Chapter Eleven

154K 3.9K 273
                                    

CHAPTER ELEVEN

AFTER a month, naidaos na ang kasal ng pinsan nilang si Reeve. It was a big wedding!

Puno ng mga pulitiko at mga negosyante ang kasalan. Ano pa bang bago? Two big influential families became one. Big news for their world of the rich and famous.

Ngayon ay nasa reception na ang lahat. Everyone seemed happy. Hindi halatang arranged marriage lang ang rason ng kasalan dahil halata kanila Reeve at Agatha na masaya ang dalawa. Although, laging seryoso ang pinsan nila, nahalata naman nila kung paano ito tumingin sa bride nito.

Naalala niya, Gideon looked at her that way before. Eyes full of passion, desire, and tenderness. Gideon almost fell in love with her and she blew it.

"What's wrong with you three?" saway na naman sa kanila ni Sapphire. "Kanina ko pa kayo kinakausap pero mga wala kayong imik. What? That's the effect of seeing your exes?"

Inabot ni Haley ang isang kopita ng champagne. "Huwag mo 'ko isali. Ganyan ang effect kila Lavender at Crystal Jane na naging ka-partner sa entourage kanina ang mga ex nila."

Silang apat ay mga bridesmaids at natapat na ang apat sa pitong pinsan ni Agatha ay mga groomsmen din. Hindi niya alam kung masuwerte bang naka-partner ni Lavender si Reynald at ni Crystal Jane si Ramses. Dahil hindi na masyado umiimik ang dalawa pagkatapos ng kasalan.

Hindi niya naka-partner si Gideon. She was paired to River. Si Sapphire ang naka-partner ni Gideon.

"Oh, love fools," iritadong wika ni Sapphire. Tumayo ito at kinuha ang purse. "I'm going home. Magpapaalam na lang ako kanila Lola."

Walang pumigil rito sa pag-alis. Mabuti nga iyon para walang sumesermon sa kanila.

Tinignan ni Haley ang dalawa niya pang pinsan. Tahimik na kumakain ang mga ito ngunit halatang lutang naman ang mga isip.

Uminom pa siya ng alak. "You know, dear cousins, sumunod na lang kayo kay Saphi."

Crystal Jane sighed. Ibinaba nito ang kubyertos na hawak. "Yeah. We better leave. Huwag nating i-spoil ang araw na 'to for Reeve."

Luminga-linga si Lavender. Huminto ang tingin nito sa table na di-kalayuan. Iyon ang table na kanina pa iniiwasan ni Haley tignan.

"Why are they happy and we are not?" wala sa sariling nasabi nito.

"Let's just go. Baka maabutan pa natin si Saphi." Tumayo na si Crystal Jane at kinuha ang purse nito. Ganoon rin ang ginawa ni Lavender.

Ngunit nanatiling nakaupo si Haley.

"You're not coming, are you?"

Pilya siyang ngumiti sa mga ito. "Go ahead. I'm just waiting for something." Inisang lagok niya na ang natitirang alak sa baso niya.

Napailing-iling si Lavender. Tila nababasa nito ang naglalaro sa isipan niya pero hindi na ito umimik at saka magkasabay na lang umalis ang dalawang pinsan niya.

Nag-iisa na lang si Haley sa lamesa. Malapit iyon sa center floor kung saan naglalakad ngayon ang bagong kasal. Reeve was holding Agatha's hand. Pumainlang ang isang sweet music at nagpalakpakan ang mga tao para sa first dance ng bagong mag-asawa.

Haley's eyes were full of envy while looking at the newly weds. Kung natuloy kaya ang kasal nila ni Gideon noon, magiging kasing liwanag ng mga ngiti ni Agatha ang mga ngiti niya. The marriage was fixed, ngunit bakit ganoong kakaibang saya pa rin ang nakikita niya sa dalawa?

Paano pa kaya kung nagpakasal sila ni Gideon noon? Surely, they will be happier.

Kung natuloy ang kasal namin at nalaman niya na hindi naman pala talaga ako buntis, mas magiging mahirap ang set-up namin. I played with the wrong man.

Sweet Scheming Playgirl (TOG #1) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon