Chapter Five

164K 4.3K 655
                                    

CHAPTER FIVE 


KINABUKASAN, nakahanda na ang napakalaking entablado sa harap ng munisipyo ng Amora. Maraming tao ang nandoon at nagsisiksikan upang matunghayan ang panunumpa ng mga bagong uupo sa puwesto. Well, hindi naman talaga bago ang mga uupo dahil parang na-promote lang naman ang mga opisyal dati sa mas mataas na ranggo. Pero dahil mahal ang mga ito ng taumbayan ay talagang punung-puno ang paligid ng stage.

Kanina pa dumating ang mga bagong alkalde at bise-mayor ng Amora kasama ang kanilang mga kapamilya. Pati ang bagong mga konsehal ay nandoon na rin. Tatlumpung minuto bago magsimula ang programa ay dumating na rin si Mayor Gonzaga-na maya-maya ay magiging opisyal na gobernador na ng Amora, kasama nito ang kabiyak at ang natatanging anak na si Haley.

Pagbaba nila ng kotse ay agad na pumalibot sa kanila ang security teams upang maipasok muna sila sa loob ng munisipyo. Sunud-sunod ang flash ng camera habang nasa loob na sila. Napakaraming tao na nakasuot ng barong at Filipiñana. Ngunit ang may pinakamagandang damit ay si Haley dahil sa suot na kulay rosas na Filipiñana na tinadtad ng mga mamahaling sequins. Her dress was sexily cut infront and back. She can show off a little more of her cleavage and her fair back skin. Hanggang kalahati rin ng hita niya ang slit ng suot na damit. Nakaipon sa isang gilid ang mahaba at kulot niyang buhok habang may malaking pulang gumamela na nakaipit sa kaliwang tainga. Also, this time, she's not wearing heels. Dahil sabi sa internet, dapat daw ay iwasan ng mga 'nagbubuntis' ang magsuot niyon.

This is fun, aniya pa sa isip. Imbes kasi na ang Papa niya at ang ibang opisyal pa ang kunan ng litrato at nasa kanya ang atensyon ng lahat ng camera man. Magiliw siyang ngumiti sa bawat shot na hinihiling sa kanya.

Maya-maya ay iginala niya ang tingin at ganoon na lang ang malakas na pagkabog ng dibdib nang matanaw niya si Gideon na nakaputing Barong Tagalog. She literally kept her mouth close dahil gusto niyang mapanganga sa kaguwapuhan nito. Gosh! She haven't seen him for more than a month at lalong mas gumuwapo ito!

Napataas ang kilay niya nang lapitan ito ni Olivia. Nandoon ang babae dahil pamangkin ito ng isang nanalong konsehal. Nag-usap ang mga ito at nagtatawanan pa.

Pasimple niyang nilayo ang tingin at lumapit sa ina. Sige, magpakasaya ka lang ngayon, Olivia. Because, later, Gideon will probably be mine.

Gustong mapangiti ni Haley ngunit bigla siyang kinabahan at pinagpawisan rin ang mga kamay niya. Nasabi niya na kay Gideon na buntis siya at parang pananagutan naman siya nito pero kailangan pa nilang mag-usap.

Hmmp! He'd want proof, sigurado. Buti na lang handa ako. Thanks to some of her friend's friends at nakakita siya ng ob-gyne na madaling suhulan at pekein ang resulta ng pregnancy test niya.

Okay, she's really not pregnant. Katatapos niya lang magkaroon ng period niya kahapon. Pero ito na ang huling laro niya. At katulad ng sinabi niya bago siya umalis more than a month ago, she'll get Gideon. At wala itong pipiliin kundi siya.

The best way to assure that is to pretend she's pregnant. Walang choice si Gideon kundi piliin at panagutan siya.

"Haley, anak, okay ka lang ba?" lingon sa kanya ng ina. Napansin siguro nito ang pagka-tensyon niya.

"O-of course, Mama. I'm just fine. Ano... nainitan lang ako," palusot niya pa at saka kinuha ang katernong pamaypay ng suot niya sa loob ng hand bag. Pinaypayan niya ang sarili at tumingin sa labas ng mga bintana kung saan kita ang napakaraming tao at ang malaking stage. "Gosh! Ang daming tao! Ganito ba palagi kapag oath-taking, Mama?"

"Oo, hija. Alam mo naman 'tong probinsiya natin. Masaya ang mga tao lalo na't ang mga inaasahan talaga nila ang nauupo sa puwesto. Kumbaga, laging panalo ang manok nila." Nilabas ng ina ang iPhone nito at kinuhanan ng litrato ang crowd.

Sweet Scheming Playgirl (TOG #1) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon