Finale Chapter

226K 5K 1K
                                    

FINALE

"SABI NA, eh. Ma-i-inlove din 'tong si Sapphire."

"Oh. Ang cute nilang dalawa ni Johann! Perfect pair!" pumapalakpak na sabi ni Haley habang pinapanood ang second surprise wedding nina Johann at Sapphire sa mismong birthday ng lalaki.

After almost a month pagkatapos ng birthday ni Sapphire ay umamin na ito na na-inlove na talaga ito sa asawa at ganoon din si Johann. So, their man-hater cousin is now a loving wife now.

"Grabe talaga iyong mga pinsan ni Johann kung mang-scheme," natatawang sabi ni Lavender habang papunta na silang lahat sa "reception" ng kasalan. "They can put up such a show to make a their cousin cry."

"We will never understand how guys think," ani Crystal Jane habang natatawa na rin. "Anyway, girls, I can't stay for reception. Kailangan kong bumalik sa bahay dahil may mga tinatapos akong home-made ice cream cake orders."

"Alright! Kami na lang magsasabi kay Sapphire kapag hinanap ka niya," ani Lavender at saka tuluyan nang umalis si Crystal Jane.

Nang malayo na ang pinsan nila ay nagkatinginan sina Lavender at Haley.

"Akala niya hindi natin alam na makikipagkita lang siya kay Ramses?" natatawang bulong ni Lavender sa kanya. Sabay pa silang napatingin sa direksyon kung nasaan nandoon ang Anderson cousins.

Saktong nakita nila na papaalis rin si Ramses sa grupo. Halos magkasunod lang ito at si Crystal Jane.

"What's going on between the two, by the way?" she curiously asked.

Nagkibit-balikat si Lavender. "I don't know. Hindi naman na nagkuwento si Crystal Jane sa'tin after din nilang nakulong ni Ramses sa iisang room nung birthday ni Saphi."

Hindi lang pala sina Haley at Gideon ang nakulong noon kundi pati na rin sina Crystal Jane at Ramses. Sina Lavender at Reynald rin ay ganoon ang sinapit. Halatang planado talaga. Pero wala naman isa sa kanila ang nagalit sa ginawa ni Sapphire sa kanila.

"Ikaw rin naman hindi nagkukuwento," aniya kay Lavender. "What happened between you and Reynald?"

Misteryosong ngumiti ito. "You don't have to know the way we don't know what happened to you and to the Vice-Mayor!" Tinapik pa siya nito sa braso at tumingin sa direksyon ni Gideon. "Anong mayroon sa inyo? Akala mo, hindi namin napapansin kanina ni Crystal Jane na panakaw kayong nagsusulyapan at nagngi-ngitian kanina?"

Siya naman ang pamisteryosong ngumiti. "Kapag sinabi niyo na kung anong mayroon sa inyo ni Reynald at saka ko sasabihin kung anong mayroon sa'min ni Gideon."

Napaisip ito. "Fair enough." Humalukipkip ito. "But I'll just keep it to myself na lang."

Natawa siya. "Bahala ka. Basta kami ni Gideon... we're alright." More than alright... Dahil sila na ulit ni Gideon ngunit wala pang nakakaalam maliban sa kanila dahil gusto muna nilang masolo ni Gideon ang isa't isa.

But later on, aamin naman na sila. Actually, her parents already knew about it. And they were supportive of them. Eventually, kakalat na rin siguro iyon sa mga kamag-anak nila.

"Wait, hindi ka naman siguro pumayag na maging girlfriend number two na naman?" she teased her.

Hindi ito nakaimik.

Nanlaki ang mga mata niya. "Oh my gosh! Don't tell me...?"

Bigla itong natawa. "Of course not, Haley. I won't settle for less anymore," makahulugan lang nitong sabi bago nagpaalam na lalapitan muna nito si Sapphire.

Siya na lang ang naiwan sa table nila na nasa pinakasulok ng venue. Aalis na rin sana siya para kumuha ng pagkain nang matigilan siya dahil nakita niyang papalapit si Gideon sa kanya.

Sweet Scheming Playgirl (TOG #1) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon