Legend of Divine God [Vol 5:...

By GinoongOso

935K 92K 12K

Tapos na ang kaguluhan sa Ancestral Continent. Pero, hindi ibig sabihin nito ay tapos na ang pakikipagsapalar... More

Legend of Divine God [Vol 5: Dark Continent]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
Chapter LXI
Chapter LXII
Chapter LXIII
Chapter LXIV
Chapter LXV
Chapter LXVI
Chapter LXVII
Chapter LXVIII
Chapter LXIX
Chapter LXX
Chapter LXXI
Chapter LXXII
Chapter LXXIII
Chapter LXXIV
Chapter LXXV
Chapter LXXVI
Chapter LXXVII
Chapter LXXVIII
Chapter LXXIX
Chapter LXXX
Chapter LXXXI
Chapter LXXXII
Chapter LXXXIII
Chapter LXXXIV
Chapter LXXXV
Chapter LXXXVI
Chapter LXXXVII
Chapter LXXXVIII
Chapter LXXXIX
Chapter XC
Chapter XCI
Chapter XCII
Chapter XCIII
Chapter XCIV
Chapter XCV
Chapter XCVI
Chapter XCVII
Chapter XCVIII
Chapter XCIX
Chapter C
NOTE

Chapter LVII

8K 971 134
By GinoongOso

Chapter LVII: Greed

“Manager Rui. Kakailanganin ko ulit ang tulong mo sa pagkakataong ito. Sana lang ay matulungan mo ulit ako,” malumanay na sambit ni Crome habang may taimtim na ekspresyon sa kanyang mukha. “Magkaibigan na kayo ng aking ama noon pa man at ilang beses na kayong sinubok ng panahon. Tinulungan mo siya, pero mas malaki ang naitulong niya sa ‘yo.”

Taimtim din ang ekspresyon ni Rui. Nasa loob silang dalawa ngayon ng kanyang opisina, nag-uusap sa loob ng isang Sound Concealing Skill.

Nakaalis na si Finn Doria, nakapagrehistro na siya bilang Blacksmith. Hindi niya tinanggap ang alok ng Blacksmith Guild na maging miyembro, at alam naman ni Rui kung ano ang dahilan.

Mataas na ang impluwensya ng binata dahil sa kanyang nakuhang medalyon mula sa Blacksmith Guild. At ang kanyang katayuan sa imperyo ay hindi na basta-basta.

“Hindi mo na kailangan pang ipaalala ang nakaraan, Duke Crome,” hayag ni Rui. “Sabihin mo nalang sa akin kung ano ang kailangan mo ngayon. Diretsahin mo na ako.”

Tumawa si Crome at pagkatapos, makahulugang ngumiti kay Rui, “Hindi na talaga nakapagtatakang nagkasundo kayo noon ni ama. Hindi ko na pala kailangang makipagpalitan sa ‘yo ng magagandang salita.”

Sandaling huminto si Crome. Sumeryoso ang kanyang ekspresyon bago magpatuloy, “Ang nangyari sa Blacksmith Guild sa lungsod na pinamamahalaan ko ay hindi nangyari. Walang binatang sumalang sa pagtatasa, walang kakaibang pangyayari at walang Five Star Grandmaster Blacksmith na lumitaw.”

“Gusto ko na lahat ng nangyari sa lugar na ito ay itago natin sa buong imperyo,” seryosong hayag ni Crome.

Nagulat si Rui sa gustong mangyari ni Crome. Napatayo siya sa kanyang upuan at napatuon ang kanyang mga kamay sa lamesa. Nalaglag ang ilang dokumento sa sahig. Nanlalaki ang mga mata ni Rui; hindi makapaniwala ang kanyang ekspresyon habang nakatingin kay Crome

“Kalokohan! Paano natin maitatago ang pangyayaring iyon? Maraming nakasaksi, Duke Crome! Naroon ka at nakita mong hindi lang tayong dalawa ang nakakita sa ginawang himala ng misteryosong binatang iyon!” hayag ni Rui. “Maraming saksi, Duke Crome. Hindi gano’n kadaling kontrolin ang utak ng mga naroroon!”

Bahagyang tumawa ulit si Crome at umiling-iling, “Umupo ka muna, Manager Rui. Hindi mo naman kailangang direktang kumilos. Hayaan mong ako ang kumilos, at sa totoo niyan, nasimulan ko na ang naisip kong plano.”

“Itago mo nalang ang sikretong ito sa pagitan nating dalawa; ‘yun lang ang hinihingi kong tulong mula sa ‘yo, Manager Rui.”

Umupo si Rui, gayunman, hindi niya pa rin naaalis ang komplikadong ekspresyon sa kanyang mukha.

“Hindi ko kailangang kumil—” biglang natigilan si Rui. Nagdilim ang kanyang ekspresyon at matalim siyang tumingin kay Crome, “Naiintindihan ko na… naiintindihan ko na. Nakalimutan kong ikaw nga pala si Duke Crome Meyers.”

Bumakas ang galit sa mukha ni Rui at nagpatuloy, “Pinaplano mong paslangin ang lahat ng saksi, tama ba ako, Duke Crome?”

Makahulugang ngumiti si Crome at bahagyang umiling, “Hindi naman lahat. Nariyan ka pa at ako. Bakit ako mangangahas na magpakamatay o paslangin ka? Hindi pa ako gano’n kabaliw para gawin ang mga bagay na iyon.”

“Isa pa, hindi ba’t mas maganda kung tayong dalawa lang ang nakakaalam sa nangyari? Mas maliit ang tsansa na lumabas ito sa publiko,” pagpapatuloy ni Crome.

“Papaslangin mo ang mga tauhan ko, Duke Crome! At gusto mong hayaan lang kita?!” galit na sigaw ni Rui.

“Ano’ng kuwenta ng matatanda, baguhan at walang kuwentang Blacksmith kumpara sa dalawampung taong gulang na Five Star Grandmaster Blacksmith?” kalmadong tanong ni Crome. “Wala, hindi ba?”

“Nakita mo rin kung ano’ng nangyari. Mayroong kakaiba sa binatang iyon. Nakaakit ng kidlat ang kanyang dalawang sandata; hindi ba ito sinasadya? O talagang mangyayari ang bagay na iyon dahil sa dalawang armaments na binuo niya?”

Tahimik na nakinig si Rui sa mga sinasabi ni Crome. Bilang Grandmaster Blacksmith, mas may kaalaman siya sa duke pero hindi siya nagsasalita, takot siyang magsalita dahil may posibilidad na tama ang hinala niya.

Ang nangyari ay hindi lang basta-basta. Mayroong kakaiba sa pangyayaring ito, at nakasaad iyon sa matagal nang pananaliksik ng buong Blacksmith Guild.

Ang matagal nang pag-aaral at pagpopondo ng Blacksmith Guild upang makabuo ng armament na hihigit pa sa Epic Armament.

Ilandaang taon na nila itong pinag-aaralan at pinaglalaanan ng panahon, pero dahil sa kakulangan sa technique at kakayahan ng mga Blacksmiths, hindi nila malampasan ang Top-tier Epic Armament.

“Ang sabi mo ay nakagawa ka na ng hakbang..? Marahil ngayon ay lahat ng sumalang sa pagtatasa, mga nagbantay, si Evans, Hector at Hina ay pinagbabalakan mo na ng masama,” taimtim na sambit ni Rui. Huminahon na siya dahil alam niyang wala na siyang magagawa pa. Seryoso siyang tumingin kay Crome na kasalukuyang nakangiti at marahang nagsalita, “Pero ipapaalala ko lang sa ‘yo, Duke Crome. Hindi basta-basta ang katauhan ni Hina.”

“Nagmula siya sa pangunahing sangay ng Blacksmith Guild na nasa ilalim ng Imperial Family… kung may mangyayaring masama sa kanya..” bumuntong-hininga si Rui at marahang nagpatuloy, “Ikaw at ako ay malalagay sa alanganin. Hindi mahalaga kung isa kang duke o hari dahil angkan ng emperador ang kakalabanin mo.”

Bahagyang ngumiti si Crome at marahang nagsalita, “Hindi naman nila malalaman, hindi ba? Isa pa, ang aksidente ay hindi maiiwasan, gayundin ang kamatayan.”

“Ipinasarado ko na ang buong lungsod. Bantay sarado na ang bawat sulok ng mataas na pader. Walang sinuman ang pinahihintulutan na lumipad at walang makakalabas ng lungsod na ito hangga’t wala akong sinasabi.”

Huminto si Crome sa pagsasalita. Tumayo siya at marahang nagpatuloy, “Ang binatang iyon, ang Five Star Grandmaster Blacksmith ay magtatrabaho sa akin, at sa akin lamang.”

Sandaling namayani ang katahimikan sa buong silid. Tumayo rin si Rui at malumanay na nagsalita, “Sa iyong binabalak, para bang sinasalungat mo ang Imperial Family. Ano ba talagang binabalak mo, Duke Crome?”

Agad na bumaling si Crome kay Rui. Sumeryoso ang kanyang ekspresyon at matalim na tumingin kay Rui, “Kung ako sa ‘yo, hindi ko sasabihin ang mga salitang iyan. Wala akong pinaplano laban sa Imperial Family. Hindi ako mangangahas na salungatin sila o ang kanilang mga kagustuhan.”

“Marami silang Five Star Grandmaster Blacksmith, at ano naman kung magkakaroon ako ng isa, hindi ba?” sabi pa ni Crome. “Sino nga bang maharlika o adventurer ang mangangahas na kumalaban sa imperial family? Lahat ng mangangahas at nangahas ay nabaon na sa limot. Burado na sila sa mapa bago pa man nila makamit ang kakarampot na tagumpay.”

Tumango si Rui at malalim na napaisip. Bahagya siyang ngumiti at marahang nagsalita, “Hangga’t suportado sila ng Holy Church, ang Imperyo ng Rowan ay mananatiling Imperyo ng Rowan.”

Sa pahayag na ito ni Rui, napasimangot si Crome. Pero, agad din siyang ngumiti at nagsalita, “Bueno. Nasabi ko na ang dapat kong sabihin sa ‘yo, Manager Rui. Ang hinihingi ko nalang sa ‘yo ay ang iyong pakikiisa. Marami pa akong kailangang asikasuhin at marami pa akong kailangang tagpuin.”

“Hm. Susuportahan ko ang gusto niyong mag-ama hangga’t kaya ko. Gayunman, kapag nagkaproblema kay Hina, inaasahan ko ring tutulungan ninyo ako,” buntong-hiningang sabi ni Rui. “Masyadong misteryoso ang pagkatao ng babaeng iyon. Ang tanging alam ko lang talaga ay nagmula siya sa pangunahing sangay ng Blacksmith Guild.”

“Ano’ng magagawa ng isang hamak na 6th Level Legend Rank?” nakangiting hayag ni Crome. Tumalikod na siya at agad na naglakad patungo sa pintuan.

Nang makatalikod siya, mas lalong naging makahulugan ang kanyang ngiti at pares ng mga mata.

‘Kailangan kong makuha ang binatang iyon sa lalong madaling panahon. Tungkol naman sa ‘yo tanda…’ naging matalim ang tingin ni Crome. ‘Kailangan ka pa namin kaya mapapanatili mo pa ang iyong buhay. Kapag nasa kamay ko na ang binatang iyon, tapos na ang maliligayang araw mo.’

--

Kasalukuyang nasa loob ngayon ng karwahe si Finn Doria. Gabi na noon pero maliwanag ang paligid dahil sa mga ilaw at liwanag ng bilog na buwan.

Nakatuon ang atensyon ngayon ni Finn Doria sa mapa ng lungsod ng Erdives na tila ba pinag-aaralan niya ang bawat lugar sa lungsod na ito. Hindi niya makita ang ‘Black Arena’ na sinasabi ni Erwan, at ang paliwanag ng kutsero, ito ay dahil isang sikreto ang Black Arena sa mga ordinaryong mamamayan ng Erdives.

Kanina lang, pagkatapos makuha ni Finn Doria ang kanyang medalyon na may limang bituin at kanyang pangalan, agad siyang lumabas ng Blacksmith Guild. Hindi na siya siningil ng guild sa mga materyales na nagamit niya. Ang sabi ni Hina, isa iyong pabuya sa pagpasa niya at pagkuha ng ranggong Five Star Grandmaster Blacksmith.

Naghihintay lang sa labas si Erwan kay Finn Doria kaya naman mabilis silang nakaalis sa lugar na iyon. Patungo sila ngayon sa isang bahay-panuluyan dahil may kailangan pang gawin si Finn Doria. Kailangan niya pang gumawa ng inscriptions para sa kanyang mga espada at baluti.

Sa ngayon ang mapang hawak ni Finn Doria ay galing kay Erwan. Humingi si Finn Doria ng mapa, iba’t ibang uri ng mga mapa; mapa ng iba’t ibang lungsod at bayan, mapa ng buong imperyo at mapa ng buong kontinente.

Naibigay naman agad ni Erwan ang hinihingi niya na natural lang dahil isa siyang gabay kaya dapat lang na may dala siyang ganitong mga bagay.

Habang pinagmamasdan pa rin ang mapa, bigla nalang kumunot ang noo ni Finn Doria. Sumimangot siya at marahang nagsalita.

“Kanina pa sila sunod nang sunod sa amin. Pinupuntirya talaga nila ako,” pabulong na sabi ni Finn Doria. Agad niyang itinago ang mapa sa kanyang interspatial ring. Naglabas siya ng rowano at agad na binuksan ang bintana.

Sinitsitan niya si Erwan at mahinang tinawag ito, “Erwan.”

Tumingin sa kanya si Erwan, magtatanong pa sana ito pero agad niyang iniabot ang perang papel dito.

Seryoso siyang tumingin kay Erwan at nagsalita, “Salamat sa iyong serbisyo. Tanggapin mo ang kabayarang iyan at h’wag kang hihinto kahit na ano’ng mangyari.”

“Hanggang sa muli.”

Pagkatapos sabihin ni Finn Doria ang mga salitang ito, agad niyang binuksan ang pinto ng karwahe. Tumalon siya at mabilis na tumakbo palayo sa direksyon kung saan patungo ang karwahe.

Hindi na nagawa pa ni Erwan na magtanong. Nakita niya ang ginawa ni Finn Doria, gayunman, wala na siyang nagawa pa kung hindi sundin ang utos ng kanyang kliyente. Napatingin nalang siya sa perang iniabot sa kanya ni Finn Doria at halos lumapat sa sahig ang kanyang panga.

“I..isa..isanlibong rowano!”

Habang si Erwan ay tulala at nanginginig dahil sa perang hawak-hawak niya, ang humigit-kumulang na labing-limang adventurers na sumusunod naman sa karwahe ay lumihis ng daan. Sumunod silang lahat kung saan tumakbo si Finn Doria.

Nang mapansin ito ng binata, nagdilim ang kanyang ekspresyon. Nakaramdam siya ng inis habang mabilis pa rin ang kanyang pagtakbo mula sa mga adventurers na sumusunod sa kanya.

“Tama ako. Ako nga talaga ang puntirya nila. Hindi ko inaasahang ganito sila kabilis gumawa ng hakbang,” pabulong na sabi ni Finn Doria.

Mas binilisan niya pa ang kanyang pagtakbo. Tumalon-talon siya sa mga gusaling nakahanay habang ang mga nakasunod naman sa kanya ay malapit na malapit na siyang maabutan. Kitang-kita ang pagtakbo at pagtalon ng kanilang mga pigura dahil sa malaking bilog na buwan.

Habol lang nang habol ang mga adventurers na nakasuot ng itim na balabal; walang naglalabas ng sandata sa kanila para atakihin si Finn Doria.

Ang suot nilang balabal ay ordinaryong balabal lang din. Nakapaloob sa loob ng kanilang balabal ang manipis nilang baluti. At kung hindi nagkakamali ang binata, Epic Armament ang suot ng mga adventurers na ito.

“Inuulit ko, walang aatake hangga’t wala akong sinasabi. Kailangan nating mahuli ang binatang iyon ng buhay. Maliwanag ba?!” malakas na sambit ng lalaki sa kanyang mga tauhan.

“Maliwanag, Boss!”

Bumaba si Finn Doria sa mga kabahayan. Tumakbo siya sa madilim na eskinita at nagpaliko-liko siya sa mga daanan. Ilang beses siyang umabot sa malalaking harang pero binalewala niya ang mga ito, lumipad siya at muling naghanap ng madadaanan.

Kailangan niyang maging maingat sa pagtakbo upang hindi maalarma ang mga kawal na nagbabantay sa paligid.

Pagkatapos ng ilan pang minuto, bigla na lamang may dumamba kay Finn Doria. Nagpagulong-gulong ang dalawa sa sahig habang ang mga adventurers naman na kanina pa sumusunod sa binata ay pinalibutan ang dalawa.

Mahigpit ang pagkakahawak ng lalaki sa katawan ni Finn Doria. Tumayo silang dalawa. Hindi nagpupumiglas si Finn Doria at makikita naman sa mukha ng lalaki ang malapad na ngiti.

“Madali lang pala—”

BANG!!!

Buong lakas na siniko ni Finn Doria ang sikmura ng lalaki, napaatras ito at napaluhod dahil sa matinding sakit. Sumuka ito ng dugo at takot na takot na tumingin kay Finn Doria.

“Paanong… isa akong 6th Level Legend Rank!”

Nagulat din ang iba sa pangyayaring ito. Nagawang makawala ni Finn Doria sa kasamahan nilang may antas at ranggo na 6th Level Legend Rank.

3rd Level Legend Rank lang ang binata, at hindi nila inaasahan na gano’n nalang kadali para sa kanya na makawala mula sa matinding pagkakayakap.

“Sino kayo? Bakit ninyo ako sinusundan?” seryosong tanong ni Finn Doria habang alertong tumitingin sa labing-apat na adventurers na nakapalibot sa kanya.

Natauhan ang lider ng labing-apat na adventurer. Seryoso rin siyang tumitig kay Finn Doria. Isa siyang 1st Level Heaven Rank at naisip niyang isang malaking biro na matakot siya sa binatang nasa 3rd Level Legend Rank.

“Nagmula kami sa Assassins Guild at sinusundo ka namin, Ginoong Finn Doria,” sabi ng lalaki.

“Assassins Guild..? Hindi pa ako nagkakaroon ng ugnayan sa inyo pero alam niyo na agad ang pangalan ko..” pilit-ngiting sabi ni Finn Doria. Binalutan niya ng malakas na ipo-ipo ang kanyang kabuuan at marahang nagsalita, “Narito ba kayo para patayin ako? Sinong nag-utos sa inyo? Ang tagapamahala ba ng Blacksmith Guild o ang Duke ng lungsod na ito?”

Umiling ang lalaki at tumugon, “Hindi ka namin sinusundan para patayin ka, Ginoong Finn Doria. Totoong gusto ka lang ipasundo ng aming kliyente, ‘yun lang wala ng iba.”

“Sumusunod lang kami sa misyong ibinigay sa amin kaya sana ay h’wag mo nang palalain pa ang sitwasyon.”

“Ipagpatawad ninyo pero nagsasayang lang kayo ng panahon. Hindi ako sasama sa inyo,” malamig na tugon ni Finn Doria. “Isa pa, masyado naman ata kayong marami para sumundo. Hindi ko tuloy mapigilan na maghinala at matakot.”

“Kung hindi ka namin mapipilit na sumama ng matiwasay, sapilitan ka nalang naming isasama sa amin,” seryosong sabi ng lider. “Hulihin niyo na si Ginoong Finn Doria ngayon din bago pa may makakitang iba.”

Ngumisi si Finn Doria at agad niyang inilabas ang itim na espadang nakuha niya mula kay Wen.

[???
Armament Grade: Excellent
Quality: Top-tier
Damage: 20,400
Upgrade: 50 soulforce]

Ang nakaluhod na lalaki sa likod ni Finn Doria ay agad na naglabas ng top-tier Epic Armament na sibat. Nanggagalaiti siya ngayon sa galit at gustong-gusto niyang maghiganti dahil sa kahihiyan at pinsalang natamo niya kanina. Isinantabi niya ang utos ng kanilang lider, sinugod niya si Finn Doria, nagkaroon ng kidlat na enerhiya sa kanyang katawan at buong lakas niyang isinaksak sa katawan ng binata ang kanyang sibat.

“Rimur!” sigaw ng lider nang makita niya ang marahas na atake ng kanyang tauhan.

Tumingin si Finn Doria sa lalaking nagngangalang Rimur. Para bang bumagal ang mga segundo. Napakalapit na ng talim ng sibat ni Remur sa kanyang katawan, gayunman, hindi nag-abala si Finn Doria na umiwas.

At sa halip na umiwas, ngumiti si Finn Doria at marahang nagsalita, “Nakakaawa ka.”

BANG!!

Tumama ang talim ng sibat ni Rimur pero hindi sa katawan ni Finn Doria, kung hindi sa maliit at makapal na barrier na namuo sa harap ng binata ng binata.

[???
Armament Grade: Epic
Quality: Top-tier
Defense: 264,000
Effect: Ability to create barrier in accordance to the bearer’s will
Upgrade: 50 soulforce]

Gulat ang bumakas sa mukha ng mga naroroon. Napatitig sila ngayon kina Finn Doria at Rimur. Nakaramdam sila ng kilabot nang makita nila na kasalukuyang makahulugang nakangiti ang binata.

Itinaas ni Finn Doria ang kanyang espada at mabilis na nilagyan ito ng enerhiya.

“Maaari ka nang mamatay ngayon.”

--

Continue Reading

You'll Also Like

2.2K 311 29
[ S Y P N O S I S ] Staleria- is a State where society takes the political, economy, socioeconomic, and racial inequality, this movement is called St...
376K 72.9K 62
Dahil sa pagkapanalo ng New Order Alliance sa malaking digmaan, ang Dark Continent ay nakatakda nang mabago at magkaisa. Tapos na ang misyon ni Finn...
555K 32.3K 42
Nang makapasok si Finn Doria sa Sacred Dragon Institute, ang tanging gusto niya lang ay malaman ang katotohanan sa pagkamatay ng kanyang tiyuhin. Mat...
1.6K 232 22
Sa kalagitnaan na paglalakbay ni Ziwin hindi niya sinadya matuklasan ang daan patungo sa mga Assassin. Sa kaniyang pag pasok sa Assassin ay nag simu...