Chapter One

282K 6.3K 643
                                    

Written: 2014

Edited: JEPP, 2017

Published under PHR (2017)

***

CHAPTER ONE

Gonzaga Mansion.

Quiteria, Amora Province.

SA NAPAKALAKING bakuran ng mansyon ng mga Gonzaga- kung saan nakatira ang pinakasikat na bagong gobernador ng Amora, ay nagaganap ang isang malaking victory party para sa landslide na pagkapanalo nito.

Mula sa Manila ay sinadyang umuwi ni Haley Gonzaga- ang napakaganda, batang-bata at kaisa-isang anak ng bagong gobernador na si Edgardo Gonzaga. Katatapos niya lang ngayong taon ng kursong Fine Arts sa De La Salle. Wala sana siyang planong umuwi sa Amora, but she can't miss her father's victory party.

"Hija? Are you ready?" pagkatok ng kanyang Mama sa kuwarto niya. "Nag-uumpisa na ang party at hinahanap na tayo ng Papa mo."

"I'll be out this minute, Mama."

Haley flipped her long hair with curls on its tips. Siya mismo ang nag-make up sa sarili niya dahil mas alam niya kung ano ang nababagay sa kanya. She smiled at her reflection in the mirror. Nasisiyahan din siya sa suot niyang silver evening gown na hapit na hapit sa katawan niya. It's also long-sleeved and backless. Kumikinang din iyon sa tuwing natatapat sa ilaw. Ganoon din ang epekto ng mga suot niyang alahas. Siyempre pa, hindi magpapahuli ang kanyang three-inch white Prada shoes na sa ibang bansa niya pa mismo binili. Three-inches lang ang heels niya dahil masyado na siyang tatangkad pa sa natural niyang taas na five feet and six inches. Ayaw naman niyang magmukhang higante.

Paglabas niya ng kuwarto ay nag-aabang na ang kanyang inang si Luzonica Gonzaga. Napangiti si Haley nang makita ang Mama niya. Sa kabila ng edad nito ay nakikipag sabayan ito sa mga kaya niyang isuot. Kung may tatalbog man sa kagandahan niya sa gabing iyon, ang sariling ina lang niya iyon at wala ng iba.

"Mama! You look so gorgeous!"

Her mother sweetly smiled. Magaganda ang ngiti nito at dito daw niya namana iyon. "Wala ng mas gaganda sa'yo, hija. Look at yourself! Hindi talaga ako maniniwala na wala kang boyfriend sa Manila."

Natawa lang siya at kumapit sa braso nito. "Wala naman kasi talaga, Mama." Kung mayroon siyang isang seryosong boyfriend, paano pa siya makikipaglaro sa ibang mga lalaki?

"Let's take a photo later. Kailangan ko 'tong ma-post sa Instagram," sabi pa ng kanyang ina na hindi mo aakalaing nasa fifties na ang edad. Mas "in" pa nga ito sa panahon ngayon.

Natawa siya. "Just tag me, Mama."

"And here are my precious girls," nakangiting deklara ng kanyang Papa nang nasa bungad na sila ng hagdanan.

Her father kissed her forehead then he kissed her wife on the lips for everyone to see. Napailing-iling na lang si Haley, she's used to her parents' PDAs. Maya-maya pa ay lumabas na sila ng bakuran na napupuno ng mga tao. Nagsimula na rin siyang ipakilala ng ama sa mga bisita, lalo na sa nanalong mayor at sa pamilya nito. Sumunod ay sa mga councilors na nanalo rin sa taong iyon at kapartido pa ng ama.

"Nasaan si Gideon, Mauricio?" tanong ng Papa niya sa isang councilor.

"Nako, Gob, mahuhuli daw ng dating ang bagong vice-mayor natin. Manggagaling pa kasi siya ng Maynila. May family affair din daw kasi siyang pinuntahan."

"Who's Gideon, Mama?" curious na tanong niya sa ina na katabi niya lang.

"Gideon Napoleon. As what you heard, siya ang nanalong vice-mayor ng Amora. At siya rin ang masasabi kong pinakaguwapo-next to your father, of course. He's only thirty-two years old, hija."

Sweet Scheming Playgirl (TOG #1) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon