Chapter Fourteen

214K 4.9K 987
                                    

CHAPTER FOURTEEN

NAKANGITING lumabas si Haley ng kotse niya at mabilis na sinalubong nang mahigpit na yakap ang mga magulang. Finally! Nasa Amora na ulit siya!

"Saktong-sakto ang oras ng dating mo, hija," sabi ng Papa niya. "Papunta na kami ngayon sa plaza para sa outreach program at fun day na ang Mayor at Vice-mayor ang nag-ayos para sa mga street children at mga matatanda."

"Gusto mo bang sumama na sa amin, anak? O magpapahinga ka muna at susunod na lang sa amin?" tanong pa ng Mama niya.

She sweetly smiled at them. "Sasama na 'ko sa inyo, Mama, Papa. Hindi naman ako napagod sa biyahe. At, pinaghandaan ko talaga ang araw na 'to para makapag-participate sa outreach program."

"Okay, let's go, then! Para hindi tayo mahuli sa programa."

Tumigil ang family van sa gilid nila at pinagbuksan sila ng pinto ng security ng Papa niya. Nagkukuwentuhan ang pamilya Gonzaga habang papunta sila sa malaking plaza ng Amora.

Habang nakikipagkuwentuhan sa mga magulang niya ay iniisip rin ni Haley si Gideon at sa nalaman niya kahapon nang aksidente silang magkita ni Olivia. Nalaman na niya ang totoo. Hindi pala totoong magpapakasal ang dalawa.

Ang tanong lang sa isip niya, kung ganoon pala ay bakit lahat yata ng tao sa paligid nila ay iyon ang pinaniniwalaan? How can Gideon lie to all of them? Or are they all lying to her?

But it does not make sense at all if everyone's lying to her. Siguradong palabas lang iyon ni Gideon. Ngunit bakit? Para itaboy siya?

Napakatigas pa ng paninindigan nito na hindi raw ito "magpapa-agaw" sa kanya dahil may isang salita ito kay Olivia.

But, Olivia won't be married to him afterall! Hmm...

"Mama, Papa..." singit niya sa usapan ng mga magulang.

"Yes, hija?" baling ng mga magulang sa kanya.

"I met Olivia yesterday. Nagkita kami sa isang café sa Manila. And you know what, nalaman kong hindi pala si Gideon ang pakakasalan niya. Isang councilor daw dito sa Amora ang fiance niya."

Napansin niyang parang natigilan ang dalawa pero agad ding nakabawi.

"Talaga?" Nanlaki pa ang mga mata ng Mama niya. "How did it happened?"

Napataas siya ng kilay. "Mama, kung may balita rito sa Amora, alam kong hindi ka papahuli sa mga iyon. Imposibleng hindi mo alam iyon," panghuhuli niya sa ina. Actually, naghihinala talaga siya sa mga magulang.

Nang sinabi sa kanya ng pinsan ni Gideon na si Agatha ang tungkol sa engagement nina Gideon at Olivia, agad niyang tinawag iyon sa Mama niya dahil bilang asawa ng gobernador ng maliit na probinsiya ng Amora, mas mabilis pa sa kidlat kung makarinig ito ng mga bali-balita galing sa mga katulong nila. And her mother confirmed it.

Imposible talagang hindi nito alam na hindi naman pala si Gideon ang pakakasalan ni Olivia.

"Isa pang councilor ang nabalitaan kong totoong fiance niya. Oh, come on, Mama! Imposibleng hindi niyo alam iyon, maliit lang naman ang Amora," mahinahong sabi niya.

Napansin niya ang pasimpleng pagkurot ng Mama niya sa tagiliran ng Papa niya. Napaigtad pa ang huli.

"Ah, eh...Hija, iyon naman kasi ang usap-usapan sa buong Amora—na si Gideon at Olivia talaga ang magpapakasal," salo ng Papa niya. "Hindi naman namin alam na nabago na pala. Naging abala kami ng Mama mo sa pamomorblema sa mga death threats dati na hindi na namin nabigyang oras pa ang mga tungkol sa ganyang bagay."

Sweet Scheming Playgirl (TOG #1) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon