✔Sold to Medusa

By NoxVociferans

57.1K 5.2K 481

Anong gagawin mo kapag nalaman mong ibinenta ka ng sarili mong bestfriend? Matagal nang alam ni Rein Aristell... More

PROLOGUS
UNUM
DUO
TRES
QUATTOUR
QUINQUE
SEX
SEPTEM
OCTO
NOVEM
DECIM
UNDECIM
DUODECIM
TREDECIM
QUATTOURDECIM
QUINDECIM
SEDECIM
SEPTEMDECIM
DUODEVIGINTI
UNDEVIGINTI
VIGINTI
VIGINTI UNUM
VIGINTI DUO
VIGINTI TRES
VIGINTI QUATTOUR
VIGINTI QUINQUE
VIGINTI SEX
VIGINTI SEPTEM
DUODETRIGINTA
UNDETRIGINTA
TRIGINTA
TRIGINTA UNUM
TRIGINTA DUO
TRIGINTA TRES
TRIGINTA QUATTOUR
TRIGINTA QUINQUE
TRIGINTA SEX
TRIGINTA SEPTEM
DUODEQUADRAGINTA
UNDEQUADRAGINTA
QUADRAGINTA
QUADRAGINTA UNUM
QUADRAGINTA DUO
QUADRAGINTA TRES
QUADRAGINTA QUATTOUR
QUADRAGINTA QUINQUE
QUADRAGINTA SEX
QUADRAGINTA SEPTEM
DUODEQUINQUAGINTA
UNDEQUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA UNUM
QUINQUAGINTA DUO
QUINQUAGINTA TRES
QUINQUAGINTA QUATTOUR
QUINQUAGINTA QUINQUE
QUINQUAGINTA SEX
QUINQUAGINTA SEPTEM
DUODESEXAGINTA
UNDESEXAGINTA
SEXAGINTA
SEXAGINTA UNUM
SEXAGINTA DUO
EPILOGUS

SEXAGINTA TRES

735 66 1
By NoxVociferans

When Medusa went inside the portal, it felt like she took a part of me with her.

Hindi ko maunawaan kung bakit masama ng pakiramdam ko sa mga nangyayari, pero pinilit ko na lang isantabi 'yon. I don't want to get in her way. Sa wakas, nahanap na namin si Linae, naalis na ang sumpa niya ng pagiging pusa (though, I'll really miss that chubby orange cat), at nakabalik na siya sa templo ni Athena.

She waited so long for this to happen, pero ngayong naiisip ko ito, bakit ni minsan hindi niya sinasabi sa'min ang mga plano niya "pagkatapos" niyang pumunta kay Athena?

'Pwera na lang kung hindi na siya babalik.'

No. Shit! Ano bang iniisip ko? Babalik siya. Babalikan niya ako.. she'll come back, and I'll be patiently waiting here. Kahit gaano katagal pa abutin, handa akong maghintay.

Dahil hindi ko na alam ang gagawin ko kung tuluyan na siyang mawawala sa'kin.

"C-Caprissa?"

Binalubog ng boses ni Markus ang katahimikan ng templo. Nang lumingon ako sa direksyon ni Caprissa/Linae, I felt my blood ran cold. Pakiramdam ko tuluyan na akong natuod sa kinatatayuan ko nang makita kong unti-unti nang nawawalan ng kulay ang balat ng bata. Her once tanned skin turned paler with every passing second.

Mabilis kaming tumakbo papalapit sa kanya.

"CAPRISSA!"

Tatama na sana sa sahig ang kanyang ulo kung hindi lang namin siya nasalo. Maingat namin siyang inihiga. Napapadaing sa sakit si Caprissa at para bang nahihirapan siyang ikilos ang kanyang katawan...

Pinanood namin siyang unti-unting mawalan ng buhay.

Her shallow breathing sounded so painful. Her skin became colder than usual, and it sickens me how much it reminded me of a corpse. She was struggling to keep her orange eyes open, but it lost their light a long time ago.

'A-Anong bang nangyayari kay Caprissa?'

Napatingin ako sa lagusang binuksan niya kanina. May hinala kong may kinalaman ang portal na 'yan kung bakit ito nangyayari ngayon sa kanya. Para bang hinihigop nito ang kanyang enerhiya. Unti-unti siyang ninanakawan ng karapatang mabuhay.

"M-Markus... K-Kuya Rein?"

Agad kaming lumapit sa kanya. Pakiramdam ko unti-unti na ring nadudurog ang puso ko ngayong nakikita ko siyang naghihingalo. Damn it! B-Bakit ba ito nangyayari ngayon?

Lumapit sa'min si Morgana. Napabuntong-hininga ang mangkukulam at marahang umiling. She looked somewhat apologetic.

"Her body is too young to do such spell.. Bilang kabayaran, inuubos ng mahika ang anumang natitira sa kanyang buhay."

Hindi ko na pinakinggan ang iba pang sinabi ni Morgana. Nakatuon ang atensyon ko sa nag-aagaw buhay na batang malapit nang sumuko. It pains me to see her innocence slowly fade away..

"Caprissa, hang in there.. d-dadalhin ka namin sa ospital. P-Please, don't go yet..." I tried to smile at her, pero alam kong halatang pilit lang ito.  "E-Everything will be alright.."

Pati si Markus, nahihirapan na ring tumingin sa kalagayan ni Caprissa.

Sa kabila nito, sinubukang suklian ni Caprissa ang pilit kong ngiti. Her lips curled into a weak smile. Soon, tears filled her eyes. Her sobs broke our hearts as she desprately tried to speak.

"S-Si Lady Medusa..."

Lalo akong kinabahan nang banggit niya ang pangalan ni Medusa. Bumilis ang pintig ng puso ko at pinuno nito ang nakabibinging katahimikan ng templo. May bakas ng awa sa ekspresyon ng mga diyos at diyosa. I forced myself to ignore how their looks of pity made me even more anxious. Sa hindi malamang dahilan, dumako ang mga mata ko sa portal na malapit nang magsara. Hindi pa rin bumabalik si Medusa.. ano bang plano niya pagkatapos ng pag-uusap nila ni Athena? Shit.

Please.. don't leave us again, Lady Medusa.

Ilang sandali pa, kinumpirma na ni Morgana ang kanina ko pa  kinatatakutan.

"Sinabi niya ba sa'yo kung bakit niya gustong bumalik sa templo ni Athena?"

"H-Hindi..."

"Medusa will make Athena remove her curse.. along with it, Athena will take away her immortality." Nag-iwas ng tingin si Morgana nang mapansin kong may namumuo nang luha sa kanyang mga mata. Nanginginig na rin pala ang nakakuyom niyang mga kamay. "Rein, ilang daang taon nang nakikipagsapalaran si Medusa para mabuhay... k-kapag nawala na ang sumpa niya, babalik siya sa pagiging tao.. and when that happens, she'll..."

Sa pagkakataong ito, hindi ko na sigurado.

"K-Kuya Rein..  babalik pa po s-sa'tin si Lady M-Medusa, 'di ba?"

Hindi ko na sigurado.

Huminga ako nang malalim. 'Damn it, Medusa...bakit lagi mo na lang kami itinutulak papalayo?' Naramdaman kong pinisil ni Caprissa ang kamay kong hawak niya. She was slowly surrendering.. slowly slipping away. She was crying, but her eyes begged me one last time.

One last heartbreaking request.

"I-I promise, Caprissa.. I'll bring her back. Then, Lady Medusa will stay in Eastwood...with us."

"Wala na po ako k-kapag nangyari 'yon, Kuya Rein.."

Lumuwag na ang hawak ni Caprissa sa kamay ko. Kasabay nito, sumilay ang huling ngiti sa mga labi niya. Isang mahinang pasasalamat. And in that moment, her tears stopped, leaving marks on her pale cheeks. Her skin grew colder and lifeless. Her once cheerful and innocent eyes became empty...

And she wasn't breathing anymore.

We lost her.

Caprissa.

Huminga ako nang malalim at pinilit tumayo kahit na pakiramdam ko nanlalambot pa rin ang mga tuhod ko. Nanghihina kong nilapitan ang lagusan kung saan naglaho kanina si Medusa. I dared one last glance at Caprissa.. 'I'll bring her back. I promise.'

Markus and the others didn't stop me.

Walang padadalawang-isip na akong nagtungo sa sagradong templo ng diyosang si Athena.

*

Naaaninag ko siya.

Just like that night we chose to give ourselves to each other, Lady Medusa was smiling at me. No, this wasn't her sarcastis smiles or playful smirks.. her smile was sincere.

A serene smile.

She looked even more angelic when she smiles like that. No wonder the goddesses envy her.

Wala na ang makamandag na mga ahas sa kanyang ulo. Napalitan ito ng kulay berdeng buhok na sumasabay sa indayog ng malamig na hangin. Nakasuot siya ng isang kulay puting bestidang laan sa mga diyosa at nakatitig lang sa akin.. Her deep brown eyes were so enchanting. No... Everything about her was enchanting. She was simply a goddess in her own way. Her soul spoke a thousand words to me, and I struggled to hang on to every single one of them because I'm afraid that if I don't... I'll lose her again.

"Lady Medusa?"

Nawala ang imahe niya.

Naglaho na parang isang alaala.

I was inside Athena's temple, surrounded by candlelights and marble columns. Nang ilibot ko ang mga mata ko para hanapin si Lady Medusa, doon ko napansin ang isang altar sa di-kalayuan. Nang makilala ko ang bulto ng babaeg nakahiga roon, agad akong tumakbo papunta sa kanya. Lalong lumakas ang pintig ng puso ko. Kinakabahan ako.. Natatakot ako.. bullshit. B-Bakit ba siya nandito?

"L-Lady Medusa...?"

She just laid on top of the stone altar. Her vibrant green hair carefully cascaded down like waves of an ocean. Suot niya ang puting bestidang nakita ko kanina sa ilusyon. Nakapikit ang kanyang mga mata. Nang hawakan ko ang kamay niya, doon ko napansing wala na rin siyang pulso.

At alam kong wala na rin ang black kissmark tattoo sa leeg ko.

My eyes widened.

'N-No..'

I felt so fucking terrified and helpless.

"L-Lady Medusa?! Gumising ka.. p-please. D-Damn, don't do this to me.. k-kailangan ka namin. Caprissa's waiting for you.."

Tuluyan nang nabasag ang boses ko. Hindi ko na pinigilan ang mga luhang tuluyan nang lumandas sa mga pisngi ko.

I stared at her in disbelief.

I felt my shitty heart being torn into a thouand pieces, crushed, and left to bleed with an aching memory of her.

Ilang sandali pa, narinig ko ang boses ni Athena.

"It was Linae's idea."

Huminga ako nang malalim at walang emosyong binalingan ang diyosang nakatayo sa likuran ko. Kalmado lang siyang ngumiti sa akin. She wore the classic Grecian dress with a golden owl necklace around her neck. Dark wavy hair and intimidating black eyes.

Tumalim ang tingin ko sa diyosa ng karunungan. Nang hindi ako umimik, ipinagpatuloy niya lang ang sinasabi niya.

"When Medusa chose to be a priestess here in my temple, she swore herself to a life of purity. Being a priestess means she needed to be a virgin. Bukod doon, hangga't pinaglilingkuran niya ako, hindi siya pwedeng magkaroon ng asawa o ng sarili niyang pamilya hanggang maubos ang kanyang mga mortal na taon. She was only 18 back then, so she didn't question the rules. Pero kahit pa itago niya ito sa akin, alam kong may karelasyon na siyang mortal noon..."

Napasimangot ako. Hindi pa rin ako umaalis sa tabi ni Lady Medusa. Lalong nabuhay ang takot na nararamdaman ko nang makita kong tumatanda na ang katawan ni Lady Medusa.

'Kung tama ang sinabi ni Morgana, ngayong inalis na ni Athena ang kanyang imortalidad, time will catch up with her... All those years she spent living as an immortal will finally take its toll on her body.'

Napalunok ako. Damn this.

"And what does Linae have to do with this?"

"Linae was a disciple in my temple. Later on, I found out that she was a matchmaker."

"A matchmaker?"

Marahang tumango si Athena, "Nakikita ni Linae ang mga posibilidad. Alam niya kung sino ang para kanino. She matches souls that are unlikely to meet---souls that are almost impossible to meet. One night, Linae approached me and told me that Medusa was bound to live another life; bound a soul who isn't even born yet that time...yours. Noong una, isinawalang-bahala ko ito. Medusa was a priestess, at hangga't birhen pa siya, hindi namin kailangang mamorblema tungkol sa propesiya ni Linae. Like I said, a priestess isn't allowed to be married nor have a family. As long as she was bound to her obligations in my temple, the possibility of 'matchmaking' wasn't important." Huminga nang malalim ang diyosa at bahagyang tumingin sa direksyon ni Medusa.

So, that's why she had Pamela/Aphrodite watch me while I was growing up. Alam na nilang mangyayari ito. Alam nilang magkakakilala kami. Kung iba lang sana ang sitwasyon, baka natawa pa ako dahil si Desmond pa ang naging tulay para mangyari ito. He unknowingly got himself involved in this mess because he's greedy.

"Malungkot man isipin, pero nagbago ang takbo ng kwento noong gabing ginahasa siya ni Ares--ang gabing nawala niya ang kanyang puri. That night, she came home crying after her breakup with Desmond. Mugto ang mga mata niya noong inamin niya sa'kin ang nangyari. She lost her virginity...she was no longer a priestess. Alam naming pareho na kailangan ko na siyang paalisin sa templo. Kaya nagulat na lang ako sa hiniling niya sa'kin..."

"She asked you to curse her and turn her into a monster?"

Tumango si Athena.

"She wanted me to help her, to make her numb to the pain... nagmakaawa siya sa'king tulungan ko siya dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman niya. She wanted me to take her heartache away... But in order to do so, I had to take her mortality away from her as well. And her mortaliy was the only thing that made her 'different' from her sisters. Kaya nang inalis ko ito sa kanya, naging imortal na rin siya kagaya nina Stheno at Euryale---as a consequence, she became like them. Medusa became a monster."

"Ang sabi ni Medusa, m-may kondisyon ang sumpa?"

"Yes. I took her mortality away from her, but she can claim it anytime she wants...when she's finally ready to accept the pain that she tried so hard to push away. Pero kapag kinuha na niya ito sa'kin, at bumalik na siya sa pagiging tao, malinaw kong ipinaliwanag na tutubusin na rin siya ng kamatayan."

All this time.. Medusa wanted to go back to Athena's temple in order to...die?

'Gusto na niyang mamatay. Ilang ulit niyang sinabi sa'king napapagod na siyang mabuhay nang isang halimaw...pero bakit mo ito ginawa, Lady Medusa? Hindi pa ba kami sapat na rason para mabuhay ka?'

Sa isang ilap, namuo ang usok na nagmumula sa mga kandila. The cloud of black smoke floated in the air between us as Athens showed me a memory...

It was an older version of Caprissa and Athena, talking inside the library.

"Lady Athena, may naisip akong paraan para iligtas si Medusa..."

"Linae, tama na. Tungkol na naman ba ito sa match making mo? Pinili na ni Medusa ang mabuhay nang mag-isa. Pinili niyang maging halimaw at takasan ang sakit ng dulot ng kanyang nakaraan---"

"Pero ni minsan po, hindi niya piniling maging masaya," malungkot na sabi ni Linae. Her orange eyes held so much emotion--just like Caprissa's. Huminga nang malalim ang disipolo at muling nagsalita, "Lady Athena, paano kung pigilan ko siyang pumunta sa'yo?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Alam po nating hindi magtatagal, babalik siya sa'yo para bawiin ang mortalidad niya. Mapapagod siyang mabuhay ng isang halimaw, kaya't hihilingin na lang niyang mamatay nang hindi man lang nakikilala ang taong makapagpapabalik sa mga ngiti niya. We both know she deserves to be happy, Lady Athena. Medusa deserves to feel love and find a reason for her to stay alive. Kaya't isusumpa ko po siyang maging pusa. That way, she won't be able to step foot inside this temple. Cursed ones are not allowed, right?"

Tumango si Athena. "Yes.. naging exemption lang naman siya dahil siya mismo ang humiling ng sumpa niya. If you curse her to transform into a cat for a certain amount of time, the rules of the temple will be effective."

"Yup! At ang tanging paraan lang po para matanggal ang sumpa niya ay kung hahanapin niya ako at pipilitin niyang alisin ko ito. But of course, I'll go into hiding.. she won't find me; that way, she'll be forced to live long enough to meet him." Nakangiti nitong tugon.

"Pero paano kung gawin niya pa rin ito? Paano kung mas piliin niyang bawiin ang imortalidad niya kaysa makasama ang lalaking iibigin niya?"

"Let her. Let her have her immorality back. Lady Athena, tell Medusa that it will be alright.. fate will play a part in the end. Believe me."

"Linae, sigurado ka ba sa ginagawa mo?"

"Opo, Lady Athena. Hindi po ako titigil hangga't hindi nagiging masaya si Medusa. I won't allow her to kill herself without finding the love and happiness she deserves.. paulit-ulit man po akong mamamatay at mabuhay, hindi ko kakalimutan ang misyon kong ito. I'm wasn't called the matchmaker for nothing, right?"

At naglaho na ang imahe. The smoke dispersed in the air as Athena slowly approached me with a sad smile.

Will fate play a part to save her? How?

"Katulad ng sinabi sa'yo ni Caprissa noong nasa palasyo tayo ni Hades, she was already the 56th reincarnation. Si 'Caprissa' ang kaluluwa ni 'Linae' na nabubuhay sa panahong ito. Palagi niyang binabantayan si Medusa.. ang libingang nakita mo sa sementeryo ay isang pekeng libingan. She had to trick Ares into believing that she's dead.. dahil alam naming pareho na kapag nalaman ni Ares na buhay si Linae, ilalayo niya ito kay Medusa para hindi siya makabalik sa templo ko. Sa palagay namin, naghihinala na siya kay Caprissa noon kaya ipinatapon na rin niya ito sa Underworld para makasigurado."

May hindi pa rin ako maintindihan. "Bakit kinailangang akusahan niyo si Medusa na isang kriminal? Kung tama ang pagkakaalala ko, Linae accused Medusa of attempting to kill you and the other goddesses!"

"It was part of the plan, mortal. Ako mismo ang nakaisip 'non. Dahil kung hindi namin siya isinumpang maging pusa, inakusahan, at ipinatapon sa kulungan ng Underword, hindi magtatagal at mapapatay siya ni Perseus. Perseus had always been hell-bent in killing Medusa and the other gods even helped him! Pinigilan naming mangyari iyon.. rest assured, palagi kong iniisip ang kapakanan ni Medusa. That's why she was able to escape from the Undeworld. Ako ang nagrekomenda kay Zeus na 'wag lagyan ng mga bantay ang selda niya at gumamit ng kulungang may sapat na siwang sa mga rehas para makatakas siya bilang isang pusa. We knew Medusa's cat curse became an advantage, so Linae and I kept it a secret.. she was 18 when she became a monster. 790 years later, she met you."

She met me. But she said goodbye before I could even get a chance to say hello.

Because she simply chose to leave us again.

Malungkot akong ngumiti. Huminga ako nang malalim at binalingan ulit ang bangkay ni Medusa. Agad akong nataranta at natakot nang makita kong bumibilis ang kanyang pagtanda. Nagiging kulay abo na ang kanyang balat at nalalagas ang puti na niyang buhok. Pakiramdam ko hindi na ako makahinga at sa bawat segundong lumilipas, lalong pinipiga ng katotohanang ito ang puso ko.

"L-Lady Medusa?! N-No.."

I desprately held her in my arms. My who body trembled as I hugged her disintergrating body. She was fading in my arms. Unti-unting binabawi sa'kin ng oras ang kaligayahan ko. Humagulgol na ako nang iyak habang hinahaplos ang kanyang mukha. Oh, how I wanted to see those eyes again...

I kissed her, even when I know it will never be enough to wake her up.

Desperado akong bumaling kay Athena. Seryoso kong tinitigan ang diyosa at nanghihinang lumuhod sa kanyang harapan.

I didn't bother wiping these fucking tears.

"P-Please.. kung may magagawa kang paraan para ibalik siya sa'kin, n-nagmamakaawa na ako sa'yo, Athena.. gagawin ko ang kahit a-ano para lang m-mabuhay ulit si Lady Medusa... Enslave me, cut my hands, curse me, kill me.. d-do what ever you want, just bring her back to me."

The desparation in my voice cracked.

Damn this.

Makalipas ang ilang sandali, huminga nang malalim ang diyosa at nilapitan si Medusa. Nakatitig lang siya sa kanya at para bang malalim ang iniisip. Soon, a small orange light drifted in the air were the portal vanished a few moments ago.

"I can't do anything to save her, Rein Aristello..."

Malungkot na ngumiti si Athena. Sabay naming pinagmasdang dumapo sa sinapupunan ng walang-buhay na katawan ni Lady Medusa ang matamlay na liwanag.

"...but Linae can."

The pale orange light flickered until it vanished on the spot, into Medusa's womb. Binalutan ng nakakasilaw na liwanag ang katawan ni Lady Medusa.

Beside me, Athena sighed.

"Linae always believed Medusa deserved her happiness. She wanted her to live the life she deserves... even if it meant Linae needed to leave a part of her soul to revive her."

---

Continue Reading

You'll Also Like

136M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
4.2M 91.2K 41
Heaven and hell have conditions for you to enter. They won't base it on how you have live your life. They'll give you the privilege to choose. ...
20.8M 762K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...