Precious [Short / COMPLETED]

By BelomaCassidy

14.8K 399 82

More

Prologue
Chapter 1: Meet Precious
Chapter 2: Meet Ian
Chapter 3: Ian meets Precious
Chapter 4: Precious meets Raynier
Chapter 5: Precious meets Ian
Chapter 6: Kiss
Chapter 7: The Attempt
Chapter 8: The Return
Chapter 9: Escape
Chapter11: Doubt
Chapter12: The decision
Chapter13: Francine Marquez
Chapter 14: The Truth
Chapter 15: Flashback
Chapter 16: His Past
Chapter 17: Revelation
Epilogue

Chapter10: Sweet Mistake

566 14 0
By BelomaCassidy

______o0o______

Chapter 10

Precious' POV:

Hindi ko inaasahan ang mga pangyayari. At wala akong ideya kung paano nangyari. Sa isang iglap, biglang nag-iba ang oras. Naging maliwanag ang kanina'y gabi. Napakataas na ng araw at kitang-kita ko na ang lahat. Hindi kapani-paniwala. Nananaginip ba ako?

"A-anong nangyayari Rener?"

Nakaupo parin ako sa aking kama habang hawak parin ni Rener ang isa kong kamay. Ngumiti sya sa akin at kinuha na rin ang isa ko pang kamay. Dahan-dahan nya ako hinila patayo. Tinignan ko ang paligid. Wala naman nagbago maliban sa naging napakagaan ng aking pakiramdam. 

Kakaiba.

"Tara na Prechus?" yaya sakin ni Rener ng nakangiti parin.

Tumango ako bilang sagot tapos non ay bigla nya akong hinila at tinakbo hanggang sa makarating kami sa terrace. Nakakapagtaka dahil hindi man ako hiningal. Parang wala lang. Paano? Binitawan ako ni Rener tsaka sya pumwesto sa may dulo pagkatapos ay tumalon sya. Gaya nung una, hindi man sya nasaktan. 

Bakit?

"Prechus! Ikaw naman!" sigaw nya mula sa baba.

"P-pero may araw."

Ninenerbyos na naman ako.

"Ayos lang yan! Hindi mo parin ba napapansin?"

Ang alin?

"Tayo lang nandito! Walang guard, walang ibang bahay, walang ibang tao at higit sa lahat, wala ang sakit mo! Kaya bumaba ka na dahil ang sakit na ng lalamunan ko sa kakasigaw!"

Tinignan ko ang paligid. Tama sya. Parang nalipat ang bahay namin sa isang malawak na lupain. Ang ganda. May mga ilang puno, halaman at hayop.

"O ano? Talon na!"

Ayaw parin. Takot ako.

"Jan ka lang! Dadaan ako sa loob!"

Papasok na sa ako ng muli syang nagsalita.

"Sumisigaw ka na nyan? Hahaha, bakit ang lamya parin? Bwahahaha~"

Wala na. (-_-) Wala na sa sarili nya si Rener. Tawa lang sya ng tawa at ang totoo nyan hindi ako naiinggit. Konti lang pala. 

"Uy, nakangiti ka ulit!"

Siguro nga. Ang saya kasi sa pakiramdam.

"Huwag kang dadaan sa loob! Dito na lang para exciting! Halika, sasaluhin kita!"

"A-ayaw!"

Nakakatakot talagang tumalon. Tumingin ako sa paligid ng terrace kaya nakita ko yung puno na nakadikit don. Linapitan ko ang puno tsaka ko kinapitan. Ito ang gagamitin kong hagdan para makababa. Hmm, tama si Rener. Nakaka-excite nga.

"P-prechus! Ahahaha~"

Ano na naman problema nun?

"Para kang palaka kung makakapit sa puno ah? Bwahahaha~"

A-ano? Ako? Palaka?

"Kyaaaaaaaaah!"

Nadulas ako. Kasalanan kasi nya. Pero hindi man masakit nung nahulog ako.

"Para kang baby Prechus. Natakot ka nga ata. Ayus na kaya dumilat ka na."

Binuksan ko ang aking mga mata ngunit mahigpit parin ang pagkakasara ng aking mga palad. Para nga akong baby na buhat ng isang ama. Sinalo pala ako ni Rener?

"Namumula ka ulit."

Ayan na naman ang bilis ng pintig ng puso ko dahil sa ngiti at titig nya. At mas bumilis pa ng unti-unting lumalapit ang kanyang mukha sa akin. Ang sabi nya wala daw sakit sa lugar na ito pero parang may sakit ako sa puso. Napakaseryoso kasi ng dating nya. Hindi ko kaya ang paglapit pa nya.

"I-ibaba m-mu-muna ko."

Parang medyo nagulat sya?

"Sabi mo e."

At binaba na nga nya ako pero bigla syang tumalikod at nagkamot ng ulo. May kuto ba sya? Lumingon din naman sya agad pagkatapos non. Muli akong hinawakan sa kamay ni Rener.

"Tara doon tayo." at muli nya akong hinila patakbo papunta kung saan. 

May iba. Hindi na katulad nung hinawakan ni Rener ang mukha ko ng kanyang kamay. Hindi na malamig.

"Ayan. Nandito na tayo." sabi nya bago bitawan ang kamay ko. Tinignan ko ang paligid.

"Ang ganda." yan ang mga lumabas sa bibig ko. Parang nakikita ko ngayon yung kung ano ang nasa nabasa kong tula.

'All things bright and beautiful,

All creatures great and small,

All things wise and wonderfull,

The Lord God made them all.'

Tanda ko pa ang ibang parte dahil nagtanim ang tula ng malaking pakainggit sa kung ano ang aking nabasa. Mga tanawin na dati ay iniisip ko lang na ngayon ay nasa harap ko na.

'Each little flower that opens,

Each little bird that sings,

He made their glowing colors,

He made their tiny wings.'

Si Cecil Frances Alexander ulit ang may gawa ng tula. Isang taong napakaganda ng tingin sa mga bagay base sa mga kanyang gawa. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit.

'The purple headed mountains,

The river running by,

The sunset and the morning

That brightens up the sky.'

Kung pwede lang sana na mawala na ng tuluyang yung sakit ko. Gusto ko sa labas. Napakasimple pero napakasaya. Napakapayapa.

'He gave us eyes to see them,

And lips that we might tell

How great is God Almighty,

Who has made all things well.'

Sa totoo lang bitter ako noon sa last stanza na yan. Ngayon? Hindi na. At least, masasabi kong kahit isang beses lang sa buhay ko ay nakita ko ang kadandahang ito.

"Kanina ka pa tahimik jan Prechus. Natulala ka na lang. Totoo yang mga yan. Tara don naman tayo."

Bigla na naman nya ako hinila papunta sa may... 

...lawa? 

Hinatak ko ang aking kamay. Ayaw ko don. Baka malalim.

 "Takot ka na naman? Ano ka ba Prechus? Minsan lang ito."

Kahit na. Tumalikod nalang ako at naglakad. Panonoorin ko na lang sya sa may puno. Ang kaso bigla nya na naman akong hinila. Mali pala. 

"Kyaaaaaaah!" nagulat ako. Binuhat nya ako ngayon yung parang sa bagong kasal. (>_<)

"Tili na ba iyon? Ang hinhin talaga ng boses mo! Wala mang kagana-gana. Ahahahah-ray ko!"

Pinagpapalo ko sya. Tinatakbo nya kasi ako papunta sa lawa.

"Bitiwan mo ko!"

"Oo na! Ayan, binitawan na kita."

Ginawa nya nga kaso sa mismong lawa nya ako binitawan. Akala ko malulunod nako pero hindi naman pala malalim. Hanggang taas lang ng pusod ko ang tubig. Tinawanan ako ni Rener dahil don.

"Pfft~ grabe. Hahaha, takot ka e ang babaw lang naman! Hahahahak-"

Tinapunan ko sya ng tubig mula sa lawa gamit ang aking mga kamay kaya nakainom sya nung tumatawa. Inubo rin sya dahil don. Nalunod? Nakakatawa sya.

"Aaah, yan pala gusto mo ah?"

At gumanti sya sa akin. Para kaming mga maliit na batang naglalaro sa tubig. Ang saya. Nakakatuwa talaga. Lahat ng mga ito ay unang beses na nangyari sa akin. Masaya talaga itong ginagawa namin kaso bigla syang tumingil kaya ako na rin. Nakita ko syang... 

...namumula?

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Kasi Prechus, tumatawa ka kanina nung nagbabasaan tayo. Ang ganda mong tignan kaya

napatigil ako. Kasi naman- Tsk!"

Nagkamot na naman sya pero sa batok naman ngayon. Pwede bang magkakuto don? Para syang nahihiya. Nakakatuwa syang tignan.

"Ikaw dahilan Rener kaya salamat."

Umiwas sya mg tingin pagkasabi ko nun. Lumapit ako sa kanya at tumingkad. Ang taas din nya. Gusto ko syang bigyan ng 'Thank You Kiss' sa pisngi kagaya ng turo sa akin ni Ian. Gusto kitang pasalamatan Rener sa maraming bagay. Hahalikan ko na ang kanyang pisngi ng bigla syang humarap. 

Pareho kaming nagulat...

______o0o______

**Next==> "Doubt"

-->BelomaCassidy

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
56M 988K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
7.4M 378K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
393K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...