Chapter Seven

139K 3.9K 66
                                    

CHAPTER SEVEN


PAGPASOK ni Gideon sa sariling bahay na binili niya two years ago ay agad na bumungad sa kanya ang amoy ng pintura. Napatingin siya roon at nakita ang mga bukas na paint cans na nakapatong naman sa mga pinaghiwa-hiwalay na pahina ng diyaryo. May mga nagkalat ring iba't ibang sizes ng mga paintbrush na hindi naman gamit.

"Haley?" hanap niya sa dalaga.

"I'm here!" Mula sa banyo na nasa kusina ay nilabas ni Haley ang kamay nito.

"Kanina ka pa ba dito?" Lumuhod siya at tinakpan ang mga lata ng pintura.

Lumabas si Haley mula sa banyo. Her hair was tucked in a messy bun and a lot of paint stains were all over her face. Naka-oversized black shirt ito at maong shorts. Kitang-kita niya ang mapuputi at mahahaba nitong binti na may mga talsik rin ng pintura, pati na rin ang hita nito. Hindi niya namalayang matagal pala siyang nakatitig sa mga hita at binti nito kundi pa nagsalita si Haley.

"Nagpunta na 'ko rito after lunch kanina," anito at saka lumuhod rin at binuksan ang tinakpan niyang pintura. May hawak itong malaking paintbrush at palette. Kumuha ito ng kaunting puting pintura gamit ang brush, sumunod ay asul na pintura naman at pagkuwa'y pinaghalo iyon sa palette. "Nakatapos na nga ako ng isang canvass. It took me six hours! Iyon na ang pinakamabilis kong gawa," nakangiting sabi nito habang nakatingin sa hinahalo nitong kulay.

Lihim na napangiti si Gideon dahil nakikita niya ang pag-e-enjoy nito. Ikiniling niya ang ulo dahil lalo itong gumanda sa paningin niya kahit pa may mga stains ito sa mukha. She must be blooming, he thought. He felt excited for the gender of their baby. Lalaki ba iyon o babae? Narinig niya na gumaganda daw lalo ang buntis kapag babae ang anak dahil lumalabas daw ang ganda ng baby, pero pinakamaganda daw ang buntis kapag lalaki ang baby dahil wala itong kaagaw sa ganda. Napailing-iling siya, but either of the two, Haley is undeniably beautiful.

"Haley, wait." May naalala siya bigla. "Bawal ba sa buntis ang amoy ng pintura? I mean, may solvent at thinner iyan. Baka makasama sa'yo, lalo na nasa first trimester ka pa lang." Nabasa niya kanina na ang first trimester ng pagbubuntis ang pinaka-iingatang stage dahil mas malalaki ang posibilidad ng spotting at miscarriage.

Bigla itong natigilan at napahinto sa ginagawa. Tumingin ito sa kanya. "H-Hindi ko alam, eh. B-Bawal ba?"

"I think so. Harmful naman kasi talaga ang amoy niyan kapag na-e-expose. And you were painting for six hours!" Mabilis niyang tinakpang mabuti ang mga pintura. Pagkuwa'y kinuha niya ang mga hawak nito. "I hate to stop you from your painting, baby. But we really need to be careful now."

Lumabi ito at napahalukipkip. Naupo rin ito sa sofa at napabuntong-hininga. "I really hate when somebody want to stop me from painting," pagpaparinig nito.

Napailing-iling na lang siya at saka tumayo. "But, Haley, you must understand. Buntis ka na ngayon, at hindi sarili mo na lang ang lagi mong iisipin," mahinahong paliwanag niya rito. Pumunta siya ng kusina at kumuha ng maliit na palanggana. Tinapon niya muna ang pintura sa lababa at pinuno ng tubig ang palanggana. Nilublob niya roon ang palette at paintbrush. Pagkuwa'y nakahanap siya ng malinis na bimpo. Binasa niya iyon at binalikan niya si Haley.

"Maraming ideas sa isip ko ngayon. They're rushing inside my head. I really need to paint," pilit pa nito.

Yumuko siya harap nito at seryoso niya itong tinitigan. "Huwag ng matigas ang ulo, Haley. Hindi ka ba nag-aalala sa puwedeng mangyari sa baby?"

Napayuko ito. "N-Nag-aalala."

He raised her chin up and softly smiled at her. "Good. So, for a while, stop painting. Or maybe you can paint pero sandaling-sandali lang. For this day, you've had enough." Inangat niya ang basang bimpo at saka marahang pinunas sa mga talsik ng pintura sa noo at pisngi nito.

Sweet Scheming Playgirl (TOG #1) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon