Chapter Three

174K 4.5K 393
                                    

CHAPTER THREE

ANG MGA larong ginagawa noon ni Haley sa mga lalaki ay- kukunin ang pansin ng mga ito, makikipagmabutihan, landian, makikipaghabulan, at... iiwan niya na ang mga ito sa ere na para bang kahit kailan ay hindi niya nakilala ang mga ito. May apat siyang naging boyfriend ngunit agad niya ring hiniwalayan kapag namilit na ang mga ito na ikama siya.

Puwede siguro siyang tawagin na playgirl but she's not cheap. She can be a seductress but not an easy lay.

Ngayon, ang laro niya para kay Gideon ay iba sa lahat. Tatawirin niya ang mga limitasyon niya, manalo lang sa larong siya lang rin naman ang nagplano.

She wants Gideon. So bad. Ngayon lang siya nakaramdam nang malakas na urge para maging kanya ang isang tao... isang lalaki, on this matter. She knows nobody can own anybody. Pero sa unang pagkikita pa lang nila ni Gideon, she wanted him to belong only to her.

Sa nakalipas na dalawang linggo ay pinigilan ni Haley ang sariling tawagan o padalhan man lang ito ng text message. She wanted him to miss her. Epektibo ang ganoong technique niya sa iba, pero kay Gideon, hindi siya sigurado.

Dumating ang araw ng party ng kaibigan niya. Pagkagising na pagkagising pa lang ni Haley ay agad niyang kinuha ang cellphone niya at tinawagan si Gideon para sa labas nila mamayang gabi.

His phone started ringing at abot-abot ang kaba ni Haley. Pa'no kung di pala siya na-miss nito? Pa'no kung nakalimutan nito ang tungkol sa paglabas nila? Iniisip din kaya siya nito sa nakalipas na dalawang linggo?

"Haley?" came that deep baritone voice.

Napalunok siya at maya'y napangiti ng marinig muli ang boses nito pagkatapos ng dalawang linggo.

"H-Hi, Gideon!" masayang bati niya rito na pilit itinatago pa ang kaba. Gosh! She can't be trembling! "Ahm... about sa party mamayang gabi, sana hindi mo nakalimutan."

"Tuloy pa pala iyon? I thought na hindi na, since you never contacted me for the last two weeks," sarkastikong sabi nito.

Napangiti si Haley. Gustong isipin na nagtatampo ang lalaki dahil sa hindi niya pag-contact dito. "I want to think that you miss me."

He ignored what she said. "Hindi ko alam kung tuloy pa ba o hindi na. Hindi ka naman nagre-reply sa mga tanong ko. I'm a busy person," he coldly said. "Kung maghahanda ako mamayang gabi at pagkatapos ay may iba ka na pa lang nahanap na kasama, sasayangin mo ang oras ko."

Napalabi siya. "So masungit," she murmured. "I'm sorry, okay? Na-busy rin kasi ako sa pagpe-paint," palusot niya pa. "Tuloy ang party... huwag ka nang magalit, please?"

Narinig niya ang pagbuga nito ng hangin. "What time and where should I pick you up?"

A big smile was back instantly on Haley's lips. "Pick me up by seven later, okay?" Sinabi niya ang address ng bahay ng pamilya niya sa Manila. Pilit niyang hindi pinapahalata ang pagkasabik ngunit hindi naman iyon natago sa tinig niya.

"Okay," tila walang-gana na sagot ni Gideon na nagpasimangot kay Haley.

"Hey, if you don't want to go already, just tell me."

Napabuntong-hininga ito. "I'll go, Haley. Marami lang akong iniisip at ginagawa rito sa Amora. Pero, pupunta ako mamaya."

Napanatag naman siya kahit papaano pero may kakaiba pa rin siyang pakiramdam. "Okay. I'll wait for you, Gideon."

Pagkatapos nilang mag-usap ay sumunod na tinawagan ni Haley ang ina.

"Hello, Ma! Good morning!" bati niya agad sa ina. "Ahm, I want to ask something..."

Sweet Scheming Playgirl (TOG #1) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon