Ang Stalker kong Bampira (Reb...

By gmelwrites

68.8K 2.4K 39

[REBOOTING] Ang akala mo, alam mo na ang lahat. Highest rank: #59 in Vampire More

Happy 4th Anniversary ASKB!
Simula
1
2
3
4.1
4.2
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22.1
22.2
Author's Note

Wakas

2.7K 73 2
By gmelwrites

Malamig ang simoy ng hangin. Sa halos limang taon, ngayon lang ako nakahinga ng maluwag. Hindi ko namalayang, marami pa lang nakabaong tinik sa puso ko. Si Eduardo Cervantes. Takot na takot talaga ako sa kanya nung una. Hindi ko akalaing mamahalin ko siya ng ganito.

Ako yung taong duwag. Lalo akong naduduwag kapag nakikita kong nahihirapan ang ibang tao para sa akin. Noong ikinulong ko ulit si Eduardo at namatay ang anak namin, bumabangon na lang ako dahil kailangan , hindi dahil sa gusto ko. Doon ko napatunayang duwag talaga ako. Kaya madali akong nagtiwala kay Angelo. Kasi hinahanap ko yung butas sa puso ko. Ang totoo, wala namang butas. Ako lang gumawa ng butas na iyon.

"Malalim na naman ang iniisip mo." Niyakap ako ni Eduardo mula sa likod. Ang halimuyak niya na hindi ko pinagsasawaan ay nanunuot sa akin ilong.

"Kaya pala madaling madali kang makabalik dito sa Manila ha?" Humalakhak ako ng halikan niya ako sa aking leeg.

"Kailan tayo magpapakasal?" Tanong niya. Natigilan ako. Hindi ko pa naiisip ang pagpapakasal pero alam kong doon kami patungo.

"Kung kailan mo gusto." Simpleng saad ko na lang.

"Bukas kaya?"

"Pwede din." Hinalikan ko siya sa labi. Hindi ko pagsasawaan ang mga labing iyon.

"Nica, may hindi pa ako nasasabi sa iyo." Napatigil ako.

"Ano iyon?"

"Sunog na talaga ang orihinal na itim na libro." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Ano?!" Bumilis ang tibok ng puso ko.

"May kaibigan akong nakilala dati. Siya ang tumulong sa akin upang mapaikli ang talab ng pagiging bampira ko." Bumuntong hininga siya."Bukod kay Veronica Rosso, siya lang ang may kopya ng susi ng pinto. Napakatalino niya. At sa palagay ko siya ang gumawa ng librong iyon."

"Sino siya Eduardo?"

"Siya si Emelita Trinidad." Nag-iwas siya ng tingin. May hindi pa siya sinasabi sa akin."Matagal na iyon ngunit alam kong ginawa niya ang librong iyon dahil sa akin. Hindi man niya inamin...Nabasa ko sa isip niya na mahal niya ako."

"Bakit mo sinasabi sa akin to?"

"Umm. Dahil nais kong makilala mo ang mga babaeng dumaan sa buhay ko." Hinalikan niya ulit ako. Masaya ako. Hindi ko alam kung bakit. Basta masaya lang ako.

"May sasabihin din ako sa iyo Eduardo..Lola ng lola ko si Emelita Trinidad. Laging siyang bukambibig ng lola ko dati nung nabubuhay pa siya."

"Ano sa tingin mo ang ibig sabihin non?"

"Wala na akong pakialam." Hinalikan ko siya. Mahal na mahal ko ang lalaking to. Mahal na mahal na kahit ano kaya kong gawin. Patawad..Veronica Rosso. Nasa akin na ang mahal mo.


"Kailangan ko ng tulong mo." Inayos ko ang aking mga gamit at pinagmasdang mabuti ang babaeng naligaw sa aking tindahan. Naka baro't saya siya at nakabalabal ang ulo. Tanging mata niya lamang ang aking nakikita.

"Ano iyon?" Bago niya alisin ang kanyang balabal ay luminga linga muna siya sa paligid. Nang mapagtantong walang ibang tao ay tsaka pa lamang siya nagsalita.

"Nabalitaan kong manggagamot ka raw. Kailangan ko ng isang gamot."

"Anong gamot ba ang kailangan mo? Mayroon akong pangontra sa lagnat, ubo, sipon, tigdas."nilapit ko ang mukha ko sa kanya at ngumisi." Mayroon din akong panggayuma at pangontra kulam."

Nanginginig ang kanyang mga mata at kagat kagat ang labi. Inayos ko ang aking upo at itinuro sa kanya lahat ng aking mga gamot.

"Sa tingin ko'y hindi mo pa nagagawa ang kailangan ko." Ibinagsak ko ang aking mga kamay sa lamesa at tumawa.

"Bakit? Ano ba ang iyong kailangan?" Inilabas niya ang isang itim na libro at inilahad sa akin.

"Nakagawa ng isang pagkakamali ang aking ama sa lalaking pinakamamahal ko. Nakasaad lahat sa aklat na ito." Kinuha ko ang itim na aklat at pinagmasdan itong mabuti.

"Ano nga pala ang iyong pangalan?" Ngunit wala na ang babae. Nawala ito ng parang bula.Naiwan sa akin ang isang mahiwagang itim na libro.
Inumpisahan ko itong basahin. Sa wikang ingles ito nakasulat. Buti na lamang at nag-aral ako sa Englatera kaya naintindihan ko.

'My father made the love of my life a vampire. His name is Eduardo Cervantes. I can't take it anymore so I decided to consult you. Please help him. He's on a cave. Hiding from people. He's a human but when the sun sets--he will become a vampire. Too dangerous vampire that he can even kill me--his princess.'

Ibinaba ko ang sulat niya na nakaipit sa libro. Bampira! Isang kathang isip na binuhay ng isang tao. Kamangha mangha. Ngunit masyadong nakakapangilabot.

Nakita ko na lamang ang aking sarili na naglalakad patungo sa kwebang sinasabi ng libro. Masyadong tahimik ang gubat dahil bawal ang tao dito. Masukal at mapuno.

Dala dala ko ang aking mga gamit. Kung iba ang tatanungin, kamangmangan ang aking ginagawa. Bakit ko kailangang ibalik sa pagiging tao ang isang mapanganib na bampira?

Pumasok ako sa madilim na kweba. Hindi ko pa nasisindihan ang lamparang dala ko nang may humawak na sa aking leeg.

"Sino ka?" Malat at buo ang kanyang boses.

"Isa akong manggagamot. Nais ko lamang makatulong. Ako nga pala si Emelita." Unti unting lumuwag ang kanyang hawak sa akin. Nagkaroon na ako ng pagkakataong sindihan ang lampara.

Naaninag ko ang kanyang mukha. Marami itong sugat. Napatingin ako sa kanyang labi. Walang nakausling pangil dito. Napabuntong hininga ako. May araw pa nga pala.

"Ikaw si Eduardo hindi ba?" Inilapag ko ang lampara sa isang malaking bato at ibinaba ang bayong na hawak.

Inilabas ko ang aking mga gamit. Mga dahon at mga medisinang maaaring makatulong sa kanya.

"Umalis ka na. Hindi ka ba natatakot sa akin?" Umiling ako at ngumiti sa kanya.

"Bakit naman ako matatakot? Hindi ka naman mangangagat di ba?" Tumawa pa ako ng bahagya upang mapagaan ang aming aura.

"Nangangagat ako." Tumango na lamang ako at hinalo halo ang mga gamot.

"Kapag ba nagiging bampira ka, ano ang nararamdaman mo?" Tanong ko.

Nanlaki ang kanyang mga mata." Paano mo nalaman?"

"Hindi na mahalaga yon! Basta sagutin mo ako!" Umupo siya sa tabi ko at nakibuklat na rin. Hindi naman pala siya nakakatakot. Masyado lang talagang nakakatakot ang pagsasalaysay ng babaeng iyon.

"Sa sobrang sakit, nawawalan na lamang ako ng malay at magigising na bampira. Parang binibiyak ang aking katawan." Inabot ko sa kanya ang isang bote. May laman itong puting likido.

"Inumin mo ito. Makakatulong sa'yo to." Umiling siya at iniharang ang kamay sa kanyang bibig." Magtiwala ka. Hindi kita ipapahamak." Buong puso kong saad.

Ininom niya ang gamot.

Pagkatapos ay nagpatali siya sa akin sa isang puno kahit ayaw ko. Hindi siya isang hayop! Tao pa rin siya. Ngunit wala na akong nagawa dahil siya na mismo ang nagtali sa kanyang sarili.

Kinagabihan ay pinanood ko siyang maging bampira. Halos mabuwal ang puno dahil sa pagwawala niya. Nahabag ang aking puso. Sino ang may kayang gumawa nito? Wala siyang puso.

Simula nung araw na iyon ay tinulungan ko na siya. Unti unti ay umuunlad ang panggagamot ko sa kanya. Kung dati ay mula paglubog ng araw hanggang sa pagsikat muli siya nagiging bampira.. Ngayon ay hanggang alas dose na lang ng hating gabi. At ayon din sa kanya ay nabawasan na ang sakit sa kanyang nararamdaman.

Perpekto ang lahat ng gamot ko pero kapag iniinom na niya, nagiging palpak na ito. Pilit kong hinanap ang kulang pero iba ang nahanap ko.

"Mahal na yata kita." Sabi ko kay Eduardo habang pinagmamasdan siyang natutulog. Hindi ko alam kung kailan. Sa loob ng dalawang taong panggagamot ko sa kanya... Hindi ko na namalayan na minamahal ko na pala siya.

"Veronica.." Sinabi na naman niya ang pangalan na iyon. Siguro iyon yong babaeng nagbigay sa akin ng libro. Ang babaeng dahilan kung bakit ako nandito.

Hinaplos ko ang kanyang pisngi. Napakainosente niya kapag tulog. Gusto ko siyang tulungan at ilaan lahat ng aking oras para maging tao siya. Kung matapos ang araw at hindi niya ako mahalin... Buong puso kong tatanggapin na hindi siya para sa akin.

Kung kailangan ko siyang pakawalan ay gagawin ko. Bago matapos ang taon ay natuklasan ko ang sangkap na hindi mabibili ni mahahawakan. Tanging nararamdaman lang. Ang isang tunay na pag-ibig. Kapag may nagbigay sa kanya ng ganoon ay mawawala ang bisa ng gamot na ginagawa siyang bampira. Ngunit kailangan niya itong tanggapin ng buong puso at mag-alay din ng totoong pagmamahal. Hindi mahalaga ang mga salita. Basta't nag-isa ang himig ng kanilang mga puso ay magiging tao na siya.

Sinubukan ko sa kanyang sabihin iyon ngunit naunahan na ako ng babaeng pinakamamahal niya. Nabihag na siya nito. At kahit ibigay ko sa kanya ang lahat... hindi tatalab ang mga gamot.

Masakit na ang mga paa ko pero hindi pa rin kami tumitigil sa kakatakbo. Nakarating kami sa gitna ng kagubatan na hinahabol ang mga hininga.

"Eduardo, mahahabol nila tayo." Umiling siya at tila tinanggap na ang kanyang kapalaran.

Hinawakan ko ang kanyang labi. Ilang beses ko na ring nahalikan iyon sa aking mga panaginip. May nakausling pangil doon.

Marami na siyang sugat. Maghihilom din naman agad iyon pero matatapos na ang hating gabi at kapag naging tao na siya lalong lalala ang kanyang mga sugat kapag nagkataon.

"Sumusuko ka na ba?" Pinigilan ko ang aking mga luha. Hindi ako natatakot na patayin gamit ang mga sulo kung siya ang aking kasama.

"Masyado kang matapang para sa akin, Emelita." Hindi. Hindi. Ano ang nais mong sabihin Eduardo? Hindi kita kayang pakawalan, mahal na mahal kita.

"Patawad at hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo. Kahit anong gawin niya... mahal ko pa rin siya." Oo nga pala. Nababasa niya nga pala ang mga iniisip ko. Tumulo na ng tuluyan ang aking mga luha.

Kinuha niya ang aking kamay... at inilagay doon ang isang gintong susi.
"Pagdating ng takdang panahon.. Magkikita ulit tayong dalawa. Hindi ko maipapangakong maibibigay ko na ang aking puso sa'yo pero sana ay hintayin mo ako. Ito ang replika ng susi na hawak ni Alessandro Rosso. Nakuha na nga nila ang itim na libro pero may pag-asa pa. Hinhintayin kita. Hanggang sa muli, mahal kong kaibigan."

Tumakbo na siya. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko man lang nasabi sa kanyang mahal ko siya kahit sa huling pagkakataon. Nakakainis talaga kapag kinokontrol niya ang isip ko.

Hinintayin kita, mahal ko.

Continue Reading

You'll Also Like

11.6M 576K 53
Kallaine Seraphina Verlas is a vampire with a white curse-a curse that every creature feared the most. She already accepted her existence alone, trap...
2.1M 71.6K 51
A school where different kinds of vampires such as pure bloods, noble vampires and hybrids study and train to be a true vampire. It all started with...
8.9M 324K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
11.1M 564K 53
Free-spirited Nahara Shalani Carjaval is. She couldn't be more pleased to be the center of attention and to be recognized as the most daring campus q...