Seducing My Crush [Alluring S...

By maentblack

1.9M 79.3K 49.1K

Alluring Series #1 Eris Julian Monterico Started: March 30, 2020 Finished: June 30, 2020 All rights reserved... More

Seducing My Crush
01
02
03
04.
05
06.
07.
08.
09.
11.
12.
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

10

40.6K 1.6K 716
By maentblack


Demrene's Point of View

Sabado ng hapon ngayon, walang pasok kaya kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko. Kanina pa akong pabalik-balik ng lakad habang iniisip kung ano ba talagang meron kay Zach at sa malanding Xyzhie na 'yon.

Galing n'ya rin ha. Magkaibigan pa talaga yung pinatos. Sana hindi na lang n'ya dinamay si Eris! Masasabunutan ko talaga yung babaeng 'yon!

Kinuha ko ang phone ko na nakapatong sa drawer at tinawagan si Maddy.

Ilang segundo ang lumipas bago n'ya masagot. Umayos naman ako ng pagkakahiga at tumingin sa kisame.

"Ano na naman ba?"

Malakas na boses n'ya agad ang narinig ko.

Inis ko namang inilayo sa tenga ko ang cellphone at sinimangutan s'ya.

"May chika ako." Sagot ko.

"Tungkol kay Eris na naman ba 'yan? Bukas mo na i-chika. May kausap pa ko."

Kumunot ang noo ko at napabangon dahil sa sinabi n'ya. "Ano?! Mas mahalaga pa s'ya kesa sakin na bestfriend mo since grade school?! Pambihira kang babae ka!"

Tumawa naman ito dahil sa sinabi ko.

"Tanga, hindi! Bukas ko na ichichikan 'yon! Ano bang chika mo ha?"

Napairap ako at humugot ng hininga para sa salida.

"Ganito kasi! Nakita ko kanina si Xyzhie at Zachary, teh!"

"Oh tapos? Ngayon ko lang nalaman na interesado ka na rin pala kay Zach! Sabagay gwapo rin yung isang yon kaso napaka-playboy kaya ekis sakin! Wag ka ron, sis!"

"Ang daldal mo! Patapusin mo muna kaya ako bago ka magsalita, wait lang kase!" Anas ko rito.

Ayoko kasi na nagsasalita ako tapos dadaldal agad s'ya, nakakalimutan ko iku-kwento ko kapag ganon. 'Di naman sa maarte pero may alzheimer's disease ata ako. Charot!

Hindi ko na nga narinig ni Maddy na magsalita.

"Nakita ko sila sa library, silang dalawa lang! May kukunin dapat ako don diba kaso hindi ko na nakuha! Alam mo kung ano ang ginagawa nung dalawa? Tangina, nagmomomol!"

Halos sigawan ko na s'ya at ugatin naman ako kakahintay sa irereak n'ya.

"Hoy ano! Anong say mo?" Muli kong tawag sa kan'ya.

"Ay! Moment ko na ba? Wala ka ng sasabihin, tapos na you?" Si Maddy.

"Echosera ka! Kanina pa. Kaya pala di ka nagsasalita, nyetang palaka!" Sigaw ko sa kan'ya.

Mas naii-stress ako kay Maddy kesa don sa dalawa. Ang bobo kausap kahit kelan.

"What?! Pota seryoso? Sigurado ka ba sa nakita mo?!"

Napahampas ako sa noo ko. "Bukas ko na nga lang sasabihin sayo! Parang ang plastic ng reaksyon mong punyeta ka. Sige na, pupunta pa ako sa Coffee Shop!"

"Huh? Coffee Shop? Ba't ka pupunta don, hindi ka naman mahilig sa kape!" Tanong n'ya.

Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kan'ya ang tungkol don.

"Nagpapart time don si Eris. Ilang sabado ko na rin s'yang kinukulit. Tsaka hoy, for your information, nagkakape ako, hindi lang always!" Pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Wow talaga! Ba't ngayon ko lang 'yan nalaman ha? Ba't di mo ko sinasama, impakta ka!"

"Wow ha, dapat bang alam mo rin kung nasan si Eris. Hoy, humanap ka ng crush mo!"

Para na naman kaming mga uhuging batang nag-aaway sa kalsada kung magsigawan sa telepono.

"Tanga, hindi naman si Eris! Ikaw ang inaalala ko! Kung saan saan ka na naman nagpupupunta, alam mo namang delikado sa daan. Stay there. Hindi ako sasama."

"Wala ka talagang kwenta. Lagot ka sakin sa Monday!"

Tumatawa pa rin s'ya bago ko i-end ang call.

Nang makatayo sa higaan, pumunta agad ako sa salamin at tinignan ang suot ko. Red skirt na above the knee tapos ipinartner ko sa black t-shirt na may tatak na 'Yolo' sa gitna tapos naka-knot sa likod para fit sakin at kita ang shape ng katawan ko. Balak ko sanang magjeans kaso mas trip ko mag mini skirt ngayon kaso gusto kong maglaway naman si Eris sakin kahit kaunti! Tapos black suede high heels sandals from Lulus. Mura lang 'to! Tsaka na ako bibili ng expensive kapag boyfriend ko na si Eris!

Nakalugay lang ang buhok ko at nagcheek and liptint lang ako pagkatapos ay lumabas na sa kwarto. Nagpaalam ako kay Mama kanina pang umaga kaya hindi ko na prinoblema ang pag-alis ko ngayon.

Sumakay ako ng taxi papuntang Greenhills dahil sa tapat non nagtatrabaho si Eris. 7PM pa lang naman at laging 7:30 ko s'ya naabutang magsuot ng apron pagkalabas ng staff room bago s'ya magsimula sa trabaho.

'Di ko alam kung nagbreak time s'ya non, kakapasok pa lang n'ya o ano basta laging ganon yung set up!

Ilang minuto lang ang byinahe namin nang binaba na agad ako ni Manong sa tapat ng Greenhills. Pagkababa ng sasakyan, mabilis kong inayos ang suot na skirt.

Ang ikli pala.

Itinaas ko pa ito ng kaunti pagkatapos ay tumingin sa screen ng cellphone ko para tignan kung mapula pa ba ang labi ko o gulo na.

Thanks G at okay pa naman!

Pagkapasok ko ng Coffee Shop ay bumungad agad sakin ang nakangiting si Eris.

"Good evening, Ma'a--m." Tumikhim ito at kaagad umiwas ng tingin nang makita n'yang ako ang pumasok.

Ni hindi n'ya nasabi ng maayos yung 'good evening ma'am' nung nakita ako! Nasexyhan siguro s'ya sakin. Sabi ko naman kasi sayo Eris, ako na lang. Wag na si Xyzhie, malandi naman yon!

Ngumiti naman ako at bumati rin, "Good evening, baby!" Sigaw ko na ikinalingon naman ni Eris.

Kunot ang noo nito at parang napikon sa sinabi ko pero bago ako umupo ay tumingin ako don sa babaeng nasa Espresso Machine.

"Good evening, Ate Baby pala!"

Akala siguro ni Eris s'ya yung binati ko na baby. Di n'ya ba alam na Babylyn yung pangalan ng katrabaho n'ya? May name tag na nga si Ate Baby tapos di man lang n'ya kilala? Sabagay, di naman masyadong pinapahalagahan ni Eris yung mga taong nasa paligid n'ya.

Pero ewan ko nga dito sa lalaking 'to kung bakit nagpapart time job!

May pinag-iipunan ka teh?

Doon ako pumwesto sa upuan na malapit sa glass window tapos nakaharap kay Eris. Gustong gusto kong pinapanuod kung paano s'ya kumilos. Yung ngiti n'ya na ang sarap halikan kapag may kinakausap na customer kaso at the same time naiinis ako kapag may lumalandi sa kan'ya na mga kasing edad lang ata namin, nagagawa pang makipagshake hands kay Eris!

Inirapan ko lang yung babae matapos s'yang umalis sa harapan ni Eris para magbayad. Umirap din ito nang makalagpas sakin, aba matapang!

Imbis na mainis ako ro'n sa babae, muli ko na lang binalik ang atensyon kay Eris.

Cute na cute talaga ako sa suot n'ya! Kaya gustong gusto kong bumabalik dito kahit palayasin na ko ni Mama kasi inuubos ko allowance ko kakabili ng coffee at dessert!

Nakamilk and cow fox ears headband sila na kulay black and white long sleeve polo na nakatupi hanggang siko n'ya at nakablack pants; nakasuot din s'ya ngayon ng half-waisted apron na kulay pula. Bumabagay din sa kan'ya yung itim n'yang wrist watch rolex.

Ang lakas ng dating n'ya sa suot n'yang yon!

Well, palagi namang ganon si Eris, kahit anong suot n'ya ang sarap n'ya pa rin sa mata.

Dumating ang order ko at si Eris sana ang magse-serve non kaso ipinasa n'ya sa kasamahan n'ya. Hindi ko alam kung ano ang ibinulong ni Eris don pero pagkatapos non ay pumasok s'ya sa staff room.

Napasimangot naman ako nang ilapag ni Jaike ang inorder ko sa table ko. Black forest lang 'to tapos oreo chocolate shake. Hindi na ako nag-order ng kape dahil last time na bumili ako non, hindi agad ako nakatulog nung umuwi ako ng bahay!

"Enjoy your food, Ma'am!" Abot tenga nitong ngiti pagkatapos ay tumalikod na sakin.

Tamad na tamad ko namang inislice ang cake sa plato ko habang nakasalumbabang naghihintay ng paglabas ni Eris sa staff room.

Ang tagal naman non! Sino kayang hinaharot non sa loob!

Napatingin ako sa wrist watch ko at nabitawan ko ang tinidor nang makita kung anong oras na! 8:45 na pala! Mag-a-out na si Eris!

At ganoon na nga, napatayo ako sa kinauupuan ko nang makitang lumabas si Eris sa staff room. Dala na n'ya ang jacket na hindi naman n'ya sinuot, nakasuot lang yung itim na sumbrero n'ya sa kan'yang ulo. Hindi na rin n'ya suot ang apron at nakaplain light pink t-shirt na lang s'ya ngayon.

Bakit parang mas masarap pa si Eris kesa sa black forest na 'to? Ang weird ha?

"Ge, ingat tol!" Paalam noong Jaike kay Eris bago sila magtapikan sa balikat.

Napatingin naman saglit sakin si Eris bago s'ya tuluyang lumabas ng pinto. Kaagad ko naman s'yang sinundan at hinabol. Ang bilis maglakad ng gago o! Halatang sinasadya.

"Eris!" Tawag ko sa kan'ya. Hindi man lang n'ya ko nilungunan kaya mas binilisan ko ang lakad ko para makasabay sa kan'ya.

Kaso nagtataka ako kung bakit iba yung direksyon na pinupuntahan namin. Dun dapat kami sa left kasi don ang building ng condo namin at condo nila!

"Uy, Eris. Pasensya na nga pala kahapon. Nag-away ba kayo ni Xyzhie dahil sakin? Nung nakita n'ya tayo sa hagdan?" Tanong ko sa kan'ya habang naglalakad kami.

Hay nako! Sana nga nag-away kayo tapos nakipagbreak ka kay Xyzhie dahil masyado s'yang madaldal at selosa tapos ikapipikon mo 'yon.

Diretso lang naman ang tingin n'ya sa daan habang hawak hawak ang telepono. May katext ata kaya hindi ako pinapansin.

"Hoy, Eris mali yung daan natin! Dun dapat-- Ay susmaryosep!"

Napatigil ako sa paglalakad nang bigla s'yang tumigil sa harapan ko. Muntik na akong mauntog sa dibdib n'ya. Shit sayang!

"Stop following me." Seryoso n'yang saad pagkatapos ay naglakad na ulit.

Hindi ko naman s'ya sinunod at muling sumabay sa kan'ya.

"Pasabay! Gabi na kasi, wala akong kasama pag-uwi. May pupuntahan ka pa ba? Pwede naman kitang hintayin--"

"Go home, Ms. San Mateo. I have no time for this." Napatigil na naman kami sa paglalakad.

Nakahawak na ako sa dibdib ko ngayon dahil sa pabigla-bigla n'yang pagharap!

"Andamot mo naman, sasabay lang e! Di ka ba nag-aalala sakin, gabi na o! Pauuwiin mo talaga ako mag-isa, Eris?!" Sigaw ko sa kan'ya habang nakatigil at pinapanuod s'yang lumakad papalayo.

Muli ko s'yang hinabol at napahawak ako sa manggas ng damit n'ya. Tumigil naman s'ya sa paglalakad at mabilis kong inalis ang kamay kong nakahawak don.

"Pasabay na kasi." Ngumiti ako kahit na masama ang tingin n'ya sakin.

Ang pula ng labi oh! Parang ang lambot pa!

Napailing ako nang mapansin nyang nakatitig ako sa labi n'ya.

"I'm going to pick my girlfriend. Go home by yourself."

Pagkasabi noon ni Eris, parang bumagsak ang magkabilang balikat ko pati na rin ang ngiti ko. Wala na akong nagawa noong narinig ko yon.

Aray ko naman, Eris! Kahit kailan talaga ang sakit mong mahalin!

Bumuntong-hininga ako at tinalikuran na s'ya. Habang naglalakad ay bahagya ko namang ibinaba ang skirt ko.

Masyadong maraming tao ang nakakasalubong ko, malimit pa sa kanila mga lalaki. Kinakabahan ako! Medyo madilim pa naman dito tapos bihira lang yung dumadaang sasakyan!

"Tsk, nakakainis ka talaga kahit kailan, Eris!" Nakanguso kong saad pagkatapos ay sumimangot.

Kinuha ko ang cellphone sa shoulder bag ko. Itetext ko sana si Matt para sunduin ako kahit ang kapal ng mukha ko sa part na 'to kasi nagpapasundo ako sa lalaking hindi ko naman boyfriend!

Kaso noong magtatype na ako ng message, napatigil ako dahil pakiramdam kong may sumusunod sakin.

Napalunok ako ng laway at muling nagpatuloy sa paglalakad. Mas binilisan ko pa ang lakad kahit na nakaheels ako.

Ayokong ma-rape, putangina! Kay Eris lang naka-save 'to! Lord, huwag N'yo po akong pababayaan! Mahal na mahal ko po si Eris, Lord!

Muntik-muntikan na akong madapa dahil sa bilis kong maglakad. Bakit kasi walang dumadaan na taxi papuntang Ortigas?! 9:00 pa lang naman a!

Muli akong tumingin sa likuran ko pero wala naman. Madilim lang tapos puro mga taong naglalakad pabalik! Hay nako, Eris! Kung hindi lang kita crush, hindi ko gagawin 'tong mga 'to!

"Ay kalabaw!"

Nabitawan ko ang aking cellphone nang biglang sumulpot na lalaki sa tabi ko ngunit bago pa yon tuluyang mahulog mula sa lupa ay mabilis n'ya itong nasalo.

Feeling ko sasabog ang puso ko hindi dahil sa takot, kundi dahil sa kilig! Nasalo n'ya ang cellphone ko ng ganon kabilis! Tapos tinignan pa n'ya ko ng diretso sa mga mata matapos n'ya yung saluhin! Ang hot n'ya sa ginawa n'yang yon ha!

Ang bilis tuloy ng tibok ng puso ko.

"Eris?!" Nagulat ako nang makita s'ya pero mas kinagulat ko nang bigla n'yang ihagis ang cellphone ko sakin.

Ang sama pa rin ng ugali!

Nauna s'yang maglakad papalayo pero kaagad ko namang s'yang hinabol. Same direction na ang nilalakad namin ngayon.

Teka, bakit n'ya ko binalikan? Bakit s'ya nandito ngayon? Narealize na ba n'yang mas mahalaga ako kesa kay Xyzhie? Wow! Kinikilig ako!

"Eris, bakit ka bumalik? Kala ko ba susunduin mo si Xyzhie?" Naiintrigang tanong ko sa kan'ya.

Kagaya ng kanina, seryoso at diretso lang ang tingin n'ya. Nakalagay ang dalawang kamay n'ya sa magkabilang bulsa at hindi man lang ako nililingunan.

Ano kayang problema nito?

Tumigil kami sa waiting shed kung saan may dumadaang bus.

"Magsu-supreme tayo?" Tanong ko sa kan'ya pero hindi pa rin n'ya ko kinakausap.

Ay! Kaya siguro walang nadaang taxi kanina kasi puro supreme lang.

Nang may tumigil na supreme sa tapat namin, si Eris ang nangunang pumasok. Sumunod naman ako sa kan'ya. Buti at hindi nag-uunahan ang mga pasahero, palibhasa kakaunti ang tao.

Naupo s'ya sa tabi ng bintana. Tinignan pa n'ya ko habang nakakunot ang noo at parang ayaw akong katabi.

Wala namang nagawa ang tingin n'yang yon dahil mabilis akong tumabi sa kan'ya. Nginitian ko s'ya ngunit kaagad naman n'yang ibinaling ang tingin sa bintana.

Snobber ang lolo mo!

Sige lang, pakipot ka pa. Sakin din ang bagsak mo sa huli. Hehehe.

Ilang minuto na kaming tahimik at hindi ako mapalagay dahil don. Kating-kati na ang bibig kong magsalita.

Tumikhim ako at humarap sa kan'ya.

"Bakit nga pala hindi kayo magkasabay ni Xyzhie?"

"Keep your nose out of it." Mahinang saad n'ya pero sapat na para marinig ko.

Teka ano raw? Keep my nose our of it? Ha? May problema ba si Eris sa ilong ko?!

Hindi ko pa sure kung anong isasagot ko kay Eris. Ano bang ibig sabihin nung sinabi n'ya? Hay nako!

Bahagya akong lumayo sa kan'ya at kinuha ang cellphone ko. Inopen ko ang chrome at nagpunta kay Google.

Sinearch ko kung ano ang meaning ng 'Keep your nose out of it' at bigla akong natawa nang mabasa ang meaning non.

Ahh, to avoid becoming involved in someone else's situation pala yon, in short, wag akong mangialam. Ang sungit!

"You search it?" Napatingin ako kay Eris nang magsalita s'ya.

Mabilis ko namang pinatay ang cellphone ko. "Hindi a! Naintindihan ko kaya yung sinabi mo, sabi mo huwag akong mangialam. Anong akala mo sakin, bobo? Hindi no!"

"Okay." Pagkasabi n'ya noon muli s'yang tumingin sa bintana.

Napanguso naman ako at inirapan s'ya. Huminga ako ng malalim at asar na tinignan ito.

"Bakit ka kasi nag-eenglish? Ako lang 'to, Eris. Ako lang 'to si Demrene, yung future Mommy ng mga anak mo." Nagawa ko pang isipit sa likod ng tenga ang ilang hibla ng buhok ko kahit hindi s'ya nakatingin sakin.

Umusod naman s'ya ng bahagya papalapit sa bintana. Parang kinikilabutan sa sinabi ko.

"Such a kooky." Rinig kong bulong n'ya.

"Ano?" Kunot-noong tanong ko dahil hindi ko na naman maintindihan ang sinasabi n'ya.

Hindi n'ya ako pinansin kaya asar na naman akong pumunta kay Google at sinearch. Nahanap ko na ang meaning non pero napakagat ako ng labi at kumamot sa ulo. Bakit lalong hindi ko maintindihan?

WTF, google? Ayus-ayusin mo trabaho mo, ipapatumba kita!

"I mean, you're crazy. Crazy for thinking stupid things." Napatingin ako kay Eris nang magsalita s'ya pero diretso lang ang tingin sa labas.

"Ah, kooky means crazy? Oy hindi ha! Hindi kaya ako baliw--"

Tumigil ako sa pagsasalita nang kuhanin n'ya ang kan'yang earphone at isuot iyon. Pinagkrus n'ya rin ang mga braso pagkatapos ay pumikit.

"Tss." Inirapan ko s'ya pagkatapos ay inayos ang upo. "Pero alam mo, mas malinaw ka pa mag-explain kesa kay Google! Kaya, thank you pa rin!" Sabi ko sa kan'ya kahit alam kong hindi n'ya ako naririnig.

Ilang minuto na kaming nasa byahe at nang tumigil ang supreme, doon na rin bumaba si Eris. Unang nadadaanan ang condo nila kapag sa supreme kami nasakay.

"Good bye, Eris! Mag-iingat ka pag-uwi! Labyu!" Sigaw ko sa kan'ya bago s'ya tuluyang lumabas.

Umiling lang naman ito at hindi man lang nag-good bye sakin o kaya naman good night o kahit man lang labyutu bebeq, wala s'yang sinabi!

Pero kinikilig pa rin ako kasi nakasabay ko s'ya pag-uwi tapos nakatabi ko pa sa supreme! Mas masaya sana kung kinakausap n'ya ko pero okay na rin, at least masarap ang tulog ko mamaya nito!

Hindi maalis ang ngiti sa labi ko mula noong bumaba ako ng supreme hanggang sa makapagpalit ako ng damit at mahiga.

Nakatingin ako sa kisame at inaalala yung kanina. Ang bango bango ni Eris. Amoy Dolce & Gabbana na Light Blue! Parang pang artistahin ang amoy! Naaamoy ko pa rin yung pabango kahit ngayon. Kumapit na ata sa katawan ko!

Tapos yung pilik n'ya habang natutulog, kanina ko lang napansin na nakacurl pala yon. Natural kaya yon o gumagamit s'ya ng curly? Maiingit talaga ako kapag natural 'yon, napakaperfect!

Bumangon ako saglit para kunin ang cellphone ko. Mag-gogoog night ako kay Eris! Hihihi.

Binuksan ko messenger ko at saktong online naman ito. Pero syempre gagawa muna ako ng kaunting palabas para naman humaba ng kaunti ang convo namin. Ilang taon ko na s'yang crush pero hindi pa aabot ng limang slide ang convo namin!

Clinick ko ang chat head n'ya na nangunguna sa recent searches ko.

Demrene San Mateo: Hi, Eris! May itatanong lang sana ako. Alam mo ba kung anong title ng book na 'to? Pinapatanong kasi ng isang friend ko. Baka alam mo since mahilig ka namang magbasa ng books.

Nagsend ako ng picture sa kan'ya. Nakalagay don yung ilang sentences galing sa story.

Ilang minuto bago n'ya mabasa ang chat ko. Halos antukin na nga ako kakahintay kaso strong yung pagmamahal ko sa kan'ya. Antok lang 'to, si Eris yon!

Eris Julian Monterico: I don't read that kind of series.

Napasimangot naman ako sa sagot n'ya. Ano ba 'yan? Pano ko papahabain yung convo natin kung ako lang yung interesadong kausapin ka! Ang pangit pa ng reply mo.

Demrene San Mateo: Ah, ganon ba?

Napahiga ako at inis na ginulo ang kama gamit ang paa at kamay. Nag-iisip pa ako kung anong magandang pambanat.

Nakaka-intimidate kasi s'yang kausap kahit sa chat!

Sandali akong napatingin sa cellphone ko nang maramdaman kong magvibrate ito ng dalawang beses.

Eris Julian Monterico: Slice of life. That time i got reincarnated as a slime.

Kunot-noo naman akong napatingin sa kisame pagkatapos ibaba ang cellphone.

Ha? Ano na namang sinasabi nito?

Kumagat ako ng labi at nagreply.

Demrene San Mateo: Ha? Ano?

5 o 7 minutes ata ako naghintay bago na naman n'ya maseen ang chat ko!

Eris Julian Monterico: The first one is the genre. The second one is the title of the book.

Napatawa naman ako sa chat n'ya. Kanina pa naman ako nakangiti, hindi pa rin naaalis. Typing pa nga lang s'ya, abot tenga na ngiti ko kaya naman sobrang sakit na ng panga ko kakangiti!

Lumunok ako ng laway at kinagat ang labi para pigilan ang ngiti.

Demrene San Mateo: Ah yon pala! Kala ko naman naging slime ka na! Reincarnated as a slime ka pa dyan HAHAHA.

Ibinaba ko ang cellphone ko pagkasend ko non kasi tawang tawa ako sa katangahan ko, pero at the same time, tuwang tuwa ako kasi nakakausap ko s'ya.

Chineck ko ang cellphone ko pero wala pa rin s'yang reply. 10:34 PM na at medyo bumibigay na talaga ang mata ko. Ano kayang ginagawa n'ya at ang tagal n'ya magreply!

Sumimangot ako nang makitang hindi nagdeliver ang huling reply ko. Hala baka tulog na! Maggo-good night pa ko, hoy!

Magcha-chat ulit sana ako pero bigla s'yang nagseen. Lumunok ako at gumuhit na naman ang ngiti sa mga labi ko.

Eris Julian Monterico: Ah, akala ko mas malinaw ako kay google.

Nahulog ang cellphone ko sa aking mukha ng mabasa ko yon. Napamura ako sa sakit pero mas inuna kong basahin ulit yung reply n'ya.

Ah, akala ko mas malinaw ako kay google.

SHIT! Narinig pala n'ya yung sinabi ko kanina sa supreme?! Kala ko ba nakaearphone s'ya, teka! Teka kinikilig ako.

Tumihaya ako at kaagad s'yang nireplyan.

Demrene San Mateo: Luh? Totoo naman! Mas malinaw ka mag-explain kesa kay google, na-slow lang naman ako ng kaunti!

Nakangiti pa rin ako habang naghihintay sa chat ni Eris. Halos kainin ko na ang unan dahil sa kilig. Hindi ko maiwasan yung kilig pagdating kay Eris. Yung tipong kahit wala s'yang ginagawa, kinikilig pa rin ako sa kan'ya, walang awat na ngiti.

Nang pakiramdam rereply si Eris ay naggood night na ako. Hindi ko na rin kaya ang antok dahil 11:00 na. Lagot ako nito kay Mama kapag tanghali na akong gumising.

Ilalagay ko na sana ang phone ko sa ibaba ng drawer ngunit nagvibrate ulit ito. Kaagad ko yung tinignan at bahagya akong nadismaya pero masaya pa rin dahil sa reply n'ya.

Eris Julian Monterico: 👍

Continue Reading

You'll Also Like

194K 5.6K 60
[The Palmer Brothers: DOS] - I was surrounded by roses but I ended up loving the thorn. I forgot that it can give pinpricks and could make me bleed.
4.1K 818 79
❝ crush ko pero ang hirap umamin. ❞ ━ in which a girl secretly admires a guy and also secretly admires her. 「 im jaebum • jung eunji...
348K 13.9K 32
Alluring Series #2 Ivann Remus Francisco III Started: June 02, 2020 Ended: August 04, 2020 All Rights Reserved 2020 Credits to Voltage Inc for the co...
14.7M 329 1
Secret Trilogy: Secretly Living With My Husband (Book 2 of 3) They began in a secret relationship. Went through many trials and fought together becau...