Chapter Fifteen (Part 2)

219K 4.9K 337
                                    

CHAPTER FIFTEEN (PART TWO)

AFTER three days, umuwi na si Haley sa Manila dahil kailangan niya nang ibigay ang mga natapos na commissioned paintings na ginawa niya para sa mga kliyente.

Hindi niya na ulit nakausap si Gideon dahil biglang naging abala ang mga tao sa munisipyo. Hindi na nga rin siya nakapagpaalam sa Papa niya.

"I love you, Haley..."

Haley sighed. Gusto niya ulit marinig iyon mula kay Gideon... Gusto niya ulit marinig kung gaano iyong katotoo.

Finally, mahal na nga ba talaga siya ni Gideon?

Wala pa siyang pinagkukuwentuhan tungkol sa pagtatapat ni Gideon. Pagtatapat nga ba?

Well, he said he loves me...

She closed her eyes and uttered a little prayer.

Wait on God. Wait on God.

Iyon na nga ba ang hinihintay niya? Oh, kailangan na nilang magkausap ni Gideon, once and for all. Aalisin niya na sa utak na baka wala na silang pag-asa.

Bigla siyang nabuhayan ng loob. There's hope for those who believes...

Tumunog ang cellphone niya. Nag-text si Sapphire at pinaalala ang girl bonding nilang magpipinsan ng araw na iyon. Nag-ayos na siya at pumunta na sa isang spa center kung saan sila laging pumupunta.

Nandoon na si Crystal Jane. Minutes later, halos magkasabay na dumating sina Sapphire at Lavender.

Tuwang-tuwa si Sapphire dahil makakapag-spa na daw ito. Puro daw kasi housechores ang pinagawa rito ng asawa sa buong one week na bagong kasal ang mga ito.

Nagtawanan na lang silang magpipinsan sa walang katapusang pag-angal nito. At last, Sapphire met her match! Si Johann lang pala ang makakapagpagawa rito ng mga bagay na ayaw gawin ng pinsan nila rati.

Sandaling nakalimutan muna ni Haley ang palagiang pag-iisip niya kay Gideon. She enjoyed the company of her cousins. Buong araw silang magkakasama.

Kinagabihan nasa shoe store sila sa isang mall.

"Haley, totoo ba ang nasa newspaper nung isang araw?" tanong ni Crystal Jane sa kanya habang nagsusukat sila ng mga sapatos. Mahina lang ang pagkakatanong nito at alam niya na ang binabanggit nito.

Sasagot na sana siya ngunit sumingit si Sapphire.

"Anong mayroon sa newspaper?" natanong ng huli.

Sabay silang lihim na napangiwi ni Crystal Jane. Paanong narinig ni Sapphire iyon?

Tumingin muna sa kanya si Crystal Jane. Marahan lang siyang napatango.

"Nasa blind item ngayon ang isang vice-mayor ng isang maliit na province na nakitang nakikipagmake-out sa isang young socialite na anak ng isang governor in that same province," Crystal Jane honestly answered.

Sapphire's eyes widened and looked at her. "Vice-mayor? Si Gideon? Nakipagbalikan ka ba kay Gideon? Eh di'ba may fiancee na siya?"

Haley winced. Hindi pa niya nakukuwento rito at kay Lavender ang totoo. "We're drunk that night, okay? W-Wala lang iyon," pagsisinungaling niya para hindi humaba ang usapan. Nasa isang public place pa naman sila.

Subalit hindi nagpaawat ang nakatatandang pinsan nila. "Huwag ka ngang tanga, Haley. 'Ayan ka naman, eh," saway nito sa kanya. "He's too old for you!"

"Twelve years lang naman ang tanda niya. Iyong iba nga, decades ang pagitan ng age. At saka... wala lang kasi iyon," pagpupumilit niya. Tumalikod na siya para ma-dismiss na ang usapan but Sapphire went on.

Sweet Scheming Playgirl (TOG #1) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon