Sweet Scheming Playgirl (TOG...

By FGirlWriter

3.7M 87.9K 8K

Saan dadalhin ng twelve years age gap ang pagmamahal ng mapaglarong si Haley sa respetadong vice-mayor na si... More

Disclaimer
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen (Part 1)
Chapter Fifteen (Part 2)
Finale Chapter
Epilogue

Chapter Six

148K 3.6K 136
By FGirlWriter

CHAPTER SIX

MANANATILING lihim sa buong Amora ang pagpapakasal ng bagong bise-alkalde at ng anak ng gobernador hanggang sa susunod na linggo. Ngunit, ang alam ni Gideon ay may ilan na ring nakakaalam. Katulad ng mga importanteng tao sa loob ng munisipyo- kasama na ang mga konsehal at ang bagong mayor. All of them gave their blessings at nangako pang magiging saksi sa maliit at simpleng kasalan nila ni Haley. But, there is one person who's not really happy about the news.

Abala si Gideon sa pag-aayos ng bago niyang opisina nang walang kaabog-abog na pumasok roon ang dating kasintahan na si Olivia.

"Magpapakasal ka na? Is it true?!" bungad agad nito na hindi pa maipinta ang mukha.

Napakunot-noo siya sa ginawa at sinabi nito. "You can knock, you know."

Tumaas ang kilay nito. "Sorry," kulang sa sinseridad na sabi nito at saka siya nilapitan. "Pero, totoo bang magpapakasal ka? And with the governor's daughter?"

"Have a seat," aya niya rito habang umuupo siya sa likod ng kanyang lamesa.

"Answer me, Gideon!" she demanded.

Napabuntong-hininga siya. "Olivia, don't shout at me. Naririnig kita," kalmadong saway niya rito bago sagutin ang tanong nito. "Yes, We'll get married."

Nakita niya ang paglungkot ng mga mata nito. Napaupo ito sa upuan sa harap niya. "Kabe-break lang natin, Gideon. Two days ago! My god, did you cheat on me? May relasyon ba kayo ng anak ng gobernador habang tayo pa?" pag-aakusa nito.

Nagsalubong ang dalawang kilay niya. "I never cheated on you, Olivia." Nang may mangyari sa kanila ni Haley ay hindi pa sila nagkakabalikan nito at nang malaman niya ang kalagayan ni Haley ay tinapos na nila ni Olivia ang relasyon nila. He never cheated, technically.

Inirapan siya nito. "I heard she's pregnant!" nakaismid na sabi nito. "And you bought it? Naniwala ka agad na iyo ang pinagbubuntis niya? My goodness, Gideon! Narinig ko na isa siyang playgirl. At a young age, she's a tramp! Tapos maniniwala ka na ikaw ang ama ng ipinagbubuntis niya?!"

Napailing-iling siya. Ito ang ayaw niya kay Olivia. Mabilis itong manghusga ng tao. Naisip niya rin naman na kung siya ba talaga ang ama ng bata, but he knew deep inside him that Haley maybe a playgirl but she was never a slut. She was a virgin when something happened to them. "Olivia, don't talk like that about Haley. Ako ang ama ng pinagbubuntis niya. I assure you," mariing sabi niya. "Isa pa, why are you acting like this? We're over, remember?" pagpapaalala niya rito.

"B-But, Gideon... Nag-aalala lang naman ako para sa'yo," maamong sabi nito. "And that Haley is so young. Baka mamaya, pinaglalaruan ka lang niya. Alam ko rin na hindi mo naman siya mahal. Come on, Gideon, uso naman ngayon ang may anak outside marriage. Don't marry her."

"Hindi ako makikiuso sa iba, Olivia. I'm single and willing to take the responsibility, so why shouldn't I marry her?" depensa niya. "Maybe, I don't love her now, but I will. Now, Olivia, maayos tayong naghiwalay. Magkaibigan na tayo. Huwag mo namang sirain iyon sa maling pag-aakusa mo sa magiging asawa ko."

Napayuko ito. "G-Gusto ko lang naman na isipin mong mabuti ang desisyon mo. Kasal na iyon, eh. Hindi mo rin naman maitatanggi ang mga possibilities na sinabi ko. Nag-aalala lang ako, Gideon, para sa'yo. Kasi may pinagsamahan naman tayo."

"I gave her my word. Magpapakasal ako sa kanya at hindi ako ang klase ng tao na tatalikod sa pangako."

Halatang natamaan ito sa sinabi niya kahit hindi naman niya intensyon. Olivia's just guilty of what she did last year. Kung hindi naman kasi ito tumalikod sa kasal nila, sana ay sila ang mag-asawa ngayon at walang ganitong usapan.

But, maybe I'm destined to meet Haley now. Siguro siya talaga ang dapat kong pakasalan.

"Okay, then. Congratulations na lang. Just don't tell me that I didn't warn you," ani pa nito bago tumayo at mabilis na umalis ng opisina niya.

***

ANONG GINAGAWA ng babaeng 'to rito? Natanong ni Haley sa sarili nang makita niya si Olivia na palabas ng bagong opisina ni Gideon at mukhang galit na galit. Nagkasalubong sila at nakita niya ang pagtaas ng kilay at pag-irap nito sa kanya bago siya lagpasan.

Siguro ay nakipaghiwalay na si Gideon rito kaya ganoon na lang ang itsura nito. Lihim siyang napangiti. Everything's according to plan. Wala na siyang karibal. Pinangakuan pa siya ni Gideon na pag-aaralan nitong mahalin siya. She'll hold onto that. Basta ngayon, mas mamahalin niya ito at ipapakita rito na deserving siyang maging asawa nito.

But before that, kailangan munang totoong mabuntis siya.

Napansin ni Haley na wala pa ang sekretarya ni Gideon sa desk nito sa umagang iyon kaya naman dumiretso na siya sa pinto ng opisina ng mapapangasawa. Kumatok muna siya bago pinihit ang pinto.

"Hi, good morning!" masayang bati niya rito.

"Haley!" nasorpresang wika nito pagkakita sa kanya. Agad itong tumayo sa kinauupuan at sinalubong siya.

Hinalikan niya ito sa pisngi at pagkuwa'y pinulupot ang mga braso sa leeg nito. "Na-miss kita agad," malambing na sabi niya rito.

Hinalikan siya nito sa noo. "What are you doing here this early?" tanong nito,

"Nagising ako ng maaga. Kaso nainip naman ako sa bahay kaya pumunta ako rito. Naabala ba kita?"

Umiling ito. "Magsisimula pa lang naman ako sa trabaho. Kumain ka na ba ng breakfast?"

Tumango siya. "Tapos na. Marami nga akong nakain, eh. Sabi kasi ni Mama, dapat daw marami akong kainin."

"Dapat lang talaga. Siyempre, kailangan din ng nutrition ng baby sa tiyan mo. Kumusta ka pala kanina pagkagising mo? Nagka-morning sickness ka ba?" nag-aalalang wika nito.

Gustong mapangiwi ni Haley. Magsisinungaling na naman siya. "Ah... y-yeah. Pero, mabilis lang naman. Ganoon talaga , di'ba? Nga pala, uuwi ako mamaya sa Manila," pag-iiba niya ng usapan.

Iginiya siya ng binata sa upuan mismo nito at doon siya pinaupo. "Ikaw lang mag-isa?" Naghila ito ng isang upuan at umupo sa tabi niya.

"Kasama ko mga bodyguards ni Papa. Tutulungan din nila ako sa pag-aayos ng mga iuuwi ko ritong gamit." Sa susunod na linggo na agad ang kasal nila kaya naman nagdesisyon na siyang mag-stay na talaga ng Amora. "Uuwi rin ako rito bukas ng umaga."

"Baka mapagod ka naman niyan."

"No, it's okay. Hindi ako magpapakapagod, promise!" Hinawakan niya ang kamay nito at hinilot-hilot iyon. "Gideon..."

"Yes?"

"That house... 'yung mukhang luma at masisira na pero sa loob ang ganda pala. Iyo iyon, di'ba? Alam mo, I want to stay there for a while sana... Puwede ba?"

Ikiniling nito ang ulo. "Bakit? Wala kang kasama doon."

Lumabi siya. "Hindi mo 'ko sasamahan?" Tumayo siya at patagilid na umupo sa hita nito. Sinadya niyang idikit ang dibdib rito at pinulupot ang mga braso sa leeg nito. "You know, since I got pregnant... I really miss you," makahulugang bulong niya rito. Pabirong kinagat niya pa ang tainga nito.

Hinawakan nito ang magkabila niyang baywang at bahagyang lumayo sa kanya. "Haley," saway nito at bahagyang natawa. "Control your hormones."

She chuckled. "But I really miss it... isang beses lang may nangyari tapos lasing ka pa noon," nagtatampo kunwari na wika niya. "Everything happened so fast. Puwede ba umulit?"

He laughed and pinched her cheeks. "Magpapakasal na tayo next week, I think, makakapaghintay naman tayo. I want to make everything right this time. I respect you, Haley, and I want to make love with you again after we got married."

Imbes na mainis sa rejection nito sa kanya ay nakaramdam si Haley ng warmth sa puso niya dahil sa sinabi ni Gideon. He's really a man of principles. Lalong nahuhulog ang loob niya rito.

Pero, kailangan niya na kasi talagang mabuntis, bago pa mabuko nito na nagpapanggap lang siya. Lasingin na lang kaya niya ulit ito?

"Okay, then," pagpayag niya na lang at saka mabilis na hinalikan ito sa mga labi. "Magpipigil talaga ako kahit minsan hindi 'ko ma-control hormones ko these days. Alam mo ba habang nasa Manila ako, ikaw lang lagi naiisip ko? One time, I think I'll get crazy because even in my sleep, I always dream of you. I want to hug you this tight," at saka niya ito niyakap ng mahigpit. "And I want to kiss you all over the face," and she rained butterfly kisses in his forehead, eyes, nose, cheeks, chin, and lips.

Gideon laughed and embraced her by the waist. "So sweet of you, baby."

Napangiti siya sa naging endearment nito. "Dati, 'bata' tawag mo sa'kin, tapos naging 'baby' pa ngayon. Susunod siguro, 'fetus' na," she joked that made him laugh, again.

Later on, their eyes locked. May mga emosyon sa mga mata nito na hindi niya alam kung ano. Maya-maya pa'y sumilay ang magandang ngiti sa mga labi nito. Then, he grabbed her nape and kissed her fully on the mouth.

Banayad at matamis ang mga halik nito na nagpapikit kay Haley at nag-utos sa kanya na mas namnamin iyon. Nang lumayo na ito sa kanya ay hinabol pa niya muli ang mga labi nito.

She felt his lips curved into a smile. Tinugon nito ang mga halik niya. Haley felt so treasured. It is Gideon's lips and kisses she's been searching for the whole time- mature, sweet, and sincere.

"I love you, Gideon," she whispered after the kiss.

Ngumiti ito at saka siya kinabig sa isang yakap. Next time, he will say that he loves her too.

***

NASA LOOB pa lang ng kotse ay excited na si Haley na mayakap si Gideon nang makita niya itong naghihintay sa bukana ng bahay ng pamilya nito. Kararating niya lang galing Manila at dala niya na ang mga mahahalagang gamit niya. Sinabi ni Gideon na idiretso na lang daw ang mga gamit niya sa bahay nito, tutal naman ay doon din siya titira pagkatapos ng kasal nila. Pumayag naman ang mga magulang niya kaya hayun at pababa na siya ng kotse pagkahinto niyon sa mismong tapat ni Gideon. Niyakap niya agad ito at hinalikan.

"You missed me that much? Kahapon naman nagkita tayo," anito at saka siya hinalikan sa noo.

"Akala ko pumasok ka na at maids lang ang maabutan ko rito," sabi naman niya rito.

"Hinintay talaga kita. Baka pagod ka sa biyahe. Paalis na rin ako para pumasok sa munisipyo."

"Nandyan ba sila Tita Glenda at Tito Mon?" tukoy niya sa mga magulang nito.

"May pinuntahan sila Daddy na business sa Baguio. Babalik sila bago ang kasal," sagot nito habang iginigiya siya papasok ng malaking bahay nito. "Mamaya mo na ayusin ang mga gamit mo, okay?"

Tumango siya. "Pero, ipapapasok ko na iyon sa mga bodyguards. Para makaalis na rin sila at maka-report back kay Papa." Nilingon niya ang isang bodyguard na nasa bukana ng malaking pintuan at inutusan na itong ipasok ang mga maleta niya. Maya-maya ay napahikab siya. Kulang kasi siya sa tulog dahil sa kakaisip niya ng mga plano para mabuntis na talaga siya ni Gideon. Hanggang sa nagdesisyon na lang siya na hintayin na lang rin na makasal sila.

"I was anticipating that you want to rest. Gusto mong magpahinga muna sa guestroom?"

"Sa kuwarto mo na lang. I want to see your room," lambing niya rito.

Nagkibit-balikat ito at saka sila pumanhik sa kuwarto nito. Pasimpleng nilibot niya ang tingin sa buong silid. Pinaghalong brown and white ang interior ng kuwarto nito. May malaking kama sa gitna at sa bandang gilid ay ang workplace nito. May sarili rin itong banyo at walk-in closet.

"Wala kang television?" natanong niya nang wala siyang makitang T.V. sa loob ng kuwarto nito.

"Sa entertainment room, meron."

"Dito rin ako matutulog kapag kasal na tayo, 'di ba? I wanted a television, please? Mahilig akong manood ng english movies and TV series, eh." Umupo siya sa malambot nitong kama at pagkuwa'y hiniga ang sarili roon.

"Makaka-distract iyon sa trabaho ko. I also work here, obviously," anito habang binubuksan ang air-con.

Napalabi siya. "Eh... gusto ko ng T.V." Bumangon siya at tinanggal ang sapatos. Pagkuwa'y pumunta siya sa gitna ng malaking kama at humiga ng maayos. Buti at hindi na siya nag-make up at kumportableng bestida ang suot niya, hindi niya na kailangang magpalit.

"Pag-iisipan ko 'yan. Meanwhile, I need to go. Magpahinga ka lang diyan. Kapag may kailangan ka, don't hesitate to call the maids," bilin nito habang nakatunghay sa kanya. "Puwede ka ring umuwi sa inyo, anytime. Just don't forget to call me."

Tumango siya. "Gideon, I have a request."

"What?"

"Can I go to your 'old' house later? Gusto ko talaga doon, eh. Samahan mo 'ko after your work. Please..." Tumagilid siya ng higa at niyakap pa ang unan nito habang nakatingin rito.

"Anong gagawin natin doon?"

"I want to paint. Nakakita ako ng inspiration doon eh," pangungumbinsi niya pa rito. "Please?"

Tila nag-isip ito ng matagal bago sumagot. Maya-maya'y nagkibit balikat ito. "Okay. Saan kita susunduin mamaya?"

"Doon na lang tayo magkita. Punta ka agad after your work. Ahm, one more thing."

"Yes?"

"Puwedeng mauna ako roon? I want to set up my things. Promise, hindi ako magkakalat."

He sighed and went to his walk-in closet. Pagkalabas nito roon ay may inabot ito sa kanyang susi. Bumangon siya at kinuha iyon.

"That's the key to the house."

Malapad siyang napangiti. "Thank you, baby." Humiga siyang muli at yumakap sa unan. "Have a nice day, Gideon!"

Yumuko ito at hinalikan siya sa pisngi. "Rest now. Baka pagod na rin ang baby."

Nagpaalam na siya rito at saka ipinikit ang mga mata. Ang bilis pumayag ni Gideon sa mga gusto niya. Sa tingin niya ay mapa-pamper siya nito kapag kasal na sila. Ngunit mas aalagaan niya ito. Nakatulog siya habang nai-imagine ang magiging pagsasama nila ng batang vice-mayor.

***

Social Media Accounts:

FB Page: C.D. de Guzman / FGirlWriter

FB Group: CDisciples

Twitter: FGirlWriter

IG: fgirlwriter 

Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 82K 33
Matthew Mark dela Merced, an indomitable NBI agent na takot lang sa isang bagay--ang umasa na naman sa pagmamahal na kahit kailan hindi siya nagawang...
434K 21.8K 53
Cheaters Club #1: Chasing Chances Started: June 22, 2020 Completed: May 25, 2022
3.6K 195 5
Patrick Lauchengco of Apollo's Heartbreak 10/14/2022 - ONGOING
7.5M 209K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...