Battle Scars (Querio Series #...

By Barneyeols

123K 5.2K 626

Major Athos Prescott Querio, is the pride of the Special Forces Unit. He's one of a kind. His records are all... More

Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Wakas
Samara Sybil Leoncio
What's Next?

Kabanata 37

2.2K 125 22
By Barneyeols

Kabanata 37

Tahimik na sumunod si Samuela kay Athos pababa sa unit. Mahigpit ang hawak niya sa kanyang bag. Hindi nagsasalita at diretso ang tingin nito sa pintuan.

Malalim ang mga hinga ni Samuela doon at pinanood na lang ang mga numero na bumaba hanggang makarating sa ground floor.

Pagkalabas nila, wala pa doon si Polo. Nakatayo lang silang dalawa sa harapan ng condo.

"You texted your husband?" he asked.

Tumango si Samuela at hindi na nagsalita. Dumistansya rin siya mula sa binata at tumingin sa kalsada.

"You work under the Lunas?" tanong ni Athos.

They're relatives so, he should know. Depende na lang kung ikinuwento ni Andres iyon.

"Yes, Polo's friends with Andres." she answered but with no remorse.

Dumilim ang mukha ni Athos sa kanya. Tumikhim si Samuela at nag-iwas ng tingin.

"Come to your old house tomorrow. We'll draw a plan for this with our leads." he ordered.

Umiling si Samuela. She obviously can't.

"I cannot. May program si Nat sa daycare bukas." she said.

"She goes to school? Where?" he asked.

Natigilan si Samuela sa sunod-sunod tanong ni Athos. He's so nosy but she let it pass. It's a good thing na nakakapag-usap na rin sila ng hindi na siya ganoong katakot na makulong.

"Just here in Makati." she vaguely said.

Naputol rin naman ang tanungan dahil dumating na ang puting SUV ni Polo. Tumigil ito sa harapan niya.

Binaba nito ang bintana at ngumisi kay Samuela. Lihim na napairap ito at nilingon si Athos.

The lieutenant colonel stood straight, and watched Polo with hawk-like eyes.

"I'm going home. You know how to contact me if you need me. I just can't make it tomorrow." she reminded.

Tumango si Athos sa kanya at bumaling muli sa banda ni Polo. The brute just waved his hand para batiin si Athos.

He smiled so wide while Samuela's climbing on the front seat. Bumusina pa ito ng mahina at sumaludo kay Athos.

"We'll get going, Sir..." he confidently said and stepped on the gas.

Nang makalayo na sila ay sumulyap silang dalawa sa rear view mirror. Nakatayo doon si Athos at tinitingnan ang kanilang sasakyan hanggang sa lumiko na ito papunta sa kalsada.

"You crazy ass!" mura ni Samuela at marahang hinampas ang balikat ng tumatawang si Polo.

"You saw that? He's jealous, Sam." sinabi niya iyon na para bang nakakatawa iyon.

Umismid si Samuela. She's not buying it! Palagi namang seryoso iyon kaya hindi niya masabi. But he's a bit...stiff.

"He wants you back! I can say that. Halos maihi ako sa tingin niya." he laughed again.

Umirap si Samuela.

"Whatever, Polo. Let's just go home. Namimiss ko na si Natalia." she reasoned.

"Miss mo na si Natalia? Si baby naman kasi tapos  na si daddy?" biro ni Polo.

Samuela raised her middle finger. Panay ang kantyaw ni Polo hanggang sa makauwi sila sa penthouse.

Ate Ningning's busy cutting some papers for Natalia's costume. Nutrition month bukas and she's portaying a vegetable for a play.

Natalia's busy singing the vegetable song they're about to perform tomorrow. Panay din ang tawa niya dahil sa paglalaro.

She coached Natalia for tomorrow. Si Polo naman ay tumulonh na din sa paggawa sa costume nito.

"Mama! Squash!" turo ni Natalia sa katatapos lang na costume.

Pumalakpak pa ito nang makita ang isusuot niya para bukas. Sinuklay ni Samuela ang buhok nito.

"Yes, baby. You will be a very beautiful squash." she kissed her cheeks.

"Papa, watch?" she asked again.

Kumunot ang noo ni Samuela doon. Nagkatinginan sila ni Polo. He looked shocked at the same time.

Samuela kneeled to level her daughter's face. Hinaplos niya ang pisngi nito.

"Yes. Papa Ninong will watch you, Nat." she answered.

Umiling si Natalia sa kanya.

"No! Not Papa Ninong!" she screamed.

Kabado si Samuela na nag-angat ng tingin kay Polo. May bahaw na ngisi si Ningning.

"Ma'am. Natanong po kasi siya noong isa niyang classmate kung sino ang Papa niya."  paliwanag ni Ate Ningning.

Kabado si Ate Ningning na sinabi iyon. Polo sighed and pat Natalia on the head. Hindi ito nagsalita at sinenyasan na lang si Ate Ningning na aalis sila doon para hayaan si Samuela at si Natalia.

Nang mawala ang mga ito, hinila ni Samuela sa couch ang nakasimangot na si Natalia. Gusto niyang matawa dahil  kamukha siya ni Athos sa ginawa nito.

"Nat," she cupped her daughter's face. Mapula ang mga mata ni Natalia.

"I will try to talk to your Papa, okay?" she promised.

Tama si Gregory, he needs to know. Athos deserves to know. Dalawang taon na ang kinuha niya sa mag-ama niya at walang sinuman ang dapat makaranas noon.

"I have... Papa?" tanong ni Natalia.

She still cannot speak well. She was so surprised na naiintindihan iyon ng kanyang anak. Marahan siyang tumango.

"Yes. You have your Papa. But Mama needs to ready herself." she answered.

"He will be so happy to meet you, Nat. I know."

-
Tomorrow has come. Excited si Natalia na umalis sa bahay. Gusto na nga nitong suotin ang kanyang costume ngunit napigilan lamang ni Polo.

Nakaupo sila sa puting SUV ni Polo. Sa likuran ay naroon si Natalia at Ningning. Panay ang turo ni Ningning sa steps ng munting sayaw ni Natalia mamaya.

She doesn't have lines because she cannot talk but she'll be a part of a dance presentation later.

Dumating sila sa eskwelahan. Kabado niyang binuhat si Natalia papasok. Polo's holding the big squash costume. Habang si Ningning, ay ang mga gamit nila.

Nilingon ni Samuela ang paligid. No signs of Querios. Malamang ay pupumta ang mag-asawang Kristoff at Olivia para kay Vicci.

She's silently praying na hindi mamukhaan ni Kristoff ang anak kahit na napakaimposible noon. Any Querio will lose their minds kapag nakita ang anak niya.

Maingay ang classroom dahil puno iyon ng mga magulang na kumukuha ng picture. Natalia ran to her friends. Mas matatanda iyon ng ilang taon kumpara sa kanya.

"She's really an active child." Polo was quietly observing her.

Tumango si Samuela at pinanood ang anak.

"I like her this way, Polo." she smiled.

Lumapit na ang isang teacher para sabihin ang gagawin. Pinasuot na ang mga costume at pinapila na sa labas para sa isang parade.

Tuwang tuwa si Natalia sa costume niya. Panay ang kuha nila ni Polo ng picture. She instructed Natalia to smile when she saw Olivia Querio entering the classroom, sa likuran ay si Kristoff na buhat-buhat ang anak na si Vicci.

Olivia smiled at her and went to Vicci's table to change his clothes. Vicci's a tomato. Kristoff nodded at her and helped his wife.

Sinulyapan niya si Polo na hawak ang kamay ni Natalia at kanina pang nakatalikod sa kanila. Nakahinga siya ng maluwag doon.

The parade started. May masiglang kanta tungkol sa gulay habang pumaparada ang mga bata sa isang maliit na stage.

Samuela clapped her hands when she saw  Natalia heading out to the stage. Nakangiti ito ng malaki at panay ang kaway sa direksyon nila.

She snapped pictures. Polo shouted praises for Natalia, too.

Masayang masaya si Natalia doon. Sumunod din ang anak nina Kristoff at Olivia matapos ang ilang batang lalaki.

He was so shy. Marahan ang lakad at hindi man lang ngumingiti.

"Go, Vicci! Smile, baby!" hiyaw ni Olivia at pumalakpak.

Tumigil lang ito sa harap ng dalawang segundo at bumalik na ulit sa backstage.

"Ang cute nung bata, Ma'am ano? Gwapo 'yan paglaki." comment ni Ningning sa tabi niya.

Mismo, Ate Ningning! Querio din 'yan eh. She wanted to say pero tango lang ang nasabi niya.

The program went well. Nagsimula na ang ilang palaro ng mga teachers sa daycare para sa mga bata.

Tatlong beses na sumali si Natalia sa mga pa-games. Kinabahan pa siya ng gawin silang magpartner ni Vicci sa paper dance.

Sinulyapan niya si Kristoff. Tahimik itong nakaupo sa tabihan ng asawa, seryoso ang tingin sa anak niya.

Humilig siya kay Polo na mukhang alam na din kung bakit hindi siya mapakali.

"Polo... I think he will say this to Athos." she said.

Polo nodded.

"Unahan mo na?" tanong niya.

Ngumuso si Samuela at nagkibit-balikat. Naputol ang sasabihin niya ng makita niyang tumayo si Kristoff at may binulong kay Olivia.

Nakangiting tumango si Olivia at binalik ang tingin sa anak na naglalaro. Sinundan niya ang papaalis na pigura ni Kristoff.

May kausap ito sa telepono at mukhang naglalakad na papunta sa parking. Pumikit si Samuela. Pakiramdam niya ay lalabas ang kanyang puso sa dibdib dahil sa bayolenteng pagkabog nito.

Is he calling him? Sasabihin niya ba ang nadiskubre niya?

Hindi niya alam ang mararamdaman. Kristoff is Kristoff. Hindi gaya ni Gregory, na kaya pa niyang mapigilang magsalita. He's brother was on a different level. They are not that close...

Nawala siya sa naiisip nang sumigaw ang isa sa mga teacher doon para iannounce ang nanalo. Saka pa lang niya nakita ang anak na si Natalia, na naiiyak habang tumatakbo papunta sa kanya.

She hugged her. Natalo si Natalia kaya umiiyak na ito ngayon. They were just the runner-up. Vicci silently sat on her mother's lap. Nagkatinginan sila ni Olivia.

She gave her a  small smile. Sinuklian naman ito ni Olivia. Kristoff came back, may binubulong kay Olivia.

Olivia just nodded and whispered something before she kissed his lips. Niyakap ni Kristoff saglit ang anak at nagmamadaling umalis.

The teachers announced that everyone can eat at the buffet. Pumila na ang mga tao doon. Polo accompanied Natalia. Nakapila na din si Ate Ningning doon.

She just stayed there. Hindi pa din humuhupa ang  kanyang kaba.

Sinabi niyang kakausapin niya si Athos pero hindi pa siya handa ngayon. Maghahanap pa siya ng magandang tiyempo para doon. Knowing that you have a daugther will shock him.

Tinulungan niyang kumain si Natalia. The food was okay. Nahirapan pa siyang pakainin dahil puro may sahog na gulay iyon. Natalia's being picky when it comes to vegetables.

"Sam, where's the toilet?" tanong ni Polo matapos kumain.

"End of that hallway." she answered.

Polo nodded.

"I will just wash my hands. Just stay here."

Hinayaan niyang umalis si Polo. Natalia's done eating. Nagmamadali siyang bumalik sa mga kaibigan niya. She's now showing her barbie doll to her friends.

Si Ate Ningning ay busy sa pag-aayos ng mga gamit nila sa classroom habang naririto sila ni Natalia sa field.

Tumunog ang cellphone niya sa ilang tanong tungkol sa trabaho. Nakaleave kasi siya ngayon para sa event na ito.

Halos nakain na siya ng pakikipagtext nang pag-angat niya ng tingin ay wala na si Natalia doon.

Nilingon niya ang paligid. Hindi niya makita ang anak sa dagat ng tao. Gumapang ang kaba sa dibdib niya.

Paano na lang kung may dumukot sa kanya? Hindi imposible iyo  dahil sa dami ng banta niya sa buhay.

Nagmamadali siyang sumiksik sa mga tao sa mga booth. Lumingon siya sa paligid. Ang mga kaibigan ni Natalia ay kasama na nang mga magulang. Sabi nila, umalis si Natalia para ipakita sa iba pang kaklase ang kanyang laruan.

Pinagpapawisan siyang tumakbo sa malawak na field. Tinawagan na din niya si Polo sa takot.

"I will look for her sa mga classroom. Baka sumunod kay Ningning." sabi ni Polo.

"Okay. I will look for the security. Iaalert ko rin sila. Thanks, Polo." she ended the call and ran.

Ngunit sinuswerte ka nga naman, wala siyang makita ni isa. Pumunta siya sa parking lot. Sigurado siya kanina na may nakita siya room na guard.

She was about to approach the guard nang marinig niya ang tawa ng anak sa hindi kalayuan.

Nilingon niya ang maliit na bench sa ilalim ng isang puno. Nakita niya ang anak na nakangiti sa pamilyar na lalaki.

"This... Corrine!" she cannot say clearly but tried to point at her doll.

Tumango ang lalaki sa kanya.

"She's beautiful." he said kahit na kay Natalia nakatingin.

Pinapakita nito ang kanyang laruan. Nakatitig ng seryoso ang lalaki sa kanya.

Tumakbo siya papunta doon. Hindi pa siya tuluyang nakakalapit ng tumunog ang cellphone niya sa tawag ni Polo.

Nakuha ng tunog ng kanyang cellphone ang atensyon ni Athos. May galit ang tingin na ibinibigay nito sa kanya.

Tumigil siya sa paglapit at nakipagtitigan kay Athos. Sinagot niya ang tawag nito.

"Sam, she's not here! Naalert mo ang mga security? I will call the police." rattled na sabi ni Polo.

"No need. Nakita ko na. Salamat, Polo." she ended the call.

"Mama!" Natalia ran to her.

Hindi niya inaalis ang tingin kay Athos ng binuhat niya ito. Walang kamalay-malay si Natalia doon.

Nat, this is your Papa.

Tumayo si Athos at maigting ang panga na binaba ang tingin sa anak. There were unshed tears on his eyes.

"We need to talk." he demanded.

Ninenerbyos na tumango si Samuela. She heard footsteps. Nilingon nila ang tumatakbong si Polo at Ningning sa direksyon nila.

Polo stopped when he saw Athos. Walang kaalam alam si Ningning na nilapitan si Natalia.

"Naku! Natalia! Pinakaba mo talaga ako. Akala ko nawala ka na." puno ng alala niyang sabi at nagawa pang haplusin ang bata sa pisngi.

Polo cleared his throat.

"Ate, umalis muna tayo. Mukhang kailangan nilang mag-usap." he said.

Naguguluhan si Ningning na tumingin sa kanilang dalawang seryosong nagtititigan doon.

"Huh? Sir, ano-"

"Ate, kunin niyo muna si Natalia. May kailangan lang akong kausapin." pagputol ni Samuela.

Naguguluhang kinuha ni Ningning si Natalia. Halos hilahin na ni Polo papalayo ang helper.

Nang maiwan sila ay lumapit si Samuela. Umupo na muli sa bench si Athos. May kaunting distansya sa kanila nang maupo na rin si Samuela sa tabihan nito.

"W-Why are you here?" she casually asked.

Rinig ang sounds mula sa speaker. Mukhang tuloy na ulit ang program.

"Kristoff is needed on the field. He asked me to watch over his family." he answered.

Hindi akalain ni Samuela na sasagutin iyon ni Athos. She's ready for him to spit fire at her. That was what she imagined everytime she thinks of this scenario. It's a shock to her, that everything's... different.

"You met her," that's all she can say.

Nakakabingi ang katahimikan sa pagitan nila. Mabilis ang kabog ng kanyang dibdib. Pinaglaruan na lang niya ang kanyang daliri para maibsan iyon.

"What's her name?" he asked.

May kaunting pagkabasag ang boses ni Athos. Para bang pinipilit magpakatatag kahit na hindi niya kaya.

Samuela sighed.

"Althea Natalia Montecillo." she said.

Parang hudyat iyon kay Athos. Tumulo ang luha niya at agaran ding pinunasan iyon. Samuela tilted her head para punasan din ang kaunting luha na tumakas doon.

"She's too... I already had this hunch that she's mine. Fuck." he cussed.

Tumango si Samuela.

"I want to tell you... but I don't know how. Things got messy, Athos. I am so sorry." she cried.

Hindi kumibo si Athos. Nanatili ang tingin niya sa mga sapatos niya pero may mga munting hikbi.

"I shot you." nahihirapan niyang sabi.  "I almost hurt our daughter."

Kinagat ni Samuela ang kanyang labi at umiyak. Hindi na niya kayang pigilan iyon. Aaminin niyang may namuong galit sa puso niya noong panahong iyon.

At first she thought she deserved it, pero sa tuwing maiisip niya na buntis na siya noong binaril siya... hindi niya maalis ang galit na bumubukal sa kanya.

"I was so messed up! I was never violent, Sam. You know that. It's just... I was so mad. Shit, my life collapsed in a blink of an eye." Athos said with a hint of regret. Puno nang pagsisisi ang mga mata.

Samuela nodded.

"I woke up the day you did that." she bravely said.

"I instantly knew that you're not ready for Natalia... we're both a mess." she continued.

Nilagay ni Athos ang kanyang kamay sa kanyang mga palad.

"I was a mess but I can compromise, Sam. I can compromise for our daughter. God," he whispered.

Pinalis ni Samuela ang kanyang luha.

"I was paralyzed." she confessed.

Natigilan si Athos sa sinabi ni Samuela.

Matapang na nag-angat ng tingin si Samuela sa binata. May luha sa mga mata nila.

She bit her lower lip. Akala niya ay hindi niya pa kaya but the truth was, she'll never be ready kahit gaano pa katagal. It will just prolong the pain and weight it gave them.

Kaya ngayon, ay kailangan niya nang palayain ang sarili. They both have fair share of each other's pain. Oras na para ilabas iyon.

It's for their selves, their daughter.

"The bullet you gave me damaged a nerve on my leg Athos. And hell! I don't even know I was pregnant by then."

Nanatiling tulala si Athos. Patuloy ang pagtulo ng luha niya. She never saw him cried before. This is the first time she saw it.

He looked more beautiful when crying. And she hated it. Nag-iwas siya ng tingin at kinuyom ang mga palad.

"I cannot walk! Nagising ako sa puder ni Uno. I want to runaway for my daughter, for myself... but I can't. And you don't know how scary that was. You don't know how scared I was. Buntis ako pero wala akong magawa. You never know the feeling, Athos. You will never know..."

Athos nodded weakly, tinatanggap lahat ng sumbat ni Samuela. He's breaking down in front of her, at wala na siyang pakialam pa kung makita siya nang kahit na sino na ganito kahina.

It's the first time he felt helpless. The first time he felt vulnerable.

"I want to tell people that I am innocent. But everytime I saw my wanted picture on the tv, and how the amount went higher and higher everyday... it scared me more. Natatakot ako hindi para sa akin, kung 'di para kay Natalia. I don't want to go to jail and leave her alone."

"You will never go to jail. I won't let you leave our daughter's side." umiiling na pangako ni Athos.

"I had to agree to Uno's plan of killing me. Mali pero kailangan. Gusto kong makalayo. Gusto kong magsimula ulit para kay Natalia. At kinaya ko. Kaya bumalik ako para matapos na lahat."

Tumango si Athos.

"I understand that you did what you have to do. I understand. I just want to hold my daughter. Kahit iyon na lang, Sam."

×××
#BSKab37

Hi. Hanggang chapter 45 na lang po ito :) Thank you.

Follow and comment here!

Continue Reading

You'll Also Like

136K 3.6K 54
One night changed everything between Francesca and Marco. Ang isang gabing hindi nila pareho sinasadya ay naging dahilan para matali sila sa isa't-is...
10.6K 319 35
FAR IN TIME (Completed) Romance/Teen & General Fiction Language : Tagalog-English "You are the sun that light up my life, but can be the heat that w...
20.1K 997 45
Pleasures 1 of 3 Can lust turn into love? Is love enough to mend a broken man? Is playing with Fire worth it? Two different worlds collide. One seeks...
1.9M 38.8K 44
Cassidy dela Vega was left waiting in front of the now-empty church. Time passed and her hope became despair, her despair turned into rage as she acc...