Chapter Eight

153K 3.9K 231
                                    

CHAPTER EIGHT

SA MAKALAWA na ang civil wedding nina Haley at Gideon. Kaya naman ngayong araw ay papunta sila sa isang kilalang pastor sa kanilang probinsiya para sa isang marriage counselling. Pagka-park ni Gideon ng kotse nito sa may tapat ng isang Christian church ay agad itong bumaba at pinagbuksan siya ng pinto.

Napangiti siya nang alalayan pa siya nito. "Thank you, baby," nakangiting pasasalamat niya rito. Sa mga nakalipas na raw ay ramdam na ramdam ni Haley ang pag-iingat at pag-aalaga sa kanya ni Gideon. Kahit siya ay gusto ng paniwalain ang sarili na buntis talaga siya. Minsan nga ay nawawala sa isip niya na nagkukunwari lang pala siya.

Ngumiti ito at hinawakan ang kamay niya. "Halika na. Naghihintay na si Pastor Zamora sa loob."

Their fingers intertwined and Haley can't contain the "kilig" she was feeling. Ibang-iba ang Gideon na una niyang nakilala sa Gideon na lagi niyang kasama ngayon. Nananatili ang serious attitude nito ngunit mas madalas na ang pagngiti at pagtawa nito tuwing magkasama sila. Maalaga pa at malambing.

Hindi niya alam na posible pala siyang sumaya ng sobra nang dahil sa isang lalaki.

"Ate, ate, pahingi naman po ako ng barya," biglang sulpot ng isang marungis na batang lalaki.

"Ate, pahingi naman po ng pera pangkain," sabi pa ng kasama nitong batang babae habang nakabukas ang mga palad nito sa harap niya. Ang batang lalaki ay may hawak na cup ng instant noodles na nakaawang sa kanya at may kaunting barya lang doon.

Tumigil siya sa paglalakad na ikinatigil din ni Gideon. Mabilis niyang hinanap ang wallet sa bag niya at kumuha doon ng dalawang isang-daang piso. Inabot niya ito sa dalawang bata na nanlaki ang mga mata.

"Pambili niyo ng pagkain iyan ah," bilin niya pa sa mga ito.

"Nako po! Salamat, ate! Mabibili ko rin po ng gatas ang kapatid ko dahil dito," nagniningning ang mga mata na sabi ng batang lalaki.

"Yehey! Magkaka-ulam kami hanggang bukas! Makakabili tayo ng pansit, Dong!" tuwang-tuwa na wika naman ng batang babae sa kasama nito at saka bumaling sa kanya. "Maraming salamat po, ate! Ang bait niyo po!"

She lightly patted the little girl's head. "You're welcome. You better go home na rin and make some 'ligo', okay? Madungis na kayo, baka magkasakit pa kayo."

Nagtanguan ang mga ito at saka mabilis na nagtakbuhan palayo, tuwang-tuwa sa isang-daang piso na hawak.

Napabaling siya kay Gideon na manghang nakatingin sa kanya. "What?" kunot-noong tanong niya rito. Kakaiba kasi ang mga tingin nito sa kanya.

Umiling ito pero may ngiti sa labi. Hinawakan nito muli ang kamay niya at naglakad na papasok ng simbahan. "Do you always do that? Binibigyan mo ng pera ang namamalimos?"

Tumango siya. "Sa Manila kasi maraming namamalimos eh. Naaawa ako sa kanila, kaya nasanay akong bigyan. Tutal, I have a lot of money naman. Why not share?"

"Hindi mo ba naisip na baka hindi naman talaga kawawa yung nililimusan mo? Na baka propaganda lang iyon para magkaroon sila ng pera?"

Nagkibit-balikat siya. "It's not my problem anymore kung fake ba ang namamalimos o hindi. Basta ako nag-share with the intention to help them. Kasalanan ko pa ba that I shared what I can give?" Matagal niya na ring naisip iyon dahil marami naman daw talagang kahit hindi mahirap ay namamalimos para lang magkapera. Eh, paano ba madi-distinguish iyon sa totoong namamalimos at kailangan talaga ng tulong? Basta siya nag-share, tapos.

Inakbayan siya ni Gideon. "No. You just did fine. Tama iyan, you just want to help. Napahanga mo na naman ako."

She chuckled. "Uyy... You're starting to like me," tukso niya rito.

Sweet Scheming Playgirl (TOG #1) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon