kung paano n'ya ito hawakan.

Sandali n'ya kaming sinulyapan.

"Pagsabihan mo 'yang girlfriend mo, Eris!" Inis na saad ni Maddy.

"What happened here?" Walang ideyang tanong ni Eris.

"Well, it's my fault, babe. Natapunan ko s'ya ng tubig habang naglalakad ako, it's a small accident." Hinawakan n'ya sa braso si Eris at pinisil. "Let's go. I can't stand with them on the same air we breath."

Pagkahila n'ya sa kan'yang boyfriend ay nahagip ko pang sinulyapan ako ni Eris. Napabuntong-hininga ako at pinagpag ang basa kong damit.

"Yes, you really doesn't belong here 'cause you're a bitch!" Sagot ni Maddy sa sinabi ni Xyzhie kanina.

Lumapit naman s'ya kaagad sa'kin at pinunasan ang buhok ko gamit ang tissue.

"Bakit kasi hindi mo pinatulan? Ako pa yung nakipagsagutan! Nasampal mo na dapat 'yung babaeng 'yon. Tsaka why did you cut me off? She deserve to--"

Hindi naituloy ni Maddy ang sasabihin dahil hinila ko s'ya papalabas ng Cafeteria. Halos naririnig na kasi kami ng mga estudyante rito at nasa amin pa rin ang atensyon nila.

Nang makarating kami sa Quad, doon ko lang s'ya binitawan.

"So ano? Hindi mo papatulan si Xyzhie dahil ni Eris? Hahayaan mo na lang na ganunin ka n'ya?" Inis na pagsesermon sa'kin ni Maddy.

Umirap ako at bumuntong-hininga. "Of course not. Hindi ko lang talaga s'ya pinatulan 'cause she'll fuck herself on her own by showing her true colors. At tsaka," Nilingunan ko si Maddy. "'Wag mo ngang babanggitin ang tungkol doon unless we have our proof."

Inirapan n'ya lang ako at nagcross arm, "Okay fine. Hindi ko lang napigilan kanina! Sobrang gusto ko na s'yang sabunutan, but it's still not on my mind. That's shitty."

Tinignan ako ni Maddy at sinimangutan. "Ang pangit mo. Let's go, samahan kita sa locker mo. Magpalit ka ng damit."

Inirapan ko lang naman s'ya at umuna na sa paglalakad.

NANG matapos sa pagpapalit, bumalik na kami sa Quad dahil game 3 na. Laro na nina Eris. I will still cheer him at hindi ako mapipigilan ni Xyzhie r'on.

"Ang dami naman agad na estudyante! Sa'n tayo pupwesto?" Tanong ni Maddy habang nakatayo kami sa likod ng madla.

"Tara doon tayo." Hinawakan ni Matt ang kamay ko at hinila papunta sa kabilang bleachers.

"Wow, may paghawak!" Sigaw ni Maddy nang makita n'yang hinawakan ako ni Matt, "Jowa ka? Jowa?" Pang-aasar nito.

Kinuha ko naman kaagad ang kamay ko at binatukan si Matt, "Tama na ang chansing. Bumibingo ka na."

Nang makarating kami sa unahan ng square, si Matt ang unang nakipagsiksikan at hinawi ang daan para samin.

Natatawa naman kami ni Maddy habang pinapanuod ang kapatid n'ya dahil kapag lumilingon ang mga estudyanteng hinahawi ni Matt, sila pa yung kusang naggi-give space rito.

Kaya ba tinawag nung isang lalaki si Matt na Master kasi ganito ang impact n'ya sa ibang students dito? Ano na naman kayang pinaggagagawa nito? Nambubully siguro ang gago!

"Yan, finally, kita na natin!" Saad ni Maddy.

Magkatabi kami at nasa left side ko s'ya, si Matt naman nasa right side. Buti na lang at hindi mainit dahil maraming puno rito sa Quad. Malakas pa yung hangin.

Maraming nagchicheer sa pink o doon sa team nina Eris kesa sa pastel blue na kalaban nila. Ibang section siguro. May iilan din naman na sumisigaw sa blue pero mas marami talaga sa pink. At isa na ko r'on.

Sa sobrang lakas ng sigaw ko, napapatakip na si Matt at Maddy ng tainga. Kanina pa rin ako sinisiko ni Maddy, masyado raw halit na halit ang boses ko at daig pa ako ni Xyzhie kung magcheer.

Si Xyzhie kasi nasa kabilang side, pumapalakpak lang habang hawak yung banner para kay Eris. Kasama n'ya sina Ivann, Jace at Zachary at nakikicheer din.

Habang isinisigaw ko ang pangalan ni Eris, aksidenteng nagkatinginan kami ni Xyzhie pero kaagad din iyong natapos dahil sumigaw na rin si Xyzhie.

Nakita ko naman ang ginawang paglingon ni Eris kahit nasa kan'ya ang bola at s'ya ang magpapasok sa net.

Mas lumakas ang sigawan nang magawa ni Eris na maipasok 'yon.

"Woah! Go, Eris! Go, Crush! Go, Sexy!" Sigaw ko nang paulit-ulit kahit pinagtitinginan na ako ng ibang estudyante.

Bakit? Sexy naman talaga si Eris. Ang astig pa n'yang panuorin dahil may sports s'ya na hindi pangkaraniwan tulad ng basketball. Nauuta na ako sa mga basketball player.

Sigaw pa rin ako ng sigaw at nang malapit na s'ya sa kinatatayuan namin, akala ko ay mapapansin n'ya ako.

Ngunit kahit gaano s'ya kalapit sa'kin, mas pinili pa rin n'yang tignan si Xyzhie na nasa kabila.

Peke akong ngumiti at pahina nang pahina ang boses ko. Parang may biglang humarang sa lalamunan ko at hindi ako makasigaw.

"How can he notice you when at the first place, he treats you as if he doesn't even like you,"

Napatingin ako kay Matt na diretso lang ang tingin. Nakangisi ito at tumingin sa'kin.

"I'm still here, Dem." Rinig kong bulong nito.

Hindi ko lang naman s'ya pinansin at pilit ibinalik sa dati ang ekspresyon ng mukha.

MAS lalong umingay ang paligid dahil tapos na ang laban. Nakailang oras din kaming nakatayo rito at puro sigaw lang ang ginagawa ko kahit hindi ako pinapansin ni Eris.

Hanggang sa matapos ay nakatingin lang ako kay Eris. Pinapanuod ko s'ya habang pinupunasan ni Xyzhie ang tumutulo n'yang pawis sa noo at sa leeg.

He really looks happy with Xyzhie. I can't even make him smile the way he smile on Xyzhie. Kahit isang beses... hindi ko pa 'yon nakikita tuwing kasama n'ya ako.

Sino nga naman ba ako? Ako lang 'to, si Demrene... yung babaeng habol nang habol sa kan'ya.

Bahagya akong nagulat nang may biglang magtakip ng mata ko.

"Tara na. Stop staring on those shits."

Rinig kong sabi ni Matt habang taklob pa rin ng isang kamay ang mata ko. Nakasandal ako sa kan'ya habang nakaside view s'ya.

Kaagad ko naman ding inalis 'yon dahil baka madapa pa ako.

"Ang epal mo talaga kahit kailan." Sambit ko rito pagkatapos ay tumabi kay Maddy at naglakad.

ALAS singko na at maya-maya'y mag-uuwian na rin. Wala pang magandang nangyayari sa araw na 'to at parang pagod na pagod pa ako.

Hindi ko alam kung dapat bang pumasok pa ako o nagkulong na lang sa kwarto magdamag.

Kami na lang ni Maddy ang nasa Botanical Garden. Nawala ulit si Matt dahil may pupuntahan daw s'ya. Hintayin daw namin s'ya rito.

Nakaupo lang ako sa bench at pinapanuod ang mga estudyanteng naglalaro ng kung ano-ano. Hindi ko alam kung bakit ang lungkot ko tapos ang bigat sa pakiramdam.

"Hoy, Maddy. Hipuin mo nga ako." Utos ko kay Maddy na abala na naman sa cellphone n'ya.

"Huh? Why?" Tanong n'ya pero agad n'ya rin namang inilagay ang likod ng palad sa noo ko. "Hindi ka naman mainit. Anong inaarte arte mo na naman d'yan?"

Inirapan ko ito at inalis ang kamay, "Wala!"

"Sus, broken hearted ang ate mo. By the way, narinig ko yung sinabi ni Kuya. He's right but it's up to you pa rin naman." Bahagya s'yang ngumiti.

"Uh, wait lang Dem. May pupuntahan lang ako. Dito ka lang ha!"

Mabilis namang tumakbo si Maddy papunta sa Benavides Museum. Sino namang pupuntahan n'ya r'on at mukha s'yang aligaga?

Umiling na lang ako at sinandal ang likod sa upuan. Nilalaro ko ang bato na nasa ibaba ng paa ko at pinapagulong gulong ito.

Oras na ba para sumuko ako?

Tumingala ako sa langit para pigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. Hindi ko na rin maintindihan.

Gusto ko na s'yang sukuan pero ang hirap.

Isang tingin lang sa'kin ni Eris, mahal ko na ulit s'ya.

Kausapin n'ya lang ako kahit isa s'yang 'Man of a few words', gusto ko pa rin s'yang kausap.

Ang hirap. Basta ang hirap.

Nang muli kong ibalik ang tingin sa harapan ko, aksidente kong nakita si Eris na naglalakad sa hallway at may dala itong box na malaki. Buhat n'ya ito at patungo s'ya ngayon sa stock room.

Kaagad naman akong tumayo para habulin s'ya.

Mukhang s'ya lang din naman mag-isa, wala s'yang buntot na Xyzhie.

"Eris!" Tawag ko sa kan'ya.

Hindi ko alam kung naririnig n'ya ko o hindi basta patuloy ko pa ring binabanggit ang pangalan n'ya.

Nang makalapit ay sinabayan ko s'yang maglakad.

"Eris, can we talk?" Tanong ko sa kan'ya.

"Please, saglit lang."

Pinipilit kong hindi mabasag ang boses ko dahil ayokong umiyak sa harapan n'ya.

"Saglit lang talaga,"

Napatigil ako sa paglalakad nang bigla s'yang tumigil.

Nilingunan n'ya ako at bakas ang iritasyon sa mata nito.

"What?"

Hindi naman agad ako nakasagot. Parang bigla akong nahirapan magsalita. Ano ba, Demrene? Sabihin mo na!

Sabihin mo na yung something kay Zachary at kay Xyzhie para malaman na ni Eris!

Para makuha mo na s'ya.

Para maging single na s'ya.

"Time, Demrene."

Napatunghay ako nang magsalita s'ya. Seryoso pa rin ang tingin nito sa'kin at hinihintay akong magsalita.

Pero kahit anong gusto kong magsalita, parang bigla akong napipe. I can't even tell him.

"Uh..." Tumikhim ako at kinagat ang labi ko.

"Kung wala kang sasabihin, stop chasing me. Please?" Saad n'ya pagkatapos ay muling naglakad.

Hindi ko naman alam kung bakit pagkatapos n'yang maglakad ay muli ko na naman s'yang hinabol.

"Eris, wait."

Sakto namang napatigil kami sa pinto ng stock room kung saan n'ya ata ibababa ang dalang kahon.

"Stop it, Demrene. Sinabi ko na sa'yo na kalimutan mo na ko hindi ba? I'm not the old Julian who's in loved with you back then," tumigil s'ya sa pagsasalita pagkatapos ay binuksan ang pinto.

Doon na tumulo ang luha ko habang nakatungo. Sinubukan kong hindi humikbi dahil ayokong marinig n'ya na iniiyakan ko na naman s'ya.

Bakit kasi hindi ko agad s'ya minahal noon? Why did I let him be this cold-hearted with me?

Hindi ko naman talaga intensyon na gawin 'yon. It's just a matter of fact that I need to hurt him so that I can help him.

Napatunghay ako nang maramdaman na hindi pa rin pumapasok si Eris sa loob.

Tinignan ko kung ano ang nakapagpatigil sa kan'ya para hindi pumasok sa loob ng stock room, at kagaya n'ya ay bigla rin akong nagulat.

Kumurap pa ako at tinignan kung sila nga iyon and there's no doubt.

It's Xyzhie and Zachary,

..his girlfriend is on top of his best friend.

Continue Reading

You'll Also Like

348K 13.9K 32
Alluring Series #2 Ivann Remus Francisco III Started: June 02, 2020 Ended: August 04, 2020 All Rights Reserved 2020 Credits to Voltage Inc for the co...
14.7M 329 1
Secret Trilogy: Secretly Living With My Husband (Book 2 of 3) They began in a secret relationship. Went through many trials and fought together becau...
16.6M 103K 22
[Bloodshed Gang Series #1] Secret Trilogy: Secretly In A Relationship With a Gangster (Book 1 of 3) A Gangster secret love story with the most amazi...
1.5M 51.6K 39
Nananahimik ang mundo nya, ngunit dahil sa patimpalak na yun ay nabago ang ikot nito. Sino nga bang maniniwala na ang isang totomboy-tomboy na babae...