Chapter Thirteen

178K 4.6K 529
                                    

CHAPTER THIRTEEN

"DON'T chase love. Let it come to you."

Binaba ni Haley ang hawak na paintbrush. Sinubukan niyang magpinta ulit ngunit paulit-ulit sa utak niya ang mga huling katagang sinabi sa kanya ni Gideon.

Don't chase love. Let it come to her?

What the heck? How should she know if love is already there?

Mahal niya naman si Gideon, ah? Kaya nga kailangan niyang habulin ito para maramdaman rin nitong mahal siya nito. Dahil kahit pa may mga paninindigan ito at may pangako kay Olivia, still, hindi nito diretsong sinasabi na mahal nito ang babae.

Or ikaw na lang ang nag-iisip niyan, Haley, at pinapaniwala mo lang ang sarili mo.

Nabato niya ang hawak na paintbrush at saka padabog na lumabas ng working studio. Hindi na siya makapag-isip ng tama. Parang bumalik na naman siya sa panahon na naghiwalay sila ni Gideon and everything in her system hurts.

Dumiretso siya ng banyo at maya-maya ay nagbabad na siya sa tub. While the shower is pouring, her tears were flowing with it, too.

Tama talaga si Crystal Jane, eh. Sa story nina Gideon at Olivia, she's just the other girl. Kontrabida. The hero will never end up with her.

Nakagat niya ang ibabang labi. Nakaka-discourage ang lahat ng sinabi ni Gideon.

Totoo namang masasaktan si Olivia sa gagawin niya, but she did not care. Until she realized that, Gideon's right, how can she be happy while she's hurting another person's feelings?

Paano nga kung baliktad ang sitwasyon at siya ang nasa kalagayan ni Olivia? Siya ang inaagawan ng mapapangasawa?

Damn all those shits! Siya na naman mali. Siya na lang ang laging mali!

Napatakip siya ng mukha at napaiyak.

Hindi niya yata kayang makipagsabayan sa maturity na mayroon si Gideon. He has a lot of experience and knowledge than her. He always has a point. He knows what to say and do.

Habang siya? Wala yatang matutunan kahit isa.

Maybe, she should give up on Gideon. And start focusing on herself instead.

***

"SERIOUSLY? Body guards, again? Mama, sabi niyo ni Papa pagkatapos ko ng college, hindi na 'ko magkakaroon ng body guards? Bakit binabalik niyo sila ngayon?" naiinis na tanong ni Haley sa ina na kausap niya sa telepono.

"Hija, don't get pissed. It's for your own good. Alam mo naman ang tungkol sa death threats, di'ba? Mas dumadami na sila ngayon. Hindi na puwedeng basta hindi pansinin. Sandali lang naman 'to, para lang sa kaligtasan mo," malumanay na sabi ng ina sa kanya.

Napabuntong-hininga na lang siya. Wala naman na kasi siyang magagawa. "Okay, fine. Anyway, I miss you. Kayo ni Papa. Kailan ba 'ko puwedeng bumalik diyan sa Amora?"

"Not now, baby. Mas hindi ka safe rito. Pupunta na lang kami diyan ng Papa mo kapag nagka-oras, alright? Kumusta na pala si Mama?" tukoy nito sa Lola Mercelina niya na ina ng kanyang Mama.

She sighed again. Iyon ang ikinalulungkot ng buong pamilya Monteverde sa nakalipas na mga buwan, pahina ng pahina ang Lola nila. Huling araw na naging masigla ito ay noong birthday ni Reeve. Then after that, nagkasakit ang Lola nila at pabalik-balik na ito ng ospital.

"Sabi ng mga doktor, give and take Lola will just live for one more month..."

She heard her mother sobbed. "S-Sana madalaw ko si Mama bago man lang..." She sobbed again.

Sweet Scheming Playgirl (TOG #1) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon