Chapter Ten

156K 4.2K 310
                                    

CHAPTER TEN

Six months later...

TINIGNANG maiigi ni Haley ang bagong gawang canvas. Nang may nakita siyang isang kulay na hindi umayon sa buong canvas niya ay napasimangot siya.

Ibinaba niya ang hawak na palette at paintbrush. Tumayo siya sa high stool na kinauupuan at saka kinuha ang isang bimpo at pinunasan ang mga paint smudges sa kamay.

"Why can't I get it right?" naiinis na bulong niya sa sarili. She's been working for her last canvas for about three months now! Iyon na yata ang pinakamatagal na canvass na ginawa niya at hindi matapos-tapos.

Lumingon ulit siya at pinakatitigan ang hindi pa tapos na painting. Just looking at its color blending and strokes, alam niyang may mali. But she can't pinpoint it out!

Nilayo na lang niya ang tingin at saka niligpit ang mga pinturang ginamit. Saktong naitabi niya na ang mga painting materials niya nang tumunog ang kanyang cellphone.

"Hello! Haley here!" bati niya sa kabilang linya.

"Where are you, playgirl?" bungad agad ng nakatatanda niyang pinsang si Sapphire.

"Nandito ako sa pad ko. Why?" nagtatakang tanong niya.

"Nakalimutan mo na ba?" mataray na tanong nito. "You have to be here like right now? Ngayon nga ipapakilala ni Reeve ang mapapangasawa niya, remember?"

Reeve Monteverde was their only guy cousin. Lima silang magpipinsan sa mother side. At ang ama ni Reeve na si Uncle Roman ay ang nag-iisang kapatid na lalaki ng mga ina nila. Kumbaga, apat na babae ang mga kapatid ni Uncle Roman. Isa na doon ang Mama niya. Sapphire, Lavender, and Crytal Jane are her BFFs or girl cousins. Si Reeve ang nag-iisang lalaki at pinakamatanda sa kanilang magpipinsan pero hindi sila masyadong malapit rito.

"Oh," tanging reaksyon lang niya. "Can I just be...you know, not present? May tinatapos pa 'kong canvas eh." Pero sa totoo lang, tinatamad na talaga siyang lumabas pa ng bachelorette's pad niya.

Haley can imagine Sapphire rolling her eyes. "Kung puwede lang hindi pumunta, hindi rin sana ako pumunta rito. But you know, Lola is expecting us. Tayong lahat na magpipinsan. We need to be complete for this family dinner because it's not everyday that our cousin will get married. Para na rin daw ma-orient tayo sa roles natin for the wedding."

Naglakad siya papunta sa banyo at hinubad ang oversized whiteshirt na puno ng paint stains. Hawak niya pa rin ang cellphone sa tainga. "Who's the lucky girl that will marry a Monteverde?" she asked.

"I can't remember the name. But she's an Anderson. You know, anak daw siya ng may-ari ng kalabang hotel ng Monteverdes- the Anderson Auberge."

Napahinto siya sa pagtatanggal ng shorts at napataas pa siya ng kilay. Anderson...

Monteverde Hotel is the biggest legacy of the Monteverdes. Pinagmamalaki sa kanya iyon ng Mama niya nang paulit-ulit dahil ang mga ancestors daw nila ang totoong nagpakahirap para lang matayo ang hotel na ngayo'y sikat na sa buong bansa. But Monteverde Hotel was not the only famous hotel in the country. Pumapantay sa pamamayagpag niyon ang Anderson Auberge.

Hindi naman siya nagulat na ikakasal ang pinsan nila sa anak ng kalabang hotel. Arranged marriage iyon, ang alam niya. Another business deal panigurado. What caught her was the fact that her cousin Reeve was going to marry an Anderson... at sa bansang iyon, kapag narinig ang apelyidong iyon ay isang angkan agad ang papasok sa isip.

Gideon Alejandro Anderson Napoleon... kasama sa angkan na iyon si Gideon...

"Haley!"

"Y-yes?" Napatuwid siya ng tayo at saka tuluyan nang hinubad ang suot na shorts. "I'm sorry, Saphi. Ahm, ano nga ulit ang sinasabi mo?"

Sweet Scheming Playgirl (TOG #1) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon